I'm currently not in a long-running relationship... But I used to be in one. I had an ex na ganyan din, pero meron din akong isang ex na di naman ganyan sakin, at isang female friend na hindi naman din ganyan sa bf niya. So I guess it's all in the girl's personality din, tsaka with the way they think, which is mostly nakadepende din kung pano sila napalaki. Ayoko nang i-tackle yung issue ng maturity, kasi para sakin nasa ugali/personality talaga nila yan eh. So ayun lang...
Ask ko lang, gaano kadalas ba kayo magkita within a week, or within a month?
Kasi kaya siguro siya ganyan sayo is because yan na lang yung naiisip niyang way to connect with you...yung makipag-usap lagi thru chats and texts kasi sa ganung way na lang niya nafi-feel yung presence mo.
Ngayon, kung hindi naman ganun yung case dahil madalas naman kayo magkita, then for me ang ibig sabihin nun is baka ganun lang talaga yung love language niya...gusto niya lagi ng quality time with you kahit pa simpleng usapan lang yan thru chats/texts. Kumbaga clingy siya sayo but in a different way. The fact na may direct connection kasi siya sayo thru chatting/texting, yun yung mahalaga sa kanya eh during those times na di ka niya nakikita. Dun niya nafi-feel na may legit connection pa rin kayong dalawa despite na magkalayo kayo. Kaya kung ganyan na minsan di mo na siya narereplyan dahil sa iba't ibang reasons, then kahit gaano pa ka-valid yung mga rason mo, mararamdaman pa rin niya na parang hindi siya importante sayo, kasi hindi mo siya magawang laanan ng kahit konting oras para makipag-usap about kung anu-ano, kaya siya nagtatampo sayo. Kasi hindi nga naman fair para sa kanila. Ang isip kasi ng mga babae, mabilis gumalaw yan eh. Makita lang nila na parang di ka interesado magbigay ng time sa kanila o kaya pag may nahalata lang silang kakaiba sa mga ginagawa mo, tamang hinala na agad yan lalo na kung hindi pa naman kayo mag-asawa. Dun sa isang oras na lumipas bago ka maka-reply sa kanya? Pustahan, kung anu-ano nang naisip niyan about sayo....kung bakit di ka maka-reply agad tulad ng ginagawa niya, kung bakit parang di ka interesado makipag-usap sa kanya, etc. Kaya kahit gano ka-ridiculous, magagawa niyang mag-conclude na baka may iba ka na kahit in reality wala naman. May mga babae talagang ganyan eh, wala na tayong magagawa dyan haha. Kaya para sakin, mas maganda na intindihin mo na lang din siya sa aspect na yan. I mean, lahat naman tayo may mga kanya-kanyang toyo eh, di lang naman mga babae yung may ganyan. Ang importante lang dyan is makahanap ng way para ma-handle yung klase ng toyo na meron yung partner mo. Compromise lang. It helps din kasi para mag-grow din yung relationship niyo kahit papano.
Pero kung may mga time talaga na wala, hindi mo talaga kaya maglaan ng time dahil may mga need ka gawin sa buhay, then wala namang masama na iinform mo si gf. Pero at the same time, sabihan mo din siya kung kelan ka makakabawi sa kanya, tulad kung kelan ka magiging free para pwede ka niya kausapin ulit, yung mga ganun. Yung mga ganyang bagay, sobrang liit na detalye lang nyan pero malaki ang impact sa mga babae. Kasi sa ganyang way, nabibigyan mo sila ng assurance eh. Assurance na kahit busy ka ngayon, at least magkakaroon ka pa rin ng oras sa kanila later on pag wala ka nang ginagawa, which would subtly tell them na kahit papano may interes ka pa rin. Yun din kasi yung isa sa mga importante sa mga babae eh, mga assurances about sa iba't ibang bagay. Kasi gusto nila na laging nakikita or nararamdaman na lagi kang sure sa kanila para maging sure din sila sayo. Gusto nilang nakikita na nandun pa yung interes mo, na may consistency pa rin ever since from the start.