Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Literati Presents: Poetry101- Updated Ang Dating ng Tula


picture.php

Ang thread na ito ay nakalaan para sa mga kapwa miyembro natin na nais magkaroon ng konting kaalaman sa pagsulat ng tula. Maaaring sa mga nais pa lamang matuto, nagsisimula pa lamang magsulat o para din sa mga lumilikha na na nais pong tignan ang mga ihahain sa thread na ito na baka makadagdag sa kanilang yamang pangkaisipan.


Layunin:
  1. Sa paglikha ng thread na ito hindi ko layung magmagaling. Nais ko lang magbahagi ng konti kong nalalaman sa forum na ito upang maisukli sa mga kaalamang dito ko natutunan.
  2. Sama sama nating tuklasin ang mga hiwaga ng mga musa ng tula upang itaas pa ang antas ng ating mga likha.
  3. Maibahagi ang mga kaalaman,at mapagusapan ang mga katanungan may kinalaman sa pag tula.
  4. Nawa sa simpleng paraang ito ay makatulong ako sa inyo at kayo din sa akin upang mahubad ang payak na paningin at matanaw ang di nakikita ng ordinaryong damdamin.
  5. Mahabang panahon ang magugugol sa thread na ito at sisikapin ko po na iupdate ito sa abot ng makakaya ko.

Narito ang mga nilalaman ng thread na ito:
Ano nga ba ang tula?

Mga Kasangkapang Pampanitikan
(A) Depamilyarisasyon

(B) Organic Unity
(C) Simile
(D) Metapor
(E) Simbolismo
(F)Personipikasyon
(G)Irony
(H) Paradox/Oximoron
(I) Alliteration

II.Tugmaan
III.Sukat
Ang Tanaga
Ang Dalit
Ang Soneto

Poetry Workshop No. 1 Paggamit ng Simile
Poetry Workshop No. 2 Paggamit ng Metapor
Poetry workshop no.3 Ang paggamit ng simbolismo at imahen
Ang Dating Ng Tula

How to measuer a poem- Padre Pio
Tut: writing Haiku- Padre Pio


More On Sonnets- ARCIE
 
Last edited:
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman


salamat TS sa pag-share ng knowledge..and 'wag sana tayo mag-aaway dito (kung meron man pong ganon)..sana maka-pagbigay tayo ng mga dagdag pang kaalaman para sa lahat sa maayos na pamamaraan at pananalita ng hindi makasakit ng kalooban ng iba lalo na 'yong mga nagnanais din magsulat..:noidea:
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman

Mga katulaan,level one ko.hahaha.parang bata lang tumawa e.hehehe.merun na din ako avatar.wakakaka.ah napansin ko na nablock ko ata ang thread na to,kaya papadaluyin ko to muli,hehe,light lang muna approach ko.dahil poetry 101 to.bigay nalang ako tips.pag bago tayo na nagkakainteres sa pagsusulat.una,pano po natin nalalaman na may potential tayo maging wr.ters,para sa akin ito ay naguumpisa sa sarili natin,introvert and extrovert writer,cyempre merun tau part na introvert at extrovert.introvert- tinitignan natin ang mga bagay sa mundo inwardly,ang damdamin kapag nahulog yun bote sa canteen,tapos tinignan mo yun mukha ng serbidora,at hindi mo napansin ang reaksiyon ng mga tao ngunit may naramdaman ka sa sarili mo at naglakbay ang diwa mo at ang unang hinatid nito sayo ay ang expectation sayo ng parents mo,tulad sa bote na puwedeng mabasag .sumabog.introvert ka. Extrovert- nabasag ang bote,buhhhg!bigla ka nagulat,kumuwha ka ng walis,tinulungan ang serbidora,at tsaka sabay banggit,wow!ganda naman ng pony tail mo,makulay,saan mo nabili yan.haha.extrovert.outwardly mo tignan ang mga bagay,kapag ang dalawang to ay nagsulat.makikita mo ang kaibahan.poetry-nagumpisa sa mga simpleng obserbasyon sa paligid,tao.pangyayari,at iba pa.magulo kasi ang utak ng tao,random ang mga bagay,ang abilidad ng utak na kumuha ng unified na meaning at tala sa mga random na bagay ang isa sa panimula ng sining na to.at itoy malilinang nating habang tumatagal.kadalasan ang mga bisig nito ay bubuhayin ng mga tula na binabasa natin,magsisilbing modelo,free writing- magsusulat ka ng tula na parang kumakain ka lang ng chichirya,lahat sinusulat mo basta pumasok sa isip,naguumpisa tayo sa free writing,sulat lang ng sulat,di natin ineedit .may mga batikang makata,na para lang nagfifree writing,spontaneous,mahalaga sa pagsusulat ng tula ang pagpili ng mga salita,sample : batis ng pag ibig,pusong ngumingiti,balong nakakakilig,may tendency ang mga nagpapasimulang makata,ifree write ang mga salitang to ng hindi tinitignan ang conteksto,: batis ng pag ibig.pusong ngumingiti,balong nakakakilig,ang sa paraiso koy naghahari,Emirose,tunay nga kitang iniirog,. Hehe.yaw ko sana to iexample e,anyway, oh edi dyan palang may tula ka na.meron ka ng isang stanza,o part ng stanza.pero gagamitin ko ang parehas na mga salita sa sumusunod na version ng tulang yan,ganito: Balong habang lumalalim ay nakakakilig,Tubig sa batis,Daloy mahinahon,Kasabay bumubukas na Paraiso,Tunay pusoy ngumingiti na,Dahil kay Emirose.merun po ba pagkakaiba?merun,pero parehas silang tula.parehas ng ibig ipahiwatig.parehas na tula ngunit magkaiba ang paraan ng pagkakagamit ng mga mahahalagang salita.Sa mga nagpapasimula sa pagsusulat ng tula ay madalas natin makita ang unang version,di ko po sinasabi na mali yan at hindi tula,pero parang tinapay yan,ang una ang margarine ay nilagay ng buo.sa pangalawa,ito ay inispread.nakikita nyo po ba ang punto ko?minsan may tendency tayong magbusalsal ng mantikilya sa mga tula,kahit ako nagagawa ko din to ng di ako aware,parehas na mga salita iba ang paraan ng pagkakagamit.mahalaga sa mga tula ay ang kakayanan nating paglaruan ang mga salita at pagalawin sila sa lahat ng epektibong pamamaraan ayon sa limit natin.
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman

Naiintidihan ko po sir na gusto niyo lang po rin na makapagbahagi ng kaalaman tungkol sa pagsusulat pero sana po ay " Be Gentle ", Ok lang po ang pag criticize pero sana po ay sa tamang paraan at hindi harsh, kasi po may mga tao po na sensitive and madali pong masaktan ang loob. Sana ay intindihin rin po natin sila sir.

Anyways, interesado po ako na ma criticize, gusto ko po malaman kung ano po ang mali at kakulangan ko pa. I'm not saying this para maging writer, pero curious lang po ako sa mga nagawa ko na.

Sana po ay mabasa at makapag comment po kayo sa akin mga naisulat na...
Kahit harsh words pa ang gamitin niyo sa pag criticize sa mga gawa ko ay ayos lang, because I don't really mind it po, papansinin ko lang po ay yung mga important part.
Dahil aminado po ako na marami pa po akong pagkakamali at kakulangan ( dahil sa kulang kulang akong tao :rofl: ).

Maari niyo po tignan ang aking mga gawa, hubaran, halayin este basahin po
Nasa Signature ko po Poems

Salamat po at welcome po.. Sana po ay makapagshare po kayo ng mga dagdag na kaalaman para po sa lahat ng nais na magsulat :hat:
 
Last edited:
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman

Nakapagcomment na po ako sa poem mo dun sa ibaba.andun na din yun school of thought ko sa poem mo,hehe,ang masasabi ko lang ay ang iexpand pa ninyo ang inyong vocabulary.malawak po ang english language merun din tayong old english,hehe.magagamit po niyo yun sa mga tula nyo,about naman sa style,ay puwede nyo din ienhance at iapply yung mga style na nasa thread na to.
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman

galing ng thread na to' thanks..
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman

salamat dito sir MF,mahina kasi ako sa tula.More on kwento lang.:thanks:po ulit :praise:
 
