Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

My Wife Tried To Take Her Own Life :(

Siguro po may Postpartum depression ang asawa mo, dapat po pag ganyan sir ginagabayan mo sya at lalo mo pa dapat ipakita sa kanya yung pag mamahal mo bilang asawa nya. wag mo papatulan kung may hindi sya magandang nasasabi sayo, kundi dapat mahaba ang pasensya mo. lagi mo sya sasamahan sa gawain bahay wag iaasa lahat sa kanya ang trabaho. lagi din kayo magsimba, magpasalamat sa Diyos. Yayain mo sya sa lugar na gusto nya or sa lugar na siguradong marerelax kayong dalawa. lagi mo syang pakikingan sa mga kwento nya dahil mahalaga yun para maramdaman nya na hindi xa nagiisa. baka naman hnd na kau nagpapansinan at madalas pa kau magaway. dapat mahalin mo yan dahil nanumpa kau sa harap ng altar na magmamahalan sa hirap at ginhawa.
 
Last edited:
Sir ang unang kasalanan mo nakipamatok ka sa di mo tulad sa pananampalataya... sinabi na po kasi wag ganun..pero anyways nanjan n po sila...manalangin po..tama po yun.. tiyagain mo po talaga.. pakita mo sa kanya na mahal mo siya kung gusto mo sagipin pamilya mo. Kung talagang wala kang ginawang matindi para magpakamatay siya...baka talagang masama ugali ng misis mo..yung attitude nya di maganda talaga....Iluluhod mo po talaga sa Diyos yan..at need nyo po ng works..yung pagpapakita na mahal mo yung asawa mo. pwede pong occasionally maayos po yan..posible pong matagal na proseso ser.. (naiintindihan ko po kayo na minsan o madalas masama attitude ng babae..masama po ugali ng mga pinsan kong babae at pati kapatid ko nakikita ko po ginagawa nila sa asawa nila.....yung mga asawa naman nila nagtitimpi at binibigay nalang yung gusto...magpapakaluge ka talaga...bumabait yung babae pagmatanda na ..hopely..(sabi yun ng friend ko na teacher na matanda na nagkaproblem sa asawa din). Take care po at keep safe ser.
 
Sir.
May mga tao n ganyan po yun hinde nila kaya mghandle ng galit or hinde nila kaya controllin yun sarili nila. Tama po yun iba mg seek po kayo ng Psychiatrist advice kung ano pwede gwin kay maam. after that sayo naman sir habaan mo pa yung pag iintindi mo. Saka always nyo po pg usapan if ever yung problema or pinagawayan nyo effective po yun paguusapan nyo yun problema bago matapus yung araw para mas lalong mging maayos yung family nyo..
 
Kelan mo huling binilhan ng prutas at gula ang asawa mo ts? Ngayong lockdown uso ang maraming uri ng depresyon , malaking tulong ang masutansyang pagkain sa pagpapanatili ng malusog na kaisipan , at baka nawawalan kayo ng time sa isa't-isa , dapat pati sex-life ng mag-asawa ay healthy. Sa sex kasi naglalabas ng dopamine ang utak at isa yun sa nagpapa stabilize ng postive mindset ng isang tao .
 
For now, try to keep harmful things, knives, or anything na sa tingin mo makakasakit...di naman sa pag aano, syempre may anak kayo..be prepared kasi may pinapakita siyang mga symptoms. One of those is yung pagiging suicidal, pangalawa yung hirap i-control yung emotions esp yung anger. What you can do now is to pray, second since nakikita mo na may problema siya, the more na mas kailangan ka niya... eto yung time na sinasabi na for better or for worse.. eto yung time na dapat ipakita mong mahal na mahal mo siya at para malimit din yung pagtrigger ng unnecessary emotions.

One more thing, try mong iobserve behaviour..pag may sudden changes a behavior niya possible na Bipolar..
 
Last edited:
Tanungin mo muna sarili mo kung lahat ng pinangako mo bago kau ikasal natupad mo, kasi hindi lagi sa pera or ari arian ang problema ng magasawa.
At kung nakakausap mo pa naman sya dapat sigurong magusap kau at wag mong contrahin dapat kasi maexpress nya lahat ng saloobin nya sayo at sa lahat ng nasa paligid nya.
Suyuin mo at lambingin lang mawalwala rin yang depression na yan at ikaw lang makakaalam sa nararamdaman nya kaya maging mahinahon .
 
wag mo patingin sa doktor baka isipin nya na talagang may topak na sya at lumala pa, try mo mag business na lang dahil kung nasa opisina ka pa rin baka nag iisip yan na nambabae ka pa rin kahit naayos na yan, di lang nagsasabi yan. gusto ata parati kang nakikita, may mga babaeng ganyan pag nag asawa na, maduda.

