Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Naniniwala ka ba sa aswang? Trip to Antique

flint28

Apprentice
Advanced Member
Messages
70
Reaction score
1
Points
28
Trip to antique

Taga antique nanay ko. Pumunta kami dun kasama mga kapatid ko for vacation. During that time mga elementary pa 2 ko kapatid and ung bunso baby pa talaga.

Typical barrio yung lugar namin. Halos tabing dagat at puro mga puno ng niyog makikita mo. Yung tinuluyan namin eh yung kubo ng tita ko. Kubo talaga tas surrounded ng kawayan na fence.

Gabi na kami dumating dun. Brownout. Naabutan ko naglalaro ng tong-its mga relatives namin. Kandila lang source ng ilaw nung time na yun. Habang nagkakamustahan biglang may nadinig kami na parang "hikhikhikhik" na parang galing sa mga puno ng niyog. Eto namang nanay ko, sa salitang bisaya, sabi sa mga relatives namin na wag na ipaalam sakin kung ano yun at duwag daw kasi ako. Akala kasi nila di ako nakakaintindi ng bisaya. Kaya ayun lalo ako natakot.

Kinabukasan naguusap naman mga tao na yung mga kilalang mga aswang sa lugar namin ay nagkitakita daw sa baybay (tabing dagat). Ayun at talaga naman nakakatakot. Full moon ata nung time na ngyari yun eh. Saka natatandaan ko nung bata pa ko na pinagbabawal ng nanay ko pumunta ko sa isang side ng barrio namin. Yung half kasi namin halos mga relatives. Yung isa pang half mga aswang na daw.ang saya noh?

Ibang pangyayari naman during that trip.. Yung bunso namin na baby pa nung time na yun eh nabati nung kilalang aswang samin. Ayun at nilagnat tas iyak ng iyak. Nagpatawag nga ng albularyo at ayun naging ok naman pagkatapos.
Nung kinagabihan, tulog na ang lahat except sakin dahil nanunuod pa ko ng tv. Mga past 11 na ata nun. Tahimik na buong lugar. Habang nanunuod ako naka dinig ako ng pag pagaspas sa bubungan. Pinakinggan ko maigi. Inisip ko na kung manok lang yun dapat mabilis dapat yung pagaspas dahil maliit lang yung pakpak nun. Eh habang pinakikinggan ko, na realize ko na parang ang laki kasi ang bagal nung pag galaw niya.ang laki nung wing span. Hindi talaga manok o kung anu mang ibon lang. dinig ko talaga na nandun sa bubungan yung kung anu man yun. Sa takot na baka may makita ako pinilit ko na lang matulog.

Ang mas nakakatakot eh yung ngyari nung susunod na gabi. This time gising pa din nanay ko, 2 tita at yung pinsan kong babae. Mga 10pm yun. Habang nanunuod kami ng tv biglang may parang kumatok sa bubungan. Napatingin kami lahat. Yung bahay kasi surrounded ng kawayan fence tas naka chain na yung gate para ala makapasok. Kung may gusto man pumasok dapat tumawag muna para mabuksan yung gate. Pero alang natawag sa labas. Galing bubong unti unti bumababa yung pag katok. Nakatingin lang kami lahat. Yung tita ko nagsalita na manok lang daw yun at wag intindihin. Ako nakatitig sa bintana, dahil kahit takot ako parang gusto ko na may makita. Kumakatok na sa pinto mismo. Nakatitig pa din kami.. Ang lakas na ng katok yung tipong pinupwersa na. Hanggang galing pinto ung katok gumagalaw pagilid ng bahay. Ung pinsan ko, kahit babae eh ang tapang dahil dun naman sya lumaki, sumilip sa bintana. Nakita nya kung sino kumakatok. Bata daw na nakahubad. Pag kita sa kanya tumakbo sa gilid nung kubo. Ung pinsan ko kumuwa ng itak tas lumabas pero d na nya nakita yung bata.

Nagbukas na lang ng ilaw sa labas. After nun di na uli ngyari. Dami pa kwento sa lugar namin. Sama mu pa yung mga kuwento sa capiz at iloilo.. Katakot talaga.. Sa gusto magbakasyon samin pm nyo lang ako.. Hehehe..
 
