Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story My Band-aid Heart

CHAPTER 1

I look at the picture of the happy couple, drenched in tears – my tears. I cry for the happy faces on smiling back at me, I touch the face of the woman who thought she held the hand of the man who will be with her forever. The one who will finally make her dreams come true. The one who will promise her the life she wishes for, the life she deserves. I hold the pictures tight in my hand and put them over my heart; I raise my head to the sky and cry. Cry for the year I have spent loving this man, cry for the ‘almosts’ we didn’t have and cry for myself because now I have to go out there again, into the big, bad world, bruised and broken.

“Whyyyy???!!!!”

I knelt to the dirt and yelled, “Whyyy???!!!”



“Lintek ang ingay mo!” Ang lakas ng batok sa akin ng Tita ko, muntik na akong sumubsob sa basurahan namin.

“Aray naman, chang.” Humihikbi hikbi pa ako at nagpupunas ng luha. Pinagdadampot ko ang mga nahulog na pictures namin ng “mahal” kong si Kenneth.

“G***, istorbo ka sa pinapanuod ko e, para kang baboy na kinakatay jan.” Hinatak ni chang ang braso ko at pilit akong itinayo.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong babae ka, isosoli kita sa inyo e.” Bigla naman akong natauhan.

“Wag naman po, chang. E alam nyo naman ako gusto ko talaga maging artista mula nung bata ako kaya ganito lang ako, pagpasensyahan nyo na po ako.” Tinry kong ngumiti kahit na pilit na pilit. Ayoko namang bumalik sa probinsya namin, lahat ng lalaki dun nakita akong walang salawal mula pagkabata, paano naman ako makakahanap dun ng boyfriend na seseryosohin ako?

“Oh sya, iligpit mo na yan. Ano bang gagawin mo jan sa mga pictures na yan? May pakandi-kandila ka pa, baka makasunog ka na naman dito sa bahay talagang papalayasin na kita!” Sobra naman, isang beses lang yun e tsaka bata pa ako nun, sabi kasi ng mga kaibigan ko pag nakuha ko raw ang picture ng crush ko dasalan ko sa tapat ng kandila ng alas-12 ng hatinggabi at kinabukasan papansinin na nya ako, malay ko bang hahanginin yung kurtina at tatamaan yung kandila diba?

“Opo, mag-iingat naman po ako chang, wag na po kayo magalit. Pasok na kayo sa bahay, baka matapos na yung pinapanood nyo.” Tinulak ko ang likod ni chang ng onti para iwan na nya akong mag-isa at matapos ko na ang ritwal ko.

Pinulot ko ang mga pictures namin ni Kenneth na halos maubos na ang sweldo ko kakaprint galing sa cellphone ko, para lang punitin ang sunugin. Baliw na nga yata talaga ako.

Sumilip muna ako sa likod ko para siguraduhing wala na si chang, at nagbalik sa pag-iiyak sa mga alaala namin ni Kenneth. Tiningnan ko ang mga pictures namin habang isa isang sinusunog, para hindi magalit si chang bumulong na lang ako, “T******* mo kasi e. G*** ka, bakit mo ko pinag-palit?”

“Sana tubuan ka ng mga kurikong sa mukha, hayup ka.” Hinahaplos haplos ko pa ang mukha ni Kenneth sa picture. Hindi ko alam kung isusumpa ko sya or itetext ko ulit baka sakaling magkabalikan pa kami.

Tinuktok ko ang kamay ko sa ulo ko, “G***. G*** ka, wag nang umasa! Tama na ang ilang linggong pakikipag-balikan, move on na. Move on na!”

Nakakahiya mang aminin, pagdating sa pag-ibig wala ako masyadong pride. Wala sa bokabularyo ko yun. Ilang beses man akong itakwil ni Kenneth, dinodoble ko ang efforts ko para makausap sya, hanggang sa i-block na nya ako sa Facebook at nagpalit na rin sya ng number nya. Saklap.

Isa isa ko nang hinagis ang pictures namin sa apoy. Kailangan mawala lahat ito kundi hindi ako makaka-move on. Hindi ko kaya.

At syempre parte na ng ritwal ko ang umiyak habang isinusumpa sa mga kalangitan na may makikita akong iba. Na magiging masaya rin ako someday. At alam ko ibibigay yan sa akin ni Lord, dahil mabuti naman akong tao. Malandi lang, pero mabuti.

Nang maubos ko na ang pictures, hinawakan ko ang dibdib ko sa ibabaw ng puso ko at sinabing, “Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Kenneth at tapos na akong umiyak dahil sayo. Makikita mo, makakahanap rin ako ng lalaking karapat dapat sa pagmamahal na maibibigay ko.”

Pinanood ko nang lamunin ng apoy ang mga pictures namin ni Kenneth. Last day na today ha, Olga. Tomorrow is a new day and tomorrow you’ll be a free woman. Free ka na ulet.

Napaiyak ulet ako, "Bwisit na luha to, ayaw maubos. Hay!” Tama na.

“Tama na.”

Last hingang malalim at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Dumerecho na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Bukas, lagi namang may bukas. Hindi pa nauubos ang pagkakataon mo. Mag-25 ka pa lang, bata ka pa at marami pang lalaki jan. Hindi pa naman naubos ni Kenneth ang bango mo, buti na lang hindi ka naanakan nung lokong yun.

Bukas, kailangan maging normal ka na, hindi na natutuwa sayo ang mga kaibigan mo masyado ka nang ma-drama.

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko, at pumikit na.

Patulog na ako nang biglang dumagungdong ang boses ni chang sa loob ng bahay…

“OLGA ANDREA! HINDI MO NA NAMAN PINATAY ANG KANDILA!”
 
Last edited:
may pag nanasa din si andi kai sir tristan, salawahan hahaha
 
Chapter 71

Ayan, malinaw sa kalendaryo ko – clear as day, Sir Tristan, Teppan, 7pm, Carla.

Huminga ako ng malalim at nag-effort para hindi durugin ang mga ngipin ko kaka-grind nito sa isa’t isa. I keep thinking to myself: wala kang pake, wala kang pake.

At seven AM Sir Tristan enters the office looking great sa kanyang blue dress shirt with dark blue tie, yung normal na suot niya pag pumapasok sa office so I guess hindi special sa kanya ‘tong araw na ‘to para mag-iba ng damit.

Napangiti ako ng konti, pero gusto kong batukan yung sarili ko.

Wala kang pake, wala kang pake.

We go through our normal routine, wala namang naiba pero there’s still a feeling of dread in the pit of my stomach.

Tinutusok ko ng medyo may gigil ang mga sitaw sa ulam ko habang nagku-kwentuhan sila Ella na kasabay kong mag-lunch sa canteen.

“Anong kasalanan sa’yo ng sitaw, Andi?” Tanong ni Ella at doon ko lang napansin na lahat ng mga kasabay kong mag-lunch nakatingin na pala sa akin.

Ngumiti ako at nilapag ang tinidor sa ibabaw ng plate ko, “Bakit? May problem ba? Ako kasi wala akong problem.”

Tumango lang si Ella at ngumiti – yung klase na may ibig sabihin, “Right.”

Tinulak ako softly ni Ella using her shoulder, “Kamusta naman si Sir Tristan my loves?”

Napairap ako, “Ayun. May date.”

Biglang nanlaki ang mata ko, at nilagay ko ang kamay ko sa bibig ko. Syet. Me and my big mouth. Sobrang unprofessional to discuss his personal life sa ibang tao.

Nanlaki ang mata ni Ella, “What?”

Hinawakan niya ang mga braso ko at inalog ako back and forth, “Tell me it isn’t true! Sinungaling ka!”

Tumawa na lang ako, playing it off, “Joke lang, ito naman! Alam mo namang walang time makipag-date si Sir. Sobrang busy yun.”

Hinawakan ni Ella ang chest niya sa ibabaw ng puso, “Di nga? Joke lang?”

Tinulak ko siya ng medyo malakas, “Syempre naman. Niloko mo ko sa sitaw eh, so niloko rin kita.”

Gusto kong mag-disappear, pucha. Ano ba nangyayari sa akin, napaka-unprofessional nun, sana naniwala sa akin si Ella.

Bilang nag-ring ang phone ko – sakto, saved by the phonecall.

I look at my phone and smile, si Chuck.

I answer the phone “Hi Babe. Kumain ka na?”

He says, “Nope. But I can see ikaw nakapaglunch na.”

Napalingon ako sa paligid ko.

I say, “Nandito ka?” umikot ako sa upuan ko at pilit na hinahanap ang gwapo kong jowa.

He laughs, “Sino hinahanap mo? Baka mahilo ka kakaikot.”

Napangiti ako, it’s been a while since naging ganito ka-playful si Chuck, usually nagde-date lang kami, kain sa labas tapos ihahatid na niya ako sa bahay. I’m glad he’s making an effort na ulit.

Palingon lingon pa rin ako sa loob ng canteen pero hindi ko siya makita, “Nasaan ka nga? Magpakita ka na.”

There’s a smile in his voice, “Buti naman mga babae ang kasama mong mag-lunch.”

I grin, “Ah oo, ngayon lang. Wala kasi yung side guy ko, naka-leave. Usually yung kabit ko ang kasabay kong kumain.”

The line went dead.

Nanlaki ang mata ko at dali-daling hinanap ang name niya sa contacts ko para matawagan ko siya ulit. Habang nagce-cellphone ako at nakayuko biglang may sumulpot na flowers sa harapan ko. I look up and see Chuck holding the flowers to me.

Tumayo ako at abot tenga ang ngiti habang kinukuha ang flowers sa kanya. He raises his eyebrow and asks, “So, nasaan na ang kabit mo?”

Natawa lang ako, at hinampas ang braso niya, “Joke lang, ito naman.”

Tumingin siya sa likod ko, “Aren’t you going to introduce me?”

Sa sobrang haba ng buhok ko natakpan na yata yung mga tao sa paligid.

Lumingon ako kay Ella and she has that dreamy look on her face habang nakatitig sa boyfriend ko. Gagang ‘to.

Lagi namang ganito kapag pinapakilala ko si Chuck sa ibang tao, kagaya nang ipinakilala ko siya kina Mama, natulala lang si Mama parang gusto nang tutukan ng patalim si Chuck para hindi na makapag-bago ng isip at ikasal na kami right then and there.

Eto namang si Ella parang nangangarap na nasa kabilang dulo ng aisle si Chuck inaantay siya habang naglalakad siya wearing her wedding gown. I can’t blame her naman siyempre alam kong malakas ang dating ng jowa ko.

Umubo ako kunyari para mapatingin sa akin si Ella, nang finally sa akin na siya nakatingin ngumiti lang ako, “Ella, this is Chuck – boyfriend ko”, with extra diin sa word na “boyfriend”.

Parang natauhan si Ella at tumayo bigla akong hinawi at inabot ang kamay kay Chuck, “Hi Chuck. I’m Ella, friend nito” sabay turo sa akin.

“Nito? Nito? Wala ba akong pangalan ha babae ka?” Natawa na lang si Chuck and gave Ella his full attention.

“Hi Ella, nice to meet you.” Then he shakes her hand.

Nagulat ako nang hindi binitawan ni Chuck ang kamay ni Ella at medyo hinatak siya palapit sa kanya, sabay sabing, “Hindi naman totoong may ibang lalaki si Andi dito no?”

Nanlaki ang mata ko, “Hoy! Joke lang sabi yun, baka isipin ng mga kaopisina ko ganun akong klase ng babae.”

Chuck laughs and returns Ella’s hand pero ang babaeng ‘to parang ayaw umatras.

Chuck stands close to me and puts his arm around my shoulder, “Just kidding babe. I know you love me.”

Na-istroke na naman ako kasi parang gustong tumabingi ng bibig ko habang nagsasalita: Ene be nekekeheye.

Chuck smiles at kinuha niya ang kamay ko, “Let’s go na, if you’re done eating.”

Napa-tango lang ako and I look at Ella, “Una na kami ha.”

