Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Noong Virgin pa ko

Nalulungkot ako. sobrang lungkot. Ang hirap na ng buhay, parang wala ka pang pamilya o nanay man lang. Halos mag-iisang taon na kong naktira sa bahay at hindi sa tahanan.

Naalala ko yung teacher ko nung elementary. Ang bahay daw ay istruktura lang at tahanan ay may pamilyang nagmamahalan.

Malapit na kong mag bente-uno pero sikreto pa rin ako. Ganito kasi yun...

LesgoVak!
Labing-anim na taong gulang ang nanay ko ng mabuntis siya ng tatay ko. Para walang masabi yung mga tao sa paligid dahil second cousins si nanay at tatay, inilayo ni lola si nanay kay tatay. E mayroong isang lalaking mabuting loob ang naki-usap umako na bigyan ako ng pangalan.

Dahil ok ang naging kasunduan, pumayag si lola na ikasal si nanay kay papa. Wala pa akong dalawang taong gulang iniwan na ko ni nanay sa pangangalaga ni papa, para makapagtrabaho siya sa abroad. Pinag-aral ni nanay si papa para maging isang piloto. Natapos naman ni papa. Ayun, ending walang trabaho. Matagal na panahon rin kaming nakatira ni papa puder ni lola. Napakasarap balik-balikan ng mga oras kasama si papa noong panahon na bata pa ako. Si papa ang tumayong nanay at tatay ko. Si papa naghahanda ng pampaligo, nagpaplantsa ng uniform ko, nagpoponyang ng buhok ko. Lahat ng bagay na dapat si nanay ang gumagawa. Ok lang yun kasi nasa abroad naman daw kasi si nanay at nagtatrabaho para sakin. Dahil sa wlang mahanap na trabaho si papa at hindi niya rin naman kaylangang magtrabaho dahil nagpapadala naman ng sapat na halaga si mama, nagkasundo sila na magtayo na lang ng negosyo, Auto Supply chuba business daw tawag dun. Yung pira-pirasong piyesa ng mga sasakyan na galing sa Japan at binebenta ni papa ng retail pamalit ng mga gustong makatipid sa pagpapa-ayos ng sasakyan.

Noong una successful, si papa ang boss na kumakatawan kay nanay. Grade four ako nun sa isang pribadong paaralan sa Caloocan. Mahal ang tuition. Mayayamang mga kamag-aral. Hatid-sundo ng school service dahil halos walang oras si papa dahil sa negosyo.

Kumikita na ang negosyo, bumukod kami ni papa. Ginawa niya akong Prinsesa sa palasyo niya. Two-storey apartment ang anging tahanan namin. Tig-isang kwarto kami. Tig-isang malalaking kama. Signature na mga damit. Marami laruan. Sunod sa luho. Laki sa layaw.

Unang araw sa bago naming tahanan ni papa. Wala pang gaanong gamit. Walis, bigas, sofa at asin sa dalawang dulo ng pintuan pa lang ang meron kami. Bumabalik ako sa panahon na nakaupo ako sa hagdanan habang nakikita ko si papa saka yung mga karpintero na nagkukumpi at nag-ayos ng bahay habang umiinom ng softdrinks. Kitang-kita ko ang mga ngiti sa labi ni papa. Masaya sa bago naming tahanan, masaya rin siguro dahil ang kinatitirikan ng bagong balay-chuk namin ay ang lugar kung san siya lumaki. Kapit-bahay namin yung mga kababata niya, dating nililigawan, magulang, kapatid at mga pinsan.

Binusog ni papa ang tiyan at puso ko sa pagmamahal na wala ako ngayon. Nagtayo siya ng Video shop. Isang branch sa lugar nila lola at isang branch malapit sa bahay namin. Kumikita naman kasabay ng auto supply shop, kaya ang bilis ng pasok ng pera. Si Ate May na pamangkin ni papa ang nagbabantay sa shop na anak ng half sister ni papa na si tita Connie. Maputi, maganda at matalinong dalaga. Maraming lalaki ang nangangarap maging jowa siya pero dedma lang ang loka. Mayroon siyang dalawang kapatid, si April at Michelle. Si April, simpleng batang lalaki na mahilig maglaro ng teks at tumbang preso sa kalsada habang si Michelle naman ay focus sa pagpapaganda ng kanyang sarili kahit na likas na siyang maganda. Sit tito Bunso ang tatay nila na tricycle driver na minsanang naghahatid-sundo sakin sa school.

