Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Indak


Indak

Mga ulilang yabag,
Nagsasayaw sa saliw ng tahimik na himig
Ng musikang kahapon lamang ay naghatid sa atin ng ngiti sa ating pag-indak.

Isang walang katapusang ritwal
Ng pamamaalam na hindi mabitiwan.
Hawak ng iyong alala ang aking kamay,
Habang ang dadami'y ko'y nakayakap
Sa di malimotang pagsinta.

Ngayon,
Mag sasayaw na lamang sa hudyat ng mga luha.
Sa ritmo ng mga pigil na hikbi.
Magsasayaw na lamang sa piling ng anino ng ngiting nagdulot ng hapdi.
 
:welcome:

Isa na marahil sa pinakamasakit na sayawan ang saliw ng pagsisi at pang hihinayang.
 
Ayos sir tiyak maraming makakarelate hehehe:lol:
 
Marami ngang dumaan sa ganito. Isinasayaw ang alaala ng di malimot na pagibig. Pero pasasaan ba't mag papalit din ang kanta. Magpapalit din ng kapareha. Ang mahalaga wag kang tititgil sa pag sayaw.

:thanks: for reading mga kaibigan :hat:
 
Iindak ang pusong sawi sa saliw ng awiting mapanglaw.
Bagamat may dusa,mananatiling sumasayaw.
Ang pag-ibig na umaasam ng pagbabalik,
Ala-ala ng nakaraan ang magtatakda ng ritmo at paghimig.


(Wala ako maisip icomment,maganda yung tula. Nainspired ako mgsulat ulit)
 
Last edited:
this is so bittersweet..thanks for sharing! :thumbsup:

it's one of those..:thanks: for reading!

Iindak ang pusong sawi sa saliw ng awiting mapanglaw.
Bagamat may dusa,mananatiling sumasayaw.
Ang pag-ibig na umaasam ng pagbabalik,
Ala-ala ng nakaraan ang magtatakda ng ritmo at paghimig.


(Wala ako maisip icomment,maganda yung tula. Nainspired ako mgsulat ulit)

:thanks: kaibigan sa walang sawang pagbabasa. sulat lang ng sulat gat nakakapagsulat pa.
 
Back
Top Bottom