Last edited:
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman

Walang anuman po..kung may mga tanung kayo, suhestiyon ng mga topic na nais nyong matalakay o may mga parte na malabo post nyo lang po at titignan natin kung anung magagawa natin.
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman

Salamat po sa tut mo sir MF:clap: Share ko lang po yung nagawa ko matapos ko basahin ang tut na to :dance:
Feel free to criticize my works for my own improvement :beat:
Tears
Batis

Sana po ay maappreciate nyo ang mga beggining pieces ko :praise:
Salamat po ulit dito sa mini tutorial na ito!:salute: Malaki po ang maitutulong nito sa mga baguhang tulad ko :clap:
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman

wow nice thanks sa pagpagaalala
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman




workshop#3



"Ang pag gamit ng simbolismo at mga imahen"



Alam natin lahat na kadalasan ang tula ay parang isang larawan, it paints a thousand words. kaya nga kadalasan mas maiksi ang tula kesa sa kwento. Mas madaming sinasabi ang tula kesa sa nababasa mong mga kataga. Iyan ang isa sa mga dahilan bakit nagiging mahiwaga ang tula.

Para sa workshop na ito ibahin natin ang approach hindi ko ipapalita kung paano isusulat. Ang gagawin natin dito babaklasin natin yung isang gawa na. Parang interpretasyon kaya nga medyo nalito ako kung saan ko dapat to ilagay. Pero tanawin natin ito sa paningin ng isang sumusulat hindi sa paningin ng isang mambabasa para mas beneficial sa atin.

Ito yung isang poem na ginawa ko. dalawang stanza lang ito pero madami tayong maitatagong kahulugan dito at madali natin makikita ang ganda ng pag gamit ng simbolismo at imahen sa pagtula.

ang akda:


Dinugo ang birhen
Sa kamay ni Damaso
Si maria clara'y pinutungan
Ng koronang tanso

Isang bayang tinanaw bilang paraiso
Ang kasabay ng mga dasal
Ay tawa ng mga payaso



Medyo makabayan yung tula kaya pagpasensyahan nyo na kung may bahid ng pagiging marxista ang pananaw ko.



"Dinugo ang Birhen"



May dalawang salita dito na makikita na significant. Yung "dinugo" at yung "birhen." Pwede natin silang tignan na magkahiwalay at pwede din naman na magkasama. Unahin natin ang salitang dugo. Madami tayong maiisip na kahulugan nito, pwedeng buhay, o ritwal, o di kaya'y pag-aalay. Kung gagawin naman natin syang pandiwa na dinugo, maaring pinatay, nakunan, napagsamantalahan, o na donselya. Sa salitang birhen naman mailalapat natin dito ang tunay na kahulugan, isang babaeng di pa nakakatikim ng isang lalaki, maari ring ang konotasyon nya bilang walang muwang, puro o hindi pa magagalaw. Teka isang mahalagang bagay bakit birhen ang ginamit ay dahil ang dinidiscribe dito ay isang lugar. Sa panitikang filipino ang mga lugar o bansa ay binibigyan ng female gender. kaya nga inang bayan. Ngayon pag pinagsama na natin yung dalawang salita para mabuo yung linyang "dinugo ang birhen" makakagawa tayo ng mga kahulugan. Una, nilalarawan nito ang coming of age ng isang babae. Madalas sa hindi birhen ang babae sa unang beses na sya ay magkaroon ng regla. Nagbibigay din ito ng kahulugang isang birhen ang inabuso o kung titignan natin pwede ding isang bansa ang inabuso. Itong mga kahulugan na ito ay maitatago natin sa isang linya lamang, " dinugo ang birhen." Sa paglalim ng atin pag basa makikita nyo ang connection.

