Hiwalayan mo na, di na maganda yan. Agree with the pips here.
Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.
All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!
Agreed naman po ako dito. Thank you sa advice. 🙏Kasal pala kayo. Try nyo muna mag marriage counseling. Need nyo mag communicate honestly about sa mga issues nyo. Tungkol naman sa pananakit ibang issue yan. Wag mo basta nalang sukuan ang isang bagay na pinasok nyong dalawa. Try mo muna i repair mga conflicts nyo mag asawa.
Muka nga na hindi ko na mahal sarili ko at hindi ko na rin marespeto dahil lagi ko na lang hinahayaan na ganituhin ako. Actually naalarma naman ako sa sinabi mo na kung wala ng gamit baka ako naman saktan. Taena naiiyak ako kasi super na yung trauma ko. Sobra sobra na akong nahihirapan. 😭😭😭Kung ako nasa kalagayan mo, iniwan ko na yan. Mas gugustuhin ko pang mag-isa kesa ang makasama ang ganyang klase ng tao. Bakit? May kasama ka nga pero pakiramdam mo naman mag-isa ka lang. Ano pang point na tawagin kayong mag-asawa?
Tsaka yang pag-trato niya sayo sobra na din. Lakas mangako pero ginagawa din naman ulit. Panay sira ng gamit. Paano na lang kung wala ng gamit na masisira? Baka sa susunod ikaw na saktan niyan. Wag naman sana. Tapos pati paglalaba kinatatamaran pang tumulong? Ayaw tumulong sa gawaing bahay porket siya nag-ttrabaho? Nakaka-badtrip mga taong ganyan mag-isip. Sobrang old school. Masyadong maka-luma. Tapos pinagsisilbihan mo na na para kang kasambahay pero minu-mura-mura ka pa? Mag-isip-isip ka na. Matutunan mo naman sanang mahalin, intindihin, at irespeto ang sarili mo.
Okay lang maiyak ka. Iiyak mo lang yan. Pero hanggang kailan mo gagawin yan? Hanggang kailan ka mag-titiis? Lahat ng bagay may hangganan. At yang nararanasan mo na yan sa asawa mo, hindi yan matatapos hanggat hindi ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para maputol/mahinto na yan. Hinahayaan mo lang din kasi. Nagiging kampante na siya sayo kasi porket mag-asawa na kayo eh akala niya siguro ay pag-aari ka na niya, na kahit na anong gawin niya sayo eh patatawarin mo naman siya tapos okay na ulit. This time, sana maisipan mo na tumayo naman para sa sarili mo. Kasi bandang huli ikaw din magdudusa sa mga pwedeng maging effect sayo nyang nararanasan mo. Habang maaga pa, habang kaya mo pa, kumilos ka na.Muka nga na hindi ko na mahal sarili ko at hindi ko na rin marespeto dahil lagi ko na lang hinahayaan na ganituhin ako. Actually naalarma naman ako sa sinabi mo na kung wala ng gamit baka ako naman saktan. Taena naiiyak ako kasi super na yung trauma ko. Sobra sobra na akong nahihirapan. 😭😭😭
Hindi naman sya ganon dati eh control nya pa. Pero ngayon napapadalas na talaga. Actually ugali nga nya na mag wala at manira ng gamit pag hindi sya napapag bigyan sa pag dodota. Hahaha