Masarap at hindi mahirap ang buhay kasama si papa. May P100 baon ko araw-araw bukod sa pabaon niyang lafang sakin. Napagtanto ni papa na kaylangan niya ng katuwang sa pag-aalaga ng munti niyang Prinsesa kaya kumuha siya ng mag-aalaga sakin, si Ate Catalina aka Ate Kata. Parang yaya ang drama niya pero sinabi ni papa na hindi dapat yaya ang tawag kundi ate. Kahit na may pagka-maldita ako e sige go! May I call her "Ate Gata". Pinakiusapan rin ni papa si Tita Analisa para samahan ako sa bahay dahil bihira lang kaming magkita. Doon sila natutulog sa kwarto ko na may maganda at mamahaling kama. Akin yung kwarto pero hindi ako doon natutulog kasi walang bintana, nakakatakot pa. Doon ako natutulog sa kwarto ni papa para queen size bed. May TV, VHS, aircon at may BINTAN, may bonus pang terrace. Bongga?

Umuuwi si papa ng naka-inom o di kaya'y exhausted dahil siyempre kaylangan niyang makisama si mga kliyente niya. Dahil bata pa ako at siguradong hindi ko maiintindihan bakit late siya umuuwi, lagi siyang may dalang pasalubong na half-gallon na ice cream at isang buong litsong manok. Siyempre areglado na kahit sinisira niya tulog ko sa madaling araw para ipakain yung pasalubong niya. Badtrip lang kasi may pasok ako kinaumagahan.

Naalala ko pa nung Graqde Four ako, grabe ako kung matulog. Kung may mas matindi pa sa mantika ako na yata yon. Pinapaliguan ako ni Catalina AKA Ate Gata kahit tulog ako. Hindi ko rin alam paano namin nagagawa yon. Didilat na lang ako dahil kakain na ko ng paborito kong "Me and My Mug noodles Chicken Flavor" at "SkyFlakes". Tuwing umaga, gaoon lagi. Sarap ng buhay ko. Papasok sa school para mag-aral saka makikipagdaldalan kay Lavinia. Naging anak-anakan ni Mrs. Divina Cortez na paborito kong teacher noong elementary ako. Hanggang nagyon alam ko pa rin ang itsura ng mukha niya kahit mahigit sampung taon ko na siyang hindi nakikita.

Napagbintangan rin ako ni Ms. Perez dahil lagi akong nananakawan ng pera. Ang sabi niya kasi ang mga nananakawan ang mga magnanakaw. Sweet niya no? Three times a week ako kugn nakawan ng P100, dedma lang kasi mayaman kami. =)) Pero sa mata ni Ms. Perez ako ang magnanakaw. Kung lahat kaya ng teacher sing tindi niya mag-isip sa kapwa? Anong uri kaya ng tao magiging ang mga estudyante? Buti na lang anjan si Mrs. Cortez =) naniwala sa kakayahan at nagtiwala sakin.

Siguro galit lang talaga sakin si Ms. Perez. Dalas ko kasing maipot sa panty noon dahil nagkasakit ako at hindi ko kayang pigilin ang poo-poo ko. Kasalanan ko ba? Anyway, May naging classmate rin akong parang penguin maglakad pero infairview, galing niyang sumayaw. Siya si Charity na kaparehas kong saksakan ng iksi ang kuko dahil hobby na namin ang ngatngatin ang kuko namin pag wala kaming magawa. Naging New Resolution pa nga namin na hindi na namin kakagatin yung mga kuko namin pero matagal rin bago natupad yon. Ewan ko lang hanggang nagyon ngatngat pa rin siya.

