Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay Isang nagmumultong bahay

ISANG NAGMUMULTONG BAHAY

Minsan, hindi mo na kailangang pumasok pa ng bahay para makaramdam, at hindi mo na kailangan ng third eye para makita ang mga kababalaghan.
Pagpasok mo, nakakakilabot na ang mga matang pasikretong tumitingin, mula taas pababa, pababa at pataas. Saka ka makakaulinig ng mga bulungang rinig pero di maintindihan. Multo. Multo nga ba? Dahil paglingon mo naman sa bandang bulungan ay okay naman. Parang wala lang. Parang normal lang. Parang ngiti ng haring araw sa ganda ng mga pigura.

Pero bakit ganun, iba ang tunog ng tawanan ag nakaharap kesa nakatalikod ka. Iba ang halakhak pag nasa ibang sulok ka, kesa andun ka.

Nakakatakot. Ayokong manatili dito. Hindi ko kaya ang bulungan. Hindi ko kaya ang nakakarinding bulungan. Kahit hindi halloween, nakakatakot.

Nakakasira ng utak.
Nakakasira ng pagkatao.

Isang haunted house...
.
.
.
Ay sorry, family gathering pala ito.
. Hahaha
 
Last edited by a moderator:
Back
Top Bottom