Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story My Band-aid Heart

CHAPTER 1

I look at the picture of the happy couple, drenched in tears – my tears. I cry for the happy faces on smiling back at me, I touch the face of the woman who thought she held the hand of the man who will be with her forever. The one who will finally make her dreams come true. The one who will promise her the life she wishes for, the life she deserves. I hold the pictures tight in my hand and put them over my heart; I raise my head to the sky and cry. Cry for the year I have spent loving this man, cry for the ‘almosts’ we didn’t have and cry for myself because now I have to go out there again, into the big, bad world, bruised and broken.

“Whyyyy???!!!!”

I knelt to the dirt and yelled, “Whyyy???!!!”



“Lintek ang ingay mo!” Ang lakas ng batok sa akin ng Tita ko, muntik na akong sumubsob sa basurahan namin.

“Aray naman, chang.” Humihikbi hikbi pa ako at nagpupunas ng luha. Pinagdadampot ko ang mga nahulog na pictures namin ng “mahal” kong si Kenneth.

“G***, istorbo ka sa pinapanuod ko e, para kang baboy na kinakatay jan.” Hinatak ni chang ang braso ko at pilit akong itinayo.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong babae ka, isosoli kita sa inyo e.” Bigla naman akong natauhan.

“Wag naman po, chang. E alam nyo naman ako gusto ko talaga maging artista mula nung bata ako kaya ganito lang ako, pagpasensyahan nyo na po ako.” Tinry kong ngumiti kahit na pilit na pilit. Ayoko namang bumalik sa probinsya namin, lahat ng lalaki dun nakita akong walang salawal mula pagkabata, paano naman ako makakahanap dun ng boyfriend na seseryosohin ako?

“Oh sya, iligpit mo na yan. Ano bang gagawin mo jan sa mga pictures na yan? May pakandi-kandila ka pa, baka makasunog ka na naman dito sa bahay talagang papalayasin na kita!” Sobra naman, isang beses lang yun e tsaka bata pa ako nun, sabi kasi ng mga kaibigan ko pag nakuha ko raw ang picture ng crush ko dasalan ko sa tapat ng kandila ng alas-12 ng hatinggabi at kinabukasan papansinin na nya ako, malay ko bang hahanginin yung kurtina at tatamaan yung kandila diba?

“Opo, mag-iingat naman po ako chang, wag na po kayo magalit. Pasok na kayo sa bahay, baka matapos na yung pinapanood nyo.” Tinulak ko ang likod ni chang ng onti para iwan na nya akong mag-isa at matapos ko na ang ritwal ko.

Pinulot ko ang mga pictures namin ni Kenneth na halos maubos na ang sweldo ko kakaprint galing sa cellphone ko, para lang punitin ang sunugin. Baliw na nga yata talaga ako.

Sumilip muna ako sa likod ko para siguraduhing wala na si chang, at nagbalik sa pag-iiyak sa mga alaala namin ni Kenneth. Tiningnan ko ang mga pictures namin habang isa isang sinusunog, para hindi magalit si chang bumulong na lang ako, “T******* mo kasi e. G*** ka, bakit mo ko pinag-palit?”

“Sana tubuan ka ng mga kurikong sa mukha, hayup ka.” Hinahaplos haplos ko pa ang mukha ni Kenneth sa picture. Hindi ko alam kung isusumpa ko sya or itetext ko ulit baka sakaling magkabalikan pa kami.

Tinuktok ko ang kamay ko sa ulo ko, “G***. G*** ka, wag nang umasa! Tama na ang ilang linggong pakikipag-balikan, move on na. Move on na!”

Nakakahiya mang aminin, pagdating sa pag-ibig wala ako masyadong pride. Wala sa bokabularyo ko yun. Ilang beses man akong itakwil ni Kenneth, dinodoble ko ang efforts ko para makausap sya, hanggang sa i-block na nya ako sa Facebook at nagpalit na rin sya ng number nya. Saklap.

Isa isa ko nang hinagis ang pictures namin sa apoy. Kailangan mawala lahat ito kundi hindi ako makaka-move on. Hindi ko kaya.

At syempre parte na ng ritwal ko ang umiyak habang isinusumpa sa mga kalangitan na may makikita akong iba. Na magiging masaya rin ako someday. At alam ko ibibigay yan sa akin ni Lord, dahil mabuti naman akong tao. Malandi lang, pero mabuti.

Nang maubos ko na ang pictures, hinawakan ko ang dibdib ko sa ibabaw ng puso ko at sinabing, “Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Kenneth at tapos na akong umiyak dahil sayo. Makikita mo, makakahanap rin ako ng lalaking karapat dapat sa pagmamahal na maibibigay ko.”

Pinanood ko nang lamunin ng apoy ang mga pictures namin ni Kenneth. Last day na today ha, Olga. Tomorrow is a new day and tomorrow you’ll be a free woman. Free ka na ulet.

Napaiyak ulet ako, "Bwisit na luha to, ayaw maubos. Hay!” Tama na.

“Tama na.”

Last hingang malalim at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Dumerecho na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Bukas, lagi namang may bukas. Hindi pa nauubos ang pagkakataon mo. Mag-25 ka pa lang, bata ka pa at marami pang lalaki jan. Hindi pa naman naubos ni Kenneth ang bango mo, buti na lang hindi ka naanakan nung lokong yun.

Bukas, kailangan maging normal ka na, hindi na natutuwa sayo ang mga kaibigan mo masyado ka nang ma-drama.

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko, at pumikit na.

Patulog na ako nang biglang dumagungdong ang boses ni chang sa loob ng bahay…

“OLGA ANDREA! HINDI MO NA NAMAN PINATAY ANG KANDILA!”
 
Last edited:
This is a good start. I like the pacing of the story so far, not rushing, just enough to be interesting without cramming you with big events head on. A good story to read on a rainy day while laying in bed, waiting for the rain to end so your wifi connection will be stable again. Just one nitpick, I find it strange and a bit distracting how you you start the story in English and then you immediately switched to Tagalog on the second paragraph. If this was fully intentional, perhaps to create a certain artistic effect, my opinion is that it didnt achieve the intended effect but has become more of a distraction to the reader, rather.

Consider me subscribed.
 
This is a good start. I like the pacing of the story so far, not rushing, just enough to be interesting without cramming you with big events head on. A good story to read on a rainy day while laying in bed, waiting for the rain to end so your wifi connection will be stable again. Just one nitpick, I find it strange and a bit distracting how you you start the story in English and then you immediately switched to Tagalog on the second paragraph. If this was fully intentional, perhaps to create a certain artistic effect, my opinion is that it didnt achieve the intended effect but has become more of a distraction to the reader, rather.

Consider me subscribed.

I really appreciate you taking the time to read and to comment - I will take your observations to heart and try to do better. :)

The English to Tagalog change was actually intentional, it was my feeble attempt to introduce the character as the weirdo that she is - which I hope I will do better in the next chapters. She's overly dramatic and in her mind sees her life like the types of movies she loves - romantic, tragic but hopefully with a happy ending. She also loves English Rom-Coms so her thoughts and the scenes in her head are all 'played' in English. :)

Again, Thanks Sir! :)
 
Last edited:
mahilig talaga ako sa mga babaeng otor :naughty: este babaeng protagonist :lol:

keep writing :salute:
 
Aabangan ko ang istoryang ito. Tama si Padre, napakagaan ng pasimula na tipong bitin ngunit expected na may kasunod pa.

Sa tingin ko ito ang forte mo, bihira lang ako makatagpo ng manunulat sa ganitong antas. Ipagpatuloy mo ang pagsusulat.

Wag mong pilitin, hayaan mo yumabong ng kusa *wink*
 
Aabangan ko ang istoryang ito. Tama si Padre, napakagaan ng pasimula na tipong bitin ngunit expected na may kasunod pa.

Sa tingin ko ito ang forte mo, bihira lang ako makatagpo ng manunulat sa ganitong antas. Ipagpatuloy mo ang pagsusulat.

Wag mong pilitin, hayaan mo yumabong ng kusa *wink*


Maraming salamat! :)

Pilitin kong huwag pilitin. :) kaya mejo delayed ang pag-po-post, waiting for inspiration to strike. Where art thou? LOL.

- - - Updated - - -

CHAPTER 2

She laughed and looked at him.

He looked at her, amazed at how beautiful she is. And realized he wanted to hold her in his arms, “You want to dance with me?”

She smiled, “Sure.”

He took her hand and she became a bit conscious though there was no one around, “Now?”

He was holding her hand walking towards the middle of the street, “Uh-huh.”

“Here?” She asked.

“Uh-huh” He said.

“We’re not supposed to dance in the middle of the street”, she whispered.

“We should dance in the street”, he countered and she smiled.

“We don’t have any music.”

He swung her around and held her in his arms, “No. We’ll make some.”

They swayed in the middle of the empty street and she realized how something so simple can mean so much. They danced to the rhythm of their beating hearts.



Hingal na hingal pa ang bestfriend ko nang dumating sa cubicle ko, napalingon lang ako sa kanya and nagbuntong hininga matapos ang isa sa mga most favorite parts ng movie na pinapanood ko, all-time favorite “The Notebook”.

Tumingin ako sa bestfriend ko, kinwelyuhan sya at hinatak palapit sa akin, “Where is my he? Where is my Noah???”

Nakaupo sa visitor’s chair ko si Jem – short for Jeremy. Habang nag-no-normalize ang paghinga nya, ni-facepalm nya ako at nilayo ang mukha ko sa mukha nya, “Tigilan mo nga ako Olga. Lahat tayo may problema sa lalaki ha, wag mo akong paandaran nyang pagddrama mo.”

Binalik ko ang earphones ko sa tenga ko, “Then leave me alone!”

Hinatak ni Jem ang earphones ko at hinawakan ang mga kamay ko, “Hoy babae. Pinagbigyan kita ng dalawang linggo ha, tama na yan. Ang payat mo na, hindi ka na naglulunch puro ko mukmok jan sa pwesto mo. Tama nang panahon na yun. Move on na girl.”