Tumira na sa bahay yung magkapatid na payatot kong mga pinsan si Ate Weng at Apeng. Nagresign kasi si Ate Gata sa pag-aalaga sakin dahil nawalan ng gana sa buhay. Ikaw ba naman ikakasal ka na tapos malalaman mo na lang na yung jowa mo jowa na ng bestfriend mo at uunahan ka na nilang magpakasal? Naku! Ewan ko na lang. Napalitan ng bagong bantay ang video shop ni papa. Nagsara yung isang branch malapit kila lola. Iba na rin nag-aalaga sakin. Iba na rin hatid-sundo sakin. Minsan, isang beses ginising ako ni Apeng ng sobrang aga para di daw ako malate kasi ang hilig ko daw tumawad ng five minutes, ginagawa ko daw kasi siyang changge. Nagtataka ko noong araw na yon bakit ang dilim-dilim pa. May eclipse daw. Animal na yon, sinira ang tulog ko. Hanggang ngayon inaasar nila ako ng "Eclipse". Si Ate Weng naglalaba ng mga damit ko kasi ayaw ni papa na mapagod ako. Naging busy ako sa school hindi rin ako. Hindi na rin ako napapalo ni papa dahil wala na talaga siyang oras. Lalo tuloy akong naging maldita. "Bru" nga tawag sakin lola ko. Kapag hindi nakakapag-grocery si papa kay lola Cela ako nakikikain ng almusal. Sarap kaya ng pamatay niyang daing na galunggong at singang all the way. Sumalangitnawa ang kaluluwa ni lola pero hanggang nagyon wala pa ring nakakaparis sa sinangag niya. Nakakamiss ang mga luto niya. Lalo na yung monggo niya na hindi man lang lumulutang yung beans. Ewan kung may mali sa luto niya dahil pinagtatawanan namin yon kahit hindi ko alam ang dahilan.

Maraming nagtitinda sa kalsada ng kung anu-anong SEEFOOD! Si Tita Analisa nagtinda ng BBQ na saksakan ng mahal, saksak ko sana sa baga niya pero masarap kaya ok lang na mahal. Yung kikiam na may sawsawang thousand island, kabog rin. Tinda nong ale sa tapat ng video shop namin. Yung homemade chocolate lafang noong hindi ko kilalalng ale. Yung isaw na parang nalalasahan ko habang sinusulat ko ito sa tapat ng tindahan ni lola Cela pag gabi. Lahat yan sa Dinalupihan St. ko lang natikman at natutunang kainin kahit nagagalit si papa na kumakain ako don.

Sobrang sarap maging bata. Sana pwedeng bumalik kahit mga ilang oras lang. Yung panahon na lollipop lang at ice cream ok na. Band aid lang pag nasugatan ka, tapos na. Hindi pa uso yung plastikan, backstabban at kung anu-ano pang chismisan. Alog tansan na ang pinaglalabanan ay tansan rin. Minsan paper dolss o kaya stationery. Nakaaway ko pa si Sarah dahil sa Alog-Tansan. Sinabunutan ako palabas ng gate. Pagtapos noon inasar na lang namin siya nila Jing, Venus, Champoy at Chokoy. Mukha ngang iiyak na siya sa pang-aasar namin. Naadik rin ako sa beads na ginagawa kong kwintas, sing-sing at bracelet na binibili naman ng mga uto-utong mga kalaru. Negosyante ko e =) Isa pang kinaadikan ko noong bata pa ko, yung Nintendo Family Computer, dahilan bakit naging close kami nila Jing, Venus, Champ at Chokoy. Isang beses wala si papa. Ay! Lagi nga palang wala si papa. Nagkataong wla yung mama nila Jing kaya nag house party kami. Sa terrace sila dumaan kasi naka lock na yung pintuan nila at tinatamad na silang bumaba. Noong una nanood kami ng bold movie, hindi pa rin alam ni papa yon hanggang ngayon. Gabi noon e. Biglang naging creative ang utak ko kaya niyaya ko silang magtawag kami ng espirito. Sabi ko maghawak-hawaka kami ng kamay, and there you go. Noong panahong yon ng mga nababalitang may mga kung anong laman-lupang gumagala sa lugar namin. Ginamit ko ang pangFAMAS award winning skills ko sa pag-arte at naghimatay-himatayan ako tapos kunyari sinaniban ng masamang espirito. Convincing ang acting ko kaya nagtakbuhan sila pauwi. Mabilis pa sa alas kwatro. Galing ko! Natakot silang lahat. Siguro kung mababasa nila to, malamang hanapin nila ko at sapakin nila ko. Ako rin naman natakot sa sarili kong kalokohan e. Malay ko bang may multo pala talaga sa bahay namin.

