Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ilan ang toxic friends mo?

10reason

Symbianize Elder
Advanced Member
Messages
1,035
Reaction score
8
Points
28
Marami ka bang toxic na friends sa social media? Ilang beses mo nakikita ang post ng mga toxic mong friends? Isa? Dalawa? O higit pa.

Maniniwala ka kaya kung sabihin kong unlimited ang post ng mga toxic people sa social media now a days kahit group page pa yan o simpleng post ng friends mo, araw araw ganyan sa tuwing papasok ka sa social media nakakasuya ano?
Magugulat ka na lang yung friends mo sa real life mahilig magpost ng walang kwentang bagay ano yun MEMA lang o natuwa sa post. Sus! Maraming ganyang tao sa mundo ng social media halos hindi lang MEMA ang post ang madalas pa nga nagpaparami ng likes maniwala ka man o hindi sakin okay lang, kung duda ka subukan mo sumali sa mga group page sa social media ng malaman mo ibig kong sabihin kung totoo man o hindi. May mga tao din na kaya member sa isang group page ay para maghanap ng true love weh di nga?

Kung ang hanap ng isang tao sa isang group page sa social media ay true love bakit kailangan pa sexy ang photos na halos kulang na lang eh mag burlesk na, para saan yun? Para dumami ang likes niya at makakuha ng atensyon ng ibang tao, majority na makakakuha ng atensyon eh yung mga certified manyak sa social media, kokonti lang papansin sa kanya kahit dummy pa account nilang gamit minsan kahit hindi fake profile ika nga palakasan lang ng loob yan alam mo na sa panahon ngayon mas nagiging vocal ang isang tao sa social media kapag fake profile ang gamit nila kapag may gusto silang I bash in short public humiliation familiar ka no?

May nabasa akong post dati nung member pa ko ng isang group page sa social media at natawa ako sa post niya. Hindi naman masyadong mahalay ang kanyang suot pero halatang mong tease ang post niya kung malabo ang mata mo baka na Wow Mali ka na kasi kung titignan mo maigi yung photo ng nagpost eh hindi siya tunay na Eba, in short beki siya pero sa unang tingin mukha talaga siyang Eba pero tinitigan ko maigi at tama ang hinala ko sa kanyang kasarian, ang nakakatawa pa eh caption niya pa lang ng photos niya halatang naghahanap siya ng ka meet at kung saang lugar magawi so ano pa susunod na mangyayari kung ganon? Alam niyo na ang sagot.

Maraming nauto sa post na yun pero majority mas marami ang hindi natuwa kasi alam ng iba na nagpaparami lang ng likes yung iba nga eh literal na sinabing “Paasa lang yan” yung iba “Isa na namang e***t na nilamon ng sistema” mas masaklap pa “B*kla!” pero ang talagang savage na comment ay ganito “Famewhore spotted!”

Sabagay karamihan ganyan na lalo na sa social media kasi yun daw ang uso weh di nga? Uso ba talaga o gusto mo lang maging isa sa kanila tapos pag napahiya ka bigla ka na lang mawawala na parang bula.

Kapag pinatulan mo ang sinabi nila talo ka kasi PATOLA ka at duwag lang ang gumagamit ng fake profile tapos magsasabi ng hindi maganda sa tao lalo na sa social media world. Hindi rin mawawala syempre yung tinatawag na “keyboard warrior” na akala mo feeling “strong” sa kada comment sa isang post, so paano tatahimik ang mga ganyang tao dalawang lang it’s either ignore mo o sumagot na yung alam mong wala siyang isasagot sa backfire mo.

May times pa nga pagbabantaan ka, bakit ko nasabi? Kasi nabiktima din ako noon kaya alam ko oooopssss…bago ka magreact sa sinabi ko paalala lang hindi lahat alam ko at hindi ako si Mr. know it all ha? May mga times na wala akong balak alamin ang ibang bagay kung interested para sakin aalamin ko talaga pero hindi naman makakatulong sakin no way!

Isa o dalawang beses ko sinagot ang ganong bagay, yung pagbantaan buhay ko. Una dahil sa isang nililigawan ko noon, pangalawa thru text tapos unknown number pa ang ginamit. Alam niyo reply ko?