Tumingin lang ako sa bestfriend ko. Jem’s been my bestfriend since the day na sinita nya ang shoes ko that did not match my clothes. That was the same month I started in this Marketing firm – 2 years ago.

“Bakla, hindi biro yung isang taon namin ni Kenneth, hindi ba ako pwedeng mag-luksa pa ng onti?”

Biglang binitawan ni Jem ang mga kamay ko, “Fine.”

“Thanks girl.” Nag-air kisses pa ako pero parang lamok nyang pinapatay bago pa sya tamaan. Bwiset.

“So ano, ayaw mo nang malaman ang balita ko? Ang layo pa naman ng tinakbo ko para makita ka.” Nag-pout pa si bakla.

Tumingin sa kanya, nilagay ang mga kamay ko sa baba ko, “Okay fine. What is it?”

Inurong ni Jem ang upuan nya palapit sa akin, “May fresh meat.” Tinataas taas nya pa ang kilay nya. Alam ko na ang ibig nyang sabihin syempre dahil sa secret language namin that means – may mga bagong boylet sa office. Pero I’ve learned from previous experiences not to shit where I eat and I’m pretty sure I don’t want to do that again.I mean, durog pa ang puso ko at ayaw ko rin ng panakip butas.

Huminga ako ng malalim at ginulo ang buhok ko, “Jem, hindi pa ako ready okay? Kaka-break lang namin ni Kenneth…”

Sumingit si Jem, “…last month…”

Hinampas ko ang kamay ko sa table, “…2 weeks ago, bakla. Wag ka ngang ano. Anyway, hindi pa ako ready makipag-relasyon ulet okay? Masakit pa e.”

Ngumiti sya, “Ang alin?”

Tumawa naman ako, “G*go! Eto o, puso ko!” Sabay turo sa dibdib.

Umiling lang si Jem, “Hoy, wala naman akong sinabing syotain mo yung mga bagong hire diba? Sabi ko lang meron… tsaka hello, malay mo hindi pechay ang hanap? Baka ako ang bet diba?”

May point si bakla, ang asyumera ko nga naman.

Tinuloy na ni Jem ang kwento, “Anyway… Dalawa sila, parehong nasa IT. So if ever may problema ka PC or connection or whatever, alam mo na…”

Hay naku, alam mo yung narerealize mo sa sarili mong hindi ka pa talaga nakaka-move on? Kahit na anong pagbu-’bugaw’ sayo ng mga kaibigan mo hindi mo pa rin maisip na may ibang taong makakapuno nung space na nawala sa’yo? It’s like the f***ers took a little piece of your heart when they go.

Tiningnan ko lang si Jem, “My PC is fine. My connection is fine. I have no IT problems that need solving right now, thank you very much.”
Napaatras si Jem at hinawakan ang puso nya, “Oh my God, have you seen my friend – Olga? She used to be this fun girl…” Sabay tingin sa akin. “Fine. Aalis na ako. Basag trip ka e.”

Ngumiti lang ako kay Jem habang iiling iling syang naglakad palayo.


***

Nung nasa College pa ako, pag-umuuwi ako ng madaling araw sa bahay namin lagi kong iniisip na papagalitan ako ng Tita ko. I have learned kasi na kapag may takot ako pauwi, hindi ako pinapagalitan pero pag kalmado lang ako at walang worries pag uwi, sigurado yan hindi pa ako nakakatungtong sa loob ng bahay may bumubulyaw na sa akin. So earlier today I thought and I claimed I had no PC or connection problems whatsoever… lo and behold, kahit anong pindot pindot ko sa laptop ko walang nangyayari.

Hinampas ko ng papel ang PC ko, “Bwiset! Pati ba naman ikaw iiwan mo na ako? Hindi pa ba sapat na paghihirap na ang pinag-daanan ko?” Hinampas hampas ko pa ulet ang PC ko, “Bwiset ka. Bwiset! Bwiset!”

May kumatok sa cubicle ko, pagalit pa akong lumingon sa kumatok.

Parang natakot sya at mejo napaatras, “Uhm. Miss Martinez?”

Hmm… may itsura kaya lang mukhang totoy, inayos ko ang hair kong mejo nagulo dahil sa pag-wawala ko kanina, “Yes?”

Lumapit sya ng konti pero parang he wanted to be anywhere but here, “I’m Carl from IT, may problem po ba yung laptop nyo?”

Ah, eto pala yung sinasabi ni Jem na taga-IT na bago. Jusko naman mukhang pinabili lang ng nanay nya ng suka. Cradle snatcher talaga tong si Jem.

Tumayo ako at tinuro kay Carl ang laptop kong ayaw na gumana, “May tinatapos lang akong spreadsheet sa excel tapos namatay syang bigla hindi ko alam kung bakit.”

Umupo si Carl sa pwesto ko at tinry na i-re-boot ang laptop ko, “Natinginan nyo po ba kung nag-blink yung battery indicator?”

Pinilit ko talagang hindi mag-roll ng eyes ko, “Oo naman. Naka-charge yan, full battery pa yan no.”

Tumingin sya sakin parang napahiya, “Uhm, I’ll need to take your laptop po muna sa IT room para i-trouble shoot. If hindi po battery problem we’ll need to open it up para ma-check if may sira yung hardware.”

“E pano ako mag-ttrabaho? May deadline ako ngayon e.” Tumingin ako sa oras at nakitang mag-aalas-tres na. Lintek, mapapagalitan na naman ako nito. Bwisit talaga.

Binitbit na nya ang laptop ko at tumayo, “Sorry Ma’am, I’ll call in thirty minutes to let you know kung maaayos po ito today, pero kung hindi we’ll send you a replacement unit po muna.”

Tumango lang ako habang hawak hawak ang bridge ng ilong ko, this week is going to sh*t.



Kanina pa ako nag-do-door bell dito sa lintek na pintong to pero walang sumasagot. Bakit ba kasi naka-lock lock pa tong pinto e, “IT Room – Authorized Personnel Only”.

Pabulong bulong pa ako habang pilit na tinetest kung bubukas na ang pinto, “Hello! Anybody home?!”

“Excuse me.” May biglang nagsalita sa likod ko, napalingon naman ako. Mostly sa Pilipinas eye-level lang ang mga tao, so nagulat ako nung nakatingin ako sa dibdib (mukhang magandang dibdib) ng mystery guy na nag-‘excuse me’ sa akin.

Parang nag-slo mo ang mundo ko dahan dahan kong tiningnan ang dibdib, tapos yung lalagyan ng sabon (yung parang collarbone ganun, mukhang lalagyan ng sabon namin sa bahay), babang may konting balbas parang di sya nag-shave ngayong araw lang, plump lower lips, thinner upper lip, nose – bridge ng nose, matangos na nose, eyes, pilik matang mas mahaba pa sa akin, brown eyes… eyes…. Eyes na nakatingin sa akin… eyes na galit.

Aba teka. Kinalog ko ang ulo ko para matanggal ang pagka-stuck dahil sa matangkad at poging lalaking to.

“Taga rito ka ba? IT?” Hindi pa rin kumakalma ang dugo ko, dahil sabi nung Carl na yun tatawagan nya ako in 30 minutes, alas-singko na wala pa.

Hindi sya sumagot pero parang napangiti, tinuro lang ang ID nya.

Charles Santos
IT Manager


Huh?! Kelan pa kami nagkaroon ng IT Manager? Bagong hire tapos IT Manager agad? Swerte naman nito.

Tumingin ulet ako sa kanya, I will not be sidetracked kahit gwapo ka uy, “Asan si Carl? Sabi nya he’ll call me after 30 minutes pero hindi na nya ako binalikan, kailangan ko yung laptop ko.”

Itinaas nya ang index finger nya at tinapat sa mukha ko na parang ‘wait a sec’, may hawak cup ng coffee, ininom, itinapon sa basurahan sa labas ng pinto ang gamit na paper cup. Binaba na nya ang kamay nya, kinuha ang ID nya at tinapat sa scanner sa ibabaw ng doorbell, bumukas ang pinto, binuksan ang pinto at pumasok sya sa loob.

At last, makukuha ko na rin ang laptop ko. Naglakad ako pasunod sa kanya papasok ng pinto nang bigla syang umikot kalahati na ng katawan nya ang nasa loob ng room, bigla syang nagtanong, “Wait. Taga-IT ka ba?”

Napanganga lang ako, bumaba sya at binasa ang ID ko, “Olga Andrea Martinez, Marketing Associate.”

Dumerecho sya ng tayo, at umatras papasok sa room, “Sorry. IT Personnel only.” Sabay sara ng pinto sa mukha ko.
 
Last edited:
CHAPTER 3

Muntik nang sumabog ang kapeng iniinom ni Jem sa mukha ko.

“Seryoso ako, Jem. Mag-rereklamo ako sa HR!”

Sumandal si Jem sa upuan nya at nag-cross ng arms nya, “Seryoso ka? Para lang dun magrereklamo ka? Wag ka ngang OA.”

Hinampas ko ang kamay ko sa table, “Jem, pinag-antay ako nung Carl na yun, hindi ba responsibility nila to provide support? And I didn’t feel… SUPPORTED.”

The more I think about it, the more na naiinis ako kasi may point naman si Jem, ang babaw nga naman para magka-record yung bagong hire.

Teka may naalala pa ako, “E yung bwisit na manager na yun! Sinarahan nya ako ng pinto! In my face!!!”

Napakagat labi si Jem, “Si Sir Chuck?! Patawarin mo na yun, baka naman busy lang.” Sus, wala na, sabaw na utak nito ni Jem dahil sa gwapong mayabang na yun.

“Hindi pwede, kailangan bukas ng umaga nasa table ko na ang laptop ko, kung hindi susugurin ko sila dun sa lungga nila!”


***

“We are all programmed to believe that if a guy acts like a total jerk that means he likes you.
-He’s Just Not That Into You”


Tinanggal ko ang earphones ko at humiga sa kama ko, hindi ko maalis sa isip ko yung Charles na yun. Sino ba sya sa tingin nya?

Sige na, given na mejo irate na ako nung pumunta sa office nila pero hello? Hindi ko naman kasalanan yun e, pano yung tao nya hindi ako binalikan when he said he would.