0t0r, share koh din experience k0h, my isang gabi nung papunta kami sa isang bday party, bario ito, mga 9pm na nung makarating na kami dun sa venue.. eto yung ngyari, hindi naman ako lasing nun dahil dalawang san mig lyt pa lang ang nainum k0h, habang umiihi ako sa my backyard, my babae na naka puti na mejo hindi mu makita ang mukha.. Hindi koh lang yun pinansin, tapus, pag kabalik k0h dun sa inuman, my naririnig ako na umiiyak na parang nagpapatulong, tapus winala koh lang ito.. eto ang malufet, pauwi nakami ng barkada k0h, dalawa lang kami sa isang m0t0r.. habang paparating kami sa isang cementeryo, my nag lilibing, nagtaka ako bakit gabi.. dahil ang alam koh umaga pag my ililibing.. lahat sila naka itim, tapus inovertake'an koh sila.. pag ling0n sa lik0d wala na sila, s0brang kinilabotan na ako, nangi nginig sa tak0t, at mejo my luha na ako, ung kasama koh hindi makapag salita, dahil na shock, kaya ngaun ung kasama koh ngaun, hirap na magsalita.. pag nagkikita kami, naaawa ako, ayun ung history k0h, madami pa ak0ng experience sa multo.. kaya mejo nasanay na ako, parang wala na lang, pag nakakakita ako.. anyway im fr0m il0c0s..
 
Thanx for the share.. Post lang kayo ng post..
 
Ganun ata talaga noong mga panahon na yun lalo na nung mga panahon ng tatay at lolo ko. Laganap talaga mga kababalaghan. Mga aswang na nag iibang anyo (baboy, aso).. White lady ,multo. Personally wala pa nakikitang multo o aswang. Meron lang yung parang elemental daw yun sabi sakin nung may alam sa paranormal. Parang pusa siya na napakabilis tapos nung pumasok siya sa loob ng bahay at sumuot sa ilalim ng papag namin eh bigla umuga yung papag na parang ginigiba. Tapos bigla din lumabas ng bahay at nung hinanap namin eh lumilindol na ng mahina.
 
huhu. ayoko talaga ng mga aswang o kaya multo x.x

pero so far naman, wala pa ata akong ganyang experience. hahaha. pero natatakot ako sa mga kwento kwento. ahahha
 
Sa antique nakwento sakin ng pinsan ko dahil nakapatay ng tao. Ang kwento nung lalaki baboy ramo daw talaga ang pinatay nya. Dinala daw nya sa bahay at nagulat na lang sya nung maging anyong tao na..
 
Ang saya naman. Sarap magbasa ng ganito. Multo madalas. Pero hindi gaano nakakatakot yun k'se gugulatin ka lang. Pero aswang?! Paktay ka kapag yun nagpakita sa'yo.
 
i don't believe in aswangs.

u see what u want to see.

u hear what u want to hear.

btw, i'm from iloilo/capiz.
 
naka kita na ba kayu ng YANGGAW na movie.. great cinematic pero base sa true story..

ganyan na ganyan kapag na yanggaw ka.
 
grabe nakakatakot talaga no? hahaha. sabi nila hindi daw totoo. eh pano kung totoo nga? sabi nga nila, mas mabuti na yung prepared ka hahaha..
 
nakakatakot talaga no?
wala naman masama na matakot at mag-enjoy ka sa mga ganitong kwento eh :) :beat:

pero pano kung totoo nga? hahaha. mas mabuti na yung alam mo, para pag nagka invasion of aswangs, maka-survive ka hahaha
 
Maghanda na ng sibat na gawa sa buho, itak, sulo, bawang, asin, holy cross at holy water. hehehe

Pero up to now meron pa rin naman mga ganyan. Kahit samin sa bulacan, kapag may mga nagbubuntis eh nag iingat talaga. Last month nga lang yung kakilala namin na buntis eh magdamag silang di natulog ng asawa niya kasi may naramdaman daw sila na lumalakad sa roof nila. Parang pusa daw ang pattern ng lakad pero ambigat ng pagyapak. Kinabukasan may nakakita din daw na kapitbahay nila na may parang kulay itim na hayop na nasa roof nila na mabilis gumalaw. Parang nga daw pusa.. PERO.. biglang lumipad..... whoa!
 
Last edited:
i don't believe in aswangs.

u see what u want to see.

u hear what u want to hear.

btw, i'm from iloilo/capiz.

Tama naman.. To see is to believe. Pero hindi porke di ka naninawala o d mu pa naexperience, ibig sabihin eh hindi na totoo.
 
naka kita na ba kayu ng YANGGAW na movie.. great cinematic pero base sa true story..

ganyan na ganyan kapag na yanggaw ka.

Anu itsura nung yanggaw? Sinu gumawa nung film?
 
Ang bilis mo magreply meanne.. Pc mode ka siguro.. Hehe..
 
Oo nga, bakit mga buntis ang gusto nila.

Pati yung mother nung dati kong roommate, ayun,buntis daw,pero nasa beach naman, tapos may aso na palagi daw titig ng titig sa kaniya. E di naman common mga aso dun,ayun,pinaalis na lang.
 
Anu itsura nung yanggaw? Sinu gumawa nung film?

typical film lang sya wala hayop na nag transform dun pero ang story talaga ang may real score... :clap:

parang ganyan sa story mo sa first page... :excited:
 
Back
Top Bottom