“Kung gagawin mo sakin ang binabalak mo, gawin mo hangga’t maaga baka maunahan kita”
“Gawin mo na lang puro ka satsat, pakibilisan baka maunahan kita”

So far buhay pa naman ako kasi kung may nangyari saking masama malamang hindi mo mababasa to di ba? Medyo matagal na rin yung nangyari kaya sa tuwing naiisip ko natatawa na lang ako kasi mga wala namang gayab humarap sakin ng personal ang mga ganong klasing tao. Kaya kung may balak kang masama sakin magisip isip ka muna dahil I’m ten times ahead of you. Make sense?

Isa sa isang nabasa ko sa isang group page kamakailan lang ay yung nagshare ang isang member na babae tungkol sa pag rant niya na kesyo lahat daw ng lalaki manloloko, syempre maraming nagreact kasi dinamay ang mga loyal dahil sa ginawa sa kanya ng naka relasyon niya, sabi ng iba “huwag mo lahatin ate, may mga lalaki pa rin na matino”

Ang masaklap pa eh mahirap magpaliwanag sa t***a dahil napaka kitid ng utak at ipipilit niya na tama siya.
Sabagay maraming t*nga lalo na sa social media, araw araw yan real life o hindi marami sila ayoko bilangin kasi masasayang lang oras ko.

Hindi ko alam kung nabanggit ko na to dati pero uulitin ko ulit.

Sa 1000+ mong friends sa social media 5% ang may pakielam sa kada post mo, yung 95% walang pakielam sayo dahil nagmumukha ka lang t*nga sa ginagawa mo, hindi mo ba naisip na sa kada post mo eh naka ready na ang popcorn dahil para sa kanila ang buhay mo ay parang pelikula na dahil mahilig ka magdrama sa social media, yung iba sasabihin lang sayo “pathetic”

Yung 5% na may pakielam sayo malamang kagaya mo rin na mahilig magdrama kaya nakaka relate sila, gusto mo pa ata mafeature ang story mo sa mmk, sorry wala akong balak panoorin ang drama mo sa buhay kung sakaling matuloy yun. Yung 95% na walang pakielam sayo hindi mahilig magdrama sa social media dahil mas focus sila sa goal nila kesa magsayang ng oras sa kadramahan mo.

Tatanungin kita ulit. Ilan ang toxic friends mo?
 
Last edited:
I dont really know if toxic friends yung tamang term sa lahat ng sinabi mo pero may mga binanggit kang points na toxic friends nga ang mga yun.

Dumating sa punto ng buhay ko sa edad ko na inuninstall ko yung facebook ko hindi dahil sa toxic friends kundi dahil sa toxic posts at walang ka kwenta kwentang nakikita ko dun. Another important reason ay pakiramdam ko kasi distraction to eh.

Pero bakit nga ba gngawa ng tao to? Let me illuminate you guys. Parang Drugs ang facebook. Actually may image akong nakita sa net na best example nito eh. Isasama ko na lang siguro pag madaming curious.

Pag tayo naka droga, weeds or high. ay dahil yung tinake nating substance may mga chemicals na nakakaapekto sa katawan at sa brain. At pag narelease yun dun ka makakaramdam ng different emotions depende sa tama. Ganun din ang facebook.

Kahit wala kang tntake na drugs pero pag yung post mo nilike ng crush mo, umabot ng 100 likes yung bagong dp mo, may pinost kang lugar na malayo at mdaming na inggit base sa comments, natutuwa ka. Nagrerelease ng chemicals sa brains mo which is yung Oxytocin, Serotonin, Endorphin, Dopamine. Ngayon pag nasanay ka na at natuwa syempre uulitin mo. Lalo na't iniisip mo wala namang mali sa gngawa mo dahil d ka naman nagsha????? or humihithit ng chongke. Yun nga lang di mo napapansin, naaadik ka na pala.

Take for an example may ka office mate ako na same position with me. Active yun sa social media. Mabait syang tao pero sa paningin ko "mapagpanggap". Naka install ang facebook nun at gaya ng sabi ko naka uninstall yung akin. Tuwing may nagawa syang task, kumakain sa magarang resto (libre ng boss or admin), may nagawang good deed, pinopost nya agad. Pero in reality napaka tamad neto. Nung inassign sya sa branch ko walang ginawa kundi mag scroll ng mag scroll. Kahit yung partner conpany ko nagreklamo nung nakasama sya. Kumbaga pinapakita nya lang sa social media yung good points nya pero in reality tamad na tao. Although mabait naman talaga to. Sadyang naka "drugs" lang sa social media. Medyo opposite kami. Ako mahilig ako tumulong sa kapwa ko ( Pero di ako nagpopost sa social media sa gnawa ko kasi feeling ko it defeats the purpose. Ayoko isipin ng tao na gingawa ko yun para lang may maipost ako at maka receive ng praise.)

