Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

may tanong po ako about sa call center at medical exam

SvDM137

Recruit
Basic Member
Messages
3
Reaction score
0
Points
16
Story:

First time ko makaabot sa Final interview at pumasa naman ako, madalas kasi sa ibang na applyan kong call center ehh either sa initial o test nila ako bumabagsak, (Nag pa medical na ko kinabukasan sabi ng company).

Anemic lang ako at wala naman akong bisyo pero bakit ganun, kaylangan ba wala ka ding libag o napakalinis mong tao ? na kausap ko din yung doctor kung saan ako nag pa medical exam "Makakaapekto ba ang pagiging anemic sa trabaho? di naman po ako nawawalan ng focus o ganun na nahihirapan sa ano mang bagay na kikilos buong katawan ko" sabi nya "Ok naman yun sir, ako din anemic ako pero you seems normal naman sa mga check up ko sayo lets see na lang po sir" ayon tapos na ibibigay na lang daw sa company yung results then after that since March 22 until now di pa tumatawag yung company sakin.

Tanong:

1. Pwede ko ba sila puntahan kung kamusta na ko kung nakapasa ba talaga ako o hindi ? kahit na di na nila ako tinawagan.
2. If ever na hindi ako pumasa kung sakaling mag aapply ako sakanila kaylangan bang ulitin ko ulit yung Inital, test and final interview nila ? o di na, kaylangan ko na lang ipasa yung medical ?
3. Ano bang reason bakit sa simpleng anemia lang bakit parang di nila maipasa ang aplikante ?

Bakit naman ganun ang higpit nila, sasabihin nilang "Congratulation on passing the final interview" wala na kong dapat pang haraping test daw tapos meron pang medical ? wala naman akong sakit ehh. Pasensya na kung wala akong alam sa kalakaran ng trabaho o call center, newbie lang ako at call center lang tinatry ko applyan kasi sabi nila madali which is oo sakto lang sakinvat pasensya na din kung marami akong tanong.
 
Last edited:
1. pwede mo i followup yan ts kung ano status
2. Yes uulit ka sa initial pag mag apply ka ulit alam ko may duration bago ka maka apply ulit
3. sa medical mo naman wala ka ba certificate na fit to work?

- - - Updated - - -

baka kasi sa graveyard ka ilalagay or night shift pre
 
Salamat po sa pag sagot.

1. Sana pag punta ko dun ehh maganda ang resulta at makakapasok na ko or maka sign ng contract nila.
2. Nakakahina naman ng loob kung pinasa mo yung Final nila tapos yayariin ka naman sa medical at sayang din kakahintay sa wala.
3. Chineck ko yung 2 form (Custody/Control Form at Referral Form) ko na about sa medical wala akong nabasa sa ganun na sinasabi mo po na "Fit to work", wala din akong kopya pa ng results, sa company daw una ibibigay yun ehh siguro po dun nakalagay yun kung pwede ako sa trabaho.

Opo sa nightshift po ako naka assign ehh if ever.
 
Alam ko bawal ang anemic pag nightshift e.
depende sa doctor pa din if bbigyan ka nya ng fit to work.
try mo mag apply sa office pre tipong 8am-5pm ang shift
 
mahirap kasi dyan sa mga call centers talo pa nila ang mga prime companies kung sa hiring process ang paguusapan. Saken lang, don't declare it na anemic ka etc..etc.. Dami nga diyan na severly obese or may hypertension pero nagiging employee pa sila. Just walk around sa mga call center populated areas gaya ng mga Eaton sites at UP technohub at makikita mo karamihan sa kanila kung gaano na ka unhealthy lifestyle nila.

Pwede ka naman mag follow up wala naman bawal doon. Kung di ka pumasa may cooling off period yan kung pwede ka ulit mag re-apply. Madalas pag re-apply ka uulitin mo buong process. Ang kagandahan lang doon eh since nagawa mo na yan dati eh you know what to expect.
 
basta may fit to work na medcert okay na yan
 
Back
Top Bottom