up to kay sir. ganyan din ang gf ko. kaya sinasabihan ko sya lagi na mas maganda sya sa mga katrabaho ko at sa mga pinagseselosan nya. mahirap talaga magets ang ugali ng babae. pero isa lang naman gusto nila. maramdaman nila na sya lang yung mahal mo. sana nagawa mo sir yan bago kayo magka anak hanggang ngayon
 
"FAMILY" ikaw at anak mo. spend mo lahat ng oras mo sa kanya ipakita mo na mahal na mahal mo siya hanggang my oras ka pa TS! :salute:
baka pag nahuli na lahat saka mo pagsisihan ang lahat. hindi ka ba nagtataka? ikaw ang kasama niya sa buhay. balikan mo lahat meron
at meron kang pagkukulang. hindi naman parang hangin yan na iihip nalang bigla na ay depress na pala ako.
 
TS..pakiramdaman mong mabuti kung siya ba ay nababaliw..kasi kung sya ay nababaliw medyo delikado kung kaya niya patayin sarili nya pwede rin nya gawin sa iyo o sa anak nyo

o baka naman may problema siya na di masabi sa iyo kaya naisipan magpakamatay

pwede mo rin sya kausapin ng masinsinan kung ano ba talaga ang problema para maigawan ng solusyon hanggat maaga..

meron kasi mga tao na may binhi talaga ng pagkabaliw nag tri-trigger ito pag siya ay nai stress...yung kasi iba nyan nasa lahi...

kung maayos naman siya kausapin.. tanong mo kung ok la ba sa kanya na patingnan mo siya sa doktor
 
eto opinyon ko lang po to aah..

Pag may problema kayo pag usapan nio, tanungin mu sya kung anong ayaw nia sa mga gngwa mo vice versa ..
mag open forum kayo(makakatulong yan)
minsan kasi sa atin kahit naiibigay ntn mga needs nila kelangan parin nila ng ORAS NATIN.
tapos bigyan mu sya ng pasalubong kahit ung mga simple lang na alam mung gusto nia parang ba nanliligaw ka ulit sa kanya ganern.
tapos sabhin mu sa kanya everyday na (gumaganda, sumeseksi mga ganyan na salita )
sa ngayon sir kelangan mu muna siya INTINDIHIN i mean hindi lang sa ngayon habang buhay pa kayo ..hehehe

walang problema na walang solusyon
meron at meron yan .. :)

nga pla last na sasabihin ko
kelangan talga mahaba ang pasensya ntn mga lalaki,
at never na never mu siya sasaktan ng pisikal ..
 
baka nag karoon sya Post Partum Syndrome after manganak... di ako sigurado sa spelling pero pwedeng iconsider mo ito at i research
pero mas maganda ,maka usap ng psychiatrist
 
ang ugali po kasi ng asawa ko madali sya magalit, mainis at mainipin sya.
Hi po. Kamusta na po ang wife niyo? Yung pagiging mainipin, mainisin, etc eh matagal na po ba niya talagang ugali? Though I'm not a psychiatrist, mga signs and symptoms po yan ng depression lalo na if more than 2 weeks ng nararanasan. Mas mainam po na magpatingin siya sa doctor para ma-assess ang kanyang kasalukuyang kondisyon. May kamahalan po ang magpatingin sa private psychiatrist lalo na kung reresetahan siya ng gamot pero may mga hospitals po like National Center for Mental Health at PGH na nagbibigay ng libreng konsultasyon kaya tiyaga lang po talaga.

Hope these sites for mental health resources helps:

https://blog.opencounseling.com/hotlines-ph/
http://www.silakbo.ph/help/
 
Boss gud eve. Baka may postpartum syndrom ang misis mo. Hindi po ito kaagad napapansin lalo na tayong mga asawa bc sa trabaho. Di natin napagtoonan ng pansin ating partner minsan. Ito yung kondisyon sa psychological matapos manganak ang isang babae. Dependi ang panahon sa paghilom nito, minsan short term lang minsan long term po. Ang symptoms nito: maliit na away lang pinalalaki, minsan masakit magsalita walang paki kung nakasakit na sya sa partner nya, overthinking, anxiety, depression at suicidal. Sana po makatolong, e research nyo po sa google or youtube boss. Initial na dapat gawin boss iparamdam mo sa kanya kahit anong mangyari you always there in her back, magtalakay ka ng mga magagandang bagay at mga pangarap nyo sa buhay at sa anak nyo.
 
Last edited:
Back
Top Bottom