Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Pag ba namatay ang isang tao? Ano ba naiisip nya?

TS try mo po kaya itanong sa section ng:
"Tradition & Beliefs"
Sure may mga sasagot dyan with link pa.

Di kase akoh naniniwala sa ghost, ghoul, spirit and other noneexistent being, etc.
Alam ko pag namatay ang tao yong mga Memories nya ang maiiwan sa mga kakilala nya.
At yong body nya dedecompose at magiging part sya sa ating environment.

Btw: 16yr old kapa lang so "Get a Life" nalang.
Live and let die.

:lol: hehe nahihiya pa ipaliwanag scientifically ni aling wikipedia at science today :lol:

:) assignment ata ni ts yun sa school :lol: tama dun ang tanungan sa trad & beliefs!

:yes: yung mind natin nakakapag isip lang yan pag active ang mental activity or buhay syempre.
kaya pag patay na XD natural hindi na mag function ang brain natin :lol: anu ba yan plants vs zombie XD.

saka aral marami muna bagu laro ng dota XD hehe
 
hahahaha. iniisip ko if ever na ganun nga. ndi na maka isip? panno na kaya tayo? anu na kaya mangyayari satin? nakikita pa ba natin ang mga tao sa paligid,kapaligiran at buhay na meron tayo?
 
huh? habang namamatay o kapag patay na? Imposible namang makapag-isip pa pag patay na...:giggle:, eternal oblivion na yun...mabubulok, mawawala...as in wala na.:lol:
 
pag po namatay kayo wag kayo mag alala,,kontakin nyo lng ako,,meron nmang reanimation jutsu...;D
 
walang nakakaalam sa sagot diyan.. walang nakakaalam dahil walang patay na bumabalik sa lupa para magkwento kung ano buhay niya after death..

I'll just leave a quote for your troubled heart and mind:

"You learn how to live your life when you know how would you like to die" -from Tuesdays with Morrie

Everyday treat it as your last day on earth, so as you know how would you like to spend each day of your life :)
 
Tutal nasa love and frienship tayo why don't you try na magmahal at magkalat ng tyanak mo???

Magpatuli ka muna bago mo isipin yang mga patay patay factor na yan hahahahahahahah
 
busy pa po ako, :slow: sasagutin ko na lang po ng kompletong detalye yang katanungan pag di na ako busy :slow:
 
pa OT ,..Pag ba namatay ang isang tao? Ano ba naiisip nya?

pag po ba namatay ang isang tao? ano ang mga naiiisip ng tao na un? tsaka tanong ko rin sa sarili ko if ever na namatay ako, ano kaya ang mga gagawin ko? talaga bang lahat ng tao napupunta sa langit? anu kaya ginagawa nila dun? nagsisilbi po ba kay papa jesus? sory po sa tanong ko haha. 16yr old palang kasi ako, dami ko katanungan sa sarili ko haha.

thanks

Sana masagot ang tanong mo dito :) Hindi totoo na kapag namatay mapupunta agad sa langit, at tsaka hindi naman lahat ng tao ay mapupunta sa langit o sa Bayang Banal.
Awit 146:4
4Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.

Eclesiastes 9:5-6
5Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan. 6Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.

Job 14:12
12Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: Hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, Ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.

Job 7:9-10
9Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, Gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa. 10Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, Ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.

Ang binabanggit sa itaas ay ang pagkamatay na pagkalagot ng hininga.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Itong nasa ibaba ay ang Ikawalang kamatayan naman.

Mateo 16:18 MB
18At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan.

Pahayag ng Panginoong Jesucristo yan, may binabanggit Siya na hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Sino? Ang Iglesia na itinayo niya. Unawain po sana ninyo.

May 2 kapalaran ang muling mabubuhay, Ano ba ang kapalaran ng mga muling mabubuhay?

Juan 5:28-29
28Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, 29At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.

OPO. Mayroong muling pagkabuhay, mayroong dalawang kapalaran ang ang mabubuhay, hinighlight ko na lang, mabubuhay para sa buhay at para hatulan, syempre ang mabubuhay na maguli para sa buhay ay ang mga na kay Cristo o sa mga nasa binabanggit Niyang "aking IGLESIA", saan ka kaya nakahanay para sa buhay o para sa paghatol?

Ano kapalaran ng mga namatay kay Cristo?

1 Tesalonica 4:16
16Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;

Unang mabubuhay, malalaman natin mamaya kung gaano kahalaga ang makasama sa unang mangabubuhay na maguli.

Ano ang mangyayari sa daratnang buhay ng araw ng paghuhukom?

1 Tesalonica 4:17
17Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.

Kaya hindi na mamamatay ang daratnang buhay na nakay Cristo sa araw ng paghuhukom.

Gaano kapalad ang makasama sa unang mangabubuhay?