Hindi talaga sa akin nakatingin si Ella, medyo nakakapikon na nakakatawa, she just says, “Oo sige.”

Chuck gives Ella a wave, “Bye Ella.”

Magkaholding hands kaming umalis ng canteen and I feel like I hit the jackpot. Ang sarap sa pakiramdam na may taong proud na makasama ka and I feel instantly better about my situation.

I feel like a winner because I have Chuck in my life.

Carla who?
 
pasko na teh baka naman :)

Hehehe. Sorry guys ha. Busy lang ang ate niyo. hahaha!

- - - Updated - - -

Merry Christmas Guys! :)



CHAPTER 72

Pilit kong tinatanggal ang kamay ni Chuck na mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko, pupunta kami sa office ni Sir Tristan because he wants to say “hi” daw.

“Bitawan mo ang kamay ko.” I push him away habang nasa elevator kami, buti kami lang ang tao.

I look at him and say, “This is my place of work, Chuck. At kung hindi mo po alam, ginagalang nila ako dito bilang assistant ng presidente, so kailangan kong maging professional. Hindi ako pwedeng makipag-holding hands sa bisita ng boss ko.”

He smirks, “I think it’s kind of sexy.”

Kung umiinom ako ng tubig siguro naibuga ko na dito sa lokong ‘to. I’m sure he’s just trying to get a reaction out of me and it’s actually working kasi feeling ko ang pula pula na ng pisngi ko. Nasa enclosed space pa naman kami. Kahit na ang layo niya na sa akin and he has his hands on the railings of the elevator parang ramdam ko pa rin ang body heat niya dito sa corner ko sa elevator.

Ginawa kong pamaypay ang ID ko, syempre walang naitulong.

“Bakit parang ang init?”

Natawa si Chuck, “Are you blushing?”

I scoffed, “Okay ka lang? Bakit naman ako magba-blush? Masyado kang feeling ha.”

Biglang nagbago ang itsura ni Chuck and he pushes forward, sakto naman tumunog ang elevator at nag-slide ako palabas ng elevator. Narinig kong tumatawa si Chuck sa likod ko pero dire-derecho pa rin ako ng lakad.

When we get to Sir Tristan’s office, nilagay ko ang flowers sa table ko and I point to Sir Tristan’s office, “Derecho ka na dun, baka nag-aantay na siya sa’yo.”

He stops, puts his hands in his pockets and says, “Excuse me, Miss? Hindi mo ba ako ihahatid sa office ng boss mo?”

Pinigilan ko ang pagtaas ng kilay ko, ginusto ko naman ‘to diba? Gusto ko professional, kaya ayan pati boyfriend ko ginagawa akong utusan.

I smile at him, feeling ko madudurog na yung ngipin ko sa sobrang pagpilit ng ngiti.

“Sorry, Sir. Just a moment”

He smiles and nods.

Inangat ko ang receiver ng phone at ini-dial ang local number ni Sir Tristan, pero hindi na pala kailangan kasi Sir Tristan says, “Damn Chuck that was cold.”

Paglingon ko sa pinto ng office ni Sir Tristan nandoon na pala siya, narinig niya siguro ang usapan namin, umiiling lang siya at tumingin sa akin, “Andi, I can’t believe you put up with this asshole.”

Ngumiti lang ako kay Sir Tristan without looking at Chuck, “Konting konti na lang Sir. Malapit ko nang patulan.”

Paglingon ko kay Chuck he has a weird look on his face, pero dahil bwisit pa ako sa kanya I just say condescendingly, “Can I get you coffee Sir?”

Umiling lang ulit si Sir Tristan, “No need, Andi, for what he did to you, he doesn’t deserve coffee.” then he winks at me.

Napalingon lang ako kay Chuck but he’s still staring at Sir Tristan.

Si Sir Tristan naman parang oblivious sa death glare ng jowa ko.

Nagseselos ba si Chuck?

“Let’s go, bud. What do you need?” Naglakad na papasok sa office niya si Sir Tristan at sumunod naman si Chuck.

Masyado ba akong nag-iisip or parang nakikipag-flirt sa akin si Sir Tristan kanina? Ang weird ha, hindi niya ginagawa yun kapag kaming dalawa lang ang magkasama. He’s never winked at me kahit na nagbibiruan kami. Ano yun?

I shake the thoughts off and try to finish my work.

Teka, hindi ko alam pala kung bakit nandito si Chuck, hindi ko na naitanong kung may sadya ba siyang iba or talagang dinalaw niya lang kaming dalawa ni Sir Tristan.

Naririnig ko ang tawanan sa loob ng office ni Sir, so I guess everything’s fine? Baka inimagine ko lang ang tension kanina.

Tumatawa pa rin si Sir Tristan and Chuck has a smirk on his face nung lumabas sila ng office, I stand up – per usual para i-assist ang bisita niya or para ihatid ang bisita palabas ng lobby.

They shake hands, “See you, man.”

Tumango lang si Chuck, “Yeah, see you.”

Sir Tristan looks back at me, “Please see him out, Andi.”

Tumango lang ako, pero itinaas ni Chuck ang kamay niya, “I know the way out, Tris. No need to bother Andi.”

Parang napaka-formal niya, ang weird.

May ginawa ba akong mali? Siya nga yung nang-gago sa akin eh. Labo nitong taong ‘to.

He walks to my table, “What time are you getting off?”

Paglingon ko sa likod ni Chuck wala na si Sir Tristan, “Mga 5 siguro, may lakad si Sir Tristan so he’ll leave early today.”

Tumango lang si Chuck, “I’ll be back at five to pick you up.”

I nod, “Okay. See you.”

I try not to think about it again pero I have this weird feeling pa rin kahit na nakaalis na siya. Parang kung gaano siya ka-sweet nung dumating ganoon naman ka-cold nung umalis.

My work kept me busy for a couple of hours kaya nagulat ako nang lumabas na si Sir sa office niya, “You can go na, Andi. I’m leaving na rin for my date.”

Napatingin ako sa relo ko mag-fa-five na pala, tumayo ako, “Ang aga pa Sir ah. Malapit lang naman yung resto dito.”

He smiles, “You don’t expect me to wear this on my date, do you?” sabay turo niya sa damit niya.

Oo nga naman.

Aba, edi e-effort pala si Sir sa date nila.

Wala kang pake. Wala kang pake.

I just nod, “Oo nga naman, Sir. Sige po, ingat!”

Hindi ko makuhang sabihing enjoy.

He smiles and waves, “Bye Andi.”

Nagligpit na rin ako and when the clock stroke five, bumaba na ako and right on time, I see Chuck’s car in front of our building.

I still feel weird pero tingin ko napaparanoid na ako.

“Hi babe.” I give him a kiss on the cheek at nilagay ko ang flowers sa backseat.

He smiles, “Hey. Hungry?”

I nod, “Yup. Tara.”

Chuck drove off at nag-park kami sa isang nearby mall. Nagtaka lang ako kasi hindi kami dito madalas nagpupunta. Bumaba sa kotse si Chuck at pumunta sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto.

“Bakit dito tayo pumunta? Dito ba tayo kakain?”

Chuck takes my hand at naglakad na kami papunta sa elevator, he looks at me parang in-a-assess ang reaction ko then he says, “We’re just going to kill time here.”

Habang pumapasok kami ng elevator he continues, “We’re going to have a double date with Tris and Carla.”

Oh shit.
 
wow, that's a catchy way of ending a chapter.. I wish there's more to read!

it's been a while nun last na nabasa ko tong story mo, I think yun huli kong nabasa is kakapasok palang ni Andi sa bagong work.
good thing I still remember the story, di ko kinailangang magback read.
hoping to read more chapters soon TS! :)
 
wow, that's a catchy way of ending a chapter.. I wish there's more to read!

it's been a while nun last na nabasa ko tong story mo, I think yun huli kong nabasa is kakapasok palang ni Andi sa bagong work.
good thing I still remember the story, di ko kinailangang magback read.
hoping to read more chapters soon TS! :)

Will try to keep the Chapters coming. One of my resolutions this year is to do more of the things I love so hopefully I get to finish this story along with all the pending stories I have. hehe.

Thank you for reading! Happy New Year!

- - - Updated - - -

CHAPTER 73

Alam mo yung para kang naiihi na nana-jejebs na hindi mo malaman? Parang hindi matigil yung kulo ng tiyan ko, hindi ko alam kung paano ako uupo or tatayo or maglalakad.

Si Chuck naman dedma lang sa internal issues ko dahil tina-try kong hindi ipakita sa kanyang affected ako, I just ask him kung okay lang ba na sumama kami doon e first date nila.

“It’s fine.”

Yun lang ang sinabi niya and since hindi ko na kaya ang mga sagot sagot niya sa tanong ko I stop walking and face him, “Teka lang, ano bang nangyayari?”

He tilts his head to the side, “What do you mean?”

Tinulak ko ang dibdib niya ng very light, “Don’t play dumb with me. You know what I’m talking about.”

Nagbuntong hininga lang siya at tiningnan ako.

I cross my arms over my chest, not letting this go.

Kinamot niya ang batok niya and says, “I feel like something between us is changing.”

Parang umakyat ang dugo sa mukha ko, I felt light-headed. Hindi ko maintindihan how I feel when he said those words. I don’t know how he thinks things have changed or is changing pero I think I understand.

And I feel guilty?

Like I did something wrong.

Parang gusto kong umiyak and I think he sees it in my eyes dahil bigla niya akong hinatak and tucks my head under his chin.

“Shit. Sorry babe, I’m being stupid. It’s nothing, wag ka umiyak.”

I pull myself together and hold back the tears – I can’t cry here and now, ang daming dumaraan na tao so I push myself from him and walk away.

Hinabol niya ako at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.

I squeeze his hand back.

I take a deep breath and say, “This is not the place or the time to talk about this. But this discussion is far from over.”

Tiningnan ko siya and I see na parang embarrassed siya and he just nods.

Nangingilid pa rin ang luha ko pero I fight it.

Something about that statement poked at my heart. Parang feeling ko makikipagbreak na siya sa akin or he was asking for some time off.

Pinisil niya ang kamay ko so I look back at him, “I think we should just have a quiet dinner, just the two of us, what do you think?”

Wala na nga ako sa mood mag-dinner sa totoo lang, parang nawalan ako ng gana kumain. At hindi ko kayang maging jolly at engaging kung makaka-dinner namin sila Sir Tristan at Carla so I say, “Ok. Pwede bang mag-take out na lang tayo? I really don’t feel like eating eh.”

Sumimangot siya and I know he feels guilty for what he said earlier.

I try to smile, “I just don’t feel like being around other people, baka pwedeng tayong dalawa lang. Watch a movie sa bahay, ganun.”

He smiles, “That sounds great.”

Ngumiti ako and I realize he’s still the guy I fell in love with, we’re just adjusting sa bago naming buhay. There are a lot of things that will still happen, hindi naman laging masaya so I need to toughen up and remember how lucky I am to be in this relationship with him.

“Hey lovebirds!”

I hear a familiar voice and see Chuck’s face change from happy to a bit annoyed. I look in front of us and see Sir Tris with what I believe is the girl – Carla.

She’s tall, as tall as Sir Tristan and she looks like she just stepped out of a magazine. Perfectly curled brown hair with the perfectly barely there makeup with the exception of her blood red lips.

At dahil na-stalk ko na siya sa Facebook I know exactly what is underneath her clothes – pang FHM ang katawan nitong babaeng ‘to. I feel like a midget sa mga nagtatangkarang tao sa paligid ko.

Chuck moves his hand from mine and wraps his arm around my shoulders, “Hey guys. Carla, this is my girl, Andi.”

Nakangiti si Carla pero I can see that she’s not genuinely happy to meet me, ewan ko ba kung paranoid lang talaga ako or may something talaga dito sa babaeng ito na hindi ko bet.

She says, “Hi Andi. It’s nice to finally meet you. I’ve heard so much about you.”

I just nod.

Naisip ko lang, kanino mo ako nairinig? Does my boyfriend talk about me or does my boss?