He still had no right para pag-sarahan ako ng pinto at pag-antayin ako sa labas ng 15 minutes tapos paglabas nya aalis na sya, uuwi na ganun? Naiwan ako dung nakatanga.

Tumingin ako sa laptop kong naka-pause sa first few scenes pa lang. In this movie, they’re saying na if a guy likes you then he must be annoying you to death para mapansin mo sya. So is he trying to get my attention?

Pinukpok ko ang kamay ko sa noo ko, “Ano, desperado ka na? Papatol ka na sa ganun? Bakit mo iniiintindi kung gusto ka nun or hindi. You’re not supposed to care.”

Sinilip ko ang cellphone ko at tiningnan ang picture namin ni Kenneth – kahit na anong pilit mo palang kalimutan gumagawa ng paraan si Universe para asarin ka. Heto si Facebook, one year ago daw nung nag-movie date kami - one of our first few dates. Share daw? Tanginamuch. Sinara ko na ang laptop ko at nagtaklob na ng kumot.


***

Pag-dating ko sa cubicle ko the next morning may laptop na nakapatong sa desk ko may nakalagay nga lang sa ibabaw ng laptop na post-it at nakasulat “Spare Unit”. Huminga ako ng malalim at pinilit na hindi umiyak, talaga naman ang pagkakataon. Nagsisisipa akong parang bata sa pwesto ko para tanggalin ang bad vibes.

Tumingala lang ako at nag-reklamo kay Lord, “Utang na loob naman, mabait na tao naman po ako diba? Bawi naman po, sige na!”

“Do you make a habit of talking to yourself?” Napalingon ako sa lalaking naka-sandal sa cubicle ko, si Mr. IT Manager. Tumingala ako ulet at bumulong ulet kay Big Bro.

“Talaga po bang sinusubukan nyo ako?”

Nagsalita ulit si Mr Yabang, “Or are you one of our ‘Special Employees’? Ang alam ko mostly they’re assigned as Analysts because of their keen attention to detail so I’m not sure why you’re assigned here.” Lumingon lingon pa sya sa paligid.

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko – after all, he outranks me, I plastered on a smile on my face, “Hi! How can I help you?”

Napangiti sya, syet ang lalim ng dimples. “I was just checking if may replacement unit na napadala sayo, Miss Martinez.”

Nanggigigil ako pero kailangan magpigil and be civil, professional ganun, “Please call me Olga.”

“Olga?” Tanong nya. Hello binasa nya ID ko kahapon so I’m pretty sure alam nya ang pangalan ko.

“Yes.” I still smiled kahit na pilit na pilit.

“Bakit yun ang pinangalan sayo? Is there some specific reason?” It seems na mejo basa ko na ang taong to, the question is not new to me, halos lahat ng kaibigan ko natanong na yan.

“My parents like the letter ‘O’, lahat kaming magkakapatid letter ‘O’ ang simula ng pangalan.” Not very interesting answer pero it’s the only one I have.

Nakatingin sya sa akin na parang napaisip sya, “Uh-huh.”

Dumerecho sya ng tayo, “Okay, see you around, Andi.”

Napakunot ang noo ko, “Wait, sabi ko Olga ang itawag mo sakin” – wait, that sounds like a p**n flick if I ever heard one. “I mean, just call me Olga – everyone calls me that.”

Paatras syang naglakad at nakatingin sa akin, “Nope. I like Andi better. It fits.”


***

“It fits? It fits? Anong ibig sabihin non? Hindi bagay sakin ang Olga ganun?” Palaisipan pa rin sakin ang sinabi ni Mr Yabang kanina. Lunch break na e di pa rin ako maka-move on.

May laman pa ang bibig ni Jem nang sumagot sa akin, “Bagay kaya sayo ang Olga – maarte, madrama, bongga, pang-contrabida.”

Kumagat ako ng sandwich ko, “I know right?”

First time ko ulet mag-lunch dito in a long time, marami na palang bagong employee dito sa amin. Kanina pa ako lingon ng lingon sa paligid ang daming bagong tao dito sa canteen. Pag nasa relationship kasi ako nagkakaroon ako ng ‘blinders’ yung parang sa kabayo yung takip sa mata ganun.

“E bakit nya sinabi yun? Diba? Kabago-bago nya dito e ganun na sya maka-asta.” Tuloy pa rin ako sa pagkain ng sandwich ko, sarap ah. Nagpalit ba kami ng concessionaire?

“Grabe ka makabago ha, mas matagal pa kaya sayo si Sir Chuck.”

Napaligon ako kay Jem, “Ha? Bes, 2 years na ako dito pano naman nangyari yun na di ko sya kilala?”

Uminom muna ng juice si Jem bago sumagot, “Girl, I swear para kang nagkaka-mental illness pag in love ka. Nakwento ko na sayo yan 6 months ago, galing si Sir Chuck sa main office dun sya mga 5 years na nagwork as IT Supervisor tapos paglipat nya dito na-promote sya as IT Manager. Hindi sya madalas dito the past months kasi nag-iikot sya sa branches natin. Ano ba yan, paulit ulit.”

Huh. So matagal na kaming magkasama sa office pero di ko sya kilala? Ganun ka-gwapo hindi nahagip ng radar ko? Aba, malaki nga tama ko kay Kenneth.

“Anyway, last time I heard single na ulet sya. He used to date yung VP ng sales. Big time e.” Tuloy lang sa pagkain si Jem after mag-kwento.

Bigla akong may naalala, “Wait lang, diba yung VP ng sales e COO?”

“COO? Hindi g*ga! VP nga e.” Namumualang sa kanin ang bibig ni Jem habang nagsasalita.

“Mas g*ga ka, COO – Child Of Owner?”

Natawa si Jem, “Ah oo. COO nga. May natutunan akong bago sayo ngayon ha, pwede na akong umuwi.”


***

Ang sakit na ng mata ko kakagawa ng reports na I had to start from scratch, buti na lang mabait pa ang boss ko at in-extend ang deadline ko pero heto kailangang mag overtime para lang matapos ang trabaho. Tinanggal ko ang pa-keme kong salamin (walang grado) at pinisil ang bridge ng nose ko, bakit ba nila ginagawa yun sa movies? Arte lang rin? Wala namang epekto.

Tumayo ako at nagpunta sa pantry, kailangan ko ng kape. Yung masarap na kape. Barako.

Nakasandal ako sa table sa pantry habang inaantay ang pag patak ng kape sa coffeemaker namin, pagtingin ko sa relo ko it’s almost 7pm. Hinawakan ko ang batok ko at ni-rotate ang leeg ko clockwise, counterclockwise. “Aray, kailangan ko na magpa-massage.”

Napatili ako nang biglang nawalan ng ilaw ang buong floor namin. Dali dali kong binunot ang saksak ng coffeemaker at lumabas ng pantry. Buti na lang may emergency lights, pero mejo madilim pa rin. Pumunta ako sa cubicle ko at shinut-down ang laptop ko, habang nag-aantay na magshut down ang laptop ko tinawagan ko si Jem – hindi sya sumasagot, “Sh*t! Um-awra na naman yata tong baklang 'to.”

Noon ko lang na-realize ako na lang pala ang tao sa office, kinausap ko ang laptop ko’t pinagpipindot ang ‘enter’, “Bilisan mo naman mag-shut down.”

“That’s not gonna help.”

Napatili ulet ako, at napaatras.

Nakangiti na naman sa harap ko si Mr. Yabang.
 
Last edited:
CHAPTER 4

Napahawak ako sa dibdib ko, nung na-realize kong hindi sya mumu, umupo ako at hinawakan ang pulso ko sa leeg habang nakatingin sa relo ko. “Balak mo ba akong patayin sa gulat?!”

Napangiti si Mr Yabang, “You do know you overreact right? Is that normal for you or are you trying to be cute?”

Tinigilan ko ang pagbibilang ng BPM ko, tumayo at nilagay ang mga kamay ko sa bewang ko, “Ginulat mo ako, so malamang magugulat talaga ako. Hindi ba normal reaction yun?!”

Nag-cross sya ng arms sa dibdib nya, “It’s not my fault you’re not very observant.”

Pumikit ako at huminga ng malalim, “Anyway, bakit nag-brown out?”

Tumawa si Mr Yabang at napailing, “Apparently, you don’t read emails either.”

Tumingin lang ako sa kanya at nag-antay ng sagot. Ano ako manghuhula? G*go pala to e.

Nung na-realize nyang magtititigan kami dito hanggang umaga hangga’t 'di sya sumasagot, nagkamot sya ng noo, “We sent an email this morning that there’s a power shut down in the building. We’re testing the backup servers.”

Dinuro ko sya, “Ayan! Malay kong may ganyan e wala nga yung laptop ko diba? Sira?!”

Tumingin sya sa laptop ko at ngumiti, “Yup. My bad. Sorry.”

Since nag-sorry na sya, parang lumakas ang loob kong magsalita, “At ayan! Bakit ka ba English ng English e nasa Pilipinas tayo!”

Tumaas ang mga kilay nya parang nagulat, sumobra na ba ako? I mean Associate lang ako, at Manager sya. Pero imbes na magalit ngumiti ulet sya.

“Sorry. Old habit.”

Nung wala nang nagsasalita samin, I took it as a cue to leave so tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

Nakaharang pa rin sya sa cubicle ko pero umurong sya nung nag-excuse ako para makadaan. Imbes na maiwan dun sinabayan nya ako sa paglalakad. Nakalabas na kami sa reception at palabas na kung saan nandun ang mga elevators pero sinasabayan nya pa rin ako. Ano ba to? Stalker much?

Nung nasa tapat na ako ng elevators, dun ko lang na-realize ang sinabi nya. Walang kuryente, edi walang elevator. Bababa ako using the stairwell na hindi masyado mailaw. Kaya ko naman kasi nasa 14th floor kami at pababa naman pero hello… mumu alert.

Umikot akong bigla, nakatayo lang sya sa tabi ko, nakapasok ang kamay sa pockets ng pants nya pero nakangiti sa akin, ineexpect nyang ma-realize ko ang problema ko.

