Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story My Band-aid Heart

CHAPTER 1

I look at the picture of the happy couple, drenched in tears – my tears. I cry for the happy faces on smiling back at me, I touch the face of the woman who thought she held the hand of the man who will be with her forever. The one who will finally make her dreams come true. The one who will promise her the life she wishes for, the life she deserves. I hold the pictures tight in my hand and put them over my heart; I raise my head to the sky and cry. Cry for the year I have spent loving this man, cry for the ‘almosts’ we didn’t have and cry for myself because now I have to go out there again, into the big, bad world, bruised and broken.

“Whyyyy???!!!!”

I knelt to the dirt and yelled, “Whyyy???!!!”



“Lintek ang ingay mo!” Ang lakas ng batok sa akin ng Tita ko, muntik na akong sumubsob sa basurahan namin.

“Aray naman, chang.” Humihikbi hikbi pa ako at nagpupunas ng luha. Pinagdadampot ko ang mga nahulog na pictures namin ng “mahal” kong si Kenneth.

“G***, istorbo ka sa pinapanuod ko e, para kang baboy na kinakatay jan.” Hinatak ni chang ang braso ko at pilit akong itinayo.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong babae ka, isosoli kita sa inyo e.” Bigla naman akong natauhan.

“Wag naman po, chang. E alam nyo naman ako gusto ko talaga maging artista mula nung bata ako kaya ganito lang ako, pagpasensyahan nyo na po ako.” Tinry kong ngumiti kahit na pilit na pilit. Ayoko namang bumalik sa probinsya namin, lahat ng lalaki dun nakita akong walang salawal mula pagkabata, paano naman ako makakahanap dun ng boyfriend na seseryosohin ako?

“Oh sya, iligpit mo na yan. Ano bang gagawin mo jan sa mga pictures na yan? May pakandi-kandila ka pa, baka makasunog ka na naman dito sa bahay talagang papalayasin na kita!” Sobra naman, isang beses lang yun e tsaka bata pa ako nun, sabi kasi ng mga kaibigan ko pag nakuha ko raw ang picture ng crush ko dasalan ko sa tapat ng kandila ng alas-12 ng hatinggabi at kinabukasan papansinin na nya ako, malay ko bang hahanginin yung kurtina at tatamaan yung kandila diba?

“Opo, mag-iingat naman po ako chang, wag na po kayo magalit. Pasok na kayo sa bahay, baka matapos na yung pinapanood nyo.” Tinulak ko ang likod ni chang ng onti para iwan na nya akong mag-isa at matapos ko na ang ritwal ko.

Pinulot ko ang mga pictures namin ni Kenneth na halos maubos na ang sweldo ko kakaprint galing sa cellphone ko, para lang punitin ang sunugin. Baliw na nga yata talaga ako.

Sumilip muna ako sa likod ko para siguraduhing wala na si chang, at nagbalik sa pag-iiyak sa mga alaala namin ni Kenneth. Tiningnan ko ang mga pictures namin habang isa isang sinusunog, para hindi magalit si chang bumulong na lang ako, “T******* mo kasi e. G*** ka, bakit mo ko pinag-palit?”

“Sana tubuan ka ng mga kurikong sa mukha, hayup ka.” Hinahaplos haplos ko pa ang mukha ni Kenneth sa picture. Hindi ko alam kung isusumpa ko sya or itetext ko ulit baka sakaling magkabalikan pa kami.

Tinuktok ko ang kamay ko sa ulo ko, “G***. G*** ka, wag nang umasa! Tama na ang ilang linggong pakikipag-balikan, move on na. Move on na!”

Nakakahiya mang aminin, pagdating sa pag-ibig wala ako masyadong pride. Wala sa bokabularyo ko yun. Ilang beses man akong itakwil ni Kenneth, dinodoble ko ang efforts ko para makausap sya, hanggang sa i-block na nya ako sa Facebook at nagpalit na rin sya ng number nya. Saklap.

Isa isa ko nang hinagis ang pictures namin sa apoy. Kailangan mawala lahat ito kundi hindi ako makaka-move on. Hindi ko kaya.

At syempre parte na ng ritwal ko ang umiyak habang isinusumpa sa mga kalangitan na may makikita akong iba. Na magiging masaya rin ako someday. At alam ko ibibigay yan sa akin ni Lord, dahil mabuti naman akong tao. Malandi lang, pero mabuti.

Nang maubos ko na ang pictures, hinawakan ko ang dibdib ko sa ibabaw ng puso ko at sinabing, “Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Kenneth at tapos na akong umiyak dahil sayo. Makikita mo, makakahanap rin ako ng lalaking karapat dapat sa pagmamahal na maibibigay ko.”

Pinanood ko nang lamunin ng apoy ang mga pictures namin ni Kenneth. Last day na today ha, Olga. Tomorrow is a new day and tomorrow you’ll be a free woman. Free ka na ulet.

Napaiyak ulet ako, "Bwisit na luha to, ayaw maubos. Hay!” Tama na.

“Tama na.”

Last hingang malalim at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Dumerecho na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Bukas, lagi namang may bukas. Hindi pa nauubos ang pagkakataon mo. Mag-25 ka pa lang, bata ka pa at marami pang lalaki jan. Hindi pa naman naubos ni Kenneth ang bango mo, buti na lang hindi ka naanakan nung lokong yun.

Bukas, kailangan maging normal ka na, hindi na natutuwa sayo ang mga kaibigan mo masyado ka nang ma-drama.

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko, at pumikit na.

Patulog na ako nang biglang dumagungdong ang boses ni chang sa loob ng bahay…

“OLGA ANDREA! HINDI MO NA NAMAN PINATAY ANG KANDILA!”
 
Last edited:
CHAPTER 18


Inter Office memo
From: May E. Roldan
Subject: Organizational Structure

This is to announce the latest organizational movements effective tomorrow, March 20, 2018. Following the promotion of Ms. Claire Montes as Deputy General Manager, Ms. Olga Andrea Martinez is promoted to Executive Assistant to Ms. Montes.
All communications, appointments and reports must be sent to Ms. Martinez for organizing and screening prior to submission to Ms. Montes.
For everyone’s information.



Hindi ko pa natatapos basahin ang email ko nag-ring na ang cellphone ko, Si Chuck. Shit.

Dahan-dahan akong tumayo sa pwesto ko dahil pupunta sana ako sa pantry para walang makarinig ng conversation namin pero bago pa ako makarating dun ang dami nang taong humaharang sa akin at gusto akong i-congratulate. Sa totoo lang yung iba feeling ko nakikichismis lang, kasi hello naman dalawang taon na ako dito hindi naman nila ako pinapansin tapos ngayon buddy buddy kami ganun? Susmio parang sa pulitika pa lang dito mapapagod na ako.

Sa dami ng gustong kumausap sa akin – feeling ko artista ako na maraming fans na gustong magpa-picture – nagstop na ang ringing ng phone ko.

Mamaya ko na lang sya kakausapin pag wala nang tao, wala na akong nagawa kundi bumalik sa pwesto ko para magtuloy ng pag-aalsabalutan. Nakaka-dalawang box na rin akong nakaligpit na boxes na puno ng documents na itu-turnover ko sa Junior Associate namin na papalit sa pwesto ko. Bukas naman kailangan ko siyang turuan ng mga ginagawa ko rito para walang mapabayaang trabaho pag-alis ko.

I spent the rest of the afternoon teaching my replacement sa mga tasks ko, organizing my files, putting my personal stuff in boxes, cleaning up and realizing halos wala pala akong dadalhin dun sa bago kong pwesto – it feels so weird. Parang pinalayas ka na wala kang pwedeng bitbitin kundi kung ano lang ang suot mo, ang sabi rin sa akin hindi ko na dadalhin yung laptop ko dahil kailangan nila yung files ko dito. So I had to clear my laptop of all my personal files. It’s like starting over in a new job talaga and I feel mostly sad, baka bukas maging excited na ako pero now I can’t help but feel like it’s an end of an era and parang dalawang taon ako sa posisyon na to pero ang dali kong palitan.

Nang matapos ako mga alas otso na yata, at may isang malaking box akong kailangan kong iuwi. Shit.

Sumalampak ako sa upuan ko at tiningnan ang napaka-linis kong table at nagpunas ako ng luhang hindi ko alam na nalaglag na pala, dinaanan ako ni Jem kanina pero parang gusto kong mapag-isa para makapag-isip. Hindi ko pa kinakausap si Chuck, tinext ko lang sya kanina to say na wala akong time makipag-usap today. I feel like it’s going to be either a really good thing for my career or it’s going to be the trigger para mag-quit ako sa trabaho. It’s really unclear pa sa akin why I was chosen for that promotion pero sabi nga ng boss ko magaling daw naman ako and I had glowing recommendations from most of the Marketing Managers kaya ako ang napili. I don’t want to sell myself short pero I can’t help but think that there’s a different reason why.

I sigh.

I guess I have to learn na mag-ingat starting now until I know kung ano ba talaga ang dahilan and that’s also the reason kung bakit hindi ko ini-confront si May paglabas ko ng office ni Ms. Montes.

Gaga talaga yung babaeng yun, ipapahamak pa ako sa pagka-walang manners nya. Gaga ko rin naman at hindi ko naisip na hindi kami parehong kumatok bago pumasok sa office ng DGM. I shook my head para mawala ang cringe-worthy moments kanina, “Engot, engot ka talaga Olga.”

Tumayo ako, nilagay ang bag ko sa balikat ko, yumuko at binuhat ang kahon na dapat kong iuwi, mabigat sya ha in fairness.

Naglakad ako papunta sa elevator at kaka-try kong pindutin ang down button at bilang wala akong upper arm strength nawalan ako ng grip sa box at nalaglag ang box sa sahig with a big thump.

Buti na lang naiiwas ko ang paa ko kundi ang ganda ng first day ko sa bago kong trabaho. I threw my hand out at sumigaw ng “Great!”.

Yumuko ako at lumuhod habang pinag-pupupulot ang mga papel na nagkalat sa sahig, at dahil baliw baliwan na naman nag-kakakanta ako sa sarili ko habang nagpupulot,

“Di biro ang sumulat ng awitin para sayo
Para akong isang sirang ulo, hilo at lito
Sa akin pang minanang piyano
Tikladoy pilit nilaro
Baka sakaling merong tono
Bigla na lang umusbong…”


At dahil nakalimutan ko ang lyrics, nag-hum hum na lang ako.