Sir Tristan butts in, “She’s a hell of a girl, I’ll tell you that.”

Pare-pareho kaming napalingon kay Sir Tristan and he seems nonchalant about it and just says, “Let’s eat? Gutom na ako.”

And I don’t think I’m the only one who noticed that he looked right at me when he said it.

Ano bang alternate universe ang pinasukan ko para mapalagay sa ganitong sitwasyon?

Pagtingin ko kay Carla she has this weird look on her face, na parang hindi niya alam na magkakasama kaming kakain.

She bites her lip and looks at Chuck, “Will you be joining us, boss?”

May pagkagat ng labi?

Now I want to really join para makita ko kung paano siya mag-interact sa jowa ko. As in lip bite ate? In front of me? You’ve got some nerve.

Hinatak ako ni Chuck palapit sa kanya but speaking to Sir Tristan, “Actually, we’re going to pass, Andi’s not feeling well.”

Parang gusto ko nang bawiin yung sinabi ko kasi nakita kong ngumiti sa akin si Carla bago niya sabihing, “Oh that’s too bad. We were looking forward to getting to know you better.”

I cross my arms over my chest, “Ah talaga ba?”

Then she puts her hand on Sir Tristan’s arm and I don’t know why pero I am triggered. Gusto ko katakin tong babaeng to palayo sa boss ko at sa jowa ko. She’s not a nice person – I can tell.

Umubo sa tabi ko si Chuck, “Well, we just have to re-schedule I think, what do you think babe?”

I had to rein in my temper look up to him and say, “Yup. Re-sched na lang.”

Carla smiles at me at huminga siya ng malalim and tugs on Sir Tristan’s arm, “Let’s go. I’m hungry.”

Nakatingin si Sir Tristan sa kamay ni Carla and he has a weird look on his face but he erases it as soon as he sees me looking at him then he just says, “Yup. Let’s go.”

At wala na silang ni-goodbye bago tumalikod at pumasok sa restaurant.

Nakatingin pa rin ako sa kanila nang biglang humarang sa tapat ko si Chuck and says, “What the hell was that?”
 
Sorry ang dami ko na pong utang. :(

Hope everyone's doing well despite the current situation. Buhayin natin ang story para may mapaglibangan kahit naka-quarantine sa bahay.

Two chapters today para makabawi. :)

Stay safe guys!


Chapter 74

Have you ever had that feeling na kasama mo ang jowa mo pero may nakita kang gwapo? Hindi naman mas gwapo pero nasobrahan ka ng tingin for some reason without realizing you’re looking? Ganoon ang feeling ko ngayon.

I feel like may ginawa akong mali pero alam ko namang wala. I feel guilty for some reason, pero syempre dahil hindi ako prepared I do the next best thing in this situation – I deny it.

“What do you mean?”

Yung parang medyo ako pa yung galit para hindi niya na ako tanungin masyado.

He puts his arm around me and guides me toward the parking area, “Don’t bullshit me, Andi.”

He usually calls me Babe, so sign number one ‘yan na hindi siya masyado natutuwa sa akin.

I sigh, “What do you mean ba? Hindi ko naman maintindihan, tell me what you think so I can respond.”

Hindi na siya nagsalita at nag-proceed na kami sa parking, he still opens the car door for me kahit na alam kong may galit siya ng kaunti.

I face him and I think in that moment we need to clarify things, alam kong kailangan niya ng mas malinaw na sagot from me kahit na maski ako hindi alam kung paano ipapaliwanag sa kanya yung hindi ko rin fully naiintindihan.

Pagpasok niya ng kotse he doesn’t start it right away, he faces me too and looks at me before he asks, “Do I need to be worried?”

Kung maririnig niya lang ang pintig ng puso ko ngayon parang dagungdong sa lakas, pero I school my features and ask, “Worried about?”

Ngumiti siya na parang nanggigigil na sa akin pero he humors me, “Worried about my girlfriend liking someone else.”

This is what a mature guy does, he doesn’t beat around the bush – hindi niya ako pinapag-isip ng kung ano-ano and goes straight to the point. The thing is, sa mga relasyong kagaya namin, honestly is not always the best policy – ano bang gagawin ko? Tell him that I thought that was weird too? Tell him that I feel weird sometimes sa office with Sir Tristan? Or do I lie and say everything’s fine?

Before I can answer he follows it up, “I mean I know you guys will have a relationship outside of work. He’s a good guy and we’re friends, we’ve never had a problem with liking the same girl before, we definitely have different tastes in women. But I can’t help thinking about that interaction earlier. Am I imagining things?”

Sa dami ng sinabi niya parang ang pumasok lang sa kukote ko is magkaiba sila ng type ni Sir Tristan – so hindi ako magiging type ni Sir Tristan kasi ang type niya yung Carla na ‘yon?

At talagang ‘yan ang napili mong pagtuunan ng pansin. Gaga ka!

I look at Chuck at hinawakan ko ang mga kamay niya, “If you know him so well e ‘di bakit ka nag-iisip ng ganyan? You know him and you know me ‘di ba? You trust me?”
He looks guilty and looks down sa magkahawak naming mga kamay. And I feel like a colossal asshole.

Ito ba ang feeling ng mga nangangaliwa? Bakit kaya nila ginagawa? ‘Di masaya ha.

Teka, hindi naman ako nangangaliwa, but it feels like I’m lying to him. There’s nothing going on pero I’m not so sure there are no feelings involved.

He looks up at me, “I’m sorry.”

Siyempre siya pa yung nag-sorry, gusto kong iumpog yung ulo ko sa dashboard pero niyapos ko na lang siya and I say, “Sorry rin if I made you think that way.”

He hugs me tighter.

Kapag talaga niyapos ka ng mahigpit ng taong mahal mo minsan it just is exactly what you need para ilagay sa perspective ang mga bagay. More than kisses or intimacy, hugs make everything better.

And in this moment it’s all I need para matauhan ako. I need to get back to being a good girlfriend to Chuck. We need to put our priorities in check.

I pull back and I kiss him.

Teka, binabawi ko na pala, kisses make everything better.

He pulls back this time and smiles at me.

I put my hands sa magkabilang pisngi niya, “Eh bakit ang gwapo gwapo mo? Bakit ang swerte ko?”

He grins, “Ako ang swerte. Kaya nga ako nagseselos eh.”

Ayun, so talagang nag-seselos siya? Ang ganda ko, syet.

I flick my hair, “Dapat lang mag-selos ka I mean jackpot ka kaya sa akin.”

Then may naalala ako at tiningnan ko siya ng seryoso, “Hoy Mister. Na-distract mo ako ha.”

He looks confused.

I wag my finger in front of his face, “I don’t like that Carla girl. Bakit parang may something doon sa babaeng yun? I don’t like how she looks at me.”

And Sir Tristan and Chuck. Basta I just don’t like her. Period.

He smiles, “Ah, ako lang pala ang seloso ha. What do you call that?”

Umirap ako, “I’m just telling you what I think. I think there’s something about that girl I don’t like.”

Hinatak niya ulit ako and he hugs me, “You want me to fire her? Coz I will.”

Tumingin ako sa mukha niya para i-check kung seryoso siya, “Weh? Talaga? Tatangalin mo?”

He smiles at me, “Just kidding. But I can assign her somewhere else if it really bothers you.”

I sigh happily. How can I even think of someone else kung andito na sa akin ang lalaking tingin ko e pang-forever na?

I smile at him, “Ihanda mo lang transfer documents niya, para mabilis na kapag napikon ulit ako diyan.”

He laughs and everything’s right in my world again.


***

Chapter 75

Sir Tristan doesn’t talk to me much the next few days. All I get is a “good morning” na parang generic habang pumasok siya sa office niya. Ni hindi niya nga ako kinamusta kung anong lagay ko noong na-unsyami naming double date kahit na sinabi ni Chuck na masama ang pakiramdam ko.

E bakit ko nga naman iisiping magiging concerned siya sa akin?

Amfi mo, girl.

Padaan daan lang si Sir Tristan sa harapan ko buong umaga with a “I’m out for lunch” while passing by me nung tanghali.

Hindi nga ako nakasagot kasi ang bilis niyang naglakad na parang naisip ko kung na-imagine ko lang talaga na dumaan siya.

Pumunta ako ng canteen at nandoon si Ella waiting for me, “Hey girl. ‘Musta?”

Naupo ako sa tabi niya habang bitbit ang pagkain ko, “Today’s a bit weird.”

Tumigil siya sa pagsubo, “Talaga? Bakit?”

Nangalumbaba ako at tumingin kay Ella, “Ang weird ni Sir Tristan e, parang may sumpong today.”

Tsismosang-tsismosa ang dating ni Ella nang lumapit sa akin, “Paano? Nagsungit gano’n?”

Lumabi ako, “Hindi naman. Pero parang ang cold niya, ngayon ko ang siya nakitang gano’n.”

Tumaas ang kilay niya, “Alam kong ayaw mong makinig sa tsismis pero ang balita may girlfriend na daw si Sir.”

I roll my eyes, “Girlfriend agad, hindi ba pwedeng date muna?”

Ngumisi siya, “So totoo nga na may date si Sir Tristan my loves?”

Itinakip ko ang kamay ko sa bibig ko.

Bad, Andi!

Lumabi ako at bumulong, “Huwag kang maingay Ella ha. Hindi ko dapat sinabi ‘yon sa ‘yo.”

Lumunok muna si Ella at inilapag ang kubyertos sa pinggan niya at nag-arteng ini-zip ang labi niya.

Nilalaro ko ang pagkain ko, ewan ko ba bakit parang wala akong gana kumain, “So, bakit daw nila nasabing may girlfriend na si Sir?”

Ang lapad ng ngiti ni Ella, siguro kating kati na ito magkwento sa akin pero dahil ayaw ko nga makinig sa tsismis hindi siya makapagkwento kapag nagkakasabay kami.

“Sabi ng mga nakaka-meeting ni Sir - syempre yung mga kagaya ko lang na mga aliping sagigilid – na lagi raw parang distracted si Sir sa meetings nitong mga nakaraang araw. Lagi pa raw nagmamadali para matapos ang meetings. ‘Di kagaya dati, sobrang detalyado sa mga presentations. Duguan na mga tao ayaw pang pakawalan.”

Iniisip ko kung ano namang nagbago, parang wala naman other than the fact na pumasok na nga si Carla sa picture. Talagang distracted siya dahil doon sa babaeng ‘yon?

Wala rin naman naku-kwento sa akin si Chuck na bago, every time I ask sinasabi niya lang na things are normal naman. We haven’t had any major fights rin after that cancelled double date. Nasusundo niya pa rin ako kapag may time siya, we go out for dinner rin or kumakain lang kami sa bahay pag-uwi.

So what happened at nagbago si Sir? Lakas naman ng impluwensya ng babaeng ‘yon.

Pumitik-pitik sa harapan ko si Ella, “Hoy babae. Tulala ka diyan. Ano affected sa balita?”

Kumurap ako at ngumuso, “Uy. Hindi ah. May iniisip lang ako sa buhay ko. Buhay ko ang iniisip ko dahil may lovelife ako no. Hindi naman para makielam ako sa lovelife ng iba. Pfft. Hello?”

Napaatras si Ella at hinawakan ang dibdib niya, “Ay bruha. Sana sinampal mo na lang ako. Alam kong gwapo ang jowa mo, pero kailangan bang pagdukdukan sa aking single ako at ang tanging kilig ko lang nakukuha ko sa boss nating pantasya ng lahat?”

Umirap ako at yumuko sabay bulong, “Pantasya niyo lang. ‘Wag mo ako isali.”

Pagtingin ko kay Ella naniningkit ang mata niya sa akin.

Tinaliman ko rin ang tingin sa kanya, “Bakit? Bakit ka ganyan makatingin?”

Kinuha niya ulit ang kutsara niya pero nakataas ang kilay na nakatingin sa akin, “Wala. Parang may naaamoy akong malansa.”

Kumunot ang noo ko at nilapag ko ang kutsara ko sa pinggan, “Anong ibig mong sabihin?”