Ngayon pwede nyo kong punahin na ang pangit ng term ko naka "drugs". Actually malambot pa nga ko dyan. May kakilala akong dahil sa social media (take note pala simba pa to) dahil gusto nyang ma achieve yung High Social Status, pumatol sa matanda. May boyfriend pa yan. May kilala akong 3 babae ganyan.

Meron kasing Social Status (especially sa babae) na sa parents or family umaasa sa pera para makapag social climb or pede ding hard work talaga. Yun bang may sariling condo. Nakaka gala every weekend or nakakapunta sa malalayong lugar. May kotse. Naka Iphone X or Samsung Note 9. Laging may outing. Nakasakay lagi sa eroplano or barko. Isipin mo na lang kung ilang likes ang magagawa nyan kung lagi itong pinopost sa social media. Kasi gusto nila yung "feeling" ng High Class pero in reality pinipilit lang nila at dumadatig pa sa punto na may "mali" na silang gngawa. Ngayon syempre wala namang masama kung "walang nakakaalam" other term? Silent walkers.

Kaya in reality, high percentage ng nakikita mo sa facebook ng friend mo fake. They're just faking their lives. Altho syempre bakit mo naman ipopost yung mga bagay na negative sa pningin ng tao like yung iphone mo inutang mo lng sa kaibigan mo tapos d mo na binayaran yung kulang, nakaka gala ka every weekend dahil lang sa padala ng erpats mo, nakaloan ka para sa condo dahil pinatulan mo yung higher up na nag poprocess ng documento mo, puro away kayo ng boyfriend girlfriend mo pero kailangan mong ngumiti sa selfie nyo kasi minsan lang kayo pumunta sa lugar na napuntahan nyo etc etc etc

Yan ang toxic. Buti pa sa mobile legends puro cancer lang makikita mo. Walang toxic.
 
Last edited:
malalaman mo ung toxic na kaibigan pag wla ka pera
o kya hingi ng hingi ng tulong pag di u mapagbigyan
di ka na papansinin.
 
Madami akogn kaibigang ganyan sobrang toxic lalo na pagdating sa social media yung tipong kakausapen ka lagn pag may kailangan tapos pag ikaw hihinge ng tulong inbox zoned lang sobrang yayabang sa social media baon naman sa utang sa totoong buhay
 
Medyo naliwanagan po ako sa sinabe nyo,
Ilang beses ko na na-disable ang facebook sa cp ko pero naoopen ko ulit, naka mute na ako sa GC ng mga kakalse ko kase wala naman sense ang pinag uusapan nila. Madalas ako bumyahe kaya hindi ko maiwasan ma open ang FB ko. tama ka sir about posting ng mga toxic frens natin sa FB. Kesyo gusto ko nito pero hindi naman niya magamota ang sakit niya sa kili kili. post ng post yung mag couple na ka -bed spacer ko sa bahay pero kung ituring naman niya ang bf niya eh akala mo aso.
May gf naman ako kaso hindi kame madalas nag popost na mag kasama kame siguro kapag espesyal na araw.

May mga Page din naman na Natutunan tayo or Joined Group ntin na nakakatulong sa pag improve ng ating sarili at sa trabaho natin kaya hindi talaga maiwasan mag FB
 
Sad but this is true. Ito talaga ang reality behind social media
 
Kahit nga 1 month ka di magbukas ng account sa social media, same old sh** pa rin makikita mo. Depende na sayo kung gusto mo mag deactivate.
 
para sakin ang toxic friends yun yung matagal na kayong magkaibigan pero nung nakakilala sila ng mga bagong kaibigan halos hindi na nagpaparamdam.
 
ganon talaga ang realidad :slap: lahat ng tao nagbabago dahil alam nilang may benefits silang makukuha sa nakilala nilang kaibigan na bago pa lang :rolleyes: most of the time ganon, :thanks: sa pagbisita :salute:
 