Huminga ako ng malalim at parang nauubusan na ng pasensya, “How many hours yung shut down?”

Tumingin sya sa relo nya, “We still have around 11 and a half hours.”

“Putek.”

I can’t catch a break. Seriously.

Parang sumabog ang dibdib ko sa sama ng loob, I mean hello? Mabait naman ako, pero parang nagtutulong tulong ang mga kalaban ko sa universe at pinagtutulungan nila akong apihin. Tumulo ang luha ko at agad kong pinunasan.

“Woah! Bakit ka umiiyak?” Yumuko si Mr Yabang at tiningnan ang mukha ko.

“Wala!” Dumerecho ako sa stairwell at tinulak ang pinto, bahala na si Batman. Hindi naman siguro ako itutulak ng multo no!

“Wait!” Sumunod pa rin sya akin, bakit ba ang kulet neto. Bilisan ko na lang lakad baka sakaling hindi makahabol.

“Slow down!” Dere-derecho pa rin akong pababa ng hagdan.

Hindi ko na marinig ang footsteps na so I guess tumigil na sya kakahabol sa akin. Bigla syang nagsalita ulet at sa sobrang lakas um-echo sa buong stairwell.

“Do you know the story of the dead Security Guard?”

Napatigil ako sa paglalakad at tumayo ang balahibo ko sa batok.

Dumerecho ulet sya ng lakad pero slower this time, “It was around 1am yata, and this building was still being built, the site manager said there was no warning, bigla na lang bumigay yung scaffold and the metal parts fell…”

Nilampasan nya ako at tumigil sa harap ko, he stood in the stair below me at umikot sya para humarap sa akin, pero kahit na nasa baba sya mas matangkad pa rin sya sa kin. I looked at his eyes, his lashes are so long it’s annoying the shit out of me.

Nakangiti pa rin sya, “The security guard’s skull opened up…” pinitik nya ang noo ko, “Right there.”

Hinampas ko sya sa balikat, “Balak mo kong patayin sa takot ha?”

Hinawakan nya ang part na hinampas ko, “I think there’s a harassment complaint here somewhere.”

Napatingin lang ako sa taas at nag-kalma ng sarili, “Namaaaaan!!! Malaki po ba ang kasalanan ko sa inyo ha? I need a break, Bro, c’mon!”

Tumingala si Mr Yabang at hinanap ang kinakausap ko, “May sayad ka ba talaga?”

Tiningnan ko sya ng masama, “Di ba dapat pag Manager kagalang galang? Tumigil ka na sa pagsasalita jan baka malimutan kong ‘boss’ ka dito.”

Tumawa sya at nag-echo sa stairwell. Nakakaasar to pati tawa e maganda pakinggan.

“I like talking to you Andi, you’re weird.” Napailing na lang ako, talaga tong lalaking to parang gusto nyang magpagulong gulong dito sa hagdan.

Umikot ako sa kinatatayuan nya at nag-start na ulet bumaba ng hagdan.

“Wow. Tapang mo ah. You know a janitor died cleaning this stairwell about 3 years ago…”

Umikot ako at humarap sa kanya, napatigil sya sa paglalakad. “Ano bang gusto mong mangyari ha? Hindi pa ba enough na naglalakad ako sa dilim at kailangan mo pa akong takutin? Gusto ko lang makauwi.”

Parang natauhan sya, at mejo parang nagsisi naman sa pananakot sa akin. “I just wanted you to slow down, I’m willing to walk you to the lobby but we have to slow down okay?”

Huminga ako ng malalim, hindi naman siguro masamang samahan nya akong maglakad, at tingin ko kailangan ko rin ng kasama at mejo madilim talaga dito. “Fine. Pero no talking.”

Napaangat ang mga kilay nya at nag-muestra syang ni-zip ang bibig nya, ni-lock at tinapon ang susi.

Works for me.

Tumalikod ulet ako at nagsimulang maglakad pababa.

Ayos naman ang paglalakad namin in silence, inisip ko lang ang weird na mga nangyayari sa akin nitong nakaraan after breaking up with my boyfriend of a year finally when I decide to move on, the universe continuously poops on my head and now I’m with most annoying person ever at kahit na sarado na ang bibig nya walang tigil naman ang ilong nya sa paghinga ng malalim. Puro buntong hininga sya and I’m trying my best not to give him the satisfaction of me reacting to it.

Nung hindi nagwork ang pagbuntong hininga, nag-pretend syang bumabahing, umuubo at lahat na ng pwedeng sound effect basta walang words na lumabas sa bibig nya.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak pero jusko nakakabwisit ang ingay nya so hinayaan ko syang lumampas ng konti sa akin sa hagdan at kinalabit sya. Pagharap nya sakin, gamit ang kaliwang kamay ko hinawakan ko ang pisngi nya at using my right hand kunyaring sinusian ang gilid ng bibig nya. Nanlaki ang mata nya pero ngumiti lang ako, “Peste, pwede ka nang magsalita.”

Naglakad na ako pababa pero naiwan sya dun hawak hawak ang mga pisngi nya, “Ouch. My cheeks.”

Bumulong lang ako, “Arte.”

Humabol sya sa akin pababa, “You should be gentle, I bruise easily you know?”

Hindi pa rin ako tumingin sa kanya dahil nabo-bother ako sa kinis ng mukha ni gago, ang lambot ng pisngi pero parang may stubble pa rin sya ng konti kagaya kahapon, I just cleared my throat and pretended not to be affected pero feeling ko aamuyin ko ang kamay ko mamaya, parang ang linis nya e malamang mabango rin, ay putek ano ba yang iniisip ko.

I tried to be civil since sinamahan nya naman talaga ako pababa which I guess he didn’t have to do so he’s nice? I think.

“For someone that doesn’t go out much, you sure talk a lot.” English lang ba, kaya ko rin yan! Pero mga 5 minutes ko pinagisipan baka wrong grammar ako.

“Wow. Now who’s speaking English? Nasa pinas tayo, magtagalog ka na lang.”

Bago pa ako makasagot, he kept on talking, “And what do you mean I don’t go out much? You don’t know anything about me.”

Tumawa lang ako ng slight, “Hello. 2 years na ako dito sa Company ni hindi nga kita kilala – no offense. That only means na hindi ka masyado naglalalabas dun sa office nyo.”

Nun ko lang na-realize na sa sobrang pag-didistract nitong si Yabang sa akin e nasa lobby na pala kami.

Lumabas na kami sa pinto, mejo mas maliwanag dito sa lobby. Naglalakad na ako sa gitna nang na-realize kong wala na sya sa likod ko, paglingon ko nasa tapat sya ng pinto sa stairwell at pinapanood lang akong maglakad palayo, “I have to get back” sabay turo sya sa taas, syet maglalakad pala syang mag-isa at paakyat sa 14th floor. Na-guilty naman ako.

Tumango lang ako, at bago pa ako makapag-thank you tumalikod na sya at binuksan ang pinto ng stairwell, tumalikod na rin ako at maglalakad na rin palabas ng building nang nagsalita ulet sya, “I’ve been around…”

Napalingon ulet ako sa kanya at bago sumara ang pinto ng stairwell, “You just didn’t notice.”
 
Last edited:
CHAPTER 5


Sa isang big company such as ours napaka-rare na mag set ng General Assembly ang may ari, so lahat kami very excited at nervous sa kung anong ia-announce. Last time na nagkaganito kami I can’t even remember, usually ang chance lang na makasama namin ang GM ng company is pag Christmas Parties and other company events.

Palinga-linga ako sa loob ng room, parang pare pareho kami ng reaction ng mga officemates ko. Nagbubulungan at may kanya kanyang theories kung bakit kami pinatawag, magkatabi kami ni Jem sa likod – standing room kami sa training venue namin.

Nginangatngat ni Jem ang kuko nya habang bumubulong, “Baka mawawalan na tayo ng trabaho,” nag-eyeroll lang ako kay Jem.

“Napaka-morbid mo mag-isip, last week lang naka-book ang sales ng super laking account kaya malabo yan.”

Actually in my two years here naramdaman ko ang steady ng kompanyang to, marami kaming hina-hire every year and marami ring promotions so I guess stable naman. If ever naman na magkatotoo ang sinasabi ni Jem edi move on diba? Ganun lang talaga ang buhay – buti pa dito madali maka-move on sa pag-ibig ang hirap. Charot.

Siniko ako ng very light ni Jem, “Kaya bago pa tayo mawalan ng trabaho, tikman mo na si Sir Chuck, malay mo last chance mo na yan.”

Tatawa tawa si Jem nang hinampas ko ang braso nya, “G*go ka, baka may makarinig sa’yo kung ano pang isipin.”

After ng aming encounter nung isang linggo hindi ko na siya nakausap, hindi na rin ako tumawag sa IT kasi naibalik na rin nila ang laptop ko although hindi lahat ng files ko na-recover.

Hindi ko na rin sya nakikita sa office at kahit sa canteen, hindi ko alam kung na-assign na ulet sya sa ibang area kaya di ko na sya nakikita.

“Speaking of…” Siniko ako ulet ni Jem at ngumuso papunta sa unahan ng room.

Sinundan ko ang nguso ni Jem at nakita si Mr. Yabang, nakatayo sya sa stage at nakaharap sa amin, kasama nya ang mga executives and managers.

“Jusmio bes, di ko alam kung paano mo natiis na hindi rape-in yan sa stairwell nung nagbrown out - pucha ang gwapo.” Namamaypay si Jem habang nanghahaba ang leeg kakatingin kay Mr. Yabang.

Rape talaga? Oo nga gwapo sya, at tama nga ako mabango ang kamay ko sa saglit na paghaplos sa makinis nyang mukha pero rape? Me? Ako? Si Olga Andrea? Never.

Nagpakita ako ng mock offense kay Jem hawak hawak ang dibdib ko, “Me? Magkakandarapa at mame-mwersa ng lalaki? How dare you!”

Tatawa tawa kami ni Jem nang tumingin ulet sa harapan, nun ko lang nakita ulit si Mr. Yabang na kausap ang katabi nya nakangiti pero nakatingin sya sa amin... teka, sa akin?! Napaatras ako sa kinatatayuan ko at hinahampas hampas ni Jem ang likod ko habang kilig na kilig, “P*tah ka. P*tah ka!”