Apocalipsis 20:6,14
6Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
14At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.

Ang sabi walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan, alin ba ang ikalawang kamatayan? Kamatayan sa dagatdagatang apoy.

Bakit may unang pagkabuhay ibig sabihin may ikalawa?

Apocalipsis 20:5, 7-10
5Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli.
7At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan, 8At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat. 9At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y nasupok. 10At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.

Ang iba sa mga patay ay bubuhayin (isang libong taon mula sa unang pagkabuhay)
Mapalad ba sila, hindi po, bagkus ay sawing palad. Bakit? Ibubulid sila sa dagatdagatang apoy, at ayon pa sa talata pahihirapan araw at gabi, magpakailanman, kaya gustuhin man nila ng mamatay ay hindi na mangyayari. PAHIHIRAPAN SILA MAGPAKILANMAN.

Baka naman sabihin ng iba, totoo ba ang araw ng paghuhukom? Paano natin matitiyak?
Hebreo 9:27
27At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;
Lucas 1:37
37Sapagka't walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan.

Gaya nga ng nabanggit ko kanina ang mga na kay Cristo ay hindi na kasama sa Ikalawang Kamatayan.
Roma 8:1
1Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.

Sino ba ang na kay Cristo?

Mateo 16:18
18At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

Ang na kay Cristo ay ang kaanib sa Iglesia na itinayo Niya.

Alin ang Iglesia na itinayo ni Cristo?

Roma 16:16
16Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.

Hindi ba't makatuwiran lang na Iglesia ni Cristo ang itawag dahil ang nagtayo ay si Cristo?

PAG-ISIPAN NIYO PO SANANG MABUTI ITO, NAPAKAHALAGA NA MAGING KAANIB SA IGLESIANG ITINAYO NI CRISTO. NASA INYO NA PO ANG PAGPAPASIYA KUNG KAYO AY AANIB SA IGLESIA NI CRISTO, PERO MAS MAGANDA KUNG KAYO AY AANIB.
 
ISANG MAIKLING KASAYSAYAN NG IMPIYERNO

NAGMULA SA PAGANONG PANINIWALA: Naniniwala sa maapoy na impiyerno ang sinaunang mga Ehipsiyo. Binabanggit ng The Book of Am-Ṭuat, na isinulat noong 1375 B.C.E., ang tungkol sa mga tao na “ibubulid sa mga hukay ng apoy; at . . . hindi makatatakas mula rito, at . . . hindi makatatakas mula sa apoy.” Hinggil naman sa daigdig sa kalaliman, ganito naman ang isinulat ng pilosopong Griego na si Plutarch (ipinanganak: 46 C.E.; namatay: 120 C.E.): “Humagulhol [sila] nang malakas habang dumaranas sila ng nakapanghihilakbot na pahirap at kahiya-hiya at napakatinding parusa.”

NAIMPLUWENSIYAHAN ANG MGA SEKTA NG JUDAISMO: Iniulat ng istoryador na si Josephus (ipinanganak: 37 C.E.; namatay: 100 C.E.) na naniniwala ang mga Essene, isang sektang Judio, na “ang mga kaluluwa ay imortal, at nananatiling buhay magpakailanman.” Idinagdag pa niya: “Gaya ito ng opinyon ng mga Griego . . . Itinataan nila para sa masasamang kaluluwa ang isang madilim at nakatatakot na yungib ng walang-tigil na pagpaparusa.”

NAKAPASOK SA “KRISTIYANISMO”: Noong ikalawang siglo C.E., ganito ang sinabi ng apokripal na aklat na Apocalypse of Peter tungkol sa masasama: “Nakataan para sa kanila ang apoy na hindi namamatay.” Sinabi pa nito: “Dinadala ni Ezrael, ang anghel ng poot, ang mga lalaki at babae habang nasusunog ang kalahati ng kanilang katawan at inihahagis sila sa dako ng kadiliman, ang impiyerno ng tao; at isang espiritu ng poot ang nagpaparusa sa kanila.” Noong panahon ding iyon, sinipi ng manunulat ng Antioquia na si Teofilo ang propetisang Griego na si Sibyl na humula tungkol sa pagpaparusa sa masasama: “Darating sa iyo ang nagliliyab na apoy, at araw-araw kang masusunog sa mga ningas nito.” Kabilang ito sa mga pananalitang sinasabi ni Teofilo na “totoo, at makatuwiran, at kapaki-pakinabang sa lahat ng tao.”

MAAPOY NA IMPIYERNO—IKINATUWIRAN SA KARAHASAN NOONG EDAD MEDYA: Ganito diumano ang sinabi ni Mary I, reyna ng Inglatera (1553-1558), na nag-utos na sunugin sa tulos ang halos 300 Protestante: “Yamang masusunog naman magpakailanman sa impiyerno ang kaluluwa ng mga erehe pagkamatay nila, angkop lamang na tularan ko ang paghihiganti ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunog sa kanila dito pa lamang sa lupa.”

