Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Literati Presents: Poetry101- Updated Ang Dating ng Tula


picture.php

Ang thread na ito ay nakalaan para sa mga kapwa miyembro natin na nais magkaroon ng konting kaalaman sa pagsulat ng tula. Maaaring sa mga nais pa lamang matuto, nagsisimula pa lamang magsulat o para din sa mga lumilikha na na nais pong tignan ang mga ihahain sa thread na ito na baka makadagdag sa kanilang yamang pangkaisipan.


Layunin:
  1. Sa paglikha ng thread na ito hindi ko layung magmagaling. Nais ko lang magbahagi ng konti kong nalalaman sa forum na ito upang maisukli sa mga kaalamang dito ko natutunan.
  2. Sama sama nating tuklasin ang mga hiwaga ng mga musa ng tula upang itaas pa ang antas ng ating mga likha.
  3. Maibahagi ang mga kaalaman,at mapagusapan ang mga katanungan may kinalaman sa pag tula.
  4. Nawa sa simpleng paraang ito ay makatulong ako sa inyo at kayo din sa akin upang mahubad ang payak na paningin at matanaw ang di nakikita ng ordinaryong damdamin.
  5. Mahabang panahon ang magugugol sa thread na ito at sisikapin ko po na iupdate ito sa abot ng makakaya ko.

Narito ang mga nilalaman ng thread na ito:
Ano nga ba ang tula?

Mga Kasangkapang Pampanitikan
(A) Depamilyarisasyon

(B) Organic Unity
(C) Simile
(D) Metapor
(E) Simbolismo
(F)Personipikasyon
(G)Irony
(H) Paradox/Oximoron
(I) Alliteration

II.Tugmaan
III.Sukat
Ang Tanaga
Ang Dalit
Ang Soneto

Poetry Workshop No. 1 Paggamit ng Simile
Poetry Workshop No. 2 Paggamit ng Metapor
Poetry workshop no.3 Ang paggamit ng simbolismo at imahen
Ang Dating Ng Tula

How to measuer a poem- Padre Pio
Tut: writing Haiku- Padre Pio


More On Sonnets- ARCIE
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

Ano nga ba ang tula?


  1. Maraming kahulugan ang tula. Ito ay nakabatay sa pananaw ng taong titingin dito. Parang ang simbolo na ito " 3 " kung titignan natin sa ganyang paraan iyan ay ang simbolo ng bilang na tatlo ngunit kung ikutin mo maaring mging "w" o dili kaya'y "m" o "E".
  2. Isa ring malaking batayan ng pagbibigay ng kahulugan sa tula ay ang teoryang pampanitikan na ginagamit ng lumilikha.
  3. Para sa isang marxista ang tula'y dapat nagpapahayag ng mga damdamin tumutuligsa sa tatsulok ng lipunan,sa mga naghaharing uri. At nagbibigay pugay sa mga obrero, manggagawa o sa makatuwid ay sa masa.
  4. Sa pananaw ng isang moralista,ang tula'y dapat nagpapakita ng magandang asal,positibong imahe at mga aral na maaaring isapamuhay.
  5. Sa pananaw ng isa feminista mahalagang maipakita ng tula ang lakas at karapatan ng kababaihan.
  6. Ilan lamang yan sa mga teoryang pwedeng pagbasihan ng kahulugan ng tula. Sa mga ordinaryo tao ang tula ay isang malikhaing paghahayag ng damdamin o kaisipan na may iba't ibang layunin. Maaaring layun nitong ilabas ang damdamin,manligaw,magpasaya,magpaiyak at iba pa.
  7. Ako po ay isang formalista,sa akin mas higit na mahalaga ang paraan kung paano mo naipapahayag ang iyong damdamin at nalikha ang iyong tula sa isang malikhaing paraan.
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

I.Mga kasangkapang pampanitikan.

Mga ka symbianize,sa ating paggawa ng isang tula sa isang malikhaing paraan kailangan natin ang mga kasangkapang pampanitikan o mga literary devices. I-shashare ko ang mga pangkaraniwan kong ginagamit at sariling pakahulugan na lamang ang gagamitin ko para mas madali natin maunawaan.

A. Depamilyarisasyon

Ito ang isa sa pinakamahalang kasangkapan. Malamang ito nga ang dahilan bakit tayo gumagamit ng kasangkapang pampanitikan. So,pag gumawa tayo ng tula syempre gusto natin na mabasa ito. Kaya kailangan natin ng pang akit.