She shrugs, “Wala. Kumain ka na at baka maunahan ka pa ng boss mong makabalik.”


***

Nakapangalumbaba lang ako sa pwesto ko at parang isang oras nang nakatulala sa keyboard ng laptop ko habang ang isang kamay ko naman busy sa pagtutuktok ng ballpen sa lamesa ko.

Magaalas-dos na hindi pa bumabalik si Sir Tristan. I know because I checked pagbalik ko, nagdala pa naman ako ng slice ng cake para pang-meryenda niya pero wala siya sa office niya pagsilip ko.

Natigil lang ako sa pag-petiks nang mag-ring ang cellphone ko.

I sigh and check kung sinong tumatawag and I see it’s Dee. I smile while answering, “Hi Dee!”

“Hello Andi! Grabe I miss the office! Gusto ko nang pumasok.”

Napangiti lang ako, “Naku, unahin mo muna ang Mommy mo. Kamusta na siya? Magsisimula na siya ng therapy?”

Napabuntonghininga siya, “Ayon nga eh. We’re still looking for a therapist na may available schedule dito sa amin. Ayaw ko na kasi siyang paalisin ng bahay for now kaya ang hinahanap namin is yung nag-ho-housecalls.”

Nakaraos na sa stroke niya ang Mommy ni Dee, kaya lang kailangan niyang mag-undergo ng therapy para maibalik ang mobility sa mga ibang affected na parts ng katawan niya. Si Dee ang nag-aayos ng lahat, kapag bumuti na ang lagay ng Mommy niya tsaka lang siya babalik. Naka-indefinite leave siya as of now.

“Oh ano nang balita diyan sa office? Anong chika? Hindi ka na masyado tumatawag sa akin e, baka wala na akong balikang trabaho ha, Andi. ‘Wag mo masyado galingan.”

Tumawa lang ako, “Ano ba yan! Malabo kong ma-reach ang levels mo, Dee kaya ‘wag kang kabahan. Nangangapa pa rin ako sa mga ibang bagay dito pero siyempre ayaw na kitang istorbohin dahil time mo ‘yan with your family.”

“Levels talaga? May gano’n ba?” natatawang sabi ni Dee, “Anyway, ‘di mo sinagot ang tanong ko. Anong balita diyan? Kumusta ang boss natin?”

Napangiwi ako. Ano bang sasabihin ko dito kay Dee? Ikukwento ko bang lumalandi na ang boss namin at sa babaeng hindi ko pa bet? Parang masyadong mahabang kwentuhan yata iyon tsaka gusto ko sana kaharap ko si Dee kapag nagkwento ako. Sa aming dalawa, siya ang mas matagal nang nakasama ni Sir Tristan, at siguro nakita na niya kung paano ma-inlababo ‘tong boss namin.”

“Earth to Andi. Andiyan ka pa ba? Mukhang juicy ang balita mo ah. Share mo na.”

Kinutingting ko ang ballpen na hawak ko habang nag-iisip kung io-open ko baa ng discussion na ito. Pero dahil sobrang curious ako huminga ako nang malalim bago nagtanong, “Dee, nakita mo na bang ma-inlove si Sir Tristan?”

Natawa si Dee, “Ha? Bakit? May lovelife na si Sir? Kilala natin?”

Pumalatak ako sa inis, “Ikaw ‘tong nagche-change topic e. Sagutin mo muna ang tanong ko.”

Nagbuntonghininga si Dee, “I’ve been his Assistant for two years, and in those two years ni wala akong pinadalhan ng flowers, chocolates or binook na date para kay Boss. When I asked him before bakit wala, he says it’s not important in his life noong time na ‘yon. So, baka this time ready na siyang makipag-date or something.”

Ngumuso ako. So wala pang nakakakita kung paano ma-inlove si Sir. So pwede naman palang haka-haka lang ‘yong mga sinasabi ng mga tao, baka distracted siya sa ibang bagay.

At bakit parang ang tagal ko nang pinag-iisipan ang bagay na ‘to?

“O ano, bakit nga? May girl na siyang nagugustuhan? Taga diyan?”

Hindi ko mapigilang mapairap at medyo napadabog pa ako, “Oo. May naka-date na nong isang araw. Hindi ko bet.”

Natawa si Dee, “Hala. Bakit naman ‘di mo agad bet?”

“Basta! Hindi ko siya feel. Sana nandito ka na para pareho natin siyang i-judge.”

Lumakas ang tawa ni Dee, “Hay naku. Sana nga. Miss ko na talaga pumasok. O, siya tinatawag na ako ni Mommy. Basta, bantayan mo ‘yang boss natin ha. Mabait ‘yan kaya baka matake-advantage ‘nong girl.”

Iba agad ang naisip ko sa ‘take advantage’ na comment ni Dee, “Huwag ka mag-alala Dee. Akong bahala sa puri ng Boss natin.”

Nagtatawanan kami ni Dee nang may lumapag na kape sa table ko. “Ay puri!” napaiktad ako at naihagis ko ang phone ko.

Nasalo ito ni Sir Tristan.

Napalunok ako nang titigan ako ni Sir at iniabot sa akin ang phone ko sabay sabing, “Anong puri ‘yon, Andi?”
 
sa wakas!!! hahahhahaha

Hahaha! Pasensiya na, sobrang tagal!

In-edit ko kasi ang original copy kaya nanumbalik ang pagka-Andi ko. LOL

Work from home ako pero isisingit ko ito dahil maraming time. Salamat sa pagbasa ulit. :)

- - - Updated - - -

CHAPTER 76


Tumikhim ako nang paulit-ulit habang iniikot ang mata sa mga dingding sa office ni Sir Tristan.

Para akong batang pinatawag sa principal’s office dahil nahuli ako ng teacher ko na ginagaya siya sa harap ng classroom habang utas na sa pagtawa ang classmates ko.

“So…” pauna niya.

Napapikit na lang ako at napayuko.

“Look at me, Andi.”

Nagbuntonghininga ako at sinilip muna ang mukha niya kung galit sa akin.

Sh*t. Seryoso.

Umayos ako ng upo at sobrang hindi kumportableng tumingin sa mga mata niya.

Magkasalikop ang kamay niya at nakapatong ang siko sa lamesa. Hindi ko alam kung ako ba dapat ang unang magsalita or siya.

Magkatinginan pa rin kami pero hindi ko kayang makipagtitigan ng matagal kaya iniiwas ko ang tingin ko, “Ah… bakit po ninyo ako pinatawag Sir?”

Tumaas ang mga kilay ni Sir, “You don’t know?”

Sabi nga nila, magkapitpitan na. Walang aamin.

“Ang alin po, Sir?”

Nag-cross siya ng arms niya sa chest niya, “Ah gano’n? That’s how you want to play it?”

At dahil parang nababaliw na ako dahil hindi ko alam kung anong dapat kong isagot ikinuyom ko ang kamao ko at inangat ng bahagya, “Anong laro po? Bato-bato pick?”

He scoffs at napasandal ako sa upuan ko nang tumayo siya at umupo sa harap ng kinauupuan ko. He puts his arms on his thighs at looks at me, “Sinong kausap mo kanina?”

I bite the inside of my cheek, “Si Dee Sir.”

“Anong pinag-usapan niyo?”

Tumikhim ako, “Ano po, yung Mommy niya.”

Naningkit ang mata niya, “Ano pa?”

Kinagat ko ang labi ko, “Miss na raw niyang pumasok dito sa office.”

He sighs, “Ano pa?”

Yumuko ako at kinutkot ang kuko ko, “Ano Sir ah…”

Napatigil ako sa pagkutkot nang sumulpot ang kamay niya at ipinatong sa mga kamay ko, napatingin ako sa kanya.

He looks down at our hands, pero mabilis niya ring binawi ang kamay niya, “Stop doing that.”

Parang may nag-crack somewhere inside my chest at biglang bumuhos ang mga salitang hindi ko dapat sabihin pero hindi mapigilan.

Tumutulo ang luha ko habang nagsasalita, “Sorry Sir kung may narinig kayo kanina sa pag-uusap namin ni Dee. Nagtanong kasi siya kung anong balita dito, e ang alam ko lang namang balita ‘yong kumakalat na tsismis na mayroon ka na raw na girlfriend kasi distracted ka kapag nakikipag-meeting ka raw.”

Humihikbi ako pero tuloy pa rin ang pagdaldal pero hindi ako tumitingin sa kanya, “E sabi ni Dee hindi ka pa raw niya nakikitang in love so hindi ko alam kung talagang in love ka kaya ka distracted sa trabaho. E ang alam ko lang namang girl na naka-date mo si…” I put air quotes at gigil na gigil habang sinasabi ang pangalan niya, “Carla.”

I wipe at the tears sa pisngi ko habang sumisinghot, “Ewan ko ba nanggigigil talaga ako sa babaeng ‘yon kaya kapag naiiisip ko parang hindi dapat siya, pero wala naman akong pake kasi ikaw naman mamimili, ‘di ba Sir?”

Tumingin ako sa kanya pero pareho pa rin ang facial reaction niya, calm and his full attention on me.

“Di ba Sir? Choice mo naman ‘yon. Pero siyempre kung may say ako, ayaw ko mapunta ka sa masama. Pareho kami ni Dee ng iniisip, kaya sabi niya protektahan daw kita. Bantayan. Kasi mabait ka kaya baka mag-take advantage sa ‘yo ‘yong si…” air quotes ulet, “Carla”.

“So ‘yon lang naman Sir ang sinabi ko, sabi ko babantayan ko ang puri mo.”

Humagulgol ako, “Alam ko masama. Alam ko ‘di ko dapat sinabi tsaka napaka-unprofessional ko. Kaya sorry na Sir. Hindi ko na po uulitin. ‘Wag ka magalit sa ‘kin tsaka kay Dee.”

Humihikbi pa rin ako nang abutan ako ni Sir Tristan ng panyo niya, “Why are you crying?”

Lumabi ako, “Feeling ko kasi ang sama-sama ko. Tsaka galit ka sa akin. Sorry sa mga sinabi ko Sir pero ‘yon lang talaga totoo. Wala akong intensyon sa sinabi ko, hindi po ako nakikielam pero ‘yon ang feeling ko eh. ‘Di ko talaga bet si Carla.”

Tumango si Sir Tristan, “Bet bilang Assistant ni Chuck or bet para sa akin?”

Pinahiran ko ang luha ko gamit ang panyo niya, “Bet overall.”

Tumaas ang mga kilay niya, “Wow. Anong ginawa niya sa ‘yo?”

“’Yon nga Sir ang pinagtataka ko, wala naman kasi talaga. I mean bukod do’n sa fact na sablay siyang assistant, personally wala naman akong alam sa kanya.”

Natawa siya.

“Pero talagang iba pakiramdam ko sa babaeng ‘yon e. Sabi nila women’s instinct daw, baka iyon ‘yon.”

He shrugs at sumandal siya sa upuan, “So you don’t want me to date her?”

Napalunok ako.

Wala naman akong dapat say dito, pero parang hindi ko kayang balewalain ang feelings ko na mayroong kakaiba diyan kay Carla. In the end nga lang si Sir pa rin naman ang mag-de-decide.

“Nasa inyo naman ‘yon Sir. Pwedeng hindi ko talaga siya gusto as a person, pero baka iba siya kapag kayo ang magkasama.”

Kumunot ang noo niya, “So, you want me to date her?”

Sumimangot ako, “Wala naman akong karapatang magsabi Sir kung sino ang dapat niyong i-date at kung sinong hindi.”

“What if I give you the right to choose for me?”

Napatitig ako kay Sir at napaisip. Dahil honesty is the best policy sinabi ko kung anong nasa isip ko, “I think Sir kung ibinibigay niyo ang decision para i-date ang isang tao sa assistant niyo then hindi na ‘yan dapat pinag-iisipan Sir. Alam na this.”

Napangiti si Sir Tristan but he gets up at lumakad papunta sa desk niya, “Just keep the discussions about my personal life at a minimum next time.”

