- Messages
- 120
- Reaction score
- 13
- Points
- 38
Ito mga kapatid napag isipan ko, kelangang kelangan na talaga ng bansa natin na magkaroon ng Nuclear Power Plant. Hindi dahil gusto natin makipag digma sa China kung hindi gusto natin na bumaba ang binabayaran nating bill sa kuryente. Sa tingin ko kasi, hindi yong 60/40 provision ng Saligang Batas natin ang may problema kasi marami naman yang mga exemptions. Sa bagong batas na pinirmahan ni PRRD, mas pinalawig pa nito ang exemptions. Sa tingin ko mga kapatid kaya hindi gaanong marami ang Direct Foreign Investments ay ito nga mahal ang source ng enerhiya natin. Lahat kasi ng negosyo nangangailangan ng enerhiya. Pag may Nuclear Power Plant na tayo mas magaganahan ngayon ang mga investors na mag invest o mag tayo ng negosyo sa atin sa laki ng savings na makukuha nila and at the same time yong production cost ay may magiging resonable. Syempre, pag mura at may kalidad ang produkto mas marami ang bibili at pede pang export.
Parte sana ng proyekto ni PRRD ay buhayin uli yong National Steel sa Iligan City kaya lang di na niya nagawa kasi kelangan ng sapat at murang enerhiya. Kaya ayon na unsyame.
Si Bise Inday naman ay payag na mag patayo ng localized Nuclear Power Plant. Ibig sabihin posibleng may tatlo tayong Planta ng Nuclear, Luzon, Visayas at Mindanao. Maganda ang ganitong set-up kasi pag nag shutdown yong isa for maintenance ay merong kang dalawa na nagsu supply pa rin. Sana yong kunin natin na kumpanya ay katulad ng Terrapower na naintroduced sa South Korea dahil "zero waste" ito.
Ano sa tingin nyo mga kapatid?