“Tungkol sa hmmm… hmmmm… chenes charot charot
Chenelyn gomburza nang tono
Chinenes nang diksunaryo…”


“Are those the lyrics?”

Sa gulat ko, napaikot ako at nabitawan ang hawak kong paperweight na babuy at nag-kalas kalas ang mga piraso nito’t kumalat sa sahig. At dahil bwisit na bwisit ako hindi ko napigilang lumapit kay Chuck at hinampas ang braso nya ng paulit-ulit, “Bwisit ka! Lagi mo na lang akong ginugulat!”

Nakatayo lang sya dun, naka-cross ang mga arms sa dibdib nya at no reaction, nakatingin lang sya sa akin habang hinahampas hampas ko sya. Nang mahimasmasan ako, yumuko ako at nilagay ang dalawa kong kamay sa mga tuhod ko para pakalmahin ang puso kong parang nanoood ng horror movie sa kabog.

Hindi pa rin ako bumabangon sa pagkakayuko ko nang maramdaman kong tumutulo na pala ang mga luha ko. Narinig ko lang nagbuntong hininga si Chuck at nagbend ang knees nya at bumaba sya para magkalevel ang mga mukha namin. Hinawi nya ang buhok ko at dun nya lang rin nakita na umiiyak na ako.

Tinitigan nya ang mga mata ko at nagtanong, “Bakit ka umiiyak?”

Naupo ako sa sahig at ginaya nya ang pwesto ko. Pinahid ko ng mga kamay ko ang mata ko habang umiiling iling, “Hindi ko alam.”

Nag-cross legs sya sa harap ko, at binunot ang panyo nya at inabot sa akin, kinuha ko yung panyo at nagpunas ng luha, buti na lang hindi ako nag-mascara today kundi mukha akong pulubi ngayon.

Inantay nya lang akong magsalita, pero parang hindi ko alam kung saan ako magsisimula kaya hindi na ako nag-attempt magpaliwanag.

Nakayuko lang ako at nakatingin sa panyong binigay nya, umiiwas ng tingin dahil hindi ko alam kung anong makikita ko pag tumingin ako, excitement? Worry? Or ang pinakamasakit – yung itsura na alam mong tapos na, that’s it, goodbye, adieu. And honestly, hindi ko rin alam kung ano naman ang isasagot ko kung sakaling wala syang pake kung ano man ang maging posisyon ko dito, na makakatrabaho ko ang ex nya – gusto ko bang pasukin ang gulong yun?

Naguguluhan pa rin ako nang hinawakan nya ang dulo nung panyo, not touching me at napatingin na ako sa kanya, he’s smiling pero I know na hindi yung usual smile na binibigay nya sa akin. Etong smile na to is forced, tina-try nyang maging masaya para sa akin and he finally said, “Congratulations, Andi. You deserve it.”
 
CHAPTER 19

Tahimik ang byahe namin pauwi ni Chuck, hindi na nya ako sinubukang kausapin pagtapos ng short conversation namin kanina. Binuhat nya lang ang box ko at sumakay na kami sa elevator, hindi na rin ako nagsalita nang pinindot nya ang button for the Basement parking. I actually had no strength left para magsalita so hinayaan ko na lang sya.

While we were on our way sa bahay I felt like it was the end and also the beginning, of what I’m still not sure pero I knew na wala akong choice but to go with the flow. Na hayaan ko na lang munang mangyari kung anong mangyayari, ganun naman ang buhay diba? Sometimes you just have to live your life, at kung ano man ang mangyari ay mangyayari whether you like it or not.

I also took this time para tingnan lang sya habang nag-ddrive, sino namang mag-aakalang mangyayari sakin ang ganito diba? Feeling ko isa akong bida sa mga pinapanood kong pelikula. How I wish eto yung part ng pelikula na mag-ro-roadtrip yung main characters, the guy drives at yung isang kamay nya nakalagay sa manibela, yung isa is either nakapatong sa hita nung babae or nakahawak sa kamay nya.

Hindi ko namalayang nakatingin pala ako sa mga kamay ni Chuck nung nagsalita sya, “Bakit ganyan ka makatingin?”

I realized nakatitig pala ako sa kamay nya at sya naman nakaharap na sa akin kasi naka-park na kami sa tapat ng bahay.

Nagbuntong hininga lang ako at napailing, word vomit starts in 3, 2, 1.

“Naisip ko lang na parang ang bilis ng panahon kasi a few weeks ago iniiyakan ko pa yung ex boyfriend ko and at that time ang only focus ko lang ay maka-recover sa heartbreak. Weeks later eto na ako, sobrang kakaiba ng mga nangyayari at hindi ko alam kung pano ako nakarating dito sa point na ito.”

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya, “I’ve always been the girl sa klase na tamad, puro kaartehan sa katawan, hindi masyado nagseseryoso sa buhay so I guess kakaiba sa akin na magseryoso pero pagpasok ko dun sa Company I felt different. Feeling ko may silbi ako, feeling ko ang galing galing ko pag may natatapos akong report, pag sinasabihan nila ako na magaling ako. I mean, nakakasarap sa pakiramdam to be needed like that at nung kinausap ako ni Ms. Montes earlier I felt confused but at the same time sobrang proud ako sa sarili ko.” Humihikbi na ako kakaiyak pero hindi ko napigilan ang mag-open up sa kanya, “Naramdaman ko yung mga taon bago maranasan ng ibang tao, yung pinili ka. Yung marami namang iba pero ikaw yung napili? Alam mo yun? Hindi madalas nangyayari sa akin yun e pero eto na, nandito na sya, whether or not may kakaibang reason para mapunta ako dun sa pwestong yun I realized lang na nagtabaho rin naman ako. Pinaghirapan ko rin naman ito kaya dapat lang sigurong maging masaya ako para sa sarili ko.”

Nung tumingin ako sa kanya nakita kong nakangiti sya pero he doesn’t say anything so tinuloy ko na.

“At eto na nga, isang blessing ang dumating sa akin pero hindi ko alam kung ano ang catch, kung ang catch ba is makukuha ko ito pero may kapalit? Ganun ba yun? Parang ang unfair naman diba? Hindi ba pwedeng makuha ko naman lahat kahit minsan lang?”

He sighed, “So you feel like you have to sacrifice something else because you got this promotion?”

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyo nya, “Oo. Feeling ko ganun.”

“Why? Why would you think that?” He looked really confused.

Sige na, sabihin mo na, it’s now or never, “Syempre kasi diba, parang ang weird ng timing e, I mean I’ve been working there for two years, then I meet you tapos we become friends tapos a few weeks after na-promote ako dahil sa talent ko? Parang hindi ko maisip na yun lang ang dahilan, I think kaya ako na-promote is because we’re getting close.” Yumuko ako at pinaglaruan ang panyong hawak ko habang nagsasalita, “I mean, diba kasi ex mo si Ms. Montes so I think she just wants me closer to her para mabantayan nya ako, parang diba yung ‘keep your friends close and your enemies closer’ ganun.”

Hindi sya nagsalita at pag tingin ko sa mukha nya I think I see… disappointment? Kahit na hindi sya gumalaw sa pwesto nya I saw his face as it changed from disappointment to sadness and then he closed up, it’s like he built a wall between us and he finally spoke while nodding, “I see.”

Syempre sa katangahan ko hindi ko na-gets kung ano yung ‘I see’ nya so nagtanong ako, “Anong ibig mong sabihing ‘you see’?”

Nabigla ako nang bigla nyang binuksan ang pinto at lumabas, kinuha nya ang kahon ko sa back seat at syempre nagmadali rin akong bumaba, iniwan nya ang box sa tapat ng gate namin pero bago sya sumakay sa kotse, humarap sya sakin, “I see that I was right when we first talked. That you overreact, you got inside that head of yours that every little move this world makes revolve around you. I see that you have decided to judge a situation without proof, I see na you’re full of self doubt that you can’t accept that you deserve the blessing you’ve received. I see that you’ve taken a good situation and turned it into a nightmare.”

Dati pag tinititigan ako ni Chuck parang hindi ako makahinga dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ngayon ganun pa rin pero in a very very bad way, parang nag-iba na ang ihip ng hangin, parang ang sama ng pakiramdam ko para akong nasusuka, ganun.

Umatras sya at pinasok ang mga kamay nya sa bulsa nya bago sinabing, “I hope you learn to be thankful for all the things you have going for you. I wish you the best of luck sa bago mong trabaho.” Then he walked to the car at bago pa sya umalis sinabi nyang, “I’ll see you around” - the famous last words of Mr. Charles Santos.
 
CHAPTER 20

Three weeks later


“Ma’am, may two o’clock meeting pa kayo, you need to hurry.” Hawak-hawak ko ang kape ni Ms. Montes sa isang kamay habang bitbit ko sa kabilang braso ko ang laptop bag nya, si Ms. Montes naman nagmamadaling tapusin ang lunch nya na halos mabulunan na sa bilis ng pag-nguya nya ng sandwich na binili ko.

“Sorry Andi.” Nakangiti nyang sabi sa akin, kinuha nya ang coffee sa kamay ko at dali dali ko syang sinundan papunta sa next meeting nya sa 20th floor.

I don’t know why Andi ang binigay kong nickname kay Ms. Montes nung tinanong nya ako kung anong pwede nyang itawag sa akin, I think it’s because that name reminds me of someone na nakitaan ng potential to be someone that’s worth something. Alam mo yun, it’s a name I associate with a better me, because that’s what I am right now – still me but a better version, Olga 2.0. Someone who doesn’t cry over small things, someone who’s professional enough para isantabi ang personal na nararamdaman para sa trabaho and someone who can stand on her own two feet.

After naming mag-usap namin ni Sir Chuck (balik sya sa Sir Chuck dahil katrabaho na lang ang tingin ko sa kanya ngayon) narealize kong kahit na masakit yung mga sinabi nya, he was right. Not everything na nangyayari sa mundo ay tungkol sa akin, when I started a month ago bilang assistant ni Ms. Montes, I realized how badly she needed an assistant at the time. Ang gulo ng schedule nya, patong patong ang meeting, ang documents nya for signature nag-pile up na, yung mga dapat i-forward sa ibang departments naipit na sa kanya.