Haiiiist Oo dami kong toxic friends , kaya natry kong mag deact ng halos 6months tapos pagbukas ko ng fb putsa napaisip ako na dapat pala di ko nalang inactivate fb hanggang yung mga kaibigan ko na gusto ko sila makita lately lang nangyari parang ayaw nanila ako kasama ewan koba hahaha halos 6months din kasi akong dinag paramdam nun , pero ang sarap sa pakiramdam nun eh sila din naman may dahila kaya dina ako nagparamdam kasi may mga kaibigan pa sila nun at kaklase pa nila . Tapos noong nakagraduate na sila saka sila medyo bumalik kasi di nanila nakakasama mga kalsmeyt nila na miss naman daw nila yung samahan namin pero nung magkikita nakami natalkshit lang handa nalahat tapos sasabihin di masusundo yung nag effort ka ng sobra galing work tapos sasabihin bukas nalang daw kasi malayo , ok naman sana kaso naka set na ang lahat , nakakalungkot lang tapos ngayon di ko nabinubuksan fb ko hahaha iwas din ng mga ka toxic sa mga ka batch ko dati puro mema lang talaga yung iba yung tipong pasikat lang hahaha buhay nga naman :slap::rofl:
 
Kaya bihira na ko magbukas ng facebook ko dahil masisira lang araw ko pag nakita ko mga post ng friends kong toxic, unfollow agad agad kapag ganon, yung iba stranger pa na gusto kang iadd tapos nung silipin ko profile basura content :slap: ayun di ko pinindot ang confirm button :lmao:

:thanks: sa pagbisita
 
Last edited:
sa akin gumagamit nalang nga ako ng dummy ko para sa mga online transaction ko sa fb mas maigi pa yung dummy account marami akong naging kaibigan at nakasosyo online kahit ni minsan d kami nagkita transact lang online buy and sell kasi yung ginagawa ko, naging closr na nga ako sa kanila na parang tunay na kaibigan ko na sila kesa sa isang real account ko na puro kabulastogan lang nakikita ko sa mga dati ko ng itinuring na kaibigan yun pala maaalala ka lang pag may pangangailangan wala eh mas importante sa kanila ang may maipagyabang kaya ayun madalang ko nalang ginagamit kesa sa dummy ko
 
madami ka bang kaibigan na john micheal? :think:

saklap naman :slap:
 
mas maigi pa nga yung dummy ko tol mga real account pa ang friends :lol: tsaka active pa pag nagchat ka, yung isa nakow may mag chachat lang kung kelangan ng tulong mga P*ta talaga hahaha
 
saklap naman :slap: kaya bihira na ko magbukas ng facebook dahil sa mga toxic kong kaibigan :panic:
 
sa akin gumagamit nalang nga ako ng dummy ko para sa mga online transaction ko sa fb mas maigi pa yung dummy account marami akong naging kaibigan at nakasosyo online kahit ni minsan d kami nagkita transact lang online buy and sell kasi yung ginagawa ko, naging closr na nga ako sa kanila na parang tunay na kaibigan ko na sila kesa sa isang real account ko na puro kabulastogan lang nakikita ko sa mga dati ko ng itinuring na kaibigan yun pala maaalala ka lang pag may pangangailangan wala eh mas importante sa kanila ang may maipagyabang kaya ayun madalang ko nalang ginagamit kesa sa dummy ko

Ako rin gumawa ako ng dami tapos yung mga gusto kolang iadd yung inaadd ko para puro positive vibes lang , at mas maganda yung tipong wala kang kakilala masyado para mas bagong kibigan. Ginagamit kolang dummy fb ko kung maytitignan akogn updates sa mga games at pampalipas oras. Mas ok yung dummy kasi wala kang taong medyo masasaktan na kesyo sasabihin bat di moko inaacept sa fb mo o kaya bat di ka nag rereply.
 
wala na at naka blocked na silang lahat at di na rin ako nagbubukas ng FB. haha
 
I dont really know if toxic friends yung tamang term sa lahat ng sinabi mo pero may mga binanggit kang points na toxic friends nga ang mga yun.

Dumating sa punto ng buhay ko sa edad ko na inuninstall ko yung facebook ko hindi dahil sa toxic friends kundi dahil sa toxic posts at walang ka kwenta kwentang nakikita ko dun. Another important reason ay pakiramdam ko kasi distraction to eh.