Tumayo ako pero sumimangot, “Wag ka na po magalit Sir. Promise, hindi na po mauulit.”

He shrugs habang nauupo, “Hindi naman ako galit, Andi.”

Kumunot ang noo ko, “E bakit hindi mo po ako pinapansin nitong mga nakaraang araw? Ni hindi mo nga ako kinamusta after nong date niyo ni ‘Carla’.”

Tumingin siya sa akin pero iniiwas ang tingin at kumuha ng dokumento para basahin, “Hindi naman ah. Okay ka na? Wala ka nang sakit?”

Parang plastic.

Parang tinanong lang ako para manahimik na ako.

I sigh, “Okay Sir. Alam ko pong dismissed na ako. Gusto niyo po ng kape?”

Sandali niya akong tiningnan, “No. I’m good.”

Tumango lang ako at umalis ng office ni Sir.

Noon ko lang napansin na hawak ko pa pala ang panyo niya.
 
CHAPTER 77

Kumatok sa table ko si Sir Tristan at napalingon ako sa kanya, “Bye Andi.”

Ngumiti lang ako, “Bye Sir. Ingat po.”

He smiles and leaves me sa office.

Things have been better since this afternoon, parang nag-normal na naman pero there’s something that feels off, hindi ko lang mawari kung ano ba.

My cellphone rings and I answer it smiling, “Hi pogi.”

“Hey Babe. Tapos ka na? I’m here na sa parking.”

I nod kahit hindi niya nakikita, “Oo. Wait lang mag-shut down lang ako. Five minutes.”

“Okay, see you.”

I grab my bag at isinara ang laptop ko nang mag-off na ito. I walk outside at ni-lock ang office namin.

I take the elevator and get to the basement parking kung saan naghihintay si Chuck.

I smile pero natigilan nang makita ko siyang nakasandal sa kotse niya. He’s carrying a huge bouquet of white roses and he’s holding a big balloon na number “3” ang nakalagay.

OMG.

I was so busy with other things na hindi ko naalalang monthsary pala namin ni Chuck ngayon. Chuck looks at me pero his smile fades when he sees my expression, for the second time today, I cry.

“Babe, what’s wrong?”

Chuck wraps me in his arms at niyapos ko lang siya, “Ang sama kong girlfriend.”

Marahan niya ang itinulak at tiningnan ang mukha ko, “What happened?”

Nakasimangot ako at humikhikbi, “Nakalimutan ko monthsary natin.”

He smiles gently, “Nalimutan mo nga? Na-surprise ka?”

Napatingin ako sa hawak niyang bulaklak at lobo, “May pa-lobo ka pa!”

Humagulgol ako at niyakap niya ako ng mas mahigpit, “Sorry. Actually, I forgot too. I just remembered dahil sa reminder na nilagay mo sa phone ko. I thought nga magagalit ka na sa akin because I forgot to greet you earlier today. That’s why I made an effort.”

Gusto ko sampalin yung sarili ko dahil naglagay pa talaga ako ng reminder sa phone niya dahil siya ang madalas na makalimot.

Ano ka ngayon, Andi? Pahiya ka!

Iniabot niya sa akin ang flowers at ang balloon, lumabi ako and he just smiles, “Okay ka na? Can we go?”

Niyapos ko ang flowers, “Thank you dito.”

Lumapad ang ngiti niya, “You’re embarrassed. Hindi ka maka-hirit.”

Sumimangot ako, “Hoy first time nangyari sa akin ‘to. Ikaw kaya lagi nakakalimot.”

He nods, “Oo nga. Sarap pala ng feeling.”

Hinampas ko ang braso niya, “Salbahe ka. Na-gu-guilty na nga ako e pinapamukha mo pa sa akin.”

Inakbayan niya ako at iginiya palapit sa kotse, “Let me have my fun. Minsan lang.”

Ngumiti ako sa kanya, “I love you.”

Niyabangan lang ako habang binubuksan ang pinto ng kotse, “I know.”

Inirapan ko siya at naupo, inilapag ko ang lobo sa backseat pero iniwang nakapatong ang bouquet sa lap ko.

He gets in the car, “Babe, you should put the flowers in the back.”

Niyapos ko ulit ang bouquet, “Ayoko. Tinitingnan ko pa eh.”

He grins.

Nagsimula na kaming umandar pero may naalala ako, “Teka, sinong bumili nitong flowers?”

Kumunot ang noo niya, “What do you mean? Syempre ako. Why?”

Naningkit ang mata ko, “Hindi mo iniutos?”

He scoffs, “Seriously? That again? You’re going to bring that up again today?”

He sighs, exasperated, “I went to the flower shop, chose the flowers, wrote on the card myself and I went to the party needs store next to the flower shop and bought the balloon too. The only thing I didn’t do was inflate the balloon myself,” he looks at me, “satisfied?”

Nagpapaka-Olga na naman ba ako? I feel like a child being scolded. Para naman talaga akong bata eh, i-nitpick pa ba ang effort ng jowa ko? E ako nga itong walang nagawa maghapon kundi isipin ang mga bagay na hindi ko naman dapat isipin.

Nagpaka-busy ako sa buhay ng ibang tao na nakalimutan kong may isang taong dapat pinagtutuunan ko ng pansin.

Lunok ng pride, huy!

“I’m sorry,” lang ang nasabi ko. Feeling ko hindi enough, feeling ko kahit anong sabihin ko ngayon hindi sapat sa mga kagagahan ko ngayong araw.

He sighs, “I just don’t understand you sometimes.”

Nangingilid na naman ang luha ko, “I’m sorry I ruined your surprise.”

Gusto ko sabihin na insecure ako, na parang may mali kapag ako ang nakakalimot, gusto ko mag-self pity pero alam kong mas maiinis siya kapag gano’n. And I shouldn’t make this about me dahil siya yung na-offend, siya yung nag-effort na hindi na-appreciate.

So I put the flowers in the backseat at dumukwang para yapusin siya habang nagda-drive, “I’m sorry.”

Huminga ako ng malalim, “Sorry kung na-offend kita, kung nag-assume ako. Sorry kung nakakabwisit akong i-surprise kasi nang-aaway pa instead na mag-thank you. Sorry kung sablay akong girlfriend. Pero mahal kita and I appreciate your efforts. Sorry kung hindi ko lagi nasasabi.”

He sighs, “I know.”

He kisses the top of my head, “I love you.”

Hinigpitan ko ang yapos ko sa kanya, “I’ll try to be better. Promise.”

Ang daming promises ngayong araw ha, Andi. Panindigan mo ‘yan.

Bumalik na ako sa pagkakaupo ko pero Chuck puts his hand on my thigh, “So, okay na? You won’t try to pick a fight with me?”

Sumimangot ako at gusto ko sana mag-protesta pero ako yung may mali so pagbigyan, “Sorry na nga eh. Papaulit-ulitin mo buong gabi ‘yan?”

Ngumiti siya, “I’m just kidding. Pero okay ka na? You’re ready for your next surprise?”

Nanlaki ang mata ko, “May iba pa?”

He smirks, “Of course.”

Gusto ko ulit umiyak pero pinigilan ko, ano mag-iiyak ako sa buong date namin?

Napabuntonghininga ako at hinawakan ang kamay niya, “Ano pang meron?”

He takes my hand and kisses my knuckles, “You’ll see.”

Nagpunta kami sa isang exclusive subdivision, walang tanong tanong ang guard at pinapasok kami sa loob.

Malalaki ang bahay at ang lalaki ng tabas ng lote, puro may kotseng nakapark sa tabi ng kalsada.

Tumingin ako kay Chuck, “Bakit tayo nandito? Sinong pupuntahan natin?”

Ngumiti lang siya, “Basta.”

Hala. Ipapakilala na ba niya ako sa mga magulang niya? I mean, nakilala ko na naman sila no’ng kasal ng pinsan niya pero hindi pakilala as his girlfriend. I’m trying to put it off kasi kinakabahan ako, feeling ko hindi ako magugustuhan.

Samantalang si Chuck nung isinama ko sa Batangas muntik nang katayin yung isang baboy ng Papa para magbunyi.

Tumigil kami sa tapat ng isang bahay na mukhang under construction pa, pero halos tapos na rin by the looks of it.

Bumaba si Chuck at pinagbuksan ako ng pinto, “Let’s go.”

Sumimangot ako, “Anong ginagawa natin dito? Kaninong bahay ‘to?”

Pagbaba ko ng kotse hinawakan niya ang mga kamay ko, “It’s mine. This is my house and I want you to be the first one to see it.”

Medyo tulala pa ako pero hinatak niya ako papunta sa gate, he uses his keys at pumasok kami sa loob.

Nagkamot siya ng batok, “There’s still a lot to work to be done here, pero siguro this month ma-ko-complete na.”

May mga nakatambak pang buhangin at sako sa tapat ng pinto ng bahay niya, pero the exterior of the house mukhang tapos na. May garahe ang bahay na kasya siguro ang isang kotse lang, kahoy ang gate pero ang exterior ng bahay ay semento at glass. Two floors at may veranda sa 2nd floor.

Mahina akong hinatak ni Chuck papasok sa bahay, “I’ll show you inside.”

Maluwag at maaliwalas ang interior ng bahay, puro salamin na umaabot hanggang kisame. Napanganga yata ako sa ganda ng bahay ni Chuck, he’s accomplished so much. At ngayon may sarili na siyang bahay nasa unahan ko siya kaya niyapos ko ang likuran niya.

Nagulat siya and asks, “Hey. You okay? What’s wrong?”

Naiiyak ako pero I just hug him tighter, “I’m so proud of you.”

He turns so he can face me and hugs me back, “You should know that you’re part of why I work so hard. Why I try to build a better future…”

Nanlaki ang mata ko, bumitiw sa pagkakayakap niya at tinakpan ang bibig niya, “’Wag ka magpo-propose. Baka mamatay ako dito.”

Naramdaman ko ang paglapad ng ngiti niya under my palm. He removes my hand, “I’m not going to. Not today anyway, so dapat lagi kang ready.”

Kumunot ang noo ko, “Hoy, ‘wag ka ngang ganyan aatakihin ako sa puso sa mga sinasabi mo.”

He smiles and wraps his arms around my waist and I wrap my arms around his neck.

He puts his forehead against mine, “I love you, Andi.”

He looks at me before he says, “Happy monthsary.”

- - - Updated - - -

CHAPTER 78

Ang akala kong tapos na surprise, hindi pa pala. Chuck shows me around the house, wala pang masyadong laman, yung kwarto niya lang ang mayroon kasi doon na daw siya natutulog since finishing touches na lang ang ginagawa sa bahay niya.

Medyo namula yata ako nang ipinakita sa akin ni Chuck ang room niya, malinis yung kwarto pero wala pang maayos na bed, nasa floor lang yung matress niya and may isang cabinet sa tabi.

Hindi ko mapigilang mapatingin sa kama.

Andi, diyan siya natutulog, minsan kapag kausap ka, malamang shirtless or...

Chuck interrupts my dirty thoughts, “This is where I sleep. It’s not much pa but I sleep here pa rin kaysa sa condo. I want to get out of there as soon as possible.”

Tumikhim ako, nauuhaw yata,“Ah, eh paano na ‘yong condo mo? Sinong titira doon?”

He shrugs, “Rent it out or something. I don’t want it to go to waste.”

Sumimangot ako, “Hindi manlang ako nakapunta sa condo mo.”

Kumamot siya sa batok niya, “Uhm… my ex used to go there, so I thought you wouldn’t be comfortable.”

Ah, yung ex niya. Yung dati kong boss, si Ms. Claire.

We’re in good terms pero baka nga ma-aning lang ako at kung ano-ano na naman ang pumasok sa isip ko kapag pumunta ako doon.

Tumango lang ako, “Buti na nga lang hindi ako pumunta.”

He smiles, “But we need to go there to get my stuff once I move in here, I’ll need your help.”

Lumabi ako, “Ano ako kargador?”