My first week was super hectic dahil inayos ko lahat yun and she was sobrang thankful sa pagdating ko daw sa buhay nya. That’s realization no. 2, she is one of the nicest people I have come to know. Super humble at walang ka-ere-ere sa katawan, hindi rin nakakagulat kung bakit sya nagustuhan ni Sir Chuck, at naintindihan ko na rin kung bakit ganun na lang ang reaction ni Sir Chuck nung huli kaming nag-usap. I judged her nang wala namang basehan.

My life’s pretty normal these days, I haven’t had the chance to talk to Sir Chuck again and I’m super thankful that I don’t have to. Never pang naging topic sa usapan namin ni Ms. Montes ang personal relationship nya kay Sir Chuck, she’s never mentioned him and I never asked her about it. Like I said, isinantabi ko na muna ang personal kong mga tanong dahil gusto kong maging professional sa trabaho ko.

And if I do say so myself, I am a pretty good assistant and I can confidently say that I deserve this promotion. It’s a great feeling to say that and I tell myself that everyday, mejo napupunta na yata sa ulo ko pero bakit ba, it’s okay to feel good about things you get when you work hard for it.

Nakatingin ako sa display ng floor number sa elevator nang nag-ding ito at bumukas, at I swear kung tao lang si Kapalaran makakatikim sya sa akin ng isang bonggang sampal sa mukha, dahil eto habang kasama ko ang boss ko sa elevator bigla namang sumulpot ang taong isang buwan ko nang ipinagdadasal na hindi makita.

Nagulat si Sir Chuck nang makita kami sa elevator pero syempre dahil wala syang keme sa katawan, sumakay sya.

“Hey Charles.” Magiliw na bati ng boss ko sa ano… ewan… di naman naging kami so wala akong maitawag sa kanya. Naging ‘ano’ ko? Ano ba yun, ang pangit.

“Hey Claire.”

Muntik akong mag-eyeroll kasi ngayon ko lang na-realize na pareho silang “C”, kabwiset diba? Parang may isang malaking samurai ang tadhana at paulit ulit akong sinasaksak sa dibdib. Naisip ko lang yung itsura nung malaking samurai at kung paano kakasya yun dito sa maliit na elevator, sa kakaimagine ko napatawa akong mag-isa. Alam mo yung tawang parang utot ang tunog na lumabas sa bibig mo, napalingon silang pareho sa akin so tinakpan ko lang ang bibig ko at nag-sorry.

“May naalala lang akong nakakatawa.” Nakangiti pa rin ako habang tinitingnan ang numbers paakyat sa 20th floor.

Ni-bump ni Ms. Montes ang balikat ko, “Share mo naman.”

At ewan kong anong sumapi sa akin pero parang gusto kong ipamukha kay Sir Chuck na okay kami ng boss ko so ang sabi ko, “Maya na lang ma’am pag tayo na lang.”

Natawa sya at syempre dahil perpekto sya at hindi baboy na kagaya ko, tinakpan nya ang bibig nya habang tumatawa, sabay sabi sa akin na, “Sige. I think I’ll need a good joke after nitong meeting namin.”

Naku naman, so kailangan ko pa ngayon mag-isip ng joke para dito mamaya.

Nag-ding na ang elevator at isa isa na kaming bumaba, nauna si Ms. Montes at dahil gentleman sya at perfect silang dalawa, pinauna nya ako. Hindi ko sya tiningnan at sumunod na ako kay Ms. Montes, lumingon sa akin si Ma’am at kinuha ang laptop bag nya, pumasok na sya sa meeting room at bago pa ako maka-escape naramdaman ko ang paghawak ni Sir Chuck sa siko ko.

Olga 1.0 would have made a scene, siguro i-she-shake ang mga braso para bitiwan nya ako sabay may pag-sigaw na, “Leave me alone! You had your chance!” charot.

Pero si Olga 2.0 a.k.a. Andi? Wala na syang mga outbursts of humiliating word vomit so I turned around and looked at him, I raised my eyebrows, “Yes, Sir?”

He shook his head, “Don’t do that.”

I tilted my head to the side, “Do what?”

Umiling ulit sya at nilagay ang mga kamay nya sa bewang nya, “We need to talk.”

At dahil hindi pa ako totally okay to be honest, I stepped back at sinabing, “If you need anything you can just send me an email Sir and I’ll try to get it done for you. I have things to do so if you’ll excuse me.” Nag-side step ako para makalagpas sa kanya pabalik ng elevator.

I didn’t totally felt safe until magsara ang pinto at naramdaman kong gumagalaw na ang elevator pababa, dun lang ako nakahinga at napaluha.


***

I still felt weird sa office kahit na alam kong hindi ako pupuntahan ni Sir Chuck sa cubicle ko at maghapon akong ninenerbyos kasi alam kong ayaw nyang hindi nasasabi yung gusto nyang sabihin and after kong tumakas kanina alam kong hindi sya titigil hanggang makausap ako. Pero ang laki ng problema ko kasi I’m not ready. So I made sure na makatakas ako, I went with crowd, sumabay talaga ako ng rush hour para walang chance na lapitan nya ako dahil maraming tao.

I only felt mejo safe na when I was walking the street namin pero nagulat akon nang may makita akong familiar car sa tapat ng bahay namin. Oh my God. After all that I did diba? Nalimutan kong alam naman nya kung saan ako nakatira.

Nakasandal sya sa kotse nya at dumerecho sya ng tayo nung makita nya ako, “Hey.”

I rolled my eyes, “I’m tired so pwede ba, sa ibang araw na lang tayo mag-usap.”

Lalampas na ako sa kanya para makapasok ng gate pero hinawakan nya braso ko at dahil super daming emotions na nagsasabay sabay sa dibdib ko ngayon hindi ko na napigilan ang sarili ko, “No.” I shrugged his hand off at hinarap sya, “You had your chance to talk to me last time diba? You told me everything you wanted to tell me and I let you, I respected you and what you had to say kahit na hindi ako nag-agree sa lahat ng sinabi mo. Pero you can’t choose when you want to talk to me and expect me to be ready to hear it.”

I sighed, “I am tired, and I just want to go home and rest.”

Pumasok ako ng bahay at gaya nga ng sabi ko sa kanya, dumerecho ako sa kwarto ko, hindi na ako nakapagpalit ng damit at derecho nang nakatulog.
 
Ilang chapters na din pala. Ngayon ko lang nabasa sa kabusyhan. haha Slamat TS! :) :yipee:
 
CHAPTER 21

I used to think I needed something more than what I have para maging kumpleto ang buhay ko, hindi naman masamang mangarap ng kung anong wala ka diba? Pero narealize kong I let that sense of longing or that feeling na hindi ako satisfied to rule my heart. My world was full of great things that other people can only dream of pero ang lagi kong nakikita is kung ano yung kulang, kung ano yung wala na hindi ko naaappreciate kung ano yung meron.

It’s been a week after the last time na nag-usap kami ni Sir Chuck and he hasn’t tried to talk to me again, at sobrang thankful ako dahil at least I stood for myself. Na hindi ko na sya hinayaang makapagsalita ng hindi maganda sa akin, honestly although naiintindihan ko kung bakit sya nagalit I felt like hindi naman ako deserving na ganunin diba? Sino ba sya?

"I deserve an explanation! I need an acceptable reason!"

Tama si Papa P. lahat ng tao kailangan ng explanation, ng acceptable reason kung bakit nagtatapos ang lahat. At yung nangyari sa amin ni Sir Chuck, kahit na maigsi lang kailangan pa rin magtapos nang may tuldok talaga. Pero hindi ngayon, busy pa ako.

Eto ako at naglilinis ng kwarto ko habang nasa background si Ate Toni at Papa P, one of the best movies I’ve seen in a while.

Actually, mas lamang ang nood ko kesa sa pagliligpit pero at least nag-aattempt maglinis, di ko alam kung kelan ako huling nakapag-general cleaning dito sa kwarto ko. Sabado ngayon pero ayaw kong mag-hilata kasi andami kong naiisip na kung ano ano kaya eto kilos pa rin kahit na weekend.

Kumatok ng malakas si chang sa pinto, “Hoy. Ano ba ginagawa mo diyan?”

At syempre pinatay ko ang movie at sumilip sa pinto, “Ano ba chang. Nagliligpit po ako, bakit ba?” Kunyari irritable at naistorbo sa paglilinis.

Tumingin si chang sa likod nya at bumulong sa akin, “Nakalimutan mo bang may lakad ka?”

Kumunot ang noo ko, “Wala po akong lakad ngayon, namili pa ako ng mga spray spray at panlinis ng kwarto kahapon e, schedule ko talaga ng linis ngayon. Bakit po ba?”

Bumulong ulet si chang, “E yung poging dumalaw nung nakaraan nandito ulet. Susunduin ka daw nya.”

Nanlaki ang mata ko at agad agad akong lumabas ng kwarto, keber nang mabaho at pawisan.

Pagdating ko sa salas nandun nga sya, at utang na loob kung gaano kabasurera ang itsura ko, sya namang pagkapogi ni Sir Chuck. Naka-long sleeves syang puti at naka slacks na dark gray with pin stripes na white at naka brush up ang buhok nya. Lakas maka-Christian Grey ni master, este Sir pala.

Pero pakitang tao tayo guys! Nilagay ko ang mga kamay ko sa bewang ako at tinitigan sya with daggers in my eyes, as in gusto ko syang hubaran, este sakyan, este saksakin pala. Ano ba yan.

“Anong ginagawa mo dito?”

He stands up at talaga naman, ang hirap ha. Ang hirap magpigil ng gigil dito.

He puts his hands inside his pockets at gusto ko sana sabihin, “Pashuot rin ng handsh ko diyan” pero pinigilan ko.

He sighs, “I’m here to call in my favor.”

Tinaasan ko sya ng kilay as in muntik nang humalo sa buhok ko sa bunbunan sa taas, “Excuse me?”

Nakatingin lang sya sa akin na parang walan pakiealam sa reaction ko, “I’m going to my cousin’s wedding this afternoon and you’re my plus one diba?”