Inaalis ko ang kamay ni Jem sa likod ko habang bumubulong “T*do ka! Masakit!”

I’m sure ang pula pula ng mukha ko, pero nagtitinginan pa rin kami ni Mr. Yabang. Tinanggal ko lang ang tingin ko sa kanya nang nilingon ako ng babae sa harap ko – kilala ko to e, taga HR. Maarte. Oo, mas maarte pa sa akin.

Nginitian ko sya kahit na bwisit na bwisit ako’t kinailangan kong sirain ang moment namin ni Mr. Yabang, “Hi May. Musta ka na?”

Nginitian nya rin ako, ngiting aso nga lang, “Hi Olga. Kilala mo si Sir Chuck?”

Paglingon ko kay Mr Yabang tapos na yung moment namin at nakatingin na sya sa babaeng tumabi sa kanya, at di nakatakas sa tingin ko ang kamay ni girl na nakakapit sa braso nya.

“Oh my God, don’t tell me kala mo ikaw yung nginingitian nya kanina.” Napalingon ulet ako kay May at medyo speechless. Wala naman yatang sakit sa mata si Mr Yabang so I think sa akin talaga sya nakatingin.

“Syempre kay Olga nakatingin, ano ba sya banlag?” Napaka-catty na sagot ni Jem kay May.

Tumawa ng very light si May at tumingin ulit sa akin, “Wag masyado mataas ang pangarap, girl. Nakita mo nang tumabi na sa kanya si Ma’am Claire kaya ligwak ka na.”

Lumapit kay May si Jem at in her face sinabi na, “Pag HR ba pwede rin ireklamo sa HR? Imbes na magchismis ka jan ayusin mo kaya ang trabaho mo nang on time lagi ang sahod namin.”

Hindi pa nakuntento si Jem at bumulong habang tumalikod na ulet sa amin si May, “Shut up ka na jan hindi ka naman tinatanong.”

Ayan ang proof ng pagkakaibigan, pag ang kaibigan mo medyo stuck up sa mga nagaganap sa paligid, to the rescue agad ang tunay mong friend wala nang tanong tanong.

Lumingon ako sa harap at nakitang kausap pa rin ni Mr Yabang yung girl – Si Claire daw sabi ng chismosang HR namin, pero parang he wants to be anywhere but there.

“Hello, is this on?” Tinuktok ng VP ng HR namin ang mic at nagfeedback sa buong venue. Lahat tuloy ng chismis nag die down.

“Good morning everyone!” nagsi-sagutan naman kami ng generic na “good morning”.

“I know you’re all probably wondering why we called for this General Assembly today but before we get to that, I want to introduce the Leadership Team to everyone. These are the people that make the big decisions and make sure we are all in the right track in improving our services and increasing our profit.”

Bumulong sa tabi ko si Jem, “Baka may bonus tayo, profit daw e.”

“Ssshh” lang ang nasabi ko sa kanya.

Ipinakilala na isa isa ang mga bosses namin, ang Marketing Group Director namin ay isang super gwapong beki, lahat kami nangangarap na magising sya isang araw at marealize nyang sawa na sya sa talong at pechay naman ang gusto nyang kainin – gusto ko matawa pero syempre ang g*go ko naman humalakhak dito no. Baliw na talaga, grasa na lang ang kulang.

“Ayan na, sya na ang kasunod.” Bumulong sa akin si Jem at napansin kong karamihan ng mga girls nagbulungan din nang binanggit na ang pangalan ni Mr Yabang, tinaas nya lang ang kamay nya at ngumiti. Lumabas ng very light ang dimple nya, di rin naka-takas sa malupet kong observation skills na lumabas lang ang dimple nya nung nasa general direction na namin ang mata nya. Kailangan ko na yata talaga magpatingin sa doctor, masama na tong lakas ng loob ko at bilib sa sarili – kailangan ko ng pampakalma.

Short lived ang pangangarap ko ng gising nang binanggit na ang katabi ni Mr Yabang.

Nagsalita ulit ang VP ng HR namin, “And here she is, the reason why we are all here, I am very proud to introduce our new Deputy General Manager, former VP for Sales Miss Claire Montes.”

***

CHAPTER 6

“Bes, alam mo namang mahal na mahal kita at paglalaban kita sa kahit sinong aapi sayo, pero tingin ko wave na natin white flag natin this time, wala tayong laban dun.” Yapos yapos ako ni Jem habang nag-aabang ng Grab namin sa labas ng office. Uwian na hindi pa rin kami maka-move on sa mga ganap ngayong araw. Ang ex-girlfriend ni Sir Chuck (yan na tawag ko sa kanya ngayon para walang asahan ng term of annoyance or endearment) ang kakapromote lang namin na Deputy General Manager. The boss of the boss’ boss – ika nga ni Ana Grey sa Fifty Shades.

Ini-shake off ko ang arms ni Jem na nakabalot sa akin, “Bakla, wag ka ngang OA jan, wala naman akong balak diba? Ikaw tong kung ano anong pinagsasasabi sa akin na kesyo may gusto sa akin yung tao e obviously wala naman.” Wala naman talaga, tangina kakarecover ko lang sa isang relationship papasok ulet sa masalimuot na mundo ng pag-ibig? Pahi-pahinga rin diba?

Humarap ako kay Jem at nilagay ang mga kamay ko sa bewang ko, “Jem, utang na loob kasi tigilan mo muna ang pambubugaw sa’kin, hindi pa ako ready. Wala pa sa tamang kapasidad ang puso ko para magmahal ulit.”

Humarap ako sa kalsada habang hinahanap ang cellphone ko, “Nasan na ba si manong driver, sabi kanina three minutes nandito na…”

Sakto may sasakyang tumigil sa harap ko, at binunggo ako ni Jem sa likod na parang tinutulak na ako para sumakay. Taragis na to ayaw magsalita, pwede naman magsabi ng maayos diba?

I tried opening the passenger side pero naka lock ang door, heavily tinted ang kotse so di ko makita ang driver. Kinatok ko ang bintana, “Paopen po manong.”

Nag-click open ang pinto at sinabihan ko si Jem, “Dun ka na sa likod maupo, una ka namang bababa.”

Si bakla ang bagal kumilos so pumasok na ako sa kotse at nag-seat belt, paglingon ko sa labas nandun pa rin si Jem at nakatayo ng tuwid na tuwid. Ngumunguso sya sa akin pero di ko maintindihan so binaba ko ang bintana ng kotse, “Hoy sakay na. Anong inaantay mo jan?”

Umubo si manong driver so napalingon ako.

Hindi sya si manong driver.

T***ina.

Kill me now.

“Hi ma’am. Saan po tayo?” nakatingin sa akin si Sir Chuck at nakangiti.

Dahan dahan akong lumingon kay Jem at bumulong ng “Help.”

Napangiting aso si Jem, nilagay ang kamay nya sa noo nya na parang masakit yun at tumingin sa likod nya sa building namin, bigla syang tumakbo palayo sabay sigaw, “May naiwan ako sa itaas! Mauna ka na!”

Iinilabas ko ang ulo ko sa bukas na bintana, “Hoy! Bumalik ka dito!”

Napaatras na lang ako nang unti unting umakyat ang bintana ng kotse, automatic akong napa-sorry sabay bitiw sa bintana.

Bigla ko lang narealize na nakasakay ako sa kotse ni Sir Chuck, at tinataas na nya ang bintana so anong dapat kong gawin? Dahan dahan akong lumunok at habang mejo shaky pa ang kamay pinindot ang release ng seatbelt ko, bago pa mag-retract nung seatbelt biglang lumitaw ang kamay ni Sir Chuck at pinigilan ito, hinatak nya ulit ang seatbelt at binalik sa pagkaka-lock.

Napalingon na lang ako sa kanya at napanganga pero sabi nya lang, “Safety first.”

Nakatingin na sya sa unahan – sa kalsada at unti unti na kaming umandar sabay sa pagkakarinig ko ng pag-click ng locks ng doors ng kotse.

Parang dun sa mga k-dramas na pinapanood ko parang gusto kong itanong, “w-w-w-wae?” yung may kasamang Korean expression ng confusion, kasi talagang gulong gulo ako sa nangyayari. At kung ito man ay hindi K-drama at isang horror movie ako na yata yung pinaka-engot na biktima. Sinarahan na ng bintana ng dahan dahan, nagsorry pa. Pagkagaling galing ko talaga.

Pero naman guys, kung ang papatay sayo e kasing gwapo naman nito ni Sir Chuck tingin ko pwede na rin – yung last few moments ng buhay mo parang heaven na rin. Ini-shake ko ang ulo ko para kalugin ang mga kabaliwang sumasapi sa akin.

Napalingon sa akin si Sir Chuck, “You okay?”

Tumango ako ng napakabilis at sunod-sunod kaya parang mejo nahilo ako. Nagpipigil akong mag-hyperventilate kasi parang kinakapos ako sa hangin. Masikip sa dibdib so binuksan ko yung pinaka-unang butones ng blouse ko – naka close neck kasi ako e feeling ko di makarating sa utak ko yung dugo.

“Woah! What the hell are you doing?” Lumilingon lingon sa akin si Sir Chuck habang nagd-drive.

Itinaas ko lang ang index finger ko sa direction nya na parang “wait” habang nilagay ang ulo ko between my legs.

“Oh my God.” Natatawang sabi ni Sir Chuck habang nagttry akong ibalik ang hangin sa lungs ko para matigil ang pagpintig ng ugat ko sa ulo.

“Mamamatay na ako tawa ka pa ng tawa jan!” Imbes na mag-sorry humalakhak pa sya lalo.

May ilang minutes pa mejo kumakalma na ako nang may biglang humaplos sa likod ng ulo ko, “Hey, okay ka lang?”

Hindi ako cat or dog person, I mean wala akong takot sa kanila pero wala rin akong pet, feeling ko kasi hindi ako magiging maasikasong amo baka mapabayaan ko lang, pero at that moment na hinahaplos ni Sir Chuck ang ulo ko parang gusto kong maging pusa at mag-meow meow habang iniaangat ang ulo ko para haplusin nya pa lalo. Would that be weird? Hindi ko napigilan natawa ako.