He chuckles and wraps his arms around my waist, “Fine. You can just help me pick out the furniture.”

Napangiwi ako sa pagpigil ng ngiti.

Hinampas ko ang braso niya, “Ang harot mo ah. Delikado ‘to tayong dalawa lang nandito sa bahay mo.”

Gamit ang nguso ko itinuro ko ang kama, “Tapos may kama pa.”

Tinataas taas ko ang kilay ko and he laughs, “I didn’t bring you here for that, Babe.”

Binitiwan niya ako, kinuha ang kamay ko at iginiya palabas ng kwarto, “Let’s go. Your surprise awaits.”

Sumimangot ako at nagpabigat para hindi niya mahatak palabas, “Eh, hindi dito yung surprise?”

He grins, “No.”

Lalong nagusot ang mukha ko, “Kahit cuddle wala?”

Hindi manlang ako nilingon pero nagshe-shake ang balikat sa pagtawa, “No.”

Ready naman na ako, naka-slacks ako pero sakto pa undies ko ngayon terno.

“Ano ba ‘yan, papilit.”

He laughs.

Hinatak niya ako pababa sa hagdan at nang nasa baba na kami may isang malaking sliding door sa bandang kanan ng living room, nang buksan niya ito tumambad ang white and gray kitchen niya.

“Wow,” lang ang nasabi ko dahil sa parang pang restaurant sa laki na kitchen.

The tiles on the floor are white, the countertops are black and shiny. The cabinets are made of wood and glass, kita mo ang loob, but right now everything’s empty pwera lang for some pots and pans sa tabi ng stove.

He smiles at napatili ako nang hawakan niya ako sa baywang at buhatin paupo sa malaking island sa gitna ng kitchen.

Pagkaupo ko he puts his arms on my cheeks and pull me in for a kiss.

Dapat sa kwarto niya talaga ginawa ‘to eh. Pero pwede na rin dito.

Dahil paulit ulit ko nang binasa ang Fifty Shades of Grey, para akong sinapian at ibinalot ko ang legs ko sa likod niya at hinatak siya papalapit sa akin. He smiles while kissing me.

Ano ba! ‘Wag ka ngumiti habang kahalikan ako!

Naramdaman siguro niya ang gigil ko so he breaks the kiss and snickers, “Don’t do that, Babe.”

Malalim na ang paghinga ko and he snickers.

Potragis.

Dalang dala na ako eh.

Bwiset.

He pulls my legs mula sa pang-jiu jitsu kong kapit and he taps my thighs playfully, “That’s not the surprise nga.”

Lumakad siya palayo pero hinatak ko ang shirt niya, he laughs, “Stop.”

I whine, “Isang kiss pa.”

He pulls my hand from his shirt and he sighs, “Kulit mo.”

I grin, “Nakukulitan ka na? Pagbibigyan mo na ako?”

He sighs and puts his hands on my cheeks again but he puts his forehead against mine, “I love you. I’m trying to be a good boyfriend here. I want to cook for my girl, will you let me do that?”

Susmarya. Ako yung hayok, siya ‘yong matino.

Wala ka na ngang regalo ini-stress mo pa ‘yung jowa mo.

Lumabi ako, “Eh bakit ka kasi nanghahalik ng gano’n, umasa tuloy ako.”

He chuckles, “Bawal ba? If I kiss you like that then ‘that’ should follow?”

We haven’t done ‘that’. I mean wala namang pagkakataon kasi pareho kaming busy at pareho kaming laging nasa public places, hindi naman pwedeng sa bahay namin gawin kapag dumadalaw siya. Baka mapalayas ako ni Tsang.

Hindi rin nagyayaya si Chuck sa mga places na hindi ako magiging kagalang-galang. Kahit na hinaharot ko siya lagi at nilalandi, ayaw bumigay.
I bite my lip, “Love mo talaga ako eh no?”

He smiles, “Yes and that includes respecting you.”

Napayuko na lang ako sa hiya, “I love you. Thank you. I’ll behave na.”

He kisses my forehead at itinaas niya ang arms niya paharap sa akin ang mga butones ng long-sleeved shirt niya, “Help me please.”

Kinuha ko ang kanang braso niya at tinulungan siyang tanggalin ang pagkaka-lock ng butones sa bandang kamay niya, dahil medyo maliit ang butas nagco-concentrate ako pero ramdam ko ang mata niya sa akin.

Napabuntonghininga ako, “’Wag mo akong titigan kung hindi mo ako roromansahin, paasa ka.”

He chuckles.

Itinupi ko ang sleeves niya ng tatlong beses. I do the same thing sa kaliwang braso niya and when I’m done I just smile at him, “Done na Sir.”

Imbes na umalis na, he puts both hands sa magkabilang hita ako and he leans in for another kiss.

Ang higpit ng kapit ko sa counter para hindi siya hatakin lalo papalapit.

He breaks the kiss, “Thank you.”

Napairap lang ako and I grit my teeth, “Magluto ka na.”

He grins.

Pinanood ko lang siya habang nag-aayos ng mga gagamitin niya sa pagluluto. Binuksan niya ang ref at kakaunti lang ang laman doon.

“Hindi ka ba dito kumakain? Walang laman ref mo.”

He answers while getting the knife, “I don’t eat here. I usually eat sa office or just get take out before I come home.”

Tumango lang ako habang pinapanood siyang mag-chop ng bawang. Kumunot ang noo ko, napakaraming bawang.

“Anong lulutuin mo? Aswang ba ako? Ang lala ng bawang ah.”

I can hear the smile in his voice, “I don’t know a lot of dishes and I need to make something quick, gutom na rin kasi ako. So I’m just making Aglio E Olio with some Italian sausages.”

Aglio ano? Ewan, basta hayaan ko na lang siya magluto.

First time may magluto para sa akin at hindi ko alam kung kikiligin ba ako, matatakot, mai-insecure or ano. Sometimes I feel like hindi ako deserving sa isang kagaya ni Chuck, sino ba naman ako? Isang luka-lukang sinwerte lang na mapansin ng isang gaya niya. I mean, kung hindi ako napansin ni Chuck at nagustuhan siguro I’ll still be working at our previous Company. Kasabay mag-lunch araw-araw sila Jem at patuloy na papatol sa unang lalaking magbibigay sa akin ng atensyon. Gano’n naman lagi, ma-feel mo lang kaunti na special ka sa isang tao, dikit agad.

Kahit masama ang ugali ng lalaki, pag-ttiyagaan mo dahil tingin mo mapapabago mo or bawi ka naman dahil may itsura or for some other reason na hindi naman talaga dapat acceptable.

Chuck is the perfect guy who’s inlove with plain, crazy Andi.

He knows how to cook, he owns a Company, he’s built his own house, e ako? Anong ambag ko?

Isang assistant na pati lovelife ng boss niya pinapakielaman.

Napabuntonghininga lang ako at iniikot ko ang paningin ko sa loob ng kitchen ni Chuck, yung kitchen niya siguro kalahati na ng bahay namin sa Batangas. Buti nga no’ng
pumunta si Chuck doon hindi nauntog sa kisame sa tangkad niya.

Ano na naman ginagawa mo ha, Olga Andrea? Self-pity pa? Gusto mo ‘yan?

Napabaling ulit ang tingin ko kay Chuck nang simulang niyang gisahin ang bawang.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon, dapat masaya ‘di ba? Grateful?

I just feel sad. I feel like I’m not good enough for him.

Biglang nanikip ang dibdib ko at bumaba ako sa pagkakaupo ko sa counter.

“Babe, you okay?”

Pagtingin ko kay Chuck nakatingin siya sa akin, kunot ang noo.

I force a smile, “Oo. CR lang ako, saan ba?”

He nods his head, “Nasa taas yung only working bathroom here. Sa room ko. I’ll show you.”

I put a hand up, “Hindi na. Okay na. Hanapin ko na lang.”

Naglakad ako palabas ng kitchen niya at umakyat papunta sa kwarto. Nakita ko agad ang pinto sa bandang kanan at ini-lock ito pagpasok ko.

I breathe a lungful of air at umupo sa sahig.

What the hell is going on with me?
 
Hi guys!

Medyo napaaga pala ang post ko kanina, so Chapter 78 was posted right after Chapter 77. Check na lang the previous post.

Thank you!
Have a good weekend and keep safe. :)
 
CHAPTER 79

Medyo matagal na siguro ako sa banyo dahil kumatok na si Chuck sa pinto, “Babe, are you okay?”

Kalmado na ako pero hindi pa rin nawawala ang lungkot na hindi ko alam kung saan ba nanggaling.

I clear my throat before answering, “Ah oo. Medyo sumakit lang tiyan ko.”

Napangiwi ako sa sagot na lumabas sa bibig ko.

Bwiset.

Ang romantic monthsary namin napalitan ng kadiring image ng pag-jejebs ko sa bagong banyo ng jowa ko. Hindi ko alam kung anong kagagahan ang sumapi sa akin at iyon ang naisip kong isagot.

“I don’t have any medicine here, should I go get you some?”

Nakaupo na ako sa naka-cover na toilet at kagat-kagat ko ang kuko ko habang nag-iisip ng sagot. Kapag hindi siya umalis, aantayin niya panigurado akong lumabas ng banyo, pero nakaka-guilty naman at paghahanapin ko pa siya ng gamot na hindi ko naman kailangan.

Tinatantiya ko pa ang sarili ko kung talagang kaya ko na siyang harapin.

“Babe? C’mon, I’m getting worried.”

I feel like sh*t.

Itinakip ko ang kamao ko sa mga mata ko, gusto kong suntukin ang sarili ko sa totoo lang.

“Sorry. Pwede mo ako ibili ng gamot? Sorry ha.”

Narinig ko ang pag-jingle ng susi niya, “Sure. I’ll be right back.

Narinig ko ang paglakad niya palayo, lumapit ako sa pinto at muntik mapasigaw nang nagsalita ulit siya, “Babe, do you need anything in there? I mean, will you be okay if I leave you?”

Bumalik pala, sh*t. Buti hindi ako agad lumabas.

“Uhm… Okay lang ako, pabili na lang nung gamot please.”

Napabuntonghininga siya, “Okay. I’ll leave na. You have your phone with you?”

Hawak ko ang phone ko, “Yup. I have it.”

“Okay. I’ll be back.”

Idinikit ko ang tainga ko sa pinto at narinig ko ang mga yabag niya papalayo. May bumukas na pinto at sumara rin, narinig kong bumukas na gate at dahan-dahan akong lumabas ng banyo. Sumilip ako sa bintana at nakitang papalayo ang kotse ni Chuck.

Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag.

Naupo ako sa sahig sa kwarto niya at nangingilid ang luha habang humihinga ng malalim.

“Oh my God. Oh my God. Oh my God. Anong nangyayari sa ‘kin? Bakit ganito nararamdaman ko?”

Naninikip na naman ang dibdib ko at tinuktok ko ang dibdib ko sa tapat ng puso, “Hoy. Anong kaartehan ‘yan ha? Langya kang puso ka, pasikip-sikip ka pa diyan.”

Tiningnan ko ang phone ko at hinanap ang number ni Jem. Kailangan ko ng kausap.

Mabilis kong ini-dial ang number niya at nag-antay ng pagsagot habang patuloy sa pag-inhale exhale.

Naubos na ang ringing pero hindi siya sumagot.

Pumikit ako at huminga ulit nang malalim at sinubukang kalmahin ang paghinga ko nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Akala ko si Jem pero si Sir Tristan pala.

Tumikhim muna ako bago sumagot, “Hello?”

“Hey Andi, sorry. I know you’re off the clock pero may hinahanap kasi akong file...”

Hindi na natapos ni Sir ang sinasabi niya nang sumingit ako, “Sir, pwede maglabas ng saloobin?”

Nanahimik si Sir Tristan pero he says, “Okay, what is it?”

Huminga ulit ako nang malalim at nagsalita, “Nagtago ako kanina sa CR ni Chuck. Nag-pretend akong nag-LLBM kasi parang biglang sumikip yung dibdib ko habang pinagluluto niya ako ng aglio… something…”

Sumingit siya, “Aglio E Olio?”