Wew, unang linya pa lang ang haba na. Pero tandaan ang naglalakad ng matulin walang nilaga, chewing gum ang makuluha nila. Pag minadali kasi ang nilaga hindi lalambot ang karne. Hindi na masarap ang sabaw mauumay kapa lakangata.

Next line, "sa kamay ni Damaso." Kapansin-pansin dito ang imahen ni Damaso. Isang sikat na tauhan sa nobela ni Pepe. Nagbibigay ito ng imahen ng isang praile. So ano naman ngayon? well kung naghahanap ka ng simbolo ng kapangyarihan, isa na 'yan sa mga magandang gamitin. At di mo na kailngan magexplain kasi halos lahat ng filipino na nag highschool ideally dapat kilala si padre Damaso. Sa panahon ni Pepe, Rizal at hindi smith, sila ang pamahalaan. Sila ang simbolo ng kapangyarihan at pamamahala. Sa madaling sabi pag ginamit mo ang linyang "sa kamay ni Damaso" mairerelate mo na kung sino talaga ang tinutukoy mo at ano ang katauhan nya.

Pag pinagsama mo na ang dalawang linya:


"Dinugo ang birhen
Sa kamay ni Damaso"



Ito ang malamang na nais mo sabihin, dumating ang takdang panahon sa isang bayang walang muwang. Panahon kung kailan aabusuhin ang kapangyarihan, nanakawin ang kamuusan at kakamkamin ang yaman. At ang mga tao na nasa kapangyarihan, na dapat sana'y nagtataguyod ng katotohan, hustisya at pag-ibig, sila ang gagawa ng mga ito.

Oh di ba? Ang dami na nating nailahad sa konting kataga pa lang. So instead na mabang litanya tungkol sa coruption, pag abuso sa kapangyarihan at panloloko ang gagamitin mo ja lang ay konting simbolismo at imahen para makagawa ka ng maiksing linya. Sinasabi nyan lahat ng gusto mo sabihin kahit di mo ma ilagay sa tula.

Tungo naman tayo sa susunod na linya. "Si Maria Clara ay pinutungan ng koronang tanso." Mula babalikan natin ang simbolo ng bayan bilang babae, at maging ang imahen ng isang babae na napagsamantalahan. Take note hindi laging rape ang ibig sabihin ng napagsantalahan. Bale dito mayroon tayong isang babaeng persona na gagawin nating simbolo para sa bayan. Ang koronang tanso ay nagpapakita ng panglilinlang. Malamang narinig nyo na yung expression na natanso. Akala mo ginto, tanso pala. Ang salitang korona naman ay nagpapakita ng isang parangal. So maari natin gamitin ito para magpakita mg huwad na pedestal. Isang pekeng karangalan. Sa kasalukuyang panahon pwede mo na din sabihing parang yung mga politiko na gumagawa ng protekto sa para sa bayan, kunwari bayan ang nakikinabang ngunit mas malaki ang ibinubulsa ng mga dupang at ang mga baryang natira yun ang pinakikinabangan ng bayan.

Sa susunod na linya, " isang bayang tinanaw bilang paraiso" nakakatuwang isipin na puro mgagandang balita ang lumalabas aa bibig ng pamahalaan. Puro magagandang protekto, puro magagndang indikasyon ng pag-unlad para sa bansa at kung iproject nila ang bansa kala mo gagawa sila ng isang paraiso sa imagination ng mga tao. Maari rin natin gamitin ito upang ipinpoint na ang bansang Pilipinas amg tinutukoy natin. Bilang perlas ng silangan. Kanlungan ngasaganang likas na yaman. Isang tunay na paraiso.

Ang huling linya "Kasabay ng mga dasal ay tawa ng mga payaso." Kilala ang mga filipino bilang mga taong malaki ang pananalig sa Diyos. Ano mang form yan, sino mang Diyos yan, majority sa atin ay may dinadasalan ant pinaniniwalaan. Isa din yang paraan na ginamit ng mga kastila upang madali nilang masakop ang ating bansa. Inalipin ng isang mapang aping relihiyon. Binulag ang ating mga ninuno sa nga aral na walang batayan. At hanggang ngayon, yang lumang paraan na yan ay ginagamit pa din ng mga namumuno para makuha ang simpatya ng taong bayan. Habang sa likod ng mga mamamayang taos pusong nagdadasal eh nagtatawanan lamang ang mga payaso habang nagbibilang mg mga salaping ninakaw sa bayan.