Biglang tumigil ang kamay nya, “I guess you’re okay, the crazy is back.”

Huminga ako ng malalim at inangat ng dahan dahan ang ulo ko nang mejo naramdaman kong walang headrush, sumandal ako sa upuan at tumingin sa kanya.

“So tingin mo baliw ako ganun?”

Ngumiti sya pero sa kalsada pa rin sya nakatingin, “The good kind of crazy, don’t worry.”

Nag-cross ako ng arms ko sa dibdib ko, “Kapag wala kang pakielam sa sasabihin sayo ng ibang tao and as long as wala ka namang nasasaktan, then there’s no need to be worried.”

“Wow. That’s the sanest thing I’ve heard you say.” At mukha talaga syang impressed sa biglaan kong pagseseryoso. Ano bang tingin nito sa akin, clown?

“Sir…” And I emphasized the ‘sir’ “I may not be as eloquent as you and at times I may seem weird but I’m just being myself and I don’t take too kindly to being insulted.”
Mic drop!

Sa totoo lang gusto kong mag-gesture ng boom panes!

Nanahimik saglit si Sir Chuck but after a few minutes nagsalita na rin sya, “When you emphasized “SIR” that was meant to be an insult right?”

Nag-eyeroll lang ako, as in literal na nag-around the world ang eyeballs ko – really? As in dun sa haba ng sinabi ko at pinagplanuhan kong sagot in English, yun ang nakuha nya? Yung “sir”?

Bago pa ako makasagot nagsalita na sya, “Nope. Don’t answer that.”

Paglingon ko sa kanya, he looked… sad? Napaka-weird pero sa sobrang awkward ng situation hindi na ako nagsalita.

Nagulat na lang ako na papasok na sya sa Subdivision namin, pero since ang tagal na naming walang salitaan edi tinuloy ko na. Dun ko lang napansin yung cellphone nya sa driver’s side na naka-open ang waze.

Tumigil kami sa tapat ng bahay ni chang, tinanggal ko ang seatbelt ko at nag-click pa bukas ang pinto ng kotse. Lumingon lang ako saglit sa kanya at tumingin rin sya sakin, “Thanks” lang ang nasabi ko at bumaba.

Nakatingin pa rin ako sa kotse nya palayo na nang bahay namin, naguguluhan pa rin ako at hindi ako maka-recover.

Isa lang ang masasabi ko - Anyare?
 
Last edited:
CHAPTER 7

“Try mo kaya lumaklak ng realidad. – Starting all over again”

Kinabukasan mejo lutang pa rin ako sa mga naganap, hindi ko maintindihan kung anong nangyari pero tingin ko wala naman akong magagawa, siguro kung ako weird ang ugali sa mga ibang bagay, baka sya naman may ka-weirduhan ring tinatago. Anyway, I really don’t care, okay na yun, wala naman ako dapat pake sa kung anong problema nya. Move on na din, back to regular programming.

“Good morning, Olga.” Napalingon ako sa likod ko nang may nag-greet sa akin. Si May.

Huminga ako ng malalim at hinarap sya, plastered my most convincing fake smile and said, “Good morning, May.”

Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa braso, “I’m so sorry kahapon ha. I mean, that must have been hard for you to see, kung dati worlds apart na kayo ni Sir Chuck e ngayon universes na ang gap nyo. I feel so sorry for you.”

Ay, hiyang hiya naman ako sa babaeng to. Ako rin, I feel so sorry for her poor neglected eyebrows – parang gubat na sa kapal. Sing kapal ng mukha nya para kausapin ako ng ganun e di naman kami close. Pero since nasa office kami and I’m nothing if not professional so I need to play this little game every now and then.

I shake my head, “I don’t know what you’re talking about.” I look around, “Pero I actually don’t have time to chat, marami pa akong trabaho, I’ll talk to you later.” Sabay layas. Wala akong panahon sa’yo ‘te, utang na loob, don’t me.

Pag dating ko sa cubicle ko kinuha ko yung stress ball ko at pinagpipisil ko ng paulit ulit, iniimagine ko yung mukha ni May habang nilalamutak ko yung bola. Nung satisfied na akong hindi ko sya sasabunutan pag nakita ko sya I opened up my laptop and started working.

Habang nag-gagawa ng panibagong spreadsheet for my monthly report, nag-ping ang notifications ko sa cellphone. Habang tinitigan ko ang phone ko nag-replay sa utak ko yung kanta ni Sara Bareilles na Gravity – yung may mga taong parang may invisible thread na nakakabit sa puso mo, na pag akala mong nakakalayo ka na ng konti nandun na naman sila sa kabilang dulo hinahatak ka pabalik. Yun ang feeling ko ngayon habang tinitingnan ko ang friend request sa akin ni Kenneth.

Remember him? Siya ang ex-boyfriend kong bukod sa in-unfriend ako, binlock pa ako sa Facebook. So kung ako ang babaeng matino ang pag-iisip, syempre ang sagot ay no, no, hell no! Itinakwil na nga ako at kulang na lang ipa-blotter ako sa barangay, diba?
Yun ay kung matino nga ang pag-iisip ko – e hinde. Pero syempre nasaktan ako kaya kailangan ko munang linawin ang utak ko bago mag-pasya, for now, bahala ka jan mag-antay ng acceptance ko, pag-iisipan ko pa kung kelan, baka bukas ganern.

Kaka-trabaho ko nalimutan ko ang pag-kain at 12:30pm nang nakita ko ang orasan – syet nalimutan ko na naman kumain. At ang magaling kong kaibigan di manlang ako tinawagan, so kinuha ko ang wallet ko at pumunta sa elevator, sumakay ako at pinindot ang 7th floor para makapunta sa canteen. Nasa 10th floor pa lang ako nag-open na ang doors at bumulaga sa akin ang napaka-pogi pero napaka-weird naming IT Manager. Pagkakataon nga naman.

Nagbuntong hininga lang ako at umurong palayo sa buttons sa elevator dahil alam kong dun sya papunta, tiningnan nya lang ang buttons pero hindi nya pinindot. Pareho kami ng floor na bababaan. Bwisit.

Kung napaka-friendly nya sa akin nung mga nakaraang interactions namin (except yung una), napaka-cold naman nya ngayon. After nyang makitang ako ang sakay ng elevator, di na sya ulet tumingin sa akin. So anong gagawin ko diba? Imbes na mag-iwasan kami ng tingin I took the opportunity para titigan sya ng malupet. Naka-white longsleeved shirt sya na naka-tuck in sa dark grey pants, ang shirt nya nakafold sa napaka-masculine arms nya. Alam mo yung arms na sobrang toned pag gumagalaw sya nag-sstretch ng very light ang shirt nya over his defined muscles. At ano pa ba, syempre naka-tuck in diba? I can’t help but check out his a**. Hindi ko napigilan, napalunok ako at tumingin sa reflection nya sa elevator para tingnan ang reaction nya, pero hindi pa rin sya nakatingin sa akin. Bakit ang gwapo mo? Leche ka.

Tinigilan ko na ang pagtitig sa kanya at tumitig na lang sa reflection ko sa elevator, maayos naman itsura ko, naka-wrap up dress ako today hanggang tuhod ko pero pag naglalakad ako ng mabilis mejo nagssplit ang hem ng damit ko at may lumalabas na legs. Sa ibabaw naman hindi sya sobrang skandalosa pero hapit kaya na-eenhance ang size B kong boobs at nagmukhang mas maliit ang bewang kong naka-slimming corset sa ilalim. Mejo hirap huminga pero tiis ganda guys.

Biglang nag-ding ang elevator at naunang bumaba si Sir Chuck, nagbuntonghininga ako ulet bago sumunod sa kanya sa canteen. Marami pang tao pero nakaupo na sila, kami na lang ang nahuli so magkasunod pa rin kami sa pila. Paglingon ko sa tables at hinahanap ko si Jem nakita kong nakangiti sa akin si May at tumitingin sa akin at kay Sir Chuck. Taragis talaga tong babaeng to, tumalikod ako sa kanya at humarap sa pinagpipilian kong pagkain.

Sa bwisit ko kay May hindi ko napigilan mapabulong, “Ano masyadong juicy ang buhay ko at gusto mong pakielaman? Get a life bitch.”

“I’m sorry?” napalingon ako kay Sir Chuck na nakatingin na sa akin at parang naiirita rin.

Dahil hindi maganda ang araw ko, di ko na rin napigilan ang pagka-pikon at tingin ko mag-uulam ako ng patola, umirap ako at tumingin sa kanya, “Narinig mo ba pangalan mo? Hindi kita kausap.”

Natawa sya, pero sarcastic na tawa, “Sorry, I forgot you’re a little loopy and you talk to yourself.”

Hawak hawak ko na ang tray ko na walang laman at sa bwisit ko nawalan ako ng gana kumain so habang binabalik ko ang tray ko sa lalagyan, “You know what? I lost my appetite.”

Tumalikod ako at bumalik sa direksyon ng elevator.

T***ina, gutom ka na nga ganun pa ang mga makikita mo, bwisit diba? Di bale na lang magutom wag lang makasalamuha ang mga lintek na taong yun. Pagsakay ko ng elevator pinindot ko ang 14th floor button at pinagpipindot ang close button para magsara na agad ang elevator, pasara na ito nang biglang may humarang na kamay sa pinto napaatras tuloy ako. Bumukas ulet ang pinto at sumakay si Sir Chuck na nakatitig sa akin.

- - - Updated - - -

Will wait for the next update. Kudos TS! :clap:

Thank you. :)
 
Last edited:
yey salamat! Keep up the good work :thumbsup:

Thank you! :)

- - - Updated - - -

CHAPTER 8


Nakasandal ako sa elevator wall nang sumara ang mga pinto at naiwan na kaming dalawa ni Sir Chuck sa loob. Hindi sya gumalaw sa pagkakatayo nya sa elevator, nakatailkod sya sa pinto at nakaharap sa akin. Tinitingnan ko sa ibabaw ng ulo nya ang floor number hoping na bumilis ang takbo ng elevator para makababa na ako. Pero p*tah, pano ako makakababa e nakaharang sya sa pinto.