I roll my eyes, “Oo, basta ‘yon. Tapos nandito kami sa bago niyang bahay, bigla akong napaisip na parang hindi ako bagay sa kanya? Parang feeling ko sobrang swerte ko yata sa tulad niya? Parang hindi ako deserving? Tapos ‘yon sumikip yung dibdib ko kaya hindi ako makahinga. Nagtago tuloy ako sa banyo.”

A few seconds passed bago nagsalita si Sir, “So, where’s Chuck now?”

Kinagat ko ang labi ko bago sumagot, “Bumili ng gamot sa sakit ng tiyan.”

He sighs, “So you asked him to buy you medicine that you know you don’t need?”

Napairap lang ako, “Oo na nga Sir. I know it sounds stupid and ridiculous pero wala eh, nagawa ko na. Hindi ko na mabawi.”

Hindi siya nagsasalita so I say, “Bakit parang feeling ko minamasahe mo yung noo mo habang nakikipag-usap sa akin, Sir?”

He laughs, “Sumasakit talaga ulo ko sa ‘yo, Andi.”

I pout, “Sir, anong gagawin ko? Hirap ako magsinungaling sa kanya.”

“Why do you need to lie though? Why not tell him the truth?”


I scoff, “Ano Sir? Sasabihin ko insecure ako? Na parang feeling ko kumpara sa achievements niya parang consolation prize lang yung akin tapos yung kanya pang First Place gano’n?”

“Are you competing with him? Aren’t you happy for his success?”

I sigh, “Syempre happy, syempre proud ako sa kanya. Pero hindi ko lang mapigilang manliit, na parang kada step forward niya lalo akong naiiwan. Naisip ko lang naman kung kailan ako makakasabay sa mga yapak niya.”

“So, you feel like hindi mo pwedeng sabihin ‘yan sa kanya ngayon? That you feel that way?”

Nangingilid na naman ang luha ko, “Feeling ko kasi malulungkot siya. Masisira ko ang pagiging happy niya sa mga nangyayari sa buhay niya, feeling ko kapag sinabi ko ang saloobin ko he’ll think na balewala ang mga accomplishments niya kasi imbes na sumaya ako, sumaya kami, ako pa ‘tong gagang nalulungkot. Hindi naman dahil sa kanya eh, wala siyang ginawang mali. Ako lang talaga ang nag-iisip ng kung ano-ano.”

Huminga ako nang malalim, “Gusto ko lang makapag-isip sa sarili ko. Ilang beses na kaming nag-usap na sinabi ko sa kanya yung tunay kong nararamdaman without thinking it through kaya nag-away kami before. Tina-try ko lang ibahin ngayon. Pag-iisipan kong mabuti bago magsalita para wala kaming miscommunication at masabi ko ng maayos ang gusto kong sabihin. ‘Yon lang naman Sir.”

He sighs, “I still think it’s best to tell him, Andi. But if you feel like you’re not ready then you’re not ready.”

“So ano nga gagawin ko Sir?”

“Where are you? Sa house niya?”

Tumingin ako sa paligid, “I’m in his room.”

He sighs, “Pretend you’re sleeping. He won’t be able to ask you questions and you won’t be forced to lie. He’ll let you sleep it off.”

Kaya ko ba matulog sa ganitong kalagayan? Kaya ko naman siguro, pretend lang naman eh.

“Ah oo nga. Sige Sir, salamat sa advice.”

“I still think you should tell him, so think about it, okay?”

Tumango ako kahit hindi niya nakikita, “Ay oo nga pala Sir. Ano po yung kailangan niyo?”

He chuckles, “Wala. Don’t worry about it, let’s talk about it on Monday na lang when you get back to work.”

Bago ako makasagot he says, “Or mag-si-sick leave ka ba sa Monday? Para ganap na ganap yang pagpapanggap mo?”

Napairap ako, “He he. Patawa ka Sir. Masyado ka nang maraming alam sa akin.”

He laughs, “Kasalanan ko? Eh ikaw ang mahilig magkwento.”

“Pero Sir thank you ha. Sa pakikinig at sa pagbigay ng advice.”

He says, “You can tell me anything okay? As long as it bothers you, if you need someone to talk to, I’ll be here.”

I smile.

Pero nabura ang ngiti ko nang makitang may ilaw na nag-reflect sa salamin ng kwarto ni Chuck, sumilip ako sa pinto at nakitang nagpa-park na ang kotse niya.

“Sh*t. I have to go Sir, nandito na si Chuck.”

“Okay, good night Andi.”

“Good night Sir.”

Dali-dali kong pinatay ang cellphone ko at humiga sa kama ni Chuck na naka-fetal position at itinabon ko sa ulo ko ang isa niyang unan.

Sana hindi tanggalin ang unan.

Dumadagungdong ang puso ko nang marinig ko ang pagbukas ng gate, tapos bumukas ang pinto sa baba, tapos ang pinto ng kwarto niya.

Ni-relax ko ang katawan ko at medyo ngumanga para realistic.

Naramdaman ko ang pag-dip ng mattress ni Chuck, kasunod nang paghaplos niya sa ulo ko.

“Babe?”

Umingit lang ako at inilubog lalo ang mukha ko sa kama.

He sighs, “Okay. Just rest.”

Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko bago bumangon sa kama at umalis.

Parang napagod ako, siguro dahil kanina pa mabilis ang tibok ng puso ko? Parang nag-marathon.

Hindi ko na namalayan kung ilang minuto ang lumipas bago ako tuluyan at totoong nakatulog.
 
CHAPTER 80

Nagising ako sa malambot na kama. Medyo may tumulo pa yatang laway sa unan ko.

Nag-inat ako at itinaklob ulit ang unan sa mukha ko.

Parang masyadong malambot, parang amoy lalaki ang punda, parang hindi ko marinig ang buga ng electric fan ko. Nanlaki ang mata ko nang maalala kung saan ako nakatulog.

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakataklob ng unan at sinilip kung may katabi ako sa kama.

Pagtingin ko sa tabi ko naroon si Chuck, nakatihaya at nakapikit.

Tinanggal ko pa ng kaunti ang unan at sinilip ang sarili ko, magka-share kami sa comforter at medyo malayo ang pagitan namin pero siya walang shirt. Napalunok ako sa hubog ng chest ni Chuck na dahan-dahang tumataas baba sa paghinga niya. Ang comforter medyo mababa sa baywang niya kaya nakalantad rin ang gilit-gilit niyang abs.

Magigising kaya ‘to kapag hinaplos ko?

Napakagat ako sa labi ko at nagpigil ng isang matinding tili.

Gusto ko tumili at magpa-party dahil ang swerte kong ngayong umaga.

Napabangon ako nang maalala kong umaga na nga dahil maliwanag na sa labas, “Si Tsang!”

Hinawakan ni Chuck ang pulsuhan ko at hinatak akong pabalik ng kama, “It’s too early Babe.”

Napahinga ako nang malalim dahil nakadikit na ang pisngi ko sa dibdib niya, “Ah eh… si Tsang hahanapin ako. Baka isumbong ako kina Mama.”

Antok pa ang boses ni Chuck, “I called Jem last night, I told him to cover for you.”

Humigpit ang yakap niya sa akin, “It’s all good. We’ve got time.”

Ang utak kong maharot naisip agad, time for what?

Naisip ko ang nagpa-panic kagabi at parang habang yapos ako ngayon ni Chuck, nawawala na lahat ‘yon. It doesn’t matter. How I feel shouldn’t matter in this relationship.
Kasi in this relationship it’s just us. Hindi ako dapat maging selfish sa mga pansarili kong dilemma dahil hindi iyon dapat iniintindi ng boyfriend ko, oo pwede kong sabihin pero anong magagawa no’n pag sinabi ko?

Anong maidudulot na maganda?

Lungkot lang at pag-aalala.

So I decide to just not talk about it. Tingin ko naman magiging okay rin ako, I’ll be over it soon. Hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon.

Gumanti ako ng kapit kay Chuck at huminga ng malalim. Ang bango niya, parang bagong ligo bago natulog.

Ginawa ko siyang parang unan at ipinatong ang isa sa mga hita ko sa hita niya at para siyang biglang nanigas. And I mean yung muscles niya parang nag-flex ng sabay-sabay.

Yung brasong hinihigaan ko parang naging troso, yung dibdib niya parang semento, yung paghinga niya biglang lumalim.

Mali yata yung ginawa ko pero hindi ko na mabawi yung hita ko, parang kapag gumalaw pa ako may mas malalang mangyayari.

Tumikhim siya bago nagsalita, “Breakfast?”

Anong nasa menu? Ikaw?

Natawa ako at medyo nag-relax ang katawan ni Chuck, “What’s so funny? Ano na naman inisip mo?”

Humahagikgik pa ako nang sumagot, “What’s for breakfast? Ikaw?”

Napatingin ako sa kanya but he’s not smiling, “Don’t make jokes like that in the morning.”

Nanlaki ang mata at parang may humahatak sa mga mata kong tumingin pababa, you know dahil sa umaga, may flag ceremony.

Alam ko malakas ako mag-joke at mangharot, kagabi nga lang nililigalig ko itong si Chuck pero the way he’s looking at me right now, parang ayoko siyang biruin. Parang papatulan ako.

Ngumisi lang ako at dahan-dahang umurong pabalik sa side ko ng kama, “Joke lang. Peace.”

Humiga ulit siya at pumikit, “I need a minute.”

Tumango lang ako at tumayo, “Okay. May pwede bang mailuto sa baba pang-breakfast?”

He sighs, “I bought some yesterday, nasa ref.”

Lumakad ako paatras palabas ng kwarto, “Okay. Magluto lang ako.”

Nakahinga ako ng maluwag nang nakalabas na ako ng kwarto.

Napabulong ako, “Diyos ko. Ang hirap biruin sa umaga parang ilalabas na ang whip and chain. Kaloka.”

Pumunta ako sa kusina at kinuha ang hotdog and eggs sa loob ng ref. Nagsimula na akong magluto habang nag-iisip kung ano bang sasabihin ko kay Chuck kapag bumaba na siya dito. Mukhang good mood naman siya kanina so I’m guessing hindi niya namalayan na nagsinungaling ako kagabi.

Nag-prepare ako ng mga plato sa lamesa at napansin kong may nakatakip na plato sa kitchen island, inangat ko ang takip at nandoon ang nilutong pasta ni Chuck kagabi. Napasimangot ako.

“I think that turned bad na.”

Naibalabag ko ang takip at akala ko mababasag ang pinggan, “Sorry.”

“It’s fine,” mabilis niyang sagot.

Nagpatuloy akong maghain pero nakayuko, hindi ko siya matingnan kasi nahihiya ako sa ginawa ko sa kanya kagabi. Bakit ko ba kasi ginawa ‘yon?

Nagsisisi tuloy ako kung bakit ako nag-inarte kagabi. Sana nga sinabi ko na lang para tapos na.

Tumabi siya sa akin pero kumuha lang ng coffee filter sa taas na cabinet. May coffee maker pala siya doon, hindi ko napansin kagabi.

“May coffee maker ka pala dito, ako na gagawa niyan.” I offer.

Iniiwas niya sa akin ang filter, “Ako na.”

Napasimangot ako kasi it just felt like he snapped at me. He’s putting in the filter nang tumigil siya at tumingin sa akin, “Or gusto mo bang ikaw na? You want to make my coffee for me?”

Hindi ko alam kung bakit pero parang he made it sound like an insult.

He goes back to prepping the coffee maker, “I just thought baka you’re tired of making coffee all the time in the office.”

Isinandal ko ang balakang ko sa kitchen counter niya, “It’s part of my job magtimpla ng kape para sa boss ko, itong inaalok ko pagtitimpla ng kape para sa boyfriend ko.”

Pagkalagay niya ng tubig sa coffee maker hinarap niya ako at ngumiti, “The coffee maker is a machine, it doesn’t identify if may feelings kapag nagtimpla ka.”