Nakita nyo na kung gaano ka makapangyarihan ang simbolismo. Ni wala sa tula ying mga bagay na sinabi ko pero malinaw pa ding naihayag yung gustong iparating sa ating mensahe ng tula. Iyan ang kapangyarihan ng mahika ng tula.


 
Last edited:
Re: Literati Presents: Poetry101- Updated workshop#3

Muli kong binasa mula sa umpisa. May mga naalala akong tula mula nung highschool. Madami pa talaga akong dapat malaman. Gusto ko pang lumawig ang kaalaman ko.

Salamat po dito. :hat:


O.T.: May mga sagutan din palang naganap dito. :slap:
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Updated workshop#3

WOW! :praise:
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Updated workshop#3

ang galing talaga ni idol MF,marami akung natutunan s tread n to,:)
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Updated workshop#3

Maganda to TS!! :thumbsup:
Sana meron din workshop for broad literature.
Ktulad dun sa paggawa ng libro.. :thumbsup:
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Updated workshop#3

:thanks: sa mga nagtyatyagang magbasa sa thread na ito nawa'y maging makabuluhan at makaambag ito sa inyo. Kung may mga suggestion kayo o topic na gustong ipatalakay o linawin feel free to ask.. Kung kaya ko po maaccomodate bakit hindi? Kung di ko man masagot ng direkta siguro naman kahit pano makakapag-ambag ako.

:hat:
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Updated Ang dating ng Tula





Ang Dating ng tula


Maraming dating ang tula. Sa iba't ibang pananaw at sa daming ng matang sumusuri tiyak na mag kakaroon ng maraming dating ang tula. Napakarami ding paraan para tignan kung ano nga ba ang dating sa atin ng isang tula. Sa isinusulat kong ito malamang ay hindi ko talaga macocover lahat pero sa tingin ko naman ito na yung mga karaniwan.

Malamang magtaka kayo kasi hindi naman ito tutorial sa pagsulat ng tula pero nakapost dito sa thread ng poetry 101. Sa akin po kasing palagay na mahalagang maunawaan natin ang dating ng isang tula sa pananaw ng mambabasa. Bukod sa maiintindihan natin kung ano ang hanap nila eh magiging diversified ang ating panulaan.

Disclaimer: wala po akong intensyon na makaoffend ng kababaihan, lalo nang mga feminista dyan. Ang mga susunod na paglalarawan ay dahil sa isa akong lalaki at babae ang gusto kong tinitignan. Mas magiging di naman ok kung lalaki ang gagamitin kong halimbawa.


Mabalik tayo sa pinag-uusapan, ano ba ang sinasabing dating ng tula? Siguro ang pinakasimpleng paliwanag eh ano ang nagtulak sa'yo para basahin ang tula at ano ang naging epekto nito sa'yo. Ngayon maiintindihan nyo na kung bakit mahalaga ito sa pagsulat ng tula. Samakatwid ang ibig ko bang sabihin dapat malakas ang dating ng isang tula o yung tinatawag nga ng nanay ko na strong arrival? Hindi po, ang bisa ng dating ng isang tula ay nakabatay sa taong titingin nito. Kailangan mo lang ng tamang mambabasa dipende sa dating ng tula mo.

Ngayon sisimulan natin ang pagtalakay sa iba't ibang dating ng tula. At sisimulan ko ito sa tinatawag kong "head turners" o sa salitang kanto mga nakaminiskirt na tula. Ang mga ganitong tula ay yung tipong sa anyo pa lang nakakaenganyo na na basahin. Parang pag nakakita ka ng naka-mini skirt, hindi ba't nakakaengganyong tignan kung wala bang varicose yung binti? Kung hindi ba sya parang alkansya na puro barya? Hindi ba't nakakaintriga din tignan kung maganda ba ang mukha nyo o sana sa legs ka na lang tumitig.