Ang depamilyarisasyon ay pag gawa ng isang sitwasyon kung saan ang mga simple ay gagawin nating kakaiba. Siguro gamitin nating halimbawa, ang kotseng kuba, pag nakakita ka nito malamang magpeace sign ka kasi baka ma pependong ka, pero maliban sa pendong di nito matatawag ang pansin mo kasi pangkaraniwan na ito,luma at di kaakit akit, pero muling sumikat ang kotseng kuba nung ginawa itong top-down at nilagyan ng magz. Nagkaron kasi ng depamilyarisasyon. Ang karaniwan ay inihain sa kakaibang paraan. Parang yung mga sisiw na pinapabunot nilalagyan ng kulay para maging kakaiba.
Samakatuwid ang depamilyarisasyon ay ang paghahain ng karaniwan sa kakaibang paraan.
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

B. Organic Unity


  • Ang organic unity ay tumutukoy sa kaisahan ng bawat bahagi ng iyong akda.
  • Ang bawat bahagi ay dapat nasa tamang lugar at kung maaari ay hindi pwedeng ibai bahin. Tulad ng iyong katawan, isipin mo na lang paano kung ang puwet mo ay katabi ng iyong ilong.
  • Mahalaga din sa organic unity na buo ang imahen na inilalarawan o nililikha ng iyong tula. Halimbawa kung ang ginamit mong imahen ay may kinalaman sa ilog higit na maganda kung ang mga salita na gagamitin mo ay naglalarawan sa ilog at sa mga parte na makikita dito.
  • Halimbawa: ilarawan natin ang pag ibig,
    "ang pag ibig mo'y ilog na nagbibigay buhay sa tigang kong puso"
    > kung iyan ang linya mo mas maigi na manatili ka sa imahen na yan huwag biglang susulpot ang mga ibang imahe gaya ng " ito'y tila trak na rumaragasa sa paikot ikot na landas ng aking puso." maganda ang linya na ito subalit iba na ang imahe na nilalarawan nito.
    > parang isang painting na gawa ng mga salita mas higit na maganda kung consistent tayo sa mga gagamiting imahe.
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

C. Simile


  • Ito ay isang paraan ng paghahayag ng gusto mong sabhin.
  • Sa pag gamit nito inilalarawan mo ang isang bagay, tao, hayop o damdamin sa pamamagitan ng pagsasahalintulad dito sa ibang bagay. Gagamitin mo ang mga salitang gaya,tulad,parang,tila at iba pang mga kasing kahulugan.
  • Samakatuwid sinasabi mo na ang A ay katulad ng B dahil may mga katangian silang nagkakapareho.
mga halimbawa:
  1. Nais mong sabihin na ang ganda ng pisngi ng crush mo, pwede mong sabihin ito ng direkta o gumamit ng simile sa ganitong paraan
    • "Ang iyong mga pisngi ay tila rosas sa kanyang unang pagbuka."
    • pareho kasi ang katangian ng rosas at pisngi sila ay mapula.
  2. .Gusto mong sabihin na nalulungkot ka at nag i-isa. Maari mong sabihing
    • "Ako'y halintulad sa isang isla sa malawak na karagatan."
  3. .Nais mo sabihing gusto mo na lagi mo syang makita.
    • " ika'y tila isang magandang larawan, imahen mo'y hinahanap ng paningin."
  4. Sa pag gamit ng simile nakakalikha tayo ng depamilyarisasyon sapagkat iba ang paraan ng ating paghahayag at nakakapagdagdag tayo ng ganda sa ating akda.
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

guys kung may mga questions kayo,or gusto nyo din mag share post nyo lang sa thread na ito.mas maganda po kung about sa current topic para hindi maglabo labo yung mga info..
thanks,thanks^^,
 
Re: [tut] poetry writing 101

D. Metapor


  • Ang metapor ay isa sa mga gagamiting nating kasangkapang pampanitikan. Sa pag gamit ng metapor ang isang bagay ay ihinahalili sa isang bagay dahil sa katangian nilang magkaparehas. Sa madaling salita A=B at gaya sa math kung A=B pwede mo pagpalit palitin ang dalawang entity.

  • Mahalagang tandaan sa metapor ay maging consistent. Iwasan gumawa ng mix metapor. Kung ang naunang imahen ay apoy maging consistent sa pag pagamit nito.
Mga Halimbawa:

  1. Kung ang ibig mo sabihin ay maganda ang ngiti nya at kaaya ayang tignan
    • " ..ngiti mo'y bahagharing gumuguhit ng makulay na ligaya sa labi ng aking umaga."
  2. Nagnining ning ba ang kanyang mga mata?
    • ".ang iyong mga mata'y bituing nagbibigay sigla.."
  3. Inlove ka ba sa ngiti nya?
  • " mga ngiti mo'y pana ni kupido,naalipin ng pagibig ang aking puso."


