Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Must read mga 90's kids!

Share ko lang po tong napulot ko! Eto rin siguro yung mga ginagawa mo dati. Enjoy reminiscing the past! good times... Danda talaga!


Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.

May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.

Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.

Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.

Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. (alam mo yan!)

Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris. (Hadukken!)

Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo. (ako, hanggang kaskas lang sa sapatos. takot ako pag kamay. haha)

Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. (panalo!)

Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay. (i loved Toni Kukoc

Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.

Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.

Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. ( si Jolina ang nagpauso nito.) haha.

Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket. (HAHA!)

Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. (the best!)

May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.

Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.

Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang. (panalo!)

Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit. (eto sakin! hahaha!)

Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom. (girls, may shorts sa ilalim ng palda para sa 10-20 tas pag-uwi sobrang dumi na ng socks!!!! HAHA!)

Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".

Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand (oy wild), compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.

Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.

Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.

Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.

Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone. (man! i actually had one of those! haha!)

Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.

Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo. (don't forget Bomber Man and Pacman! haha. good times

Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.

Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".

Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.

Sumasayaw ka ng Macarena.

Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila. (i was sporty spice!)

Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands. (oo na, i was a BSB fan. wild! haha!)

Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin. (haha!)

Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.

Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.

Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.

Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.

Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"

Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."

Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, (calling Vincent and Renel) at Cedie. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. (Cedie: pang-afternoon kids!)

Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.

Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.

Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...

Napanood mo ang Batang X.

Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. (haha!)

Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles"

Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga siya mang-api kay Mara.
Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.

Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.

Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."

Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".

Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.

Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. (nanginginig ako nung nag-new year non! haha!)

Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.

Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.

Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose." (di ako naniwala. i thought she was one of those people who would live forever.)

Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. (who knows SPLASH???)

Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.


Saya noh? :excited: Ang saya maging bata!
 
salamat narin dahil isa din ako sa batang 90's napakaraming mga pangyayari nuon gaya ng mga post ni ts ang nagawa ko..

pero ngayon wala na kong nakikita na gumagawa ng mga ganito sa mga bata..

naaalala ko ang mga iba ko pang naranasan na tuwing gabi my krus kaming nililipat lipat sa iba ibang bahay at kakanta at sasayaw tapos may dalang ilaw yung ilaw na yun ay busa ng mais na sinasaw saw sa may hawak na gaas na nasa lata..tapos kapag nalipat na sa ibang bahay babalik kami dun sa pinag kuhanan namin at mamimigay yun ng pagkain gaya ng chichirya or lugaw, sopas..nd ko makakalimutan yun nung yung isang bahay ay namigay ng sopas at sobrang init tapos nag uwian kami para kumuha ng lalagyan at nung ng bbgayan na at hawak ko na yung sopas ko at natulak ako at tumapon sa dibdib ko yung sopas na yun grabe ang iyak ko nun at lumobo ang balat ng tyan ko paltos ata tawag dun grabe ang sugat na yun nag iwan pa sakin ng peklat hanggang ngayon pero malabo na lang hahahah..

nakakatawa yun may kasama pa kami mga babae at bading :rofl:

tapos bibili ng maliliit na itik at ddalhin sa bukid para ipastol kunwari kasama mga kalaro at sabay sabay mag tatawag ng kekekekekekekek hahahaha nakakatawa talaga :rofl::rofl::rofl:

tapos yung itik mu sa ibang kalaro lumalapit dahil mas malaks boses nya hahahah..at kapag nakapahinga na huhuli ng paru paro para ipakain sa mga itik.

salamat sa pag gunita sa 90s ts.