Mag-excuse me ba ako? E t***ina galit nga ako diba?

Itulak ko sya? E wala naman akong upper body strength.

Nakatayo lang sya dun at nakatingin sa akin.

After ten years nag-ding na ang elevator at nag-signal na dapat na akong bumaba. Umurong ako palayo sa dingding ng elevator para mag-side step sa kanya at makalabas pero bigla nyang inabot ang buttons ng elevator at pinindot ang 40th floor – ang top floor ng building namin.

Nanlaki ang mata ko sa kanya pero wala syang reaction – NR? Langya kikidnapin na ako NR lang ganun? Sumara ulit ang pinto at napakaswerte naman na walang tao na nakakita sa amin. Huminga ako ng malalim at tinulak sya sa dibdib with all my very weak arms.

“Hoy! Anong tingin mong ginagawa mo? Kidnapping ‘to ha!”

“One, you’re not a kid. Two, I’m not holding you against your will.” Sabay turo sya sa pinto.

“But I hope you’ll stay because I just want to talk.” Parang biglang nag-soften ang features nya at nag-relax so nagrelax na rin ako ng very very light at sumandal ulit sa dingding pero ini-cross ko ang arms ko sa dibdib ko.

Syempre akong g*ga hindi ko naisip na yung action na yun e mag-pu-push pa lalo ng susey ko sa dress ko, napalingon sya sa dibdib ko pero iniwas nya agad ang pagkakatingin at umatras rin sya. Napa-side step ako nang bigla syang tumabi sa akin sa pagkakasandal sa dingding, pareho na kaming nakaharap sa pinto at nagtitinginan kami sa reflection namin.

After a few minutes ng walang salitaan umirap ako sa reflection nya sa wall ng elevator, “Ano? Gusto mo akong kausapin diba? Tapos di ka magsasalita diyan.”

Napangiti sya, “I don’t scare you.” It wasn’t a question so hindi ako sumagot.

“It’s refreshing.” Ngumiti ulit sya at tumingin sa ceiling.

Huminga sya ng malalim at nag-salita, “I don’t like leaving things unsaid that’s why I followed you.”

Tumingin sya sa akin through the reflection sa elevator. Hindi ko na alam ang floor namin kasi ayokong sirain yung moment.

Nagpatuloy sya, “I hate getting into scandalous situations, I don’t like confrontations but I can’t help but say something when I heard you whisper earlier.”

“We didn’t end on very friendly terms nung hinatid kita sa bahay mo so I want to clear the air between us.”

Finally humarap na sya sa akin at tiningnan ako sa mata, “I like talking to you, you’re different…” nag-roll lang ako ng eyes ko – different means weird in my vocabulary, pinitik nya ang braso ko to get my attention at tumingin ulit ako sa kanya, “that was a compliment.”

At binigyan nya ako ng isang pamatay na smile. Panty = laglag. P*cha, di dapat madistract, kailangan naming ayusin ang usapang to.

“So, bakit ka biglang naging cold nung hinatid mo ko? Hindi ko maintindihan e, may nasabi ba akong hindi maganda?” I’ve been racking my brain para maintindihan pero parang wala naman akong maisip na nasabi ko na pwede syang ma-offend. Yung ‘sir’? Bakit naman diba? Sir naman talaga sya.

Ni-cross nya ang arms nya sa dibdib nya at sinandal nya ang right arm nya sa dingding, “When you’re dating the boss’s daughter then you get promoted, it’s very easy for people to judge that you got to where you are because you’re connected and not because you’re competent.”

Light bulb. Now I know why nagalit sya sa akin, akala nya inaasar ko sya sa pag-kakakuha nya sa position nya is dahil GF nya yung anak ng may-ari ng company.

Napapikit na lang ako at narealize ang pagkakamali ko. I pinched the bridge of my nose at nag-re-ready nang mag-apologize nang naramdaman kong hinawakan ni Sir Chuck ang kamay ko para ilayo sa mukha ko.

He’s smiling, “I realize now that you didn’t mean that an insult and you were just being your funny self. Sorry, sore spot sa akin yun. My reaction caused this confusion between us.”

Naisip ko lang at this moment na sobrang na-misjudge ko si Sir Chuck, he’s not Mr Yabang. He’s humble and understanding – ako lang tong g*ga at reaktibista. Wala na lang akong nasabi kundi “Sorry.”

Sa sobrang pagkakatitig sa akin ni Sir Chuck di ko na-realize na hawak nya pa rin ang kamay ko and now he’s stroking my palm with his thumb. Para akong nakuryente at nagtayuan lahat ng balahibo ko sa braso paakyat sa ulo ko, feeling ko nangapal yung tuktok ko at namula yung mukha ko kaya binawi ko yung kamay ko at umatras.

At dahil awkward my go to reaction is manakit, hinampas ko ang braso nya, “Okay na tayo Sir Chuck. Wala na yun.”

Bumalik sya sa position nya earlier at sumandal sa dingding, nakaharap sa pinto.

Nag-ding ang elevator at nasa top floor na kami, dali dali kong pinindot ang 14th floor at sinara ang pinto. Nang sumara na ulit, bumalik rin ako sa pwesto ko sa tabi nya, mejo komportable na pero lintik na hand holding yan, naguluhan tuloy ako.

We stayed there in comfortable silence habang nag-sstew sa utak ko ang mga pangyayari lalo na ang paghawak nya sa kamay ko.

After a lot of floors down nagsalita ulit sya, “What time are you getting off today?”

Nag isip ako kung matatapos ko yung report ko ng five, “Baka mag-extend ako mga 6pm, why?”

“Just thinking if I could give you a ride home. Para di ka na mag-Grab.” Magkatinginan kami sa salamin.

“Teka, pano mo nga pala nalaman ang address ko?” Parang alam ko na ang sagot pero syempre di ako mag-assume kasi napakagaling ko sa pag assume diba?

Ngumiti lang sya, “Being an IT Manager has it’s perks.”

“OMG stalker much?” biglang nag-ding ang elevator at nasa 14th floor na naman kami.

Pababa na ako nang sinabi nyang “I’ll see you at 6?”

Sa other side ng door bumulaga ang mukha ng pinaka-swerteng chismosa sa buong mundo – Si May. Hindi na ako sumagot at naglakad pabalik ng cubicle ko.
 
Last edited:
“Being an IT Manager has it’s perks.”

Yan ang tinatawag na opportunistang froglet hahaha :lmao:
 
“Being an IT Manager has it’s perks.”

Yan ang tinatawag na opportunistang froglet hahaha :lmao:

Hahaha! True. :)

- - - Updated - - -

CHAPTER 9

After a grueling five hours naka-survive na naman ako sa trabaho at sakit ng ulo. Nalipasan kasi ako ng kain - inuna kasi ang landi. Nag-ayos na ako ng gamit at pumunta na sa elevator, nagulat ako nang nakaabang si May dun kasama ang mga alipores nya. Nag-light up ang mukha nyang espasol nang makita akong papunta ng elevator. G*go talaga to, narinig sigurong sinabihan ako ni Sir Chuck na magkita kami ng 6pm. Di naman ako nag-confirm ah.

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong mangyayari kaya ayoko muna yatang sumama sa kanya, naguguluhan yung utak ko.

Dinedma ko lang sila at tumabi para mag-abang ng baba ng elevator.

“So, san ang lakad mo Olga?”

Pigil na pigil talaga ako umirap, “Going home, kayo?”

Nagpaka-inosente sya, “Oh really? Wala kang date? Sayang naman ang dress mo, ganda pa naman, bagay na bagay sayo.”

Kung pwede lang magpaka-bitcheta kanina ko pa ginawa pero I reined in my temper at sumagot with a smile on my face, “Seriously wala. Pero thanks for noticing my dress – sale ko pa nakuha to.”

Tumango lang sya at tiningnan ang kasama nya, they giggled. Giggled! Gigil tuloy si ako.

“I kind of heard na you have a date, are you sure wala?” She keeps pressing and I’m losing my patience.

I looked her dead on the face, “I think I would know if I have a date diba? That’s pretty basic.”

She senses my annoyance so in the true fashion of a contrabida, she insists, “Oh c’mon Olga, I heard Sir Chuck ask you out earlier. Don’t deny it. I’m pretty sure nasa lobby na sya waiting for you.”

I bit my lip to avoid saying something nasty, I really really want to though. Lalo sumasakit ang ulo ko sa babaeng to.

I shook my head at her, “I don’t know what you’re saying. Maybe you heard wrong, that’s what happens when you listen to other people’s conversations.”

Epic fail ang pagpigil ko ng galit. T***ina. Keber na.

Imbes na mainis sya napangiti pa, because she knows she’s getting on my nerves. I need Jem. Stat.

At parang isang miracle nag-ring ang phone ko at tinawagan ako ni Jem, agad kong sinagot ang cellphone ko, “Hello?”

“Hello yourself.” sagot sa akin ni Jem.

Dinedma ko na ang “mean girls” sa paligid at saktong dumating na ang elevator, at bilang may kausap ako sa cellphone hinayaan ko na silang sumakay at nagpaiwan muna ako sa floor namin. Nakasimangot na sumakay sila May sa elevator at kinawayan ko pa sila nang magsara ang pinto.

Napabuntong hininga na lang ako, “Naka leave ka pala bakla, kaya pala nagdidilim ang mundo ko.”

“Ang drama. Bakit ano bang nangyari jan?”

Umiling na lang ako, “Bukas na natin pag-usapan, sakit na ng ulo ko e. Bakit ka napatawag?”

Tumawa sa kabilang line si Jem, “May tumawag kasi sa akin, nakikipaglaro.”

I rolled my eyes, talandi talaga tong kaibigan ko.

“Sino na naman yan? Bago mong boylet?” Pinindot ko ang elevator ulet nang mejo nakababa na ng ilang floors para siguradong di na babalik sila bitchetang May.

Tumawa ulet si Jem, “Hindi ganung laro, bes. Iba. Pass the message.”