 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

E. Simbolismo


  • Ang simbolismo ay malapit na kamag-anak ni metapor. Ihahalili mo din ang isang salita para sa isang salita ang kaibahan nga lang ang salitang gagamitin mo ay dapat kilalang simbolo o malapit ang kaugnayan sa salitang papalitan, halimbawa kung gagamit ka ng simbolismo para sa salitang luha gagamitin mo ang salitang lungkot.
Mga halimbawa:

  1. Umiiyak sya
    • "dumadaloy muli ang lungkot sayong mga pisngi.
  2. Type mo ang ngiti nya
    • " ligaya sa dibdib ang dulot sa akin tuwing mamamasdan ang guhit ng ligaya sa'yong mga labi."
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

salamat at may natutunan ako
 
Re: [tut] poetry writing 101

tol eto sample ko using methapor simile simbolismo
mejo nahihirapan ako sa sinasabi mong organic unity
d ko alam kung lumalabas na ba ako sa tema ko



pitong libong ala-ala ang nagbalik
sa iyong paglisan ay humalik
dala ang mga luha at ngiti
sa aking isip ay humawi

pitong libong ala-ala ang nagbalik
ngunit isa lang ang umukit
sa aking ala-ala'y
tumatatak ang iyong mga ngiti

pitong libong ala-ala ang sumilip
at naglaro sa aking panaginip
mga dalamhating dinaanan
mga lumbay na tiniis

pitong libong tanong ang aking nasa isip
mga "bakit?" na paulit-ulit
damdami'y di mapakali
nangungulila sa iyong pagkandili


pitong libong luha ang di ko matiis
na dumadaloy na gaya ng batis
mga pagsisising sumisiksik
na tila mga buhangin

pitong libong ala ala ang nagbalik
mga matang naka ngiti
mga kagalakang ibinihagi
mga masasayang sandali

pitong libong ala ala nagbalik
pitong libong ngiti pumalit
mula sa mahimbing na pagkaka idlip
sa isipan ay di pa rin mawawaglit
 
Re: [tut] poetry writing 101

clap clap sir maganda ang pagkagamit ng mga pampanitikang kasangkapan..

salamat kung mayroon kang mga natutunan at salamat sa pag bahagi ng iyong akda.^^,
 
Re: [tut] poetry writing 101

F.Personipikasyon


  • Sa personipikasyon inilalarawan o pinapakilos natin ang mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng mga katangiang pang persona. Nakakalikha ito ng depamilyarisasyon, magandang imahe at mas konnkreto na larawan ng nais nating sabihin.
Mga Halimbawa:

  1. Unti unti kang inantok.
    • " maharahang gumapang ang antok sa aking diwa.."
    • ang antok ay binigyan ntin ng katangin na pang persona gaya ng pag gapang.
  2. Nailove ka
    • "kinilig ang puso ko,ng ang kagandahan mo'y mapadaan"
    • isa halimbawang ito nagamit kapwa ang simbolismo at personipikasyon.
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

G. Irony


  • Sa pag gamit ng irony lumilikha ang may akda ng depamilyarisasyon sa pamamagitan ng pag gawa ng ibang sitwasyon kesa sa inaasahan. Madalas, ang mga tao ay mayrong ng consensus kung anu dapat ang mangyari sa bawat sitwasyon,mayroon na silang mga kaganapan na inaasahan,ngunit sa pag gamit m ng irony iibahin mo ito.

Mga Halimbawa :
  1. Inaasahan na sa paglisan ay lungkot ang madarama ngunit dito nakangiti o may kasiyahan.
    • " may ngiting paalam ang iyong paglisan."
  2. Sa kanta ni alanis na ironic punung puno ng halimbawa un ng irony.
"Ironic"

An old man turned ninety-eight
He won the lottery and died the next day
It's a black fly in your Chardonnay
It's a death row pardon two minutes too late
And isn't it ironic... don't you think

It's like rain on your wedding day
It's a free ride when you've already paid
It's the good advice that you just didn't take
Who would've thought... it figures

Mr. Play It Safe was afraid to fly
He packed his suitcase and kissed his kids goodbye
He waited his whole damn life to take that flight
And as the plane crashed down he thought
"Well isn't this nice..."
And isn't it ironic... don't you think

It's like rain on your wedding day
It's a free ride when you've already paid
It's the good advice that you just didn't take
Who would've thought... it figures

Well life has a funny way of sneaking up on you
When you think everything's okay and everything's going right
And life has a funny way of helping you out when
You think everything's gone wrong and everything blows up
In your face

A traffic jam when you're already late
A no-smoking sign on your cigarette break
It's like ten thousand spoons when all you need is a knife
It's meeting the man of my dreams
And then meeting his beautiful wife
And isn't it ironic...don't you think
A little too ironic...and, yeah, I really do think...

