Interpretasyon at Pabasa
Babala: kung ikaw ay mahusay sa larangang panitikan at literatura huwag ka ng tumuloy sa pagbabasa matitiyak ko na mabobored ka lang..
Isa akong mangingibig ng panitikan, lalo na ng mga tula. Sapol pa ng ako'y maghighschool at matututong gumamit ng gel (wala pa kasing wax noon at laos na ang pamada).
Para sa akin ang pagtrato sa isang tula ay parang pagtrato sa isang dalagang iniibig. Sinusuyo, inuunawa kahit ang hirap espelengen, nilalambing kahit nagsusungit, hinihimas sa tamang parte at paraan at higit sa lahat ninanamnam. (wag AZ mentality. Ang tinutukoy kong pagnamnam ay yung pinapahalagahan ang bawat sandali na kasama mo sya.)
Inuulit ko, kung bihasa kana sa panitikan at tula wag mo na ituloy ang pagbabasa.
So tumuloy ka pa din? Walang sisihan

Kaya ko nga pala ginawa ang thread na ito ay dahil sa pagnanais kong mabigyang halaga ang mga gawa ng kapwa ko manunulang taga-symbianize.
Isa pang dahilan ay upang yung mga di bihasang kagaya ko ay makapagsuri at makaunawa sa mas malalim pang paraan ng pagbasa sa isang tula.
Oops! Teka lang, hindi ko sinasabing magaling ako at kayo hindi, ang mga paraan ng pagbasa na gagamitin ko sa thread na ito ay batay lamang sa mga karanasan ko at sa mga natutunan ko. (credits po kay G.Michael M. Coroza, wag mo nawa akong isumpa kung di mo magustuhan ang pagsusuri ko

Tuloy po tayo, sa thread na ito ang gagamitin pong paraan ay Formalismo. Hindi tayo mag hahanap ng moral lesson sa mga tula

Teka ano ba yung texto at konteksto?
Ayun ang magandang tanung, yung texto hindi yan yung sasabihin mo pag hawak mo yung cp ng barkada mo tapos may nagtext sa kanya.(oi, text o!) hindi yan un ha.
Yung texto yung mismong nakasulat. Yung mga letra at linya ng tula. So dapat nakasulat sa tula.
Yung konteksto naman ay yung pagkakaugnay ng bawat linya sa loob ng isang akda. Ito yung premise na ginagalawan ng mga teksto.
Lalim ah..teka, parang ganito halimbawa nakita mo yung tropa mo na panget tapos nagbibiruan kayo, sinbihan mo sya na maganda sya. Ano ang dapat nyang isipin?
Ang texto eh yung sinabi mo na maganda sya. Ang kontexto eh yung nagbibiruan so ang dapat nyang isipin ay pangit sya

Mahalaga ang texto at kontexto sa ating pagbasa ng tula. Dito natin lubusang maiintindihan ang mga akda na ginawa. Matapos nya eh makakapagbigay tayo ng tamang interpretasyon sa sinasabi ng tula.
Minsan kasi iba yung sinasabi ng makata at iba yung lumalabas sa gawa nya ayon sa texto at kontexto.
Haba na ng intro ko

Praktis yan kasi sa pagbasa at sa pagsusuri ng tula kailangan mo ng pasensya parang babae lang yan, mahal mo kaya dapat mo pagpasensyahan.
Saan ka naman kukuha ng tula na susuriin?
Malamang sa quotes and poetry section ng symbianize, masyado mahirap magsuro sa forum ng isang short story masakit sa kamay magtype.
Sa mga kapwa ko manunulat ng tula nawa ay payagan ninyo akong ifeature ang inyong tula sa thread na ito. Magpapaalam naman ako bago ko ilagay yun dito

Saka hindi okrayan thread ito, mas pagtutuunan natin ng pansin ang pag interpret at pagbasa sa tula. Maglalagay din ako ng points to consider.
So sa lahat ng baguhan na kagaya ko handa naba kayo? Papahalagahan natin ang mga paghihirap ng kapwa natin kaSYMBIANIZE.
Disclaimer: Ang lahat ng maisusulat na interpretasyon ay hindi final at executory. Hindi din yun ang absolute truth. Ito ay ayon lamang sa pagkakaunawa ko na ibinatay sa texto at kontexto upang maging pasimula sa mas malalim pang pagkaunawa sa bawat tula.
note: mods palipat nalang po kung wrong section.
Last edited: