Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Naniniwala ka ba sa aswang? Trip to Antique

oo dami ganyan ngayon sa paligid o kaya sa bahay. buti pa yu tunay na aswang bihira lang umatake
 
Yung officemate ko dati sa call center pag natutulog sa rec room lagi siyang parang may ng re-rape sa kanya. Hinahalikan, may pumapatong pati (excuse me sa term) finifinger siya.
Hanggang sa bahay naeexperience niya na. Nawala lang yung ganun nung nag patawas siya.
 
xa multo i hv no exp. p xa mga gnyan, bt xa mga prmdam oo.. hnggang dun lng aq, b4 when i was in hyskul mdalas aqng dalawin ng incubus q. xa mga d nkakaalam kng ano ang sucubus/incubus, they are evil spirit n pmpasok xa pnagnip m and tried to rape u, it happens mdalas xa mga bbae, lalo n ung mga pgod for they knw n kpg inatake nla ang vctim nla hndi ito mkakapanlaban xa knila, it may sounds funny bt its true, and they really exist, ung skn nga ms malala bcuz na-feel q p tlg xia ng buong buo, n prang kgaya n rn ntin halos n tao, yes, nhawakan q xia ng hndi cnsadya, he was sitting xa loob ng kwrto mlapit xa door ng room q, xobrang nag panic aq that time, i thought it was my mom kc ugali ng mama q pg ngtatampo xa papa q, umuupo xa isng tbi at umiiyak, i also thought it was my brother, pero hndi dhl nxa bndang likuran q ung 2kapatid q that nyt at dnig n dnig q p ang mga hilik nla, xa takot q dhl hndi naman xia nagsasalita for about a minute of asking him kng cno xia at ni hndi rn xia gmagalaw, umatras nq at nagtalukbong ng kumot, cniksik q ung dlawang kptid q hnggang xa dulo ng higaan at pnagkukurot q cla hnggang xa mg cgalaw cla, xobrang takot n takot aq nun, hndi tlg aq n2log at nkkrmdam lng xa plgid ng kwrto hnggang xa mag umaga, kht pawis n pawis aq at nangi2nig xa takot d q tlg inalis ang kumot xa sarili q gat d q nkktang sumisikat ang arw.
takenote: bgo q pla xia mahawakan nun, nung una minamassage p pla nya likod q, ang hgpit nung pg masahe nya, un ung dhlan kng bkt aq ngicing nung gbing un.

Iwasan lang po nating gumamit ng
mga sms-type words o phrases.
 
hindi ako sure dito pero sa tv sa maala-ala mo kaya may ganeto napanood ko.:ranting:
 
Last edited:
kailangan bang laging iapply ang "to see is to believe"
kaloka :rofl:
makapagbasa ulit mukhang dami na nagkwento :panic:
...
Sucubus =female
incubus =male
may kasarian pa talaga :lol: hindi naman sila sa panaginip lang nanrereyp, ang pagkakaalam ko kahit buhay ang diwa mo o gising ka, parang sila yung mga ghost type na nagkakagusto sa human being, o pwede ding masabing manyakol sa dilim :rofl:
 
Last edited:
palagi ko na didinig yung incubus, ayun pala yun! May banda kaya nun.. Katakot naman nun.. Tnx sa info ngayon ko lang nalaman..
 
baka meron din kasi di naman siguro lalaki ng ganun yung istorya tugkol sa aswang kung wala naman talaga pero sa ngayon di ako masyado naniniwala.

last year nagbakasyon kami sa Capiz.. 16 na ko nun
one night bago kami umuwi nanghuli kami ng gagamba ng pinsan ko galing din manila then nakita namin yung likod ng bahay. Ang dilim puro puno, masukal. Pumasok ngayon ito si aswang sa kwentuhan namin. ayun tinanong namin sa taga dun kung totoo yung aswang. ito ngayon sinama kami sa lugar na tinatawag na bulabog. Anong gagawin namin dun? ..
maghahanap daw kami ng wakwak haha.. wakwak yung familiar ng aswang, parang personal alalay nila.. liblib yung lugar kaya walang streetlights flash light lang ilaw namin. nung una tawa kami ng tawa nagbibiruan sa daan. nung nandun na sa gubat nagkatakutan na. walang gustong mahuli. hawak kamay pa kahit puro mga barako haha. nakakatakot kasi yung aura, tahimik, walang ilaw, tapos gubat pa. nung nandun na kami sa lugar pinatay yung flashlight. di daw kasi sila lalapit pag may ilaw. kinuha yung itak tapos kiniskis sa lalagyan. nagcreate siya ng malakas at napakatinis ng tunog. naiinis daw mga wakwak dun. tapos pinatahimik kami. after mga 15 secs. may narinig kaming tunog ang lakas din. tunog ibon parang malaking ibon.

waaaak waaaak waaaaak! parang ganun. wakwak daw yun.
tapos inulit ulit yung pagkiskis sa itak.
humihina na yung tunog ng wakwak. sabi papalapit na raw pag ganun. pinaupo kami lahat dumapa daw kung kailangan nangdadagit daw kasi. tapos sa gilid lang namin may pagaspas ng pakpak. ang lakas. pagtingin namin may shape ng ibon pero ang laki parang tao tapos parang tumakbo tumunog pa yung mga sanga pagalis niya. nakita daw na madami kami kaya umalis. mga 12 yata kami. tapos pinailaw na yung flash light. tama na daw yun hehe di daw nila kami ipapahamak haha syempre mga kamaganak namin yun. After that theory ng mga pinsan ko baka echo lang daw ng itak yung naririnig namin at yung pagaspas baka malaking ibon lang daw talaga. madilim kasi kaya di masyadong kita. gusto kasi nila yung lilipad sa taas tapos dadagitin kami para maniwala sila hahaha. sabi ng tagadun bahala na daw kami kung maniniwala kami. kaya next vacation pupunta ulit kami dun mga 4 nlng siguro para more action haha
 
share ko lng guys. para malaman mo n malapit n ung aswang sa pligid nyo ganito daw un guys pag malakas daw ang tunog ng example (tik tik tik) it means malayo pa daw un pero pag pahina ng pahina na ung tunog nsa malapit n lng daw un. totoo kya un?
 
ako twice na akong nag-bakasyon sa Antique wala pa naman akong nakita o naramdaman kung may aswang ba dun o wala..pero maganda ang Antique,malapit sa dagat tsaka yung pinuntahan naming falls maganda..Bugtong Bato falls..ganda dun..kaya di ako magsasawang bumalik ng Antique..kahit pa sinasabi nilang me aswang dun
 
Share ko lang experience to ng prof ko. Mahal na araw yata nun kung di ako ngakakmali. Nagkayayaan sila magbabarkada na mag mountain climbing at napili nila sa Quezon. Sabi nila sa Holy Mountain (Mt. Banahaw) daw sila aakyat pero dahil common na daw na lagi dun cla umaakyat pinili nila sa Mt. Cristobal (Devil's Mountain or Spooky Mountain) kahit may nagsasabi na marami raw mapaglarong elemento ang naroon kaya d na nakakabalik ung iba. Pero tumuloy pa rin sila. May kasama namn daw sila na parang Tour Guide nila na nakilala nila sa baba bago sila umakyat. Hapon na raw nung nakarating sila dun sa Taas, wala naman daw nangyayari. Tapos nung pababa na raw sila bakit iba ung dinadaanan nila at nagtataka daw sila dun sa kasama nila na tour guide kc parang nagmamadali. Un pala nakita raw nung tour guide na parating na raw ung mga nkaputi (parang kulto) kaya magtago muna daw sila, ginabi na raw sila sa pagtatago. Nakita daw nila mga ginagawa nung mga kulto may ritwal na ginagawa na iba ang salita na parang may iaalay. Eto ung nakakatakot kc habang nanunuod sila may nanunuod din pala sa kanila nakita daw sila at nagtinginan daw sa kanila ung mga kulto. Di daw napaliwang ng prof ko ang itsura basta nakakatakot daw mga mukha na nalilisik at pulang pula ang mga mata. Hinabol daw sila ng mga un kagulo na raw sila kc parang papatay ng tao ang dating sa kanila. Buti na lang daw at kasama nila ung tour guide na nakakaalam ng mga shourtcut para mapabilis ung pag-alis daw nila dun. Nakababa daw sila ng ligtas pero ang nakakapagtaka lng daw kc bigla na lng daw nawala ung tour guide na kasama nila pagkababa nila. Di na nila napansin dahil daw sa takot at pagod nung napansin nila wala na si manong tour guide. Kinuwento daw nila un sa tinuluyan nila na house malapit dun. Nagtataka daw ung may bahay kung pano nakababa ng bundok ng ganung oras (gabi na). at sino daw tour guide? ang alam daw nila wala daw talaga nagbabalak umakyat dun pinagbabawal nga raw kc hindi na nakikita ang mga nagtatangkang umakyat. At eto pa nung tiningnan nila mga pics nila sa bundok wala daw si manong tour guide sa pics samantalang ksama daw nila un nung ngpipicturan sila.

Sabi ng prof ko bka raw si manong tour guide si Jesus at un din ang sabi sabi sa kanila nung may ari ng bahay na tinuluyan nila...

~kinikilabutan ako nito nung kinokwento sa amin ng Prof ko...hanggang ngyon daw hindi nila malilimutan ang xp na un...
 
hindi totoo ang aswang sa ANTIQUE Bakit?
Taga Antique ako hindi po totoo yan walang naman talagang aswang e... dyn ako nakatira nung bata pa ako marami lang talagang Paniki dyan pag GABI Province ko yan kaya alam ko ang Lugar ng antique hindi ako naniniwala sa iyo LOL:noidea::noidea::noidea::noidea::noidea::noidea:
 
Last edited:
actually naniniwala ako.

kasi one time...
binata na ko netu at bago lng sa buhay ko

merun kubo malapit sa bahay namin sa probinsya to.
then may panandaliang tumira dun.
maysakit sya na malala daw.ang sabi ng mga kapit bahay namin
nakakahawa daw. hindi sya lumalabas di ko rin alam panu yun kumakain.
then..

gabi nun 2nd night nung maysakit sa kubo. mga 1:30am
natutulog akong magisa nun sa bahay namin malapit sa bintana.
nakabukas ung computer ko kasi nagdodownload ako nun time nayun.
nagising ako sa kalabog sa bubong..

so wla akong paki.. so ginawa ko e tinignan ko ung dinadownload ko kung tapos na.
then naramdaman ko malakas ung hangin at malamig kya sinarado ko ung bintana

nung sinarado ko ung bintana napatingin ako sa bubung sa kubo.
kasi may maitim na mabalahibo at ang pula ng mata nakatitig sa akin.
nagulat ako kya sinarado kong padabog ung bintana.
di ko lam gagawin ko nun kinuha ko ung kutsilyo
at nilagay ko sa unan ko.hindi ako makatulog nun.
kasi kumlabog uli ung bintanang sinara ko.nakita ko
ung anino nya may pakpak.
buong gabi nun wla akong tulog.

kinaumagahan
patay na ung may sakit sa kubo..

kakilabot
 
Yung officemate ko dati sa call center pag natutulog sa rec room lagi siyang parang may ng re-rape sa kanya. Hinahalikan, may pumapatong pati (excuse me sa term) finifinger siya.
Hanggang sa bahay naeexperience niya na. Nawala lang yung ganun nung nag patawas siya.

di kaya si hollowman yun tol? hehe!!
 
wala pa po akong nakikitang aswang dito sa antique pero naniniwala po ako sa kanila. mga makakasalanang angel kasi sila na sinumpa ng Diyos dito sa lupa.
 
yung aswang parang multo lang din yan namimili minsan o sadyang may pinapakitaan kaya hindi lahat makakakita o nakakakita, hindi ako dati naniniwala dyan dati pero takot ako, nawala lang takot ko nung ako mismo ang makakita, (2 kami nun) harap harapan,
multo? di pa ako talaga nakakita, pero pinaramdaman lang sa may :naughty: pero ibang kwento na yun :D
.........
respeto na lang sa opinyon ng iba kung nakakita man o hindi pa, nakasaad naman sa titulo ng sinulid kaya sana walang KJ masyado :belat:
 
.ako naniniwala din.
.4x na kc aq ngkita eh.
.2 black lady.
.1. white lady
.1 headless lady after ko kumuha ng picture sa isang part ng school namen. at sa sobrang asar ko binura ko na lng kc baka may makakita pa at multuhin.
 
Back
Top Bottom