It's like rain on your wedding day
It's a free ride when you've already paid
It's the good advice that you just didn't take
Who would've thought... it figures

Life has a funny way of sneaking up on you
Life has a funny, funny way of helping you out
Helping you out
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

H. Paradox/oximoron


  • Ang dalawang ito ay halos magkaparehas. Ang kaibahan lamang ay yung oximoron direct opposite ang mga ginagamit.

Mga halimbawa:

  1. Gusto mo sabihin na di sya masaya sa kasama nya..
    • "may luha ang iyong ngiti habang nasa kanyang kandili.."
  2. Yung kanta ni rico blanko
    • "umaaraw umuulan.."
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

I. Alliteration


  • Ang alliteration ay isang literary device na magagamit natin sa pagtutugma. Marami kasing paraan ng pagtutugma. Sa mga susunod kong post i-tatry ko na talakayin ang mga iyon.
  • Balik sa alliteration, so dito papaulit ulitin lang natin ang unang consonant na ginamit natin.

Halimbawa:


  1. Peter Piper Pick A Peck of Pickled peppers..
  2. Samahan mo saglit sa sikretong silid ang sinta mong sumasamo.
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

madami pang mga literary device na pwedeng gamitin.yung mga nabanggit ko yun yung mga madalas gamitin..
 
Re: [tut] poetry writing 101

ll. Tugmaan


  • Isa sa mga katangian ng tula ay ang pagtutugma. Maraming paraan para tayo makapagtugma. Ang pagbabasehan ko ng tugmaan ay ang tugmaang ginagamit sa panulaang pilipino.
  • Basicaly mahahati natin ito sa mga tugmaang patinig at katinig..

Tugmaang patinig
  • Sa alpabeto natin meron tayong 5 patinig a,e,i,o,u. Ang e at i ay magkatugmaan ganun din ang o at u. Subalit hindi lamang yun ang basehan. Ang mga salitang nagtatapos sa patinig ang may iba ibang tunog. Maaring maging payak o walang impit o dili naman ay may impit.

Mga Halimbawa:

  • Pag-asa at tamasa, ang tunog ng "a" sa dulo ay binabasa bilang "ah" wala itong impit.

  • Pisi at iwaksi,may impit sa dulo..

  • Pag binanggit ang kataga pakinggang mabuti ang dulong kataga kung parehas bang walang impit o kung meron man ay parehas ng impit na ginamit.

Tugmaang Katinig

  • Ang tugmaang katinig ay nahahati sa dalawa. Ang malambot at matigas.

  • Mga malambot na katinig:
  • F, H, L. M, N, NG, W, Y

  • asam at basahan magkatugma basta magkatugmaan ang katabing patinig, dapat parehas na "a" o "e at i" o "o at u"
  • Ang matigas naman ay:
  • B, C, K, D, G, P, R, S. T

  • bagsik at baket ay magkatugma.

Ang posisyon ng tugmaan.

  • madalas nasa dulo ng bawat taludtod ang tugmaan. Pwede din naman na nasa loob ito ng bawat taludtod at tinatawag na internal rhyme na madalas gamitin kung ang tula mo ay nasa malayang taludturan. O maaari din sa gitna ng mga taludtod lalu na sa mga soneto, awit at sistina.
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

3. Sukat


  • Sa panitikang pilipino ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod o linya ng isang tula. Merong mga anyo na may 7,8,12 at 16 na pantig bawat taludtod.
  • Kung nais mo ang mga tula na may form ang mahalgang tandaan na sundan maigi ang anyo nito at wag maglalagay ng solong pantig sa dulo ng taludtod. Ang mga salitang gaya ng mo at sa, mga solong pantig ay wag ilalagay sa dulo ng mga taludtod.
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

mahusay ka bro magandang ang layunin mo nung binasa ko tut mo na alala ko prof ko sa fil. Keep it up bro! :salute:
 
Re: [tut] poetry writing 101

@akosivintot
thanks sir,di naman po prof naturuan lang din po ako ng isang napakahusay na guro.
Si michael coroza sya ang nagmulat sa akin na lahat ng tao ay may kakayahang sumulat ng tula at yun din po ang layunin ko..^^,
 
Back
Top Bottom