Tumawa ako ng pang-contrabidang tawa, as in tapos, “Hah! Seryoso ka ba? Baliw ka na ata kung tingin mong sasama ako sayo.”

Nag-shake lang sya ng head nya, “You promised Andi. I didn’t take you for a liar.”

Sa bwisit ko, “Magtagalog ka. Nasa Pilipinas ka kaya mag-tagalog ka.”

He sighed, “Oo na. Magbihis ka na baka ma-late pa tayo.”

Tiningnan ko ang itsura ko, syempre naka-daster na naman ako pero hindi na sya masyado gula-gulanit, “Eto? Hindi ba pwede to sa kasal na pupuntahan natin?”

Ngumiti sya, “Ikaw ang bahala.”

Ngumiwi ako, “Hindi ako sasama, nagsasayang ka lang ng oras mo.”

Nilabas nya ang cellphone nya, at syempre dahil curious ako, “Anong ginagawa mo?”

Hindi sya tumingin sa akin pero sumagot sya, “I’m posting our picture in Facebook.”

Napa-irap ako, “Talaga lang ha? Binura ko na yun kaya wag mo nang gawing panakot sa akin.”

He looks at me and smiles then shows me the phone, at ayun ang picture namin ang linaw.

Ngumiti sya, “I’m an I.T. manager Andi and I’m quite good at my job.”

Oh my G. Seriously?

Nilagay nya ang phone nya sa bulsa nya at lumakad palabas, “I’ll wait for you in the car. You have twenty minutes.”


***

I can’t believe him, as in. Akalain mong itsurang kagalang galang e daig pa ang criminal sa pag-bblackmail. Lintek.

Buti na lang may dress akong maayos-ayos dito sa bahay at hindi sya amoy moth balls, kulay deep blue ang dress ko na off shoulder at mermaid cut. Kinulot ko lang ng konti ang buhok ko para wavy sya, at dark eye make up dahil gabi na yata kami makakarating dun.

Ang bilis ng ligo ko pero halos magmura ako ng paulit ulit dahil kailangan ko pa syang samahan dito. Promise talaga wala nang kasunod to. Sana.

Nagpabango ako ng onti at lumabas na ng kwarto.

“Wow. Ganda ng pamangkin ko ah.” Ngumiti si chang sa akin, at nginitian ko lang rin sya.

“Alis na po ako chang.” Nakasimangot ako kaya sinabihan ako ni chang na sayang ang make up kaya dapat nakangiti.

Lumabas ako ng bahay at nandun si Sir Chuck nag-aantay sa labas ng kotse nya, halos alas tres na at sakto ako sa twenty minutes na binigay nya sa akin.

Tumigil ako sa tapat nya at napataas ang pareho nyang kilay, “Wow.”

“Heh!” Gamit ang clutch ko itinulak ko sya pakanan para umurong sya at makasakay na ako sa kotse.

Ngumiti sya at pinagbuksan ako ng pinto, inirapan ko sya at sumakay.

Kinabit ko na ang seatbelt ko at baka sya pa ang magkabit di ko mapigilang kurutin ang pisngi nya pag lumapit sya sa akin.

Alam mo yung halong galit at gigil, ganun ang feeling ko ngayon.

Sumakay na sya at tumingin sa akin, “Wala ka bang jacket? Baka lamigin ka.”

Meron na akong plano for the night, pwede nya akong isama pero it doesn’t mean na makikisama ako sa mga trip nya, may kasama nga hindi naman sya papansinin. So I ignore him.

He sighs, “Bahala ka.”

Nagstart na syang mag-drive at kada try nya akong kausapin nag-ppretend akong nagbabasa sa Facebook ko, nahihilo na ako actually pero paninindigan ko na to. Nung wala syang makuhang matinong sagot nilakasan nya na lang ang sounds. At dahil pipi ako ngayong gabi hindi ako makapagtanong kung saan kami pupunta, dahil parang ang layo na namin, isang oras na kami bumabyahe hindi pa kami nakakarating.

Nagbuntong hininga lang ako pero mejo nagpanic ako dahil “To Tagaytay” ang nabasa ko. Taragis, wala nga akong jacket. Sana hindi garden reception.

Syempre dahil sa malas ko, Garden reception nga.

Dumaan kami sa isang aisle na napapaligiran ng mga halaman, mejo madilim na at ang guide lang namin ay ang mga paper lanterns na nakalagay sa magkabilang side ng aisle, pagpasok namin sa main garden hindi ko napigilang mapa-wow sa ganda ng lugar. May mga light bulbs na naka sabit sa mga punong nakapaligid sa mga nakaset up na long tables na puti ang mga mantel at may mga lanterns sa ibabaw. Sobrang soft ng lighting and feeling ko I’m in a different place isang place na ang dapat kasama mo is yung taong mahal mo. Pero eto ako kasama ng isang ewan.

Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na si Sir Chuck, paglingon ko nag-suot na sya ng jacket ng suit nya at nakatingin sa akin. Nagulat na lang ako nang hawakan nya ang kamay ko at sinabing, “Can you forget that you hate me even just for tonight?”

- - - Updated - - -

may update na ba TS? :)

Sorry. Busy busyhan. hehe. Thanks sa pagtangkilik. :)
 
"Lakas maka-Christian Grey ni master, este Sir pala. "

Lasang natapos na din trilogy neto?:dance: Salamat sa update hehe
 
CHAPTER 22

Bilang naka-dress ako syempre kailangan pa-girl ako dito sa wedding reception ng cousin ni Sir Chuck. Dahil sa pagkakalimot ko sa deal namin hindi na kami nakarating sa church at dito na lang sa reception humabol, mejo asar sa akin yata yung pinsan nyang kinasal pero mostly nagulat ang mga kamag-anak nya kasi hindi naman pala sya masyado nagpapakita sa mga relatives nya.

Iniikot ako ni Sir Chuck at pinakilala sa mga kamag-anak nya at halos mamatay ako sa hiya dahil ewan ko ba kung bakit naman ako pinapakilala nito, in fairness naman ang pakilala nya sa akin ay ka-opisina nya. Ang mga tita nya na mejo matatanda na nang-aasar na kung kelan daw sya mag-aasawa, at kung kami na raw e subukan na nang makarami. Jusme. Ang mga matatanda talaga wala nang filter sa bibig, lahat ng gusto sabihin sinasabi.

“Sorry. My family’s crazy.” Hinawakan nya ang likod ko at iniikot ako sa reception para hanapin ang upuan namin.

“Wala yun. Normal pa yan, sama ka sa akin sa Batangas kundi ka ma-culture shock.” Natawa ako nang maalala ko ang mga tiya kong mas malala pa kay Boy Abunda mang-interview.

“I’d love to meet your family. Kelan?” He smiles at me.

Nag-eyeroll lang ako, “Joke lang yun. Bakit naman kita ipapakilala sa mga kamag-anak ko?”

Biglang may sumalubong sa amin at bumeso kay Sir Chuck, “Hey, Charles. Long time no see.”

Paglingon ko sa mukha ni Sir Chuck para syang namutla, “Hey Diane, I’m surprised to see you here.”

Ngumiti lang ang girl kay Sir Chuck at para na naman akong invisible woman sa tabi nya, sabi nya, “Where’s Claire? You didn’t invite her?”

At naintindihan ko na ang panic attack ng ka-date ko, syet the pwet kilala pala ng babaeng to si Ma’am Claire. Bigla akong napa-excuse me at dali-dali akong naglakad papunta ng banyo.

Oh my God. Oh my God. Oh my God.

Dahil nag-ha-hyperventilate na naman ako tumawag ako kay Jhem, “Bakla sagot!”

“Excuse me?!” Bilang nagpanic na naman ako hindi ko namalayang may tao pala sa banyo nasa likod ng pinto, may sofa dun na mukhang mas maganda pa sa sofa namin sa bahay. Hiyang hiya naman ako sa sofang to, nasa banyo lang.

Napalingon ako sa sosyal na babaeng nakaupo sa sofa habang nag-titingin sa cellphone nya. Mejo may edad na ang babaeng ‘to pero sya yung tipo ng babaeng parang alam mong super ganda nung kabataan nya. Naalala ko bigla nagsalita pala sya at nag-beep lang ang phone ko reminding me na hindi ko ma-contact si Jem. Syet.

“Naku, I’m so sorry, hindi po kayo yung kausap ko. Yung friend ko po kasi tinatawagan ko kaso hindi sumasagot.” Parang may binubugaw syang lamok pero it’s a sossy way yata to say it’s fine dahling – without the R.

She tapped the spot beside her parang asking me to sit so naupo naman ako, pero more of sumalampak ako without any poise whatsoever.

“What’s wrong?” Itinago nya ang cellphone nya at humarap sa akin.

Kinagat ko ang labi ko, “Naku, no need to listen to me po. Nagkakaroon lang ako ng slight episode of existential crisis.”

Tumawa lang sya, syempre sosyal na laugh diba, “Oh dear, you’re too young to have those. When you get to my age, you would have gone through a million of those.”

Lalo akong nag-slump sa chair ko at kinagat ko ang kuko ko sa kamay, pinalo ni Madam ng slight ang kamay ko at napalingon ako sa kanya.

“Is this about a man?” She asks.

Nag-shrug lang ako, “Isn’t everything?”

Natawa na naman sya, “Let me give you an unsolicited advice.”

Tumingin sya sa akin at I seriously listened, as in, ang chang ko once in a blue moon lang magbigay ng advice pero pasok sa banga and I know these women have gone through the same shit I’m dealing with at panigurado sa itsura netong si Madam she’s a fighter so I hold my breath and brace myself.

She sighs, “We women deal with a lot of things in life. We have a lot to lose going into a relationship with someone that’s why it’s so critical to immediately sense a bad relationship when you’re in one. You have to always keep your eyes open with your guards up. In the same way we must constantly look for the right one who will treat us right and who deserves us. This is very difficult but if and when you find this person, you better be ready to fight tooth and nail for him.”

Napanganga lang ako , “Ano ka ma’am si Madam Auring?”

Napahalakhak sya ng malakas, “Sorry. I don’t look like her do I?”

Napa-iling ako, “Of course not. Kaya lang galing nyo manghula e, pasok sa banga ang mga banat.”

Natawa ulit sya, she dabs at her eyes dahil iiyak iyak sya, “Hay, I haven’t laughed like that in ages. What’s your name?”

