Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Nakakatakot na INFLATION ang sasalubong sa Pinas sa mga susunod na mga buwan o taon!

Idol ko si Abdul

Amateur
Advanced Member
Messages
120
Reaction score
13
Points
38
Nababahala ako mga kapatid. Kasi, sunod sunod na inflation ang nangyayari sa ibang mga bansa gaya ng US, UK at Europa. Ito kasi ay resulta ng gyera ng Rusya at Ukraine. Naging problema ang produksyon ng langis at pag aangkat ng trigo. Yong Sri Lanka ay natumba na, bankrupt sabi nila. Mukhang ang wave ng inflation ay from West at papunta naman sa Asya. Medyo mas delikado dito sa atin kasi hindi lang langis ang problema pati suplay ng bigas. Yong iba kasi nating mga kapitbahay sa Asya ay ayaw na mag export ng bigas gaya ng Thailand at Vietnam. Ganito din ang nangyayari sa India, may limit din yata ang pag eexport nila ng langis (galing Rusya) sa ibang mga bansa sa Asya. Sigurado, pag walang langis, lalong tatamlay ang ekonomiya natin. Marami ang mawawalan ng hanapbuhay at marami ang magugutom. Ang tanong, handa ka na ba?

Ano sa tingin mo kapatid?
 
Last edited:
Umabot na sa 6.1% ang inflation nitong Hunyo, hihintayin pa yata ng gobyerno na maging 9-10%? Problema pa ang PPP o peso purchasing power natin na bumababa pa lalo. Ewan ko ba sa mga ekonomista natin parang hindi yata alam kung ano ang mas magandang irerekomenda nila. Puro na lang "band-aid solutions" ang pinagsasabi. Gaya ng "continue purchase of oil in other countries like India and the OPEC members". Eh, hindi naman yan bago eh. Ganun naman talaga ang kahahantungan natin. Hindi naman ako nagmamagaling. Alam naman natin na ang inflation ay global naman talaga. Pero kung wala ka namang gagawin ay para yatang isang katangahan ito.

Sabi ng DOE, wala naman problema sa supply, presyo lang daw (hihintayin pa yata na magkaroon ng "shortage"). Hahays, parang sinabi na wala silang magagawa kasi presyo ito ng World Market. Napakamalas naman yata ng Pilipinas, parang Sri Lanka. Paano kasi ang nakalagay yata sa mga pwesto ng pamahalaan (hindi ko naman nilalahat) ay mga incompetent. Ito ay resulta ng palakasan at padrino system kaya wala talagang nagagawang matino.

May iminungkahi si Sen. Pacman, maganda naman pero sa tingin ko may mas maganda pang paraan bukod dyan. Aniya, dapat daw bumili agad ang PNOC ng langis (basi sa batas) habang mura pa ang langis sa World Market nung simula pa ng digmaan sa Ukraine. Maganda ang suhestyon niya, pero short term o panandalian lang ang solusyon. Bakit? Una, wala tayong malaking paglalagyan o imbakan ng langis; pangalawa, malaking halaga ang kelangan para sa malaking imbakan at wala tayong ganung pondo; pangatlo, kahit anong tambak mo dyan mauubos din yan dahil nga malaki ang pangangailangan o "demand". Kaya nga, short term lang ito na solusyon.

May iminungkahi naman si Sen. Binoy, maganda din naman pero sa tingin ko mahirap gawin at kelangan ng malaking halaga at mahabang oras. Aniya, dapat daw na mag simula ulit tayong maghukay ng langis sa teritoryo natin sa WPS para magkaroon tayo ng stable na suplay. Maganda din itong suhestyon ni Mistah, pero mahirap gawin kasi andyan nakapaligid ang Navy ng China. Eh, takot tayo, eh. Sino naman kaya ang magtatanggol sa Pilipinong maghuhukay dyan? Kahit nga Navy natin ayaw pumunta dyan baka nga kasi magkaasaran. Kaya nga yong nagdadala ng provision para sa mga sundalo natin sa bulok na barko ay dinadaan na lang sa pribadong suplay ship na hinaharass naman ng barko ng China. Ang nakakapanlumo lang eh, bili ng bili tayo ng barko pandigma pero hihintayin lang pala natin si Uncle Sam. Ito talaga ang katotohanan kaya mahirap gawin. Pangalawa, malaking pera ang kelangan para sa pagpapatayo ng oil rigging platform at kelangan din nito ang mahabang panahon. Sa tingin ko, hindi man agad nito ma solusyonan sa ngayon ang problema, pero sa tingin ko naman makakatulong ito ng malaki sa hinaharap para mabawasan naman ang epekto ng mas lalo pang lumalalang krisis.

Ano ang suhestyon ko? Marami akong suhestyon na sa tingin ko mapababa ang inflation. Hindi lang ang solusyon na ito ay pang present kung hindi long term din ang epekto. Hindi mo na rin kelangan gumastos ng malaki para matugunan ang problema sa langis. Sa tingin ko nasa 30-40% ang kabawasan sa problema. Kahit maliit mas mabuti na. Pero hindi ko na lang ililista dito kasi wala namang taga pamahalaan ang may interes na basahin ito. Pangalawa, sila ang pinapa sweldo ng bayan, dapat mag-isip naman sila. Nakakahiya kukuha sila ng ideya sa iba na hindi naman kanila.
 
Last edited:
nakakabahala talaga yan mga kapatid....
ang tanging gawin lng natin ay manalig sa panginoon.....
 
tipid nalang tlga
wala nang maabot ang 20 pesos

Scared Kermit The Frog GIF
 
Nakakabahala talaga TS yung mga nangyayari ngayon at yung mga decision ng admin parang mapapaisip ka *rolleyes*
 
Last edited:
Wala nga tayo makita na end game nila sa Ukraine, kaya tuloy tuloy na ang pag taas ng bilihin, maganda sana kung kaya mag umpisa na mag ipon ng mga long term storage na pagkain gaya ng canned goods kasi panay na rin ang taas ng mga presyo ng mga ito, need na rin tayo mag backyard farming para maka tulong sa mga gastusin sa pagkain nakakaawa talaga tayo sa mga nangyayari. And most important is to pray for mercy and guidance for our country.
 
The best nyan for average Pinoys is mag migrate to countries with better purchasing power or to oil producing countries like in the Middle East. Countries with good economies but smaller populations are also a good choice since you will be competing with fewer people for limited resources. In this day and age it's really advisable to gain a second residency or passport so you can be more mobile in case your own government ruins your country and/or economy or to lessen the effects of geopolitical events like the war in Ukraine coz not all countries will experience the same degree of hardships.
 
nakakabahala talaga yan mga kapatid....
ang tanging gawin lng natin ay manalig sa panginoon.....
May kasabihan tayo na "Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa" kaya di pwedeng pananalig lang kailagan may gawa or diskarte tayo sa buhay dahil di naman bubuhayin ng simbahan yung mga ginawa nating bata.(y)
 
Back
Top Bottom