He doesn’t wait for my answer at umupo na siya sa stool chair sa may kitchen island.

What the f*ck?

Did he just insult me for being an assistant? For making coffee for people?

Aba kung ganyan siya then I’m not sorry for not eating what he cooked yesterday. Hindi naman mukhang masarap.

I sit at the opposite side of him at kumuha ng hotdog at itlog.

He sighs at kumuha rin siya ng pagkain and we eat in silence.

Walang lasa yung kinakain ko, we’re not talking. Hindi nga kami nagtitinginan.

He gets up para kumuha ng kape at pagbalik niya may dala siyang dalawang mug. Inirapan ko lang ang dala niyang kape at dinala ang dishes ko sa lababo para hugasan.

This silence is driving me nuts. Pero I’m not going to talk to him kung ganoon siya makipag-usap.

Nakakabwisit lang na yung mga naisip ko kagabi na kung paano ako nanliliit dahil sa mga na-accomplish niya he’s throwing it all back to my face. Ipinamumukha niya pa ngayon sa akin kung paano ako hamak na assistant lamang at siya yung boss.

Ano? Should I grovel at his feet dahil boss siya?

“Leave it.”

Yun lang ang sinabi niya bago umalis papunta sa kwarto niya.

I’m just staring at his retreating back at hindi ko talaga mawari kung anong nangyari mula sa pagbangon niya at pagbaba niya dito. Wala pa yatang fifteen minutes ang lumipas no’n.

Ang harot niya sa kwarto tapos ngayon parang galit na.

Dahil ba walang romansang nangyari kanina pagkagising namin?

Siya naman may ayaw kagabi ah.

Nahugasan ko na lahat ng pinagkainan namin at naitabi na rin ang pasta na ginawa niya sa ref. Hindi pa naman sira. Paglingon ko sa pinto ng kitchen nandoon na siya nakabihis at bitbit ang bag ko, “Let’s go.”

Hindi ako kumikilos kasi parang minamadali niya ako at pinapalayas.

He just looks at me expressionless, at dahil hindi ako kumikilos naglakad siya at inilapag ang bag ko sa kitchen island, “I’ll wait for you in the car.”

Ay, p*ta. Pinapalayas nga ako.

Windang ako nang kunin ko ang bag ko at lumakad palabas ng bahay, ini-lock ko ang pinto ng bahay niya at hinatak ang gate pasara.

Hindi niya ako pinagbuksan ng pinto at nandoon lang siya sa driver’s seat nakahawak ang dalawang kamay sa manibela. Pagsakay ko hindi ko pa nai-lo-lock ng maayos ang seatbelt pinatakbo na niya ang kotse.

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano, hindi naman siya ganito. Never pa siyang naging ganito sa akin na hindi nagsasalita kung may sama ng loob.

Pero parang feeling ko kasalanan ko. Bakit parang may nagawa akong mali?

Hindi kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa bahay, pag-park sa tapat ng bahay ni Tsang he simply unlocks the door.

Dati humahalik pa ako sa kanya pero ngayon naka-hilig ang katawan niya sa bintana, palayo sa akin.

Nakasimangot akong bumaba ng kotse at pagkasara ko ng pinto, mabilis siyang umalis.

Parang hindi ako natunawan kasi sumakit ang tiyan ko.

Pumasok ako sa loob ng bahay pero wala si Tsang, namalengke siguro dahil maaga pa naman.

“Anyare?” lang ang nasabi ko pag-upo ko sa kama.

Nag-vibrate ang phone ko and I get my bag to check it.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maalalang nilagay ko ang phone ko sa bag.

I shrug and find my phone sa bulsa ng bag at pagka-open ko sa phone ko para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Nandoon nakabukas ang call logs ko, last call was with Sir Tristan that lasted five minutes right before Chuck caught me sleeping.

Oh no.
 
CHAPTER 81

Nagdaan ang weekend pero walang paramdam si Chuck.

Itinext ko siya pero hindi siya nag-reply, I tried calling rin pero hindi niya sinasagot. Gusto ko na sana siya sugurin sa house niya pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi rin ako sure kung talaga bang nakita niya yung cellphone ko or baka may ibang bagay na nakapagpasama ng loob niya.

Ang alam ko lang galit siya sa akin or masama ang loob. Kasi hindi naman siya ganito, never niya akong hindi pinansin kahit may pinag-awayan kami or nagkatampuhan.

Monday na pero hindi pa rin niya ako sinabihan kung susunduin or ano, so dumiretso na ako sa office.

Kanina pa ako lutang, pag-alis ko ng bahay imbis na mag-Grab napa-kaway ako sa isang taxi na dumaan, nakatulala lang ako kaya muntik na rin lumampas yung taxi sa building namin, imbis na Php 500 ang iabot ko, Php 100 lang, nagsalita nga yong Manong na kulang pero hindi ko narinig kaya halos sigawan na niya ako sa loob ng taxi.

Nasa elevator na ako pero nakatulala pa rin sa isang spot sa dingding, may pumasok yata sa elevator pero hindi na ako nag-effort na tumingin. Umandar ang elevator at tumigil sa isang floor, may bumaba yata pero hindi ako sure. Umandar ulit ang elevator at tumigil ulit, napalingon na lang ako nang may humawak sa braso ko, pagtingin ko si Sir Tristan pala.

Napakurap lang ako pero hindi ko makuhang mag-‘good morning’.

Wala siyang sinabi nang iginiya ako palabas ng elevator at papunta sa office namin, palagi kaming maaga ni Sir Tristan kaya halos wala pang laman ang office.

Pumasok kami sa office pero imbis na maupo ako sa workstation ko iginiya ako ni Sir Tristan papasok ng office niya, pinaupo niya ako sa couch doon at hinatak niya ang isang upuan niya at naupo sa harapan ko.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita, “So, I take it your weekend wasn’t good?”

Umiling lang ako.

Napabuntonghininga siya, “Anong nangyari?”

Napalunok ako, “Hindi niya ako kinakausap.”

Napansin ko na lang na nanlalabo na ang paningin ko tapos magiging clear ulit ang itsura ni Sir Tristan kapag kumurap ako.

May kinuha si Sir Tristan sa bulsa ng pantalon niya at inilapit iyon sa mukha ko, pinupunasan niya ang mga luhang hindi ko alam na pumapatak na pala.

Tumingin ulit ako sa mukha ni Sir Tristan, “Ayaw niya akong kausapin.”

Humikbi ako, “Hindi ko alam kung bakit.”

Tumayo siya at lumipat ng pagkakaupo sa tabi ko, hinawakan niya ang mga kamay ko, “Tell me what happened after we talked last Friday.”

Ikinwento ko sa kanya ang nangyari pati na ang duda ko na nakita niya ang call logs ko bago siya nagbago ng mood.

Nakikinig lang si Sir Tristan at kunot ang noo.

“So, you’re thinking na he’s thinking that we talked habang nandoon ka sa bahay niya?”

Tumango lang ako.

He sighs, “So it’s either he’s upset because you pretended you were sick – pero why would he be upset over that? Kung ako si Chuck I would ask you why you pretented, knowing him he would have confronted you about it.

“Or he thinks there’s something going on between us that’s why he found it weird that you immediately talked to me while you were at his place.”

Kumunot ang noo ko. It’s not the first time na pinag-isipan kami ni Chuck ng ganoon, pero I explained it to him na naman nung nakaraan kaya akala ko tapos na yung topic na ‘yon.

“Is there a reason for Chuck to think that? I mean has he mentioned anything?” tanong ni Sir Tristan.

Dapat ko bang sabihin kay Sir Tristan na pinag-selosan siya ni Chuck? I mean is that fair to Chuck? It’s our problem so I feel like nagkakasala na talaga ako ngayong si Sir Tristan ang kinakausap ko.

Pero siya naman ang lumayo, siya ang ayaw makipag-usap sa akin so anong gagawin ko? Kailangan ko ng tulong.

Hindi pa ako nakakasagot when he says, “It’s okay. No need to answer that question, just take it easy today okay? I’ll try to find out what happened.”

Patayo na si Sir Tristan nang pigilan ko ang mga kamay niya, magkahawak pa pala kami, “Sir, anong ibig niyong sabihin?”

He smiles, “We have a meeting today, ‘di ba? It’s in my schedule? I’ll push for a lunch meeting para makapag-usap kami.”

Nanlaki ang mata ko, “Huwag niyo pong sasabihin…”

He nods, “Yes. I’m not going to talk about you, I’m just going to get a feel of what’s going on with him today. If he’s upset with me I’ll know.”

Tumango lang ako, “Thank you Sir.”

Binitiwan na niya ang kamay ko at tumayo, “Take it easy today ha.”

Medyo kumalma na ako nang bumalik sa workstation ko, I still try to call and text Chuck pero hindi siya sumasagot.

After a few hours lumabas ng office niya si Sir Tristan, “I’m going na, Andi. I’m meeting Chuck for brunch, hindi daw siya available ng lunch eh.”

Sumimangot ako, “Paano niyo siya nakausap? Sa cellphone?”

He smiles, “Si Carla ang tumawag sa akin to change our schedule. Pero before I got her call I just sent him an email revising the meeting schedule.”

So hindi talaga siya nag-co-communicate through his phone, baka naman sira or baka nawala? It’s not like him talaga not to answer my calls.

Pero dapat tinawagan rin ako nong Carla na ‘yon kung may ipapasabi si Chuck. Well, shunga nga pala assistant niya baka nakalimutan na naman.

Nawala na naman ako sa iniisip ko nang lumapit sa akin si Sir Tristan at ipinatong ang kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko, “Don’t think about it too much, there’s no use for that now. I’ll just go and see him, we’ll know more later.”

Ngumiti lang siya tapos lumakad na palayo.

Inayos ko naman ang buhok kong ginulo niya.

I should get some work done bago siya bumalik, kanina pa ako petiks, hindi na masaya ‘to.

The meeting lasted for just about thirty minutes dahil wala pang isang oras dumating si Sir Tristan just as I was arranging documents sa table niya, hindi niya ako agad nakita and nakita ko ang frustration sa mukha niya habang niluluwagan niya ang necktie niya.

He looks up and sees me na nakatayo sa tabi ng table niya. Kumaway lang ako, “Hi Sir.”

Hindi ako masyadong natutuwa sa demeanor ni Sir dahil napabuntonghininga siya at dinedma ang bati ko. He sits on the couch instead of his office chair at tumingala.

“Oh no,” lang ang nasabi ko.

Lumakad ako papunta sa kanya at naupo sa kabilang side ng couch, “Anong nangyari Sir?”

He looks at me sideways at nagbuntonghininga ulit, “I’m sorry.”

Kumunot ang noo ko, “Bakit sorry Sir? Anong nangyari?”

Huminga siya ng malalim at hinarap ako, “I was just going to get a feel of how he felt about me. I mean ang balak ko lang is tingnan kung paano siya makipag-interact sa akin. So I greeted him how I usually greet him, but he was being weird. I know that something’s up so I asked pero sabi niya he doesn’t have a lot of time so mag-meeting na raw kami.”

He nods, “So nag-meeting kami. Itinuloy namin, it was okay until I wanted to catch up, makipag-kwentuhan. He was very snippy so I got annoyed. I mean, he was never like that at alam kong napaiyak ka kasi ayaw ka niyang kausapin so medyo buwisit na talaga ako.”

Ngumiwi siya, parang nahihiya, “I’m sorry Andi. I just snapped.”

Nanlaki ang mata ko, “What do you mean Sir? Sinaktan mo?”

He rolls his eyes, “Of course not. But I might have made things more difficult for you.”

More difficult pa sa situation ko ngayon? Ano pa ‘yon?

He bites his lip, “I just want to get a reaction out of him to see how he takes the news so…”

Hinawakan ko siya sa braso at kinalog, “Ano Sir? Anong news?”

He looks down, “I told him we have a week-long conference in Cebu and that I need to bring you with me.”

Ay, p*****ina.
 
Back
Top Bottom