Ngumiti ako sa kanya, “I’m Andi po.” Yes Andi parin bakit ba.

Medyo lumaki ang mata nya at ngumiti sya sa akin, "Oh, that's why we get along."

Medyo kumunot ang noo ko and I clarified, "Bakit po?"

She smiles again, yung pang-happy toothpaste na smile, "My name is Andrea."

Napangiti ako, "Oh I see. We should stick together then."

Nilagay nya ang kamay nya sa arm ko at tumayo na kaming dalawa, "I love our name. Do you know what it means?"

Tumingin lang ako sa kanya habang naglalakad kami palabas, "Ano po?"

She smiles at me and says, "Andrea means 'beautiful lady'."

I smile at her, "Ahhh... so that's what it means. Someone told me po kasi na he wants to call me Andi because it fits."

She laughs again, "Oh. He must be a good man, coz he sounds like my son, he always tells me I look beautiful even in my worse days."

Napangiti lang rin ako dahil super sweet naman ng anak ni Ms. Andrea.

Naglakad kami papunta sa table nya at nakita ko si Sir Chuck na papalapit with a weird look on his face.

Ms. Andrea pats my hand and whispers at me conspiratorially, "I'm going to introduce you to my son, he's going to love you."

And sure enough pagtapat sa amin ni Sir Chuck, he stops and says, "Mom?"

***

I swear, makasurvive lang ako sa gabing ito I will stop watching romcoms, nagtu-true to life e. Yung mga akala ko sa pelikula lang nangyayari, talaga palang pwedeng mangyari sa tunay na buhay.

Lingon ako sa kanan at nginitian ako ni Sir Chuck, paglingon ko sa kaliwa nakangiti naman sa akin si Madam Andrea, ang nanay ni Sir Chuck. Pagtingin ko sa harapan kitang kita ko ang babaeng kausap kanina ni Sir Chuck, yung best friend ng boss kong si Ms. Claire. Oh diba? Parang nananadya?

Nanonood kami ng speeches sa groom and bride nang biglang nagvibrate ang phone ko. Binuksan ko ang clutch ko at nanlaki ang mata ko nang makita ang pangalan ng boss ko.

"Shit." Paglingon ko kay Sir Chuck nakatingin sakin and I say "excuse me" tapos ay tumayo ako para kausapin ang boss ko.
 
Pak! haha just had a nice read. Dumadami na twist. Ang galing @sakura07 :praise:
 
Pak! haha just had a nice read. Dumadami na twist. Ang galing @sakura07 :praise:

Salamat. Hehe. :)

- - - Updated - - -

Chapter 23

Huminga ako ng malalim habang nakakulong na naman ako sa women’s CR. Ano to, hobby? Hobby ko nang magpanic at mag-kulong sa banyo?

Nag-clear muna ako ng throat ko at sinagot ang phone, “Hello?”

“Oh thank God you picked up, Andi. I’m so sorry to do this to you on a weekend but it’s an emergency.” Mejo panickera talaga tong boss ko.

I sighed, “Yes ma’am? It’s no problem.”

She asks, “You know I’m an idiot when it comes to my schedule, I seem to have missed a big event today. I see this untouched dress sa cabinet ko and I think I forgot to go to a wedding yata.” She seems to hesitate pero inantay ko talaga ang sasabihin nya, “Uhm, did you get any calls from Charles from IT? I can’t remember if he cancelled or what.”

Para kong nalunok ang vocal chords ko kasi hindi ako makasagot, tinuloy nya pa rin ang ramblings nya, “We used to… you know? I knew we made plans before when we were still together, I’m not sure lang sa date coz I’m really bad with my schedule so I just, I don’t know I think I forgot. I never actually asked him if we were still going but I guess its auto-cancel when you break up?”

Holy crap, how awkward is this? Sa totoo lang, super bait nitong si Ms. Claire, she’s down to earth and she never made me feel like I was dirt under her shoes unlike some of the rich people I know. So now I feel twice as bad for being here, sya pala dapat ang kasama ni Sir Chuck pero ako yung nandito, tapos nagsasabi pa sya sa akin ng problema nya, lalo tuloy ako nagui-guilty kasi hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoo diba?

“Actually ma’am ako ang kasama nya ngayon, don’t worry di nya nakalimutan yung kasal.” Alangan namang yun ang sabihin ko. This is such a messy situation.

Dagdagan ko pa ng fact na I think she still loves him, diba? Kung ako yung babae at umaasa akong matutuloy pa rin ang plano namin kahit na break na, hindi ba sign yun na may feelings pa?

“Hello, Andi? Did I lose you?” Tanong sa akin ni Madam.

“No. I’m still here ma’am.” I say.

Nag-sigh sya, “I told you to just call me Claire, I feel so old when you call me Ma’am.”

Ngumiti lang ako, “Mas matanda ka naman talaga sa akin ma’am, pero a few years lang.”

Tumawa sya, “Oh I need to smile more often, tatanda talaga ako ng maaga sa ginagawa ko.” Nagtanong sya, “Am I stupid for assuming we’d still go together? God, I’m going crazy na yata. Sorry, I need to calm down, he’s probably forgot rin siguro.”

Kinagat ko ang labi ko at nag-wish kay Lord na hindi naman malaman ni Madam na nandito ako, “I didn’t receive any messages from him cancelling an appointment, maybe you should call him.”

“Oh no. I promised myself I would never call him again. I think I’ve reached my quota on idiotic moves when he’s concerned.” Parang mejo kumalma na sya pero naririnig ko pa rin ang loneliness sa tone nya.

“Mukha namang okay kayo last time you talked, pag nagkikita kayo sa office okay rin naman.” Sabi ko.

She laughs a little, “I’m not saying he’s perfect, but you know what? He’s pretty close.” At nadurog na naman ang puso ko sa sinabi nya, “I was really lucky but I screwed it up with my big dreams and I failed to look at it from his point of view.”

At kahit na curiosity killed the cat, tinanong ko na ang matagal ko nang gustong malaman, “Ms. Claire, if you don’t mind me asking bakit po ba kayo nag-break?”

Nag-antay ako sa kanya at nang sumagot sya kumirot na naman ang puso ko for them, “He was an IT support staff when he was hired and I was already a Manager in Training at the time. We met and we clicked. He could have been at a better job or in his father’s business but he chose an entry level job at an unknown company. That’s one of the reasons why I was so impressed with him. It’s not like he didn’t work hard pero syempre since he’s new there was no way he was going to get promoted immediately. Lalo na he’s the newbie and there were other senior staff in his department.”

Oh no. Parang alam ko na kung saan pupunta to ah.

“So I pushed daddy to give him a shot, gave him a project that he led and sure enough, successful yung project na inimplement nya singlehandedly. Pero it didn’t matter if he did a good job kasi lahat ng tao judged him for being the boyfriend of the owner’s daughter.” Huminga sya ng malalim at tinuloy ang kwento, “He and I fought over what happened since then. Paulit ulit ang away namin coz I didn’t tell him the truth – that I had done something for him to get promoted. I told him that he worked on that project and that he deserved it but he just didn’t want to hear it. He felt like I was looking down on him and his position, that I wanted us to be on equal footing para maging bagay sya sa akin. But it was never about that, I just wanted people to see how great he is.”

She continues, “I just went about it all wrong and it was hard to tell him the truth so hindi ko na inamin. He never got over it and he felt like he was stuck in the relationship with me. Paano naman sya makikipaghiwalay diba kung malaman ng ibang tao na nakipag-break sya sa akin dahil sa ginawa ko then he’s an asshole? I mean, parang ang lalabas it’s the position he’s after, so he was stuck and he wasn’t happy anymore. I could see it every time we’re together. I killed the relationship so I did the right thing – for once – and I broke up with him. He didn’t fight it. He understood what I was doing and he let me go.”

Nag-deflate ako at nakaramdam ng lungkot para sa kanila, I feel like ngayon mas may rason na ako para umiwas kay Sir Chuck, parang hindi pa eto ang katapusan ng storya nila at dito sa pagkakataong ito ako ang contrabida. Naiisip ko rin paano kung malaman ni Ms. Claire na may ‘something’ sa amin ni Sir Chuck? How will she react? I don’t think she’ll take it against me, pero she might misunderstand na I’m deliberately doing it behind her back. Hay naku, I don’t know what to do na.

“I think may feelings pa kayo sa kanya.” Yun lang ang nasabi ko dahil ayokong magsinungaling sa kanya and to make her feel like I’m being dishonest. Nagsisinungaling naman talaga ako, lying by omission pero pano ko sasabihin diba? Naguguluhan na talaga ako.

She laughs pero parang sad ang laugh nya, “It’s irrelevant at this point, coz he’s already moved on. Ewan ko ba kung bakit pa ako nag-assume na he would at least cancel our date properly but he’s the type of guy who wouldn’t leave a girl hanging.”

Moved on na? Alam ba nya kung anong klase ng moving on? As in may bagong girl na ganun? Syempre di ko kayang itanong.

Kinagat ko ang labi ko pero alam kong kailangan kong magsabi ng totoo, yung kaya kong sabihin without feeling any guilt, so sinabi ko, “Ms. Claire, I can see naman na you had good intentions when you did what you did so you don’t need to kick yourself every time you remember it. People make mistakes and maybe that was one mistake that you needed to learn from – in the worse way. Pero you deserve to be happy and if he’s happy then maybe you should look for your happiness rin.”

I look up at nakita kong nasa loob na pala ng CR si Sir Chuck, nakasandal sa pader malapit sa pinto looking at me with a soft expression.

Nagsalita ulit si Ms. Claire, “Thanks Andi. You’re a good friend.”
 
bawal lalake sa cr ng babae! :read: joke hahaha :lol: ganda sakura. keep it up :clap:
 
CHAPTER 24

I looked at my phone at nakitang nag disconnect na ang tawag ni Ms. Claire. Pagtingin ko sa pinto nandun pa rin si Sir Chuck, "Anong ginagawa mo dito?" Tumayo ako at pinuntahan sya, "Tara na baka may makakita pa sa atin." Kinuha ko ang braso nya at hinatak sya palabas.

Paglabas namin ng pinto, binitiwan ko na sya pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Pinag-entwine nya ang mga daliri namin at hinatak ako pakanan, palayo sa reception venue, "San tayo pupunta?"