Hapon non sa pagkakatanda ko, nagseselos ako sa pinsan ko dahil siya inaalagaa ni Catalina. Umakyat ako sa kwarto ni papa para mag unwind dahil mag gusto kong magrelax at gagawa ako ulit ng eksena. Nagwala ako para mapansin, it was a SUCCESS story dahil nagsisigaw ako. Nagsisigaw ako sa sobrang takot. Nakakita kasi ako ng lumulutang na barong sa kama ko at pantalong nakaupo kahit wala namang talagang tao. Creepy!
simula noon nag-iinsenso na si Ate Mags na paboritong pinsan ni nanay na tawag sakin ay batang napulot sa tae ng kalabaw. Umaapoy yuung insenso pero pagdating sa kanto ng hagdanan biglang namatay na parang isnabuyan ng buhangin. Sabi ni Ate Mags malakas daw yung espirito sa bahay namin, eventhoug hindi siya harmful. Juskuday!

Unang b-day ko sa Creepy House namin. 10th b-day ko yon. Umaga pa lang nagluluto na, hapon na nagluluto pa rin. Hindi na naubos ang lulutuin para sa handaan. Magarbo! Dumating si papa na may dalang skeleton paper doll kasi nga mala-halloween ang celebration ng party ko. Hindi lang naman yon ang dala niya, may dala rin siyang skeleton owner type jeep. Automatic kaya pwede kong gamitin. Bangis! B-day gift niya daw sakin yon. Ayos! Ako na naman ang bida sa Dinalupihan St. Picture picture. Dumating ang lola ko nanay ni nanay. Pak! May dalang cake. Ewan ko ba kung bakit hindi ako natuwa sa pasalubong niya. Naalala ko lang sobrang itim ko noong araw na yon pero naka pink floral top ako at black na jumper tapos yung sapatos ko pink and green ang sintas. Fashionista? Dahil hindi mayayaman ang mga kaibigan ko, walang nagregalo, pero siyempre ok lang yon. Ang saya kaya ng araw na yon. Hindi nga lang nakapunta yung crush ko noong 10th b-day ko kasi alam ni papa na nililigawan ako ni Tope =) Cute ng name niya no? cute din naman siya e, madungis lang. yugn isa namang nanaliligaw sakin gwapo, malinis at may kaya sa buhay. Ang problema naman akala ko lang pala na lalaki siya. Nica pala pangalan niya. Kung titignan mo siya without inspecting her body features seriously, hindi mo iisiping pareho kaming babae. Lalaki manamit, kumilos at pati ang boses para talagang lalaki.

Si Sugar, pinsan ni Nica na siguradong lalaki. hindi ko maintindihan bakit sa gwapo niyang yon e sugar ang name niya. Si Kuuya Jojo naman ay barkada ni Sugar na halos kapareho niya lang pero hindi sing-yaman. Naging tulay ni Sugar si kuya Jojo kay Ate Weng pero ang ending si Kuya Jojo naging jowa ni Ate Weng. Oh Gosh! nakekealam na ko sa lovelife ng ibang tao. Istroya ko to diba? Anyway, naging seryoso naman si Kuya Jojo sa pagkajowa niya kay Ate dahil sa bahay sila nagkekembelar. Yung tipikal na ginagawa ng magjowa. Chika sa gabi tapos pag di na keri ang kagat ng lamokeli rampa na.
Siya nga pala may isa pang pogi sa kalsada namin, hindi ko alam pangalan. Nakalimutan ko na pero yung utol noon na chicks ex-jowa ni Sugar, si Dakila. Ganda noon sobra. Bumibili ako ng tinapay kapag hapon sa bakery nila para makita ko yung magkapatid na sinabuyan ng magagandang mukha.
Bigla na lang silang naghiwalay ni Kuya Jojo. Hindi ko na inusisa ang love story nila dahil wala pakelam doon. Sayang nga lang bagay pa naman sila kasi parehas silang kutis porselana.

Si Parissa, isang batang dalagang nag-aaral sa Chinese School na laging naka-sleeveless. Medyo jologs pa ko manamit noon kaya kahit ayoko mang aminin ay naging idol ko siya at halos gayahin ko siya manamit. Siya at ang nanay niya ang nagsbaing nagdadalaga na daw ako kaya dapat mag iba na daw ako ng Fashion Style.

Sinabi ko kay papa na gusto ko ng magbihis dalaga. Slight insikyora si papa kaya hindi niya sinunod ang hiling ng mahal na prinsesa. Puro malalaking t-shirts ang binili niya sakin at baby sando. Nak ng! Nainis ako noong mga panahon na yon dahil sa unang pagkakataon tinanggihan niya hiling ko. Kaya pumunta ko kay lola Maldita para magpabili ng kung anik-anik. Gurly clothes na! sleeveless, mini skirts at jolina accesories. Idol ko kasi siya non pero ngayon hindi na.









Time out muna!
 
Last edited:
haha!! sakit sa mata miss. . ibahin mu sana kulay. .

oopss. . dont offend ha. .gusto ko sana basahin ng buo e. .kaso sakit sa mata
gawin mong natural lang . .
 
Last edited:
well kung totoo itong story na ito ang masasabi ko interesting yung part na may multo sa bahay ninyo..... kung may balita nga sa inyo noon na may gumagalang spirit eh dapat hindi ninyo siya tinawag kasi mahirap ng paalisin iyan unless may knowledge ka sa ghost hunting or paranormal
 
Lagi kong kasama noon si Parissa dahil nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay. Slight makire rin ang bruha tapos kakilala pa ni papa ang pamilya niya kaya ok lang na magka-join kami palagi. Kami ang reyna ng sleeveless, kaya kapag nasa labahan ng mga spag strap tops ko ay ako na ang naglalaba para may maisuot ulit ako. May araw kasi paglalaba. Baka lalong mangyayari si Ate Weng pag every three days laba. Four lang sleevelss ko nugn mga panahon na yon.

Dahilsa pagsusuot ko ng sleeveless napasama ko kila Buning AKA Panghe. Mahilig rin kasi sila sa micro minis. Dumami ng dumami ang mga kaibigan ko. Nadagdag sila Tin2x Tandok AKA Sandok, Chris, ang batang mahilig sumayaw sa mga amateur contest, Bochok na shota ni Chris, Negro na kapatid ni Bochok and many more. Unti-unting nawala sa chubahan si Parissa dahil hindi siya masyadong lumalayo sa nanay niya. Naging barkada ko na rin JR bakla na pinsan ni Parissa. Bumuo kami ng dance group.

Wow! Everyday kami ngpapraktis para makasali sa mga contest hindi nama talaga sumasali. Sa b-day party na lang kami sumali, para maiba lang. Naalala ko pa kulay yellow yung tank top ko non tapos kulay green yung palda ko. Sabe tuloy sakin ng kapitbahay namin muka raw akong saging. Ang itim ko naman daw. Siguro talented lagn talaga siya paglait ng mas nakakabata sa kanya. Legal naman siyang gawin yon dahil maganda nama siya. Pero kung kamuka niya yung isa sa mga dating patay na kukok ko sa paa, malamang hanggang ngayon riot pa rin kami. Care ko ba sa mga feedback niya? Baby pa ko noon kaya isnag malaking dedma lang sakin ang mga ganoong eksena.

Tapos na ang sayawan pero mega practice pa rin kami. Wala lang. Kapag sawa na kami kakasayaw at wala namang pinatutunguhan naglalaro na lang kami ng taguan-pung. Lahat ginagawa ko wag lang akong maging taya. Isang beses nagtago kami sa silong ng bahay nila Buning Panghe. Sobrang tagal yata namin don at hindi kami nakita dahil magagaling talaga kaming magtago. Naihi pa nga ako sa salawal dahil sa excitement. Sa inip ko lumabas na lang kami kasi malamok na. Paglabas namin nanlaki ang mga mata ko dahil tanggap kong mission failed kami ni kaibigang Panghe. Nakatambay na mga kalaro namin at nagkukwentuhan may Pop Cola pa nga saka chichirya sa lamesa. Sayang effort ko!

Break dance naman trip nila Bochok. Naglagay sila ng sirang kama sa ginigibang apartment. Pasirko-sirko kami ng mga kaibigan ko. Gusto kong magyabang noon, kaya sa kalsada kami ng breakdancing. Nag Dolphin dive ako. Hindi ko alam papano ko didiscribe yung move na yon. Pasensiya. Nung tinry ko yun, sumadsad yung baba ko sa kalsada. It hurts! alam nilang nasaktan ako pero bakit ako aamin? E di nasira ang moment ko?
Nag-Indian sit na lang ako. Halata pa rin. Tinawanan na lang nila ako. Para makalimutang napahiya ako kumain na lang ako ng mais con yelo de ice candy. Mura lang e.

Sumali din ako sa choir sa chapel. Lagi naman akong late dahil sa kaartihan ko. Hindi nagtagal, sinibak nila ko. Anyway yung mga linggo na nasa tabi ng choir masters. Siyempre mega sing ako at the top of my lungs. Kasi naman sabi ng teacher ko sa Values "He who sings well prays twice". Pinipilit kong gumanda boses ko kahit sintunado ako. Yung mga sumunod na linggo di ko na sila katabi dahil sinibak na nila ko sa choir. Fine! Tapos few days later sabi ni Buning Panghe sakin, ayaw daw rin sakin ng mga choir masters kasi feelingera raw akong maganda boses ko. OK!

Napasama naman ako barkadahan nila Tita Josie, Anang, Kuya JB at Ate Maricar. Nabubuo lang kami kapag gabi kasi busy sa mga gawain g bahay si Ate Maricar. Si Anang naman nag-aalaga ng utol niya. Kami naman ni Tita Josie tambay lang sa bubong ng bahay nila habang wala pa ang mga barkada habang lumalafang ng Deep Sea, favorite niya daw yon. Kaya pinurga niya kaming lahat sa chichirya na yon. Juskusday! Sa gabi naman pag kumpleto na Pop Cola saka Cubee trip namin kasi yun lang kayang bilin ng pera namin.

Niligawan ni Kuya JB si Tita Josie pero busted siya. BWAHAHAHA ayaw ni Tita Josie kasi friendship daw sila. Segway? Pero go ahead lang ang drama ni Kuya JB sa mga drama ni Tita Josie. Hanggang sa nadagdagan kami ng mga bagong recruit ng mga batang mag-aadik rin sa popcola at cubee. Si Buboy AKA Buboy Asim kasi maasim siya kahit bagong ligo saka si Boyong na magaling sa mga gawaing talyer dahil kanang kamay siya ng Fudra niya. Si Buboy Asim na laging kinakain ang buhok ni Tita Josie dahil matamis daw. Narealize kaya ni Tita na mabaho ang laway ni Buboy Asim? Nga pala si Buboy Asim nahiwalay sa barkada. Ilang buwan makalipas nabalitaan na lang namin na namatay na siya dahil napasama sa mga gangster sa kabilang kalsada. Sayang lang nalagasan kami ng isang barkada.

Sa pag akyat sa langit ni BuBoy asim pumalit si kuya Ayie ang gitarista sa chapel namin. Tinuruan niya kaming kumanta ng tama. May natutunan naman kami. Lagi niyang pinapakanta sakin yung "On the Wings of Love" Regine version.
 
Last edited:
haha!! sakit sa mata miss. . ibahin mu sana kulay. .

oopss. . dont offend ha. .gusto ko sana basahin ng buo e. .kaso sakit sa mata
gawin mong natural lang . . pero ito sayo :clap:

pasensiya na po O_X
favorite color ^^V
control + A ka na lang kuya hihii
salamat sa pagbasa =)


well kung totoo itong story na ito ang masasabi ko interesting yung part na may multo sa bahay ninyo..... kung may balita nga sa inyo noon na may gumagalang spirit eh dapat hindi ninyo siya tinawag kasi mahirap ng paalisin iyan unless may knowledge ka sa ghost hunting or paranormal


actually hindi naman spirit yung nagala..
yan yung time na may manananggal daw sa manila :rofl::upset:
inuto ko lang mga kaibigan ko XD
 
Nauso ang icecream. Naka sidecar with background music pa ang mga vendor. dahil hindi ko naman nauubos ang baon ko, lagi akong may pambiling Jelly Icecream. Favorite ko yun e, madami kasing naiinggit kasi matagal maubos. Naiinggit naman sila sakin.

