Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Makakatulong ba ang Bibliya Para Maging Maligaya ang Aking Pamilya?

Arminz

 
Amateur
Advanced Member
Messages
144
Reaction score
41
Points
38
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone

1653128838026.png

Ang sagot ng Bibliya​

Oo. Narito ang ilang matalinong payo mula sa Bibliya na nakatulong sa milyun-milyong babae at lalaki para maging maligaya ang pamilya nila.
  1. Gawing legal ang inyong pag-aasawa. Ang pagpapakasal at pangakong magsasama kayo habambuhay ang pundasyon ng maligayang pamilya.—Mateo 19:4-6.
  2. Magpakita ng pag-ibig at paggalang. Kasali rito ang pakikitungo sa iyong asawa sa paraan na gusto mong pakitunguhan ka.—Mateo 7:12; Efeso 5:25, 33.
  3. Iwasang magsalita nang nakasasakit. Magsalita nang may kabaitan kahit nasasaktan ka sa sinasabi o ginagawa ng asawa mo. (Efeso 4:31, 32) Ganito ang sabi ng Bibliya sa Kawikaan 15:1: “Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit, ngunit ang salitang nakasasakit ay pumupukaw ng galit.”
  4. Maging tapat sa isa’t isa. Huwag magkaroon ng romantiko o seksuwal na kaugnayan sa hindi mo asawa. (Mateo 5:28) Ang sabi ng Bibliya: “Maging marangal nawa ang pag-aasawa sa gitna ng lahat, at maging walang dungis ang higaang pangmag-asawa.”—Hebreo 13:4.
  5. Sanayin sa maibiging paraan ang inyong mga anak. Huwag maging kunsintidor pero huwag ding maging mabagsik.—Kawikaan 29:15; Colosas 3:21.
 
Anong masasabe mo sa isang pamilya na hindi nag babasa ng bibliya po? O iba ang kanilang binasa na libro tulad ng quran o baghavadgita. pero ina-apply nila yung limang payu na tinutukoy nyo sa itaas, at sila po ay maligayang pamilya?
 
Ang sabi po ni TS, "Makakatulong"
di naman po sinabi ni TS na Bibliya lang ang paran para maging masaya ang pamilya
 
Back
Top Bottom