Maria
by imba_kan
Ito ay istorya hango sa dalagang si Maria,
Na aking kababata at kalaro sa may sapa,
Ubod ng ganda, noong sya ay nagdalaga
lahat ng binata sa kanya ay lubos na humahanga
Sa silid aralan kami ay tiyempong magkatabi,
Sa bawat kwentong sambit at matamis nyang ngiti
Di' alintana ang oras o kay bilis na lumipas,
Sa inosente nyang mata, puso'y tuluyang nalugas
Isang araw bago ang aming pagtatapos
Nagbihis ng pormal upang sa kanya ay sumubok
Sa laro ng pag-ibig nagbakasakaling sumugal
Ngunit ako'y nabigo at sa kanyang tugon ay nagimbal
May kasinatahan sya sa Maynila na naghihintay
Nilisan nya ang baryo para sa marangyang buhay
Nag uumapaw na pangarap para sa kanyang pamilya
Sa ika anim ng Hunyo sya'y di nag-atubiling sumama
Lumipas ang tatlong buwan walang sulat na dumating
Akoy lumuwas ng Maynila upang maibsan ang pagkapraning
Hinanap at tinahak ang lugar na kanyang tinutuluyan
Laking gulat ng buksan, di makaahon sa nasilayan
Dating inosenteng mukha ngayon ay nabalot ng pasa
Paso ng sigarilyo mula likod hanggang sa may hita
Malambot na kamay at binti ngayon ay sugatan
Tinadtad ng bugbog ang balingkinitang katawan
Ngayon ay walang buhay na sya ay naabutan
Prinsesang maituturing, inabuso't pinagsamantalahan
Mga matang dati'y puno ng pangarap at kinabukasan
Ay inihahatid ngayon sa kanyang huling hantungan
try lang ulit