Nilingon nya ako at sinabing, "We need to talk."

Hindi na ako nanlaban at kailangan naman talaga naming mag-usap. Before pa kami napunta dito I knew na mahirap kung maging kami, lalo na ngayon. Ayokong maging hadlang sa kanila ni Ms. Claire. Hindi pa naman ako emotionally invested so I think kakayanin ko naman magparaya.

Lumiko liko sya, parang Bed and Breakfast pala itong lugar, super cozy at iilan lang ang rooms. Speaking of rooms, gamit yung kanan nyang kamay, bumunot sya ng susi sa bulsa nya at binuksan ang isang kwarto, sumenyas sya sa akin para pumasok ako at sumunod naman ako. Although yung tibok ng puso ko parang dumadagungdong na hanggang lalamunan ko.

"This is Mom and Dad's room for the night, I borrowed her key." Nilapag nya ang susi sa table malapit sa pinto.

Tumingin ako sa paligid, sobrang nice ng place parang antiques yung furniture tapos yung overall feel nya parang rustic and homey. Yung focal point nitong room is the huge four poster bed. Pang romansa. Nagblush tuloy ako.

Tumalikod at humarap sa kanya, "Anong pag uusapan natin? Bilisan mo baka kung anong isipin ng mga kamag anak mo."

Nakasandal sya sa pader at parang pinag aaralan ng maigi ang kilos ko, "Were you talking to Claire?"

Tumango lang ako, "Yes."

"You gave her advice." Sabi nya. Hindi naman tanong yun so hindi ako sumagot.

Nagbuntong hininga sya at lumapit sa akin, "I have to admit I'm pretty nervous right now." Lumapit pa sya lalo at kinapitan ang mga balikat ko, "I know you're a good person, Andi. That's part of why I like you."

Nakatingin lang ako sa kanya at naramdaman kong hinahaplos nya ang mga balikat ko, gusto ko sanang sabihing "Wag Shir, may kiliti ako jan" Kaya lang parang panira ng moment.

"And now I kind of know what's going inside that head of yours." Tinuktok nya ng very light ang noo ko.

Ang lapit na ng mukha nya sa akin, at napa titig tuloy ako sa mga labi nya. Pero tinaas ko ang kilay ko at sinabing, "Talaga? Alam mo? Sige nga, what am I thinking about right now?"

He grins, "I know you want to kiss me."

Nanlaki ang mata ko dahil tama sya, pero hello? Hindi ako gaga para gawin yun ngayon, baka di ako makapagpigil unahan ko na yung mga bagong kasal sa honeymoon. Charot.

"But..." He says seriously, "I know you're not going to do it because like I said you're a good person. And I know that you are also thinking about the person who will get hurt if you do."

Nilagay nya ang noo nya sa noo ko at huminga ng malalim, "Sometimes I wish you and I met years before then things would not be so complicated."

Natawa ako ng konti, "Sus. If you and I met before hindi mo naman ako mapapansin."

Napaatras sya, "Why the hell would I not notice you? I've always thought about you since the first time I saw you."

I rolled my eyes, "Nakuuu. Bolero ka talaga. Sige na, kelan mo ako unang nakita?"

He crosses his arms over his chest, "Two years ago, nagka-problem ang computer ng taga HR and I was the only available IT Support so I was there trouble shooting it. You came into the HR Office for your interview, you were wearing a green dress. It looked horrible."

Napanganga ako, dahil naaalala ko ang araw na yun, at kadiri nga ang green dress na yun, kulay kulangot na natuyo. Natawa ako, "Oo nga. Syet ano ba yan."

Natawa rin sya, "Then you started talking."

Nagsalubong ang kilay ko, "Talking?"

He grins, "to yourself."

Ah sa lagay e hindi pa sapat na kahihiyan na nakita nya ako sa green dress na pinahiram sa akin ni Chang, nakita pa nya akong parang baliw na nagsasalitang mag isa.

Ngumiwi ako at ngumiti sya, "You we're giving yourself a pep talk para sa interview mo. You kept saying things like - You can do this. Don't be scared. You've got this and my favorite, "Tanga sila pag di ka natanggap."

"Hala ano ba yan." Nagtakip ako ng mukha at natawa sya.

He pries my fingers away from my face, "I was trying so hard not to laugh, but I couldn't stop staring at your face."

Nilagay nya ang mga kamay nya sa magkabila kong pisngi, "I still can't."

Pinatong ko ang mga kamay ko sa kamay nya, "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinapa-kumplikado mo buhay ko e."

Ngumiti sya, "So you mean I matter? I still matter?"

Tumango lang ako, "You've always mattered. But now it's just too difficult." Tinanggal ko ang kamay nya sa mukha ko at hinawakan ang mga kamay, pinag-entwine nya ulit ang mga daliri namin.

"Alam mo naman na boss ko si Ms. Claire and the way she talked about you I think she still loves you..."

Sisingit na sya sa usapan pero inunahan ko na sya, "I have been heart broken before and I know how she must feel. I can't just ignore that and do what I want, especially when what I want will crush her even more."

I look up at him, "She's a really good person too diba?"

Tinitigan nya ako at sinabing, "Are you saying I should be with her instead of you?"

Aray ko po. Ang sakit. Kaya ko ba yan? Maging martir ba ang pangarap ko sa buhay? Parang hindi naman yata tama yun.

Paano ba namimili ang mga katakter sa pelikula? Hindi naman ako masamang tao pero grabe naman pag ganun ang naging ending namin.

Nagpakatotoo na ako at umiling, "No."

Nagbuntong hininga sya, binitiwan ang mga kamay ko at binalot ang mga braso nya sa bewang ko. Ay jusme ang sarap ng feeling, binalot ko rin ang mga braso ko sa balikat nya. Kahit naka heels ako sobrang tangkad nya na kailangan kong tumingkayad para maabot sya ng husto.

"I'm just saying, we need time. Hindi pwedeng ngayon na kasi we can't be selfish. That's a bad way to start a relationship." Sabi ko habang nakatingin sa mata nya.

He smiles, "That's why I love..."

Tinakpan ko ang bibig nya, "Wag! Wag mo ituloy yan utang na loob baka di ako makapagpigil sayo. Yari ka sa akin."

He laughs at tinanggal nya ang kamay ko para makasagot sya, "You mean we take things slow? How slow are we talking about?"

Kinagat ko ang labi ko at nag isip, napabuntong hininga sya at tinanggal ang kagat kagat kong labi using his thumb, "Don't do that. You're not the only one na nagpipigil."

He stares at me like he wants to, you know. Ayayay marimar.

Tinulak ko ang balikat nya para makahinga at makapag isip ng ayos, "We can't start a relationship until malaman kong ok na si Ms. Claire."

Pagtalikod ko at pag tingin ko sa kanya he looks confused, "And how the hell would we know that?"

Nag-shrug lang ako, "Eh basta pag mukhang naka move on na sya, until then..." Iniabot ko ang kamay ko sa kanya, "We're going to be friends."

Nag eyeroll lang sya, "The way I'm feeling right now I don't want us to be friends. I want more." Tapos naglakad sya palapit na parang leon na nang-stalk ng prey nya. Umatras ako at bumangga ang likod Ng binti ko sa kama. Parang gusto ko biglang humiga. No no no. Kaya mo ito Andi. Pakatatag ka.

Tinaas ko ang kanang kamay ko para pigilan ang paglapit nya, tumigil sya nang lumapat na ang palad ko sa dibdib nya. Putragis na yan, pati dibdib nakaka-ano? Ang sarap haplusin, parang gusto ko i-kiskis yung pisngi ko sa pecks nya. Hoy, Olga Andrea, focus! Kaya mo yan!

Tiningnan ko sya at sinabing, "Stop. Please."

Pucha para akong nasa p**n movie, koya wag po.

Huminga sya ng malalim at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa dibdib nya, hinatak nya ito papalapit ng labi nya at hinalikan ang palad ko, "Okay. For you."
 
Intense! Maraming salamat ulit! :clap:

-masugid na tagabasa
 
CHAPTER 25

How do you say you’re friends with a guy? Pwede ba talagang maging magkaibigan ang babae at lalaki ng walang malisya? E pano if physically attracted kayo sa isa’t isa?
I think if it’s a big challenge sa mga taong kaka-meet lang at sa mga taong hindi never pang nagka-physical attraction sa isa’t isa, isa na syang impossibility sa amin ni Chuck (Balik tayo sa Chuck ha, bati na ulet kami eh).

I have no idea how to do this, hindi ko alam kung ano ang pwede at kung ano ang hindi. Hindi naman sya beking kagaya ni Jem – at utang na loob, kung naging beki tong si Chuck, tatalon na talaga ako sa Pasig River para mamatay na kasi wala na, hindi na talaga fair si Lord.

Actually ang tanging tanong ko lang, pano nagagawa ng ibang tao kasi ako parang mamamatay na ako sa kakapigil sa sarili ko.

In a normal setting, it’s hard already kasi kausapin lang nya ako or tingnan I feel something na e pano pa ngayon, para akong tino-torture nitong si Chuck. It’s been a week since nung kasal ng pinsan nya and we’ve been trying the ‘friend’ thing since then. Pero syempre parang gusto nyang ipamukha sa akin na hindi kami pang-ganun, na we should be more than that and pinapakita nya sa akin how good it could be if we give it a chance.

Nandyan ang pag-gising nya sa akin kada umaga, tawag kasi alam nyang mantika raw ako matulog, tapos after five minutes tatawagan na naman ako dahil alam nyang mahilig akong mag-snooze ng alarm.

It’s been three days na ginugulat ako ng may pa-bulaklak sa table ko or pag hindi ako nakakain ng lunch may take out box sa table kong may lamang salad. Nung isang beses nga akala ni Ms. Claire binilhan ko sya ng lunch so syempre binigay ko na kahit na gutom na gutom na ako.

Ang lahat ng nakalagay lang sa flowers or sa lunch pack is a note that says “From your friend”.

Ang haba haba ng hair ko, day! Jusmio.

Daig ko pa ang nililigawan, at yun pa diba? Wala pang ligaw ligaw to pero parang gusto ko na syang sagutin. Hayyy.

