Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Must read mga 90's kids!

Share ko lang po tong napulot ko! Eto rin siguro yung mga ginagawa mo dati. Enjoy reminiscing the past! good times... Danda talaga!


Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.

May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.

Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.

Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.

Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. (alam mo yan!)

Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris. (Hadukken!)

Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo. (ako, hanggang kaskas lang sa sapatos. takot ako pag kamay. haha)

Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. (panalo!)

Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay. (i loved Toni Kukoc

Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.

Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.

Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. ( si Jolina ang nagpauso nito.) haha.

Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket. (HAHA!)

Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. (the best!)

May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.

Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.

Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang. (panalo!)

Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit. (eto sakin! hahaha!)

Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom. (girls, may shorts sa ilalim ng palda para sa 10-20 tas pag-uwi sobrang dumi na ng socks!!!! HAHA!)

Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".

Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand (oy wild), compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.

Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.

Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.

Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.

Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone. (man! i actually had one of those! haha!)

Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.

Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo. (don't forget Bomber Man and Pacman! haha. good times

Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.

Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".

Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.

Sumasayaw ka ng Macarena.

Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila. (i was sporty spice!)

Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands. (oo na, i was a BSB fan. wild! haha!)

Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin. (haha!)

Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.

Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.

Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.

Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.

Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"

Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."

Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, (calling Vincent and Renel) at Cedie. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. (Cedie: pang-afternoon kids!)

Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.

Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.

Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...

Napanood mo ang Batang X.

Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. (haha!)

Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles"

Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga siya mang-api kay Mara.
Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.

Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.

Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."

Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".

Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.

Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. (nanginginig ako nung nag-new year non! haha!)

Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.

Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.

Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose." (di ako naniwala. i thought she was one of those people who would live forever.)

Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. (who knows SPLASH???)

Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.


Saya noh? :excited: Ang saya maging bata!
 
naalala mo din ba si mask rider black? Pati yung pagsigaw mo sa harap ng electric fan? (Mangha ka pa pag nag-eecho) Eh yung pag-sipsip mo sa bulaklak ng santan? Nakakamis yung malalaki na teks na pokemon collection ko na nginat-ngat ng daga at higit sa lahat yung mga taong kasama nung umaagos pa ang sipon sa ilong mo na ngayon eh wala na : (
 
nakakamiss nga, lalo na ung gaming watch na galaga at dick tracy, tapos ung super tramp, at may palabunutan pa sa labas ng skul n mga laruan, magmemeryenda k ng nilupak...
 
Aww, feels good to reminisce. 1986 ako pinanganak kaya era ko yan. hahahaha. Feeling ko nga na-stuck yung pag-iisip ko sa Era na yan. Nakatago pa rin yung mga text ko ng ghost fighter & flame of recca. Mas masaya at simple lang ang kaligayahan nun. Iba na ang lifestyle ng mga kabataan ngayon....
 
Nakakalungkot lang. Nowadays hindi na naeexperience ng mga new generation kids ang buhay noon. :(
 
Aww, feels good to reminisce. 1986 ako pinanganak kaya era ko yan. hahahaha. Feeling ko nga na-stuck yung pag-iisip ko sa Era na yan. Nakatago pa rin yung mga text ko ng ghost fighter & flame of recca. Mas masaya at simple lang ang kaligayahan nun. Iba na ang lifestyle ng mga kabataan ngayon....
Ako 1992 kaya hindi lahat ng yan eh naabutan ko. hehe.. Pero ok pa rin kasi naging part ako ng '90s! :D

Nakakalungkot lang. Nowadays hindi na naeexperience ng mga new generation kids ang buhay noon. :(

Kaya nga mas masaya dati eh kaysa ngayon. Sayang lang kasi nasapawan na ng modern tech ang panahon ngayon. :(
 
ganito kami nuon
pangarap ko ang gameboy dati hahaXD
 
Sobrang namiss ko yung taguan... bang-sak pati chant ng taya.... Wala sa likod wala sa harap wala sagilid wala sataas wala sa baba... ahahaha... Ginagabi kami nuon kakalaro nun pero pag tumuntong na ang 6 at wala pa ako sa bahay yari pinapalo ako... XD Miss those days... Simple Pero sobrang Masaya....
 
Hello po! First time ko po mag attempt gumawa ng sarili kong story, pakisuportahan po please? :pray:

Oph-Nova (A Romantic Fantasy Story) po ang title located sa Original Literature.

Pakisupport po at paki critic na din! Please please pleaseee.. Thanks poo! :yipee:
 
haha 90's kid here :dance:
 
saan kaya makakakuha ng "hiraya manawari at wansapanataym episodes"
 
Only 90's kids knows :yes:

credits to the original source
 

Attachments

  • 39295027_2110735059001356_3617881670474006528_n.jpg
    39295027_2110735059001356_3617881670474006528_n.jpg
    63.9 KB · Views: 11
  • 13935092_1180732545322685_5875279578523936190_n.jpg
    13935092_1180732545322685_5875279578523936190_n.jpg
    48.3 KB · Views: 11
grabe lalo kung namiss yung mga ginagawa ko dati....
manood ng sandamukal na cartoons pag linggo...
ang gintong palakol ni diva...

good old days, sana nanatili nlang sa ganung panahon..
nakakamiss sobra...
 
Pasali po. Alala ko si ultraman at dbz cards dati na kasama ng candy. Mik mik din haha

- - - Updated - - -

Eto din yung panahon na napabayaan ako sa kusina. :lmao:
 
those were the days, kakalungkot isipin lumilipas ang panahon. :(
sana pwedeng maibalik yung panahon na di pa tayo dominated ng technology.
 
Last edited:
Back
Top Bottom