Masarap maging bata. Nagtatatakbo-takbo ako sa kalsada maghapon dahil yun naman talaga trip ng mga bata noon. Ewan ko lang ngayon kasi nakabase na ang buhay nila sa mga computer. Uuwi lang ako kapag madungis na ko. Care ko kung maladugyot na ang damit ko? Hindi naman ako naglalaba. Hindi ko rin suot ang mga pamatay sleeveless ko.

Nagkaroon ako ng crush sa isa sa mga Cornetto Boys, gwapo naman siya at malinis. Kaya lang nagdalawang-isip ako kasi bata pa ko at matapobre ang mga mata ko maliliit na tao. Yan kasi ang tinuro ng nanay ng nanay ko. Salbahe!
Dahil jowa ng tita ko ang distributor ng icecream kembot ng mga Cornetto boys, lagi akong rumarampa don para kunyare ay bisitahin si tita pero gusto ko lang siyang makita.
Natigil lang ang ilusyon ko ng isang araw ay nakijoin ako sa kanila na hindi ko man lang alam na may malaking butas ang pundya ng shorts ko. Simula noon, hindi na ko bumili sa kahit na sinong vendor ng ice cream na nakasakay sa sidecar at may background music. LOL

Nagsimula nang maging mainitin ang ulo ni papa. Humina ang mga negosyo. Ang video shop malapit ng magsara dahil pinipirata ng mga umaarkila ang mga tapes niya. Naglalabasan na rin ang mga VCD. Hindi na rin siya nakakapag-grocery. Sa tindahan na lang rin binibili ni Ate Weng ang almusal ko. Nakakapanibago. Gumigising ako ng maaga. Kinukuha ko ang kita ng Video shop para mamalengke mag-isa. Nag-iimbento rin ako ng sarili kong putahe. Ok naman sa panlasa ni papa, lalo na yung sarili kong version ng Chicken Binacol saka Tinola. Dalawang luto pa lang kasi ang alam ko dahil yun pa lang ang nakikita ko sa mga palabas sa mga cooking show.

Onti-onting tumamlay ang negosyo. Malapit ng malugi. Parang pagkatapos ng pagbuhos ng ulan ng swerte, sunud-sunod namang kamalasan ang dumarating. Hindi sinabi ni papa na nag-invest siya sa 5/6 chuba. Na-stafa tuloy siya ng kapit-bahay namin na si Aling Jenet. Parang pinlano ang lahat. Dahil nawala sa photo album namin ang lahat ng pictures niya noong nakaraang b-day ko. Magaling ang bruha! Hindi tuloy kami maka-echos ng pwedeng ipublish sa dyaryo.

Sumunod ay nagsara ang dalawang video shop namin. Nalugi rin yung auto supply kasi ninanakaw ng mga katiwala yung mga piyesa at binebenta sa mas murang halaga. Nawalan ng tiwala si nanay kay papa. Kaya siguro nagkakapera si papa ay dahil na lang sa mga natitirang mnagbabayad na dating may utang sa kanya.

Kung dati ay nagluluto ako ng ulam para samin. Ngayon bumibili na lang ako sa tindahan. Pinurga ko si papa sa Calderetang baka dahil yun lang ang alam kong kainin dahil ayokong kumain ng gulay at isda bukod sa galunggong. Nagrereklamo na si papa pero wala naman siyang magawa.

Pinilit ni papa na bumangon ngunit sadyang malupit ang mga pagkakataon. Bumalik kami ni papa sa Obrero para magsimula muli. Kung dati'y aalog-alog kami sa sobrang laking bahay, ngayon nagtitiis kami sa sobrang liit na bahay. Nasa third floor ang bagong naming tahanan. CR na mas madalas walang tulo kesa meron, kusina na lalabas ka pa para lang sa kusina, salang masikip at kwartong halos kama lang ang kasya.

Pinagbili ni papa ang ibang gamit namin kasama ang paborito kong kama dahil hindi ito kasya sa bagong bahay namin. Naramdaman kong nahihirapan si papa sa mga nangyayari pero halik at yakap lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Hindi ko man lang sinubukang tulungan siya. Iniwan ko sa ere si papa dahil natakot akong magutom kasama niya. Umuwi ak osa bahay ng nanay ni nanay.