“Earth to Andi.” Kumatok sa cubicle ko si Ms. Claire. Napabalikwas tuloy ako sa upuan ko, “Ma’am!

She laughs, “Ano ba yan, kanina pa kita tinatawag eh hindi ka tumitingin. Nag-de-daydream ka na naman pala.”

She touches the bouquet of roses sa table ko and she sighs, “You should give him a chance. Mukha namang sincere.”

Napayuko lang ako at nagbusy-busyhan sa pag-aayos ng lamesa ko, “Naku. Wala po yan ma’am. Puro pa-cute lang di naman nanliligaw.”

She teases, “Really? Ang effort naman nyang ‘friend’ mo, daig mo pa ako when I had a boyfriend he rarely gave me flowers.”

Oh ha. Mas maganda ka sa akin pero lamang ako jan. Ganda ganda ko.

Tumingin ako sa kanya at ni-grab na ang pagkakataon, “Ma’am, if you don’t mind my asking, bakit ka single?” Dali dali kong pinaliwanag, “I mean, you’re a beautiful, young, successful woman. Hindi ba nakapila sa bahay nyo ang mga gustong manligaw sa inyo?”

She smiles, “Well, I haven’t been single that long. I was in a relationship for two years before we broke up, tapos it’s only been six months since that happened so I guess I’m still in the mourning phase.”

Tumingin lang ako sa table ko at sinabing, “And it doesn’t help that you see him almost every day.” Tumingin ulit ako sa kanya, “Isn’t it worse knowing that he’s around you all the time? I know I would probably try to leave and be in a better environment para maka-move on ng mas madali.”

Pinatong nya ang baba nya sa divider ng cubicle ko at mejo sumimangot, “I know. It was a tough decision for me pero I needed to prove to my father that I’m mature enough not to let it get to me.” Dumerecho sya ng tayo at sinabing. “Plus, it’s a good thing rin that I’m close to him now kasi I’ll find out immediately kung pinagpalit na nya ako.”

Gulp.

Ngumiti sya sa akin, “At pag nangyari yun, you and I are going to dissect that person and think of all the ways I’m better than her.”

Biglang nagring ang phone ko and without answering her, I picked up the phone at hinayaan syang umalis ng walang sagot na nakuha sa akin. Kawawa naman ako pag nagkataon. Syet Andi, what have you gotten yourself into?

***

“Jem, pano na to? I can’t na, I can’t talaga.” Nakayuko ako sa canteen at nagdadasal na hindi ako makita ni Chuck. Pag kasi nakikita nya kami ni Jem sa amin sya sumasabay kumain, kundi ba naman nagkakagulo ang mga kaopisina namin. Pag ganun ang nangyayari kinakausap ni Jem si Chuck na parang sila ang friends at hindi kami, si Chuck pa-torture talaga kasi under the table sinusubukan nyang hawakan ang kamay ko. Bwiset.

Binatukan ako ni Jem, “Wag ka ngang obvious diyan. Lalo nagtataka yung mga tao kung bakit ka nagtatago at iba ang kilos pag nandyan sya e.”

Umupo ako ng maayos, “Oo na. Sige na, magpretend na lang muna ako pero kailangan ko syang kausapin kasi hindi nakakatulong yang pagpapadala ng bulaklak at pagpapa-cute sa akin sa office.” Kada magkakasalubong kami or magkikita kami sa office nakatingin sya sa akin ng malagkit, alam mo yun? Daig pa ang suman.

Dinuro ako ng kutsara ni Jem, “Alam mo, ginusto mo yan diba? Hindi ka naman martir pero gusto mong magpakabayani para sa pag-ibig, hindi pa sa pag-ibig mo ha, nagpapakagaga ka para sa ibang tao. Hindi mo naman kamag-anak kung makapag-sakripisyo ka kala mo santo.”

Sumimangot lang ako, “Hindi naman sa gusto kong magpaka-santo, ayoko lang makasakit ng ibang tao. Feeling ko lang kasi kung sa akin nangyari diba, gusto ko rin sana na may tumulong sa akin at i-consider rin ang feelings ko.”

“Oh e oo na, naintindihan ko naman ang rason mo, pero ang point ko lang, ginusto mo yan bhe, panindigan mo.” Tinuro nya ulet ang gamit nyang kutsara sa akin.

Nagbuntong hininga lang ako at bago ako makasagot biglang may umupo sa tabi ko. Paglingon ko si Chuck. Hay buhay.

Yumuko na ako at kumain habang nag-kkwentuhan si Jem at Chuck.

Binunggo ni Chuck ang balikat ko, “Huy. You’re too quiet.”

Huminga ako ng malalim at ngumiti, “Hi Sir. How are you?”

Nag-squint sya, “Are you okay?”

Nag-shrug lang ako, “Yup. Why wouldn’t I be?”

Tumingin si Chuck kay Jem, “What’s going on?”

Nag-nod lang si Jem sa direction ko, “Talk to her.”

“Hey.” Naramdaman ko ang kamay ni Chuck sa braso ko.

Tumingin ako sa kanya at sa likod nya napansin kong nakatingin sa amin si May, shit. Bigla akong tumayo ako nagpaalam, “Naku. I forgot I need to do something upstairs so I’m gonna go.” Tumingin ako kay Chuck, “We’ll talk later.”

I went back to my office at naupo sa workstation ko at nag-iisip kung anong dapat kong gawin. Dumating si Ms. Claire galing sa meeting nya looking stressed AF, at naawa naman ako sa kanya, “Ma’am, want coffee?”

She smiled, “Yes please. And come to my office we need to discuss something.”

“Okay.” I smiled back at her.

Kumuha ako ng kape, at bitbit ang notebook ko pumasok ako sa office ni Ms. Claire nagulat na lang ako nang nandun na si May sa guest chair nya smiling at me.
 
CHAPTER 26

Parang nanginginig ang laman ko sa asar dito kay May. Mainit init pa naman tong kapeng hawak ko, pwede bang ibuhos sa mukha nya? Wait, wag na. Pangit na nga masusunog pa ang mukha.

Ipinatong ko sa table ni Ms. Claire ang kape at bumalik ako sa pinwestuhan ni May, I sat on the chair directly in front of her. Kung akala nitong babaeng to mai-indimidate nya ako, nagkakamali sya.

Uminom ng kape si Ms. Claire then she looks at both of us, “So, there’s something I need to discuss with the both of you.”

Tumingin lang ako kay May at nang tumingin sya sa akin pasimple akong umirap at humarap kay Ms. Claire, “Yes ma’am?”

She smiles at me, “I’m thinking of a way to introduce myself better sa mga tao. I think I’ve been here for some time pero I haven’t been spending much time with everyone so I want us to have a Team Building of sorts, just so I can get to know the people here and they can get to know me too.”

Jusko kala ko naman kung ano na, Team Building lang pala. I smile at her, “That’s a really good idea ma’am.”

She looks at May and me and smiles, “Well, I brought my best girls to plan this thing.”

She rests her elbows on her desk and taps her index finger on her bottom lip, “I’m thinking somewhere fun? Beach? Tapos let’s have it overnight para makapag-relax ang mga tao.”

I nod and I look over at May na sige ng sige kakasulat sa notebook nya. Really? Kailangan pang isulat yung “Beach” at “Overnight”? I fight an eyeroll.

She claps her hands, “Well. I know you girls have a lot of planning to do so I’m going to let you go. Just send me a proposal next week?” I nod and smile at my boss and stand up. Hindi pa tumatayo si May so I tap her arm, hello? Clear dismissal na yung ateng, can’t catch a hint?

Paglabas namin ng office ni Ms. Claire I turn around and look at her, “So, kelan natin pag-uusapan yung details? I’m free tomorrow morning.”

Niyapos ni May ang notebook nya sabay sabing, “Oh I know you’re busy so no need to worry yourself dito sa Teambuilding na to, I’ll handle it.”

If I trusted this witch siguro pumayag na ako, syempre sino ba naman ang gusto ng additional na trabaho diba? But she’s being super enthusiastic about this and I smell something fishy. I know how this things work, being in Marketing before alam kong maraming karumal-dumal na red tape na nangyayari sa mga bagay bagay so I give her my best smile, “Oh that’s nice. Pwede naman akong mag-beg off sa pag-pplan but I want to be the one to do the costing, after all I’m reporting to Ms. Claire and I’m sure she’d want me to sign off on everything bago natin ipa-go yan.”

She looks livid, “Excuse me? Are you insinuating that I’m not to be trusted with the finances?”

I fake a shocked expression at nilagay ang kamay sa dibdib ko, “I have no idea where that thought came from May, I had no intention of insulting you. I’m just saying that since ako ang unang tatanungin ni Ms. Claire I need to be on top of things especially costs.” I smile at her at parang gusto nya akong sabunutan, aba kung bata lang kami malamang pinatulan ko na to – parang nung elementary lang sa likod ng building.

Huminga sya ng malalim at parang inilagay ulet ang kaplastican nya on display, point Andi. She gives me a super fake smile, “Sorry. Anyway, mag-set na lang ako ng meeting this afternoon so we can discuss things. I’ll also ask for some of the HR people para tulungan tayo sa planning.” Tatalikuran na nya sana ako nang bigla akong bumanat ng, “Oh that’s a good idea, I’ll be bringing people rin to the meeting just to make sure lahat ng departments may representatives.” Hindi nya napigilan ang pag-ngiwi ng very very light pero napansin ko pa rin, pinigilan kong tumawa, she just nods and walks away. I sigh happily; I’m going to enjoy this.


***

I knock at Ms. Claire’s office, “Hi Ms. Claire, I’ll be in the planning meeting lang po with the committee for the Teambuilding, if you need me I have my cellphone with me.”

She gives me a sincere smile and waves goodbye so sinara ko na ang pinto at nagsimulang maglakad papunta ng conference room.

I look around the room and see na parang buong barangay ng HR nandito, itong babaeng to talaga hindi marunong mag-isip, I sigh and look at the people na ininvite ko, I selected a mixture of individuals, mga matatanda, mga bata, mga bago, mga luma para lang siguradong lahat ng tao mag-eenjoy sa team building, e etong si May puro tropa nya ang sinama sa meeting. I need to get a handle on things bago pasabugin nitong babaeng to ang first team building session namin. Nag-iisip na ako ng game plan nang biglang pumasok sa office si Chuck, hindi ko napigilan ang reaction kong mejo nag-panic inside, sinama ko ba sya sa invitation? Parang hindi naman. I look at May at ang laki ng ngiti nya habang nakatingin sa shocked expression ko, aba naman talaga. Game on, May.

