Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Must read mga 90's kids!

Share ko lang po tong napulot ko! Eto rin siguro yung mga ginagawa mo dati. Enjoy reminiscing the past! good times... Danda talaga!


Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.

May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.

Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.

Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.

Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. (alam mo yan!)

Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris. (Hadukken!)

Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo. (ako, hanggang kaskas lang sa sapatos. takot ako pag kamay. haha)

Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. (panalo!)

Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay. (i loved Toni Kukoc

Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.

Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.

Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. ( si Jolina ang nagpauso nito.) haha.

Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket. (HAHA!)

Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. (the best!)

May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.

Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.

Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang. (panalo!)

Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit. (eto sakin! hahaha!)

Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom. (girls, may shorts sa ilalim ng palda para sa 10-20 tas pag-uwi sobrang dumi na ng socks!!!! HAHA!)

Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".

Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand (oy wild), compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.

Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.

Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.

Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.

Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone. (man! i actually had one of those! haha!)

Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.

Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo. (don't forget Bomber Man and Pacman! haha. good times

Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.

Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".

Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.

Sumasayaw ka ng Macarena.

Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila. (i was sporty spice!)

Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands. (oo na, i was a BSB fan. wild! haha!)

Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin. (haha!)

Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.

Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.

Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.

Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.

Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"

Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."

Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, (calling Vincent and Renel) at Cedie. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. (Cedie: pang-afternoon kids!)

Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.

Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.

Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...

Napanood mo ang Batang X.

Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. (haha!)

Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles"

Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga siya mang-api kay Mara.
Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.

Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.

Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."

Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".

Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.

Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. (nanginginig ako nung nag-new year non! haha!)

Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.

Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.

Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose." (di ako naniwala. i thought she was one of those people who would live forever.)

Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. (who knows SPLASH???)

Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.


Saya noh? :excited: Ang saya maging bata!
 
Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".
:lmao: eto lage linyan kapag may bangayan dati... hehehehe... kaka miss...
 
grabe ha kumple2 yan mga naalala mo, naalala ko bigla mga nangyari nung bata ako bwat sentence sa post mo haha, dagdag pa kayo para ayos na ayos, :lol:
 
Yung sapatos na umiilaw tska gameboy yung pinapangarap ku nuon.. Pero hnggang ngaun wala pa rin ako.. Waaa.. Hahaha.. May nakalimutan ka ts.. Yung bag na digulong.. Gustong gusto ko rin nuon, kaso hindi rin ako binilhan.. Hahahaha..
 
good old days... hay signs na tumatanda na talaga ako

kayo din ba naiisip niyo na kapag sinabing 10 years ago eh 1990 ang nasa isip ninyo?
 
Last edited:
:rofl: daming kong tawa habang inaalala ang pagkabata ko :pacute:
yun iba nagawa ko na hindi dapat, tulad ng tirador tapos biglang mapapatid yun rubber, :lmao:
pati na rin ang Baby-G, G na lang kasi ang sa akin ngayon :D

nakakamiss, thanks dito :D
 
Last edited:
hehe...srap ng memories na ganun..tpos sa skul tirahan ng ballpen na ginawang bala ung balat ng orange.. :)
 
Yung sapatos na umiilaw tska gameboy yung pinapangarap ku nuon.. Pero hnggang ngaun wala pa rin ako.. Waaa.. Hahaha.. May nakalimutan ka ts.. Yung bag na digulong.. Gustong gusto ko rin nuon, kaso hindi rin ako binilhan.. Hahahaha..


Haha! Onga no?... Nung grade 2 yata ako nung nauso yun eh, nagkaroon ako pero bigay lang, luma na! :lol:
 
hehe...srap ng memories na ganun..tpos sa skul tirahan ng ballpen na ginawang bala ung balat ng orange.. :)

haha sa amin ung balat ng santol o kaya ngunguyain ung papel tapos un ang ipambabala sa ballpen ^^
 
` omigosh sobrang nakarelate ako ts :lol: lalo na yung nakashort sa ilalim ng palda while playing 10~20:lol:and ofcourse malilimutan ko ba ang Maskman eh crush ko si michael jo,kaya eto hanggang sa nickname ko dito ginamit ko yung name ng kalove team nya,feeling ko ako si prinsesa iyaru/rio :lol:
 
haha nice TS panahon nga naman sadyang napakabilis, parang kailan lang bata ako..:clap:
 
` omigosh sobrang nakarelate ako ts :lol: lalo na yung nakashort sa ilalim ng palda while playing 10~20:lol:and ofcourse malilimutan ko ba ang Maskman eh crush ko si michael jo,kaya eto hanggang sa nickname ko dito ginamit ko yung name ng kalove team nya,feeling ko ako si prinsesa iyaru/rio :lol:


:lol: Mejo di ko na nga rin matandaan yung maskman eh! :laugh:

haha nice TS panahon nga naman sadyang napakabilis, parang kailan lang bata ako..:clap:

Sarap nga ibalik nung dati eh! :yipee:
 
Back
Top Bottom