Yung lalaking dating sikat at nilalanggam ngayon ay nilalangaw na lang. Pati anak niya iniwan na rin siya. Kaya papa kung nasan ka man. Batid kong naramdaman mo ang pagsisisi ko sa mga nagawa ko sayo. Ngayon ko lang naisap ang mga nagawa kong pambabalewala sa lahat ng sakripisyo mo para sa akin kahit hindi mo ako tunay na anak. With all my heart pap, Sorry ='(
 
Last edited:
tapos na yun?hehe nakakapagod basahin pero masaya mga kalokohan mo noong bata ka. kwela hehe
 
tapos na yun?hehe nakakapagod basahin pero masaya mga kalokohan mo noong bata ka. kwela hehe

three parts lang po =)
wala lang akong magawa dito sa opisina..
salamat po sa pagbasa ♥
 
Eh anu naman connection nung story mo sa TITTLE m TS???
Kala ko pa naman anu na...dapat tittle nun eh..."masarap maging bata"..hindi virgin,,,
 
bwahaha!!! mali lang ang title,.TS dapat title nito "BAKIT KAMI NALUGI"
 
Respeto na lang po sa Thread Starter. "Noong Virgin Pa Ako" doesn't always mean na may confession po siya regarding sa sexual experiences niya. It could also mean na "Noong Bata Pa Ako" pero nilagyan nya lang po ng konting creativity to attract audience. Let's not be too narrow minded blinded by lust dahil lang po sa title. Or baka naman po kayo ang nasa maling thread??

Anyway, good post Ms. Thread Starter. At least natutunan po natin na nasa huli ang pagsisisi. Marerealize na lang natin kung gaano kaimportante ang isang bagay kapag ito'y wala na.

Bago po magcomment ng kung anu-ano, please read this kung ayaw nyo po magkainfraction. http://www.symbianize.com/misc.php?do=cfrules
 
Last edited:
dami barkada..haha,

puntahan mo na tatay mo..:D

mapapatawad ka nun..
 
Siguro sa title kaya binasa ko ito hangang matapos!kalako my story ka talaga tungkul sa VIRGIN pero wala pala,madumi din kasi utak ko hehehe nakakita lang ng virgin binasa na pero its ok ang ganda ng story mo ts,salamat
 
wow totong story mo ba to nice story lesson learn..

Pero ganun talaga life is un fair...

at laging nasa huli ang pag sisisi.

Nice story Maam keep on sharring :clap:
 
Tapos n TS?? Eh anung connection nung tittle m na "nung virgin pa ako"??? Eh wala naman...dapat tittle nito eh iba...naexcite p naman ako mgbasa tapos ganun lng pala..kala ko pa naman anu na..
 
Sa lahat po ng bumasa..
MARAMING SALAMAT PO ♥

regarding sa title.. pag bata kasi para sakin it mostly means na karamihan satin ay 'Virgin Pa' =) AMININ!

wala kong maisip na title kaya yoon po ang inilagay ko..

'Noong bata pa ako' <- Boring right?

Naglaro lang po kasi sa utak ko kaya yon ang naging title =)

Tignan niyo naman po..
Lahat kayo pinagaksayahan ng panahon na basahin ang kwento ng kabataan ko =)

Kung sa tingin niyo na dapat ilagay ko to sa ladies' confession..
I assume that you haven't my post..

Enjoy Reading♥
 
Last edited:
Respeto na lang po sa Thread Starter. "Noong Virgin Pa Ako" doesn't always mean na may confession po siya regarding sa sexual experiences niya. It could also mean na "Noong Bata Pa Ako" pero nilagyan nya lang po ng konting creativity to attract audience. Let's not be too narrow minded blinded by lust dahil lang po sa title. Or baka naman po kayo ang nasa maling thread??

Anyway, good post Ms. Thread Starter. At least natutunan po natin na nasa huli ang pagsisisi. Marerealize na lang natin kung gaano kaimportante ang isang bagay kapag ito'y wala na.

Bago po magcomment ng kung anu-ano, please read this kung ayaw nyo po magkainfraction. http://www.symbianize.com/misc.php?do=cfrules

Salamt sa pagbasa..
sa post mo na to..
mukang hindi ko na kaylangan mag-explain♥
Cholomat:clap:
 
Back
Top Bottom