I knocked on the table to get everyone’s attention and I stood up, kung akala nito ni May mapapa-back down nya ako dahil nandito si Chuck well she’s got another thing coming. Naglakad ako papunta sa board at kinuha ang white board marker and started writing down things that we should consider grouping them into different categories like, venue, food, transportation, security, facilitator and others. I look back at the room full of people and addressed them all, “Hello everyone. So, Ms. Claire want us to plan a Teambuilding activity for the whole company, I thank you all for your time and for wanting to be part of this very special event.”

I look down on May, “May, if you don’t mind listing down the minutes of this meeting para lang meron tayong documentation na mapapakita kay Ms. Claire later. Thanks.”

Parang gusto nyang baliin yung pen pero dinedma ko lang sya at itinuloy ang meeting, “It looks like we have a lot of planning to do so I categorized some important things we should consider for this.” I point at the board, “Let’s start assigning people so all things will be covered, we’re accepting volunteers per category based on what you’re comfortable in handling.”

Nagtaas ng kamay si Sir Chuck at medyo ninerbyos ako pero I point the marker to his direction, “Yes sir?”

He leans back on his seat and says, “You forgot socials.”

I look at the board and wala nga akong naisulat na entertainment or socials so I nod, “Yes, sorry about that.” I scribble down Socials sa board and he talks behind me, “I’ll take care of that one.”

Umirap ako habang nagsusulat, syempre ang aasikasuhin ng mga lalaki is the booze. I look back at him, “Okay. Thank you sir. Anyone else?”

We took one hour to assign the categories but came out with a pretty solid plan for the next few weeks, everyone’s excited pwera ako, dahil sa pagmamagaling ko kanina they put me as overall in charge.

Tama lang siguro yun dahil napunta sa mga taga HR ang big ticket items such as the hotel/resort to be booked, Team building facilitator at giveaways – I will watch them like a hawk pagdating dito. Wala silang maibubulsa ni singkong duling.

I go back to work with a few hours to spare at nag-bell na ang internal clock ko signaling uwian na para sa akin, mga six PM dali dali kong inayos ang gamit ko at nagprepare na para umuwi. I looked at Ms. Claire’s office and see na naka-clear na ang laptop nya meaning she left already so I locked up her room and pumunta sa elevator para bumaba sa lobby.

I look at the elevator display at nakitang paakyat pa lang ito, bwisit tagal ko pa mag-aantay pero nang makarating sa floor namin ang display, biglang bumukas ang pinto at nasa loob si Chuck with a knowing smirk on his face.

“Hi Andi.”
 
bitin :) hahahhahahahhahahahah

Hahaha! Sorry naman, eto na kasunod. Hehe.

- - - Updated - - -

I second, bitin nga haha

Haha! Salamat sa pagsubaybay. :)

- - - Updated - - -

CHAPTER 27

Itinulak ko pabalik ng elevator si Chuck na gusto pa sanang bumaba sa floor namin, “Anong ginagawa mo dito?”

He shrugged na parang it’s no big deal and said, “Wala lang. I just wanted to ask if you wanted to watch a movie with me.”

Nilagay ko ang mga kamay ko sa bewang ko, “Talaga? Pupuntahan mo ako sa office ko para imbitahin akong manood ng sine? Baliw ka na ba?”

He crossed his arms over his chest, “I don’t see what the big deal is.”

Parang may namumuong sakit ng ulo sa noo ko kaya hinaplos haplos ko yun habang nire-regulate ang breathing ko. Pag dilat ko nakatingin sa akin si Chuck at nakangiti, bakit ba ang gwapo nitong kumag na to.

Binaba nya ang mga kamay nya at humawak sa handrails sa likod nya sabay ngiti sa akin, “I also wanted to tell you how impressive you were earlier.”

Napakunot yung noo ko, “Ano? Anong impressive? Saan?”

He smiled, “Yung meeting kanina? I’ve never seen you take charge like that. You looked different and I liked it. I wouldn’t mind reporting to you if it meant you’d boss me around like that everyday.”

Hindi ko napigilan napahawak ako sa nagdidingas kong mga pisngi.

Hinampas ko ang braso nyang matigas, “Huy. Nakakailan ka na ngayong linggo ha.” Binilang ko sa mga daliri ko ang ‘offenses’ nya, “May pa-bulaklak, may pa-lunch, may pa-tawag, pa-text, pa-email…” ginaya ko ang pose nya, “Anong bang gusto mo talaga? May makahuli sa atin?”

Biglang bumukas ang pinto ng elevator sa likod ko at bigla akong napapunta sa kanto ng elevator opposite Chuck. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong mga hindi naming kakilala ang mga taong sumakay. Umurong si Chuck para tabihan ako dahil halos mapuno ang elevator na napansin kong ngayon pa lang bababa, aba paakyat pala ang takbo namin kanina di ko namalayan.

Nagkkwentuhan ang mga taong sakay ng elevator at nakatingin lang ako sa display ng floor sa elevator nang may naramdaman akong may kumakalabit sa kamay kong nakakapit sa handrails sa likod ko.

Tiningnan ko sya ng masama pero no reaction ang mukha nya, hinampas ko yung kamay nya sa likod ko pero imbes na bawiin nya yung kamay nya he took that opportunity para hawakan ang kamay ko at ipag-entwine ang mga daliri namin.

Taragis na lalaki to, kinikilig ako eh hayup.

Napailing ng lang ako at kahit di sya nakatingin sakin nakita nya siguro sa periphery nya because he gave my hand a soft squeeze.

Pinisil ko lang rin ang kamay nya in response.

Narakating kami sa lobby naglabasan na karamihan sa mga tao at ayaw pa rin bitiwan ni Chuck ang kamay ko, pinipilit kong pabitawan sa kanya pero malakas sya syempre. Lima na lang kaming natira sa elevator, may tatlong lalaki pa na malamang papunta rin sa basement parking.

Pagdating namin sa parking ayaw pa rin bitiwan ni Chuck ang kamay ko so hinayaan ko na lang sya pero he sees my expression kaya he lets go pero he stands in front of me and says, “Look, I think I’ve made myself quite clear on what I want us to become, but I respect your decision to wait whether or not I agree on why you’re waiting.”

Sasabat na sana ako pero he put his index finger up at nagsalita sya ulet, “I know why you want to wait but I don’t agree with it pero I respect your decision.”

He sighs then continues, “But you have to understand that I am trying to be the good guy and wait for the girl I like. But you have to give me something.”

Tumaas ang mga kilay ko in surprise, anong give him something? Yun? Hello, ayaw ko nga. Nakita nya ang pagpapalit ng reaction ng mukha ko kaya natawa sya, “I’m not asking for that! Dumi ng utak mo.”

I scoff, “Hoy, anong madumi dun? Bakit alam mo ba kung anong iniisip ko? Asyumero.”

He laughs, “You didn’t need words your face said it all.”

I crossed my arms over my chest, “So ano? Napapagod ka na mag-antay ganun? Hindi ka pa nga nanliligaw ng legal e nagrereklamo ka na.”

He mimics my position and he challenges, “Ah ganun? So do you want me to pursue you for real? As in ligawan ka? Because I have to tell you there’s no ligaw that’s done in secret. I have to tell people that I like you and win you over with gifts, I will visit your house, I will fetch you everyday and bring you home every day rin. I will visit your office when I want to see you because I can do that – I want to do that.”

Tinaas ko bigla yung dalawa kong kamay, “Hep hep hep, time first. Wala naman akong sinabing ganun e.”

He laughs, “So what were you saying?”

Huminga ako ng malalim, “You’re putting me in a very bad position. I don’t want to hurt anybody, especially not her, she’s so nice.”

Hindi ko na kailangang sabihin kung sino pero I have a feeling he knows who I’m talking about.

He nods, “Like I said, I understand. But if she’s as nice as you think she is then she would understand too.”

I’m so lucky naiintindihan nya ang kalagayan ko pero naiintidihan ko rin kung bakit gusto nyang mag-decide rin ako, I feel like I’m sacrificing my happiness for someone else. I deserve to be happy rin naman diba? And this guy right here is my happiness – whether I want to admit it or not. So I decide that I can be happy when I want to be happy and I want Chuck to be happy too.

Sabi ng puso ko dugudug dugudug, “chuck”, “chuck” ganun, pero ang utak ko sinisigawan ako ng “marupok ka Olga, marupok ka!”.

So naturally sundin ko yung dugudug dugudug. Mas maigi nang maging marupok kesa malungkot diba?

I bite my lip and put my hands on his crossed arms, “Okay.”

He uncrosses his arms pero nilagay nya lang sa magkabilang side nya, “What do you mean ‘okay’?”

Hinawakan ko ang mga kamay nya at pinag-entwine ang fingers namin, nakatingin ako sa mga kamay namin nang sabihin kong, “I want to be happy and you make me happy. I feel like I deserve some happiness rin naman.” I look up at him and see the triumph in his eyes so nilinaw ko, “But we can’t flaunt it sa office, I’m good knowing that at the end of every day I’m going to see you, I’ll feel better knowing I get to hold these hands, and that I get to spend time with the guy that makes me smile pero I can’t do that knowing I’m hurting someone else in the process.”

I look at him pleading, “You have to promise you’ll understand. This is not forever pero it has to be a secret for now.”

He touches my cheek, “So does this mean you’re my girlfriend?”

Hinampas ko yung kamay nya, “Pwede bang date date muna? Maka-girlfriend ka naman agad.”

He smiles that laglag-panty smile, “You’re just delaying the inevitable.”

I roll my eyes, “Walang basagan ng trip, basta, promise muna.”

He nods, “I promise.”

I don’t think I’ll ever forget that moment when I realize this shift in our relationship that I have acknowledged that this person means more to me than most. That there’s a really big chance that I get my heart broken again, that this insanity they call love will be temporary and that he will leave. But then there’s the hope that this guy is the one who’ll make my temporary insanity permanent.
 
Back
Top Bottom