BAGONG KAHULUGAN: Nitong nakaraang mga taon, binago ng ilang relihiyon ang kanilang turo hinggil sa impiyerno. Halimbawa, ganito ang sinabi ng Doctrine Commission of the Church of England noong 1995: “Ang impiyerno ay hindi tumutukoy sa walang-hanggang pagpapahirap, kundi sa di-magbabagong pagpapasiya ng isa na gumawa ng anumang bagay na lubusang salungat sa Diyos anupat ang tanging kahahantungan nito ay ang di-pag-iral.”

ANO ANG “LAWA NG APOY”?

Sinasabi sa Apocalipsis 20:10 na ang Diyablo ay ihahagis sa “lawa ng apoy” at “pahihirapan araw at gabi magpakailan-kailanman.” (King James Version) Kung ang Diyablo ay pahihirapan nang walang hanggan, pananatilihin siyang buháy ng Diyos, pero sinasabi ng Bibliya na ‘lilipulin’ siya ni Jesus. (Hebreo 2:14, Ang Biblia)

Kung ipadaranas kay Satanas ang napakatinding pahirap doon magpakailan-kailanman, kailangan siyang panatilihing buháy ni Jehova. Subalit ang buhay ay isang kaloob, hindi parusa. Kamatayan ang parusa sa kasalanan, at ayon sa Bibliya, walang nadaramang kirot ang mga patay. (Roma 6:23; Eclesiastes 9:5, 10) Mababasa natin sa dakong huli na ibubulid din sa lawa ng apoy at asupre na ito ang kamatayan mismo, kasama na ang Hades. Tiyak na hindi makadarama ng kirot ang kamatayan at ang Hades! - Apocalipsis 20:14.

Karagdagan pa, ang pagbanggit sa apoy at asupre ay nagpapaalaala sa sinapit ng sinaunang Sodoma at Gomorra, na pinuksa ng Diyos dahil sa kanilang talamak na kabalakyutan. Nang sumapit na ang panahon upang parusahan sila, “nagpaulan si Jehova ng asupre at apoy mula kay Jehova, mula sa langit, sa Sodoma at sa Gomorra.” (Genesis 19:24) Ang nangyari sa dalawang lunsod na ito ay tinatawag na “parusang hatol na walang-hanggang apoy.” (Judas 7) Gayunman, hindi dumanas ng walang-hanggang pagpapahirap ang dalawang lunsod na ito. Sa halip, ang mga ito ay napawi, nalipol magpakailanman, kasama ng ubod-samang mga mamamayan nito. Ang mga lunsod na iyon ay hindi na umiiral ngayon, at walang sinuman ang makatitiyak sa lokasyon ng mga ito.

Ang makasagisag na maapoy na lawa ay kumakatawan sa “ikalawang kamatayan.” (Apocalipsis 21:8) Hindi ito ang kamatayan na unang binanggit sa Bibliya—ang kamatayan dahil sa kasalanan ni Adan—ang kamatayan kung saan mapalalaya ang isa sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. (1 Corinto 15:21, 22) Dahil walang sinasabi ang Bibliya na palalayain ang mga patay na nasa “lawa ng apoy,” ang “ikalawang kamatayan” ay tiyak na nangangahulugan ng isang uri ng kamatayan na wala nang pagkabuhay-muli.

The Greek noun ba·sa·ni·stes′ (Came from greek word ba·sa·ni′zo meaning "examine or question by applying torture") occurring at Matthew 18:34 is rendered “jailers” in some translations (AT, Fn, NW) and “tormentors” or “torturers” in others. (AS, KJ, JB) Torture was sometimes used in prisons to obtain information (compare Ac 22:24, 29, which shows that this was done, although ba·sa·ni′zo is not used here), so ba·sa·ni·stes′ came to be applied to jailers. Regarding its use at Matthew 18:34, The International Standard Bible Encyclopaedia observed: “Probably the imprisonment itself was regarded as ‘torment’ (as it doubtless was), and the ‘tormentors’ need mean nothing more than jailers.” (Edited by J. Orr, 1960, Vol. V, p. 2999) Thus, the mentioning in Revelation 20:10 of ones who will be “tormented day and night forever and ever” evidently indicates that they will be in a condition of restraint. That a condition of restraint can be spoken of as “torment” is indicated by the parallel accounts at Matthew 8:29 and Luke 8:31.
 