Ayos po yung experience mo nun ah.. :thumbsup:

Sayang wala ng mga ganto.
 
isama mo narin TS yung neo geo at sega console :yes: 90's lumabas yun
 
VROD
:yipee:
MGAH LAROH NUON ZIPAH TUMBANG PRESO TAGUTAGUAN GAMEBOY NINTENDO TAZ FAMILY COMPUTR
HEHEH
 
maswerte tayo na experience natin yan, :thumbsup:
 
HAHA

NGAUN KWENTO NALANG ANG LAHAT :D

THE BEST 90s KIDS !!
 
those days talaga...nakakamiss maging bata...ang saya pag puro laro lang nasa isip mo.
 
nakakamiss naman. :D

meron ba dito nakapaglaro ng bahay-bahayan at inaabangan ang radio drama na "Isang gabi ng Lagim" *insert awoooo woooo woooo...* :lol:

nakakamiss noon pinapayagan pa mag overnight sa bahay-bahayan kasama ang mga kaibigan. madalas din kami gumawa ng treehouse sa punong bayabas sa bakuran at naglalaro ng lutu-lutuan. tapos binebenta yung kunwaring lutong ulam na ang ingredients ay mga dahon at bulaklak na napupulot o napipitas sa tabi-tabi. tapos ang binabayad eh yung wrapper ng kendi. yung snowbear php1000, yung kendi mint php5 ata. depende sa kulay ng wrapper, kung ano kulay ng pera noon, yun din ang value ng wrapper. :D

:lol:

nakakatuwa balikan.. :D
 
Sinong nakakaalala ng line na " palakol ni diva"? :beat: tama ba ang spelling? :rofl:
 
Nakakamiss yung time na yun. At sana naranasan ng mga bata ngayon yung mga pinag-gagagawa naten dati :clap: MAs masaya kaya maglarong patentero,taguan atbp basta may kalaro:rofl:. kesa maglaro lang ng mga nauusong gadgets ngayon :rofl:
 
salamat TS maraming salamat talaga dito naalala ko karamihan dito nun kabataan ko at natin mga batang 90's. tumatanda na talaga ako masaya pala talaga yun kapanahunan natin kahit na puro laro gala at palo ang inaabot ko nun masaya pala napakasarap alalahanin(naiiyak ako habang tnatype ko to hehehe)
 
Hmmmmm.......:excited:

relate ako dyan....

BATANG 90's The best......
Daming kaalaman na di na na eexperience ng mga bata ngayon...
puro na kc lahat computer, fb, psp.... the computer age...

:thumbsup:
 
Sinong nakakaalala ng line na " palakol ni diva"? :beat: tama ba ang spelling? :rofl:

Si Zenki ba? :lol:

Nakakamiss yung time na yun. At sana naranasan ng mga bata ngayon yung mga pinag-gagagawa naten dati :clap: MAs masaya kaya maglarong patentero,taguan atbp basta may kalaro:rofl:. kesa maglaro lang ng mga nauusong gadgets ngayon :rofl:

Wala na yata akong nakikitang mga naglalaro neto eh.
 
at isa pa tuwing sasapit ang nov.1 nagtatakutan kasi nakakatakot talaga para sakin nun kasi puro kandila ang bawat bahay hahaha tapos gagawa ng malaking bilog gawa sa mga kandila na inipon palakihan kami ng mga kaibigan ko patibayan pa basagan kung sino mas matibay :rofl:
 
kakamiss talaga kaya lang wala na sila eh :salute:
 
Kakatuwa naman naalala ko tuloy ang karamihan. 1995 pala akong pinanganak.

Kakatuwa yung Kisses naluko rin ako ng pasimuno nyan eh. Wala namang buhay kaya hindi naman pala totoong mangaganak. Naalala nyo rin ba yung Lavender ayos din yan eh. Pati yung Fetus. Inis na inis ako pag tanghali laging pinapatulog pag hindi na tulog ay tiyak mag palo sa pwet.

Haha kung meron lang memory scanner tapos i iscan yung memory mo tapos pwede mo ng mapanood yung nakaraang nakita mo at ginawa mo.

Relate na related dyan yung sumulat ng Kantang Dati.
 
Back
Top Bottom