Ang mga ganitong anyo ng tula ay yung mga may topic na malakas ang appeal. Halimbawa, isang sikat na isyu o di kaya'y mga banat o magagamit sa pambobola o kaya eh mga nakakatawa. Ang mga ganitong tula ay nakasandig sa pagiging witty, swabe at dulas ng mga linya. Mahalagang magkaron ng magandang titulo at unang mga linya.

Sa punto ng mambabasa, hindi muna mahalaga kung may lalim ba ang tula, kung may mga literari device ba ito, kubg ano-anong interpretasyon mayroon ito o kung may substance ba ito. Parang babaeng naka miniskirt, titingin ka muna sa miniskirt, at pipilitin mo pang makita kung ano pa ang pwedeng makita at sa huli saka mo palang sasabihin panalo o " wow! ang seksi naman ni kuya."

Ang pagkaswabe ng mga linya at ang interest mo sa topic na tinatalakay ng tula ang magbibigay sa'yo ng udyok upang basahin ito at tapusin. Kaya nga lang minsan ang mga ganitong uri ay talikodgenic. Sana hindi mo na lang hinarap. Dahil may mga pagkakataon na natuon na yung interest ng makata sa pagsulat ng mga witty line at nakalimutan nya na ang imagery at substance ng kanyang gawa. Pero kung masasanay ka sa pag gawa ng mga ganitong tula eh tiyak dadami ang mambabasa mo. Lalo na kung bakat ang t-back sa skirt, meaning may lalim ang tula.

Ang next na dating ng tula ay yung tinatawag na "manang" ito yung balot na balot, hindi agad-agad nakakatawag pansin pero kung magtyatyaga ka, tiyak na walang matimtimang birhen sa masugid mong pananalangin.

Teka, ano daw? Hayaan mong palawakin ko. Alam mo ba yung pagnakabasa ka ng tula na feeling mo maganda pero kumakamot ka ng ulo kasi di mo magets? O kuha mo na? Ito yung mga uri ng tula na kailangan mong unti-unting talupan, kailangan mo upuan at suyuin bago lumabas ang nais mong makita. Ito yung mga tulang balot ng talinhaga. Hitik sa literari device na magkakaugnay. Mahirap sila maunawaan pero pag napabigay mo may malaking pabuya.

Ang mga ganitong uri ng tula eh hindi agad-agad aani ng pansin pero pagnabigyan ng mga tamang mambabasa eh siguradong gagawa ng tatak para sa'yo.

Ang ikatlong uri ay yung mga tinatawag na "passer by." Ito yung mga tipo ng tula na plain and simple. What you see is what you get. Hindi man ako masyadong fan ng mga ganitong uri ngunit gaya ng mga pangkaraniwang chicks na dumadaan may boyfriend yan. Ang nais kong sabihin ay makakahanap yan ng taong makakarelate at mapapaibig sa kanya. Walang madaming rason, basta nagustuhan nya tapos.

Ang nga ganitong uri ng tula ay kadalasan naisulat para maglabas ng nararamdaman. Ang layunin ay maipahayag ang damdamin ng sumulat. Hindi ko sinasabing panget ito, gaya nga ng sabi ko maraming ganyan na may boyfriend. May makakabasa nyan na tiyak na maiinlove sa tula. Huwag mo din mamaliitin kasi may nagmamahal dyan.

Ano pa mang dating o uri ng tulang naisulat mo o isinusulat o isusulat mo tandaan na hindi ang pagiging sikat nito ang mahalaga. Sa bawat mata ay may bagay na mahalaga. May mga pamantayan nga tayo sa pagsulat ay may mga pagkakataon na pagsumusulat tayo eh hindi natin ito naaarok pero mahalin mo ang likha mo. Dahil kung ikaw mismo hindi mo magawa 'yon pano pa yung iba.


Salamat sa pagtyatyagang magbasa:hat:

 
Last edited:
thanks sa pag update ng tutorial babasahin ko ito ulit mula unang pahina hehe
 
Back
Top Bottom