Pero bakit nga ba gngawa ng tao to? Let me illuminate you guys. Parang Drugs ang facebook. Actually may image akong nakita sa net na best example nito eh. Isasama ko na lang siguro pag madaming curious.

Pag tayo naka droga, weeds or high. ay dahil yung tinake nating substance may mga chemicals na nakakaapekto sa katawan at sa brain. At pag narelease yun dun ka makakaramdam ng different emotions depende sa tama. Ganun din ang facebook.

Kahit wala kang tntake na drugs pero pag yung post mo nilike ng crush mo, umabot ng 100 likes yung bagong dp mo, may pinost kang lugar na malayo at mdaming na inggit base sa comments, natutuwa ka. Nagrerelease ng chemicals sa brains mo which is yung Oxytocin, Serotonin, Endorphin, Dopamine. Ngayon pag nasanay ka na at natuwa syempre uulitin mo. Lalo na't iniisip mo wala namang mali sa gngawa mo dahil d ka naman nagsha????? or humihithit ng chongke. Yun nga lang di mo napapansin, naaadik ka na pala.

Take for an example may ka office mate ako na same position with me. Active yun sa social media. Mabait syang tao pero sa paningin ko "mapagpanggap". Naka install ang facebook nun at gaya ng sabi ko naka uninstall yung akin. Tuwing may nagawa syang task, kumakain sa magarang resto (libre ng boss or admin), may nagawang good deed, pinopost nya agad. Pero in reality napaka tamad neto. Nung inassign sya sa branch ko walang ginawa kundi mag scroll ng mag scroll. Kahit yung partner conpany ko nagreklamo nung nakasama sya. Kumbaga pinapakita nya lang sa social media yung good points nya pero in reality tamad na tao. Although mabait naman talaga to. Sadyang naka "drugs" lang sa social media. Medyo opposite kami. Ako mahilig ako tumulong sa kapwa ko ( Pero di ako nagpopost sa social media sa gnawa ko kasi feeling ko it defeats the purpose. Ayoko isipin ng tao na gingawa ko yun para lang may maipost ako at maka receive ng praise.)

Ngayon pwede nyo kong punahin na ang pangit ng term ko naka "drugs". Actually malambot pa nga ko dyan. May kakilala akong dahil sa social media (take note pala simba pa to) dahil gusto nyang ma achieve yung High Social Status, pumatol sa matanda. May boyfriend pa yan. May kilala akong 3 babae ganyan.

Meron kasing Social Status (especially sa babae) na sa parents or family umaasa sa pera para makapag social climb or pede ding hard work talaga. Yun bang may sariling condo. Nakaka gala every weekend or nakakapunta sa malalayong lugar. May kotse. Naka Iphone X or Samsung Note 9. Laging may outing. Nakasakay lagi sa eroplano or barko. Isipin mo na lang kung ilang likes ang magagawa nyan kung lagi itong pinopost sa social media. Kasi gusto nila yung "feeling" ng High Class pero in reality pinipilit lang nila at dumadatig pa sa punto na may "mali" na silang gngawa. Ngayon syempre wala namang masama kung "walang nakakaalam" other term? Silent walkers.

Kaya in reality, high percentage ng nakikita mo sa facebook ng friend mo fake. They're just faking their lives. Altho syempre bakit mo naman ipopost yung mga bagay na negative sa pningin ng tao like yung iphone mo inutang mo lng sa kaibigan mo tapos d mo na binayaran yung kulang, nakaka gala ka every weekend dahil lang sa padala ng erpats mo, nakaloan ka para sa condo dahil pinatulan mo yung higher up na nag poprocess ng documento mo, puro away kayo ng boyfriend girlfriend mo pero kailangan mong ngumiti sa selfie nyo kasi minsan lang kayo pumunta sa lugar na napuntahan nyo etc etc etc

Yan ang toxic. Buti pa sa mobile legends puro cancer lang makikita mo. Walang toxic.

Meron talagang mga toxic post, dati madadala ka. Deactivate at uninstall ko rin dati FB ko. Past 2 years na ata yung last post ko. Ngayon offline lagi status ko, mute din mga GC. Purpose lang nito is pag maubusan ng load, gagamitin ko pang contact sa mga kapatid ko, hehehehe.
 
Last edited:
Back
Top Bottom