Nagtaka lang ako, “Ano? Panong pass the message?”

“Ang sabi sa akin ng caller ko kani-kanina lang, sa parking ka raw bumaba para dun kayo mag-kita. Baka raw kasi maging uncomfortable kang sa lobby kayo magkita.”

Napanganga lang ako, seriously? Tinawagan ni Sir Chuck si Jem?

“At bago ka magtanong, ako ang tinawagan nya para hindi mo raw sabihin na stalker sya. Sabi ko nga ako ang i-stalk nya hindi ako magrereklamo.” Tatawa tawa si Jem habang hindi pa rin ako makapaniwala sa sinasabi nya.

Bigla rin akong nakaramdam ng galit, “Ano susunod lang ako sa utos nya? Sino ba sya?”

Nagbuntonghininga si Jem, “Sinabi ko rin sa kanya yan Bes, di naman ako totally bugaw so mejo nag-keme muna ako, sabi nya naman gusto nya lang mag-sorry dun sa nangyari kanina at alam nyang hindi ka rin nakapag-lunch so sya daw ang taya sa dinner.”
Huh.

“If ever daw na ayaw mo, it’s okay raw. He’ll be waiting in the basement parking until 7:00 pm, if you don’t show up he won’t take it against you.” Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Jem so speechless lang ako, nagulat na lang ako biglang may nag-sslow clap sa kabilang linya.

“Bes, pinabibilib mo ako ha. Manager? Seriously? At isang nilalang na hindi mo alam na nag-eexist before ang nahuhumaling sa’yo ngayon? Ganda ganda ng bestfriend ko.”

Hindi naman lingid sa kaalaman kong napakaswerte ko nang nagsabog ng kagandahan e nakasalo ako ng konti – okay, more than konti pero yun ang hindi ko matanggap minsan, bakit kahit maganda ka, mabait ka, mapagmahal ka, iniiwan ka pa rin. At p******nang pag-ibig yan, kumakatok na naman hindi pa nga ako tapos pagsarahan ang huli kong naging boyfriend. Actually nag-paparamdam sya ulet pero in fairness maghapon kong hindi naisip ang friend request nya sa Facebook.

“Teka lang, Jem. Ang ibig mo bang sabihin ako ang mag-dedecide kung hahayaan ko syang mag-antay dun sa baba? Kahit na alam kong hindi ako pupunta dun? Hindi naman masama ang ugali ko beh, sabihan mo na lang sya na umuwi na dahil mag-Grab na lang ako.”

Sa sobrang weird nitong situation at sa ayaw kong mapabalitang nakiki-third wheel sa Manager at ang bago naming GM, iiwas na lang ako. And honestly? Lintek ang kilig ko kanina nung hawakan nya yung kamay ko. Tingin ko di makakasurvive ang puso ko pag nahulog ako sa kanya. Sigurado wala na namang sasalo sa akin. T***inang buhay yan.

“Edi ikaw mismo ang magsabi sa kanya, tapos na akong maglaro ng game na ito. Nagiging boring na. Send ko sayo number nya. Ktnxbye.”

“Hoy!” leche binabaan ako.

Habang inaantay ko ang pagsesend ni Jem ng number ni Sir Chuck sa akin, nag-ding ang elevator at pumasok ako sa loob. Tinitingnan ko ang buttons at nag-co-contemplate kung “G” para sa lobby or “B” para sa basement ang pipindutin ko. Nag-di-ding na ang elevator at parang minamadali na ako mag-decide, at dahil wala pang text na pumapasok sa cellphone ko pinindot ko ang “B”, hindi ko sya kayang iwan dun para mag-antay sa akin ng isang oras so if hindi maise-send sa akin ni Jem ang number nya, I need to tell him personally.
 
Last edited:
CHAPTER 10

Naubos na ang lipstick ko kakakagat ng labi ko sa nerbyos, nakita ko ang reflection ko sa salamin at inayos ko ang itsura ko. I finger combed my hair, removed excess lipstick from my lips, straightened my dress at inayos ang collar para di masyado kita ang cleavage.

Nang makarating ako sa basement tiningnan ko ang phone ko pero wala pa ring message. Langya to si Jem. Bumaba na ako ng elevator at naglakad, paglingon ko sa kanan may naka-hazard na kotse, nanghihina yung tuhod ko pero naglakad pa rin ako palapit sa kotse nya. Sumilip ako sa bintana sa driver’s side, hindi sa passenger side para di ako matempt sumakay kung sakali, kumandong sa kanya pwede? Heh! Lintek na utak to.

Nakayuko sya at binabasa ang phone nya nang kinatok ko ang window sa side nya. Napalingon sya at damn yung ngiting yan. Sh*t. Alam mo yung ngiti ramdam mo sa buong katawan – as in buong katawan pati sa anek. Tumibok beh.

Binaba nya ang window at inilabas ang arm nya at pinatong sa bukas na bintana, “Hi.”

Oh my God, mali ata ang desisyon ko. Dapat iniwan ko na lang tong poging mokong na to dito. Mejo breathy yata ang pagkakareply ko ng “Hi” kaya lalong lumaki ang ngiti nya.

I’m sure alam nya ang effect nya sa girls na pinagpapakitaan nya nitong side na to, he’s always so serious sa office, ni hindi nga ngumingiti kaya pag ganito ang mood nya parang ang sarap nyang kausap, parang feeling ko ang special special ko kasi pinapakitaan nya ako nitong side nya. See? Kaya ayaw ko syang makita ng personal kasi nagkakaganito ako.

Ini-shake ko ang ulo ko para makapag-focus ako sa task on hand – sabihin sa kanyang inappropriate na sumabay ako sa kanya at mag-G-Grab na lang ako pauwi.

Bumukas bigla ang pinto nya at umatras ako, bumaba sya at hinawakan ang strap ng bag ko, “Let’s go, I owe you lunch.” Sabay tingin sya sa relo nya, “Sorry, dinner na pala.”

I know I’m such a girl for saying this pero there’s something about a man risking looking whipped para lang matulungan ka sa bitbit mo, he took my bag in his right hand while his left hand touched the small of my back and guided me to the passenger side.

Pasensya na at wala akong masyadong self control, at sa totoo lang tingin ko kailangan ko talagang maupo kasi nahihilo na ako hindi ko alam kung sa gutom or sa sobrang pagtibok ng puso ko. Kailangan ko yata ulet ilagay ang ulo ko sa gitna ng legs ko, kaya lang naka-dress ako parang ang sagwa yata tingnan.

Pinag-buksan nya ako ng pinto, at umupo ako sa passenger seat. Pinatong nya ang bag ko sa lap ko nung kala kong tapos na sya at pwede na akong huminga ulet, kinuha nya ang seat belt inextend ito sa harap ko at ni-lock. Kung alam ko lang na magiging ganito kami ka-close di sana nag-toothbrush muna ako bago umalis ng office.

Alam mo yung ibang babae para siguradong hindi ma-tempt na magpakahubadera sa boyfriend nila nagsusuot ng panty na sira or pangit? Yung parang bacon na yung garters? Ang version ko nun is hindi ako nag-to-toothbrush, sigurado yan hindi ako lalapit sa kanya ngayong gabi. Samahan mo pa nang hindi ako kumain ng lunch, edi asido na lang ang nasa tiyan ko. Ngangabash na ako for sure – bungangang amoy basura.

Pagka-click ng lock sa seatbelt ko tiningnan nya ako pero hindi pa umaalis sa harap ko, “Comfy?”

Syempre ngangabash kaya tumango lang ako. Pero yung hininga nya nakakahiya man aminin nilanghap ko talaga, amoy peppermint. Kill me now.

Finally umatras na sya at sinara ang pinto sa side ko, nilabas ko ang hininga kong pinigil. P***ngina ang baho ng hininga ko, hinananap ko agad ang bukasan ng bintana para palabasin ang masamang hangin.

Pagsakay ni Sir Chuck, mukha syang nagtataka kung bakit nakabukas ang bintana so sinagot ko sya, “May lamok.” Tapos ini-wave ko pa ang kamay ko sa harapan ko.

Sana hindi nya naamoy.

“Lamok?” Nakatingin pa rin sya sa akin habang kinakabit ang seat belt nya.

Umirap ako sa kanya, “Lamok! You know mosquito!”

Napangiti na lang sya sa akin dahil alam nyang nang-aasar lang ako kasi napaka-inglisero nya.

“Try mo nga magtagalog ngayon, pag kausap mo ako dapat purely tagalog.” I challenged him.

“You think I can’t do it?” sabi nya.

“I give you 20 minutes, for sure mag-eenglish ka na by then.” Tinaasan ko sya ng kilay.

“Okay, what do I get if I last the entire night?”

Syempre dahil madumi ang utak ko, iba agad ang naisip ko sa sinabi nyang last the entire night. Pero dahil dalagang Pilipina ako (sa paningin nya) nagpaka-inosente ako,

“What do you want?”

Innuendo mo Olga. OMG. I can’t believe I said that.

Pero imbes na patulan ng isang dirty joke, ngumiti lang sya, “You will owe me a favor – whatever favor I ask for, when I ask for it – non-sexual of course, I’m not a douchebag.” Ini-clarify nya nang nanlaki ang mata ko sa “favor” na gusto nya. Langya talaga ang utak ko dun lagi ang punta pag ganitong mga usapan.

Pinagisipan ko muna bago sumagot, anong favor kaya ang kailangan nya sa akin? If ever lang naman na manalo sya, pero feeling ko walang pag-asa tong si Sir Chuck.

Hindi nga maka-survive with a few words so I’m sure mag-e-english agad to.

I stuck my right hand out to him, “Deal.”

Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko, he doesn’t let go when he says, “Wala nang bawian ha. Binigay mo na ang pangako mo.”

Napaka-awkward nya mag-tagalog pero sakto ang sinabi. Sh*t mukhang kakaririn nya ang bet na to.
 
Last edited:
"Pero yung hininga nya nakakahiya man aminin nilanghap ko talaga, amoy peppermint. Kill me now."

-magtoothbrush kase. Date nga eh. :rofl:
 
Back
Top Bottom