Last edited:
pa OT ,..Pag ba namatay ang isang tao? Ano ba naiisip nya?

pag po ba namatay ang isang tao? ano ang mga naiiisip ng tao na un? tsaka tanong ko rin sa sarili ko if ever na namatay ako, ano kaya ang mga gagawin ko? talaga bang lahat ng tao napupunta sa langit? anu kaya ginagawa nila dun? nagsisilbi po ba kay papa jesus? sory po sa tanong ko haha. 16yr old palang kasi ako, dami ko katanungan sa sarili ko haha.

thanks

kamatayan: pagtigil ng puso,,pagtigil ng hininga at pagtigil ng aktibidad ng utak.
wala ka nang maiisip at wala kanang magagawa​
kaya mahalin at pakahalagahan mo ang buhay mo
pagkamatay natin ay wala na,
magiging pandugtong nalang tayo ng buhay ng mga halaman,hayop o tao​
walang langit,walang impiyerno at walang pagkabuhay na mag-uli​
kung totoo man ang sinasabi ng biblia ukol pagkabuhay na mag-uli,wala ring pakinabang
sabi ng biblia pagkabuhay na mag-uli natin wala na tayong maala-ala sa lumipas​
at ang katawan ng mga ililigtas ay papalitan ng ibang katawan(1corinto 15:50-51)
 
walang nakakaalam sa sagot diyan.. walang nakakaalam dahil walang patay na bumabalik sa lupa para magkwento kung ano buhay niya after death..

I'll just leave a quote for your troubled heart and mind:

"You learn how to live your life when you know how would you like to die" -from Tuesdays with Morrie

Everyday treat it as your last day on earth, so as you know how would you like to spend each day of your life :)

nice reply sa sinabi mo ''dahil walang patay na bumabalik sa lupa para magkwento kung ano buhay niya after death..
aktualy po meyron po''

pero dito ko na lang - http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1099122
 
Wala pang bumalik.. Tama.

Pero meron ng galing sa langit na bumaba sa lupa at ibinahagi kung ano ang magiging kalagayan ng mga namatay na.

Please read Luke 16:19-31.

Thanks.
 
Wala pang bumalik.. Tama.

Pero meron ng galing sa langit na bumaba sa lupa at ibinahagi kung ano ang magiging kalagayan ng mga namatay na.

Please read Luke 16:19-31.

Thanks.

Then you believe in pagan teachings, obviously, it is only a parable. If taken literally, it would mean that those enjoying divine favor could all fit at the bosom of one man, Abraham; that the water on one’s fingertip would not be evaporated by the fire of Hades; that a mere drop of water would bring relief to one suffering there. Does that sound reasonable to you? If it were literal, it would conflict with other parts of the Bible. If the Bible were thus contradictory, would a lover of truth use it as a basis for his faith?

- - - Updated - - -

Wala pang bumalik.. Tama.

Pero meron ng galing sa langit na bumaba sa lupa at ibinahagi kung ano ang magiging kalagayan ng mga namatay na.

Please read Luke 16:19-31.

Thanks.

Jesus never taught that humans have an immortal soul. However, he often did teach about the resurrection of the dead. (Luke 14:13, 14; John 5:25-29; 11:25) Why would Jesus say that the dead would be resurrected if he believed that their souls had not died?

Jesus did not teach that God would maliciously torture the wicked forever. Rather, Jesus said: “God so loved the world that he gave his only Son, so that everyone who believes in him might not perish but might have eternal life.” (John 3:16, NAB) Why would Jesus imply that those who did not believe in him would die (perish) and not tormented eternally?
 
your thread doesn't show any facts tungkol sa mga namatay na bumalik sa pagkabuhay.

meyron po nagbigay na ako ng link kaya lang sa kakamadali ko di ko nakalimutan kong isulat

http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1099122

sinasabi ko po dyan yung tungkol sa NDE Near death experience i type mo nalang sa google kung bago sya sa pandinig mo. medical term yan ng mga taong napatunayang namatay pero ilang saglit lang ay nabuhay muli so may lead po tayo tungkol sa sinasabing

''walang nakakaalam sa sagot diyan.. walang nakakaalam dahil walang patay na bumabalik sa lupa para magkwento kung ano buhay niya after death..''


itong binabangit ko ay walang halong pangrelihiyon sa totoo lang
 
sa tingin ko wala kana naiisip nun, kc kaya kalang nagkakaroon ng isip dahil gumagana pa mga cells mo sa utak, pero once na tumigil yan at mag watak-watak ang mga atoms sa katawan mo palagay ko wala na,,
 
i think meron pa tlgang naiisip un. kaso nga lang mga uncommon sense nlng siguro or whatever.
 
Helo kung need mo pa yung sagot diyan ts ito mako contribute ko read if you have a Bible Eccl. 9:5-6. Sana nasagot ko tanong mo.GB
 
Back
Top Bottom