Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Pba is dead???!!!

dhon28

Professional
Advanced Member
Messages
192
Reaction score
0
Points
26
Ano sa tingin nyo mga ka mobi?

low gate attendance, low rating...

lopsided trade...

Only SMC & MVP getting more superstars in one team.


so sad..
 
mas masarap manood ng mpbl kesa jan.

lol. no thanks. barangay level lang mpbl. may mga artista na naglalaro dun na hindi naman kagalingan, pero dahil artsista nakapasok. marami din pba players na matanda na and past their prime na naglalaro sa mpbl.
 
ok nga ang MPBL parang NBA dahil bawat provinces ng Bansa nirerepresent. Hindi gaya ng PBA promotion ng brand name ang dinadala.
Wala naman masama if may artista na makapasok para at least dumami rin manood dahil sa fans.

Salamat pa rin kay Sen. Pacquiao dahil sa MPBL nagkaroon ng awareness ang mga manonood tungkol sa ibat ibang provinces ng Pinas.

Pananaw ko lang naman po.
 
saka libre ticket at maliit ang venue kaya mukhang maraming nanunuod sa mpbl. maliit din sahod ng players sa mpbl.

hindi ko naman sinabi na masama na may artista, ang sabi ko lang, barangay level ang mpbl.
 
Last edited:
15 years na ang ganyang trend sa pba, pero nandyan pa rin naman sila. di pa naman mamatay hanggang favorite ng pinoy ang basketball.
 
Para sakin, maganda yung program ng MPBL unlike sa PBA, why ?

kasi pinipresent nila yung isang city or place like sa NBA, tapos yung Homecrowd iba kasi madami ung sumusupport, kaya yung dayo pressure na pressure,

then, 30+ teams ang currently nakasali sa MPBL which is good sa mga ex-PBA players na walang playing time or bangko lang sila, anytime pwede sila lumipat sa MPBL kahit mababa sahod.

Masakit man aminin mga parekoy, dapat petitionan at palitan na ng Pangalan ang PBA dapat CBA (Companies Basketball Association) kasi mga kpmpanya naman ng nagprepresent eh hindi mga lugar sa PILIPINAS, bakit pa tatawaging Philippines Basketball Association yan, check nyo bang bansa na may Country name ang Liga/association/federation ng basketball, lahat yung nagprepresent ng mga lugar,

CBA Chinese Basketball Association
Turkey Turkish Basketball Super League
India Indian National Basketball Championship
Indonesia Indonesia Basketball League
IRAN Iranian Basketball Super League
Kazakhstan Kazakhstan Basketball Championship

etc.

oo masabi kong yung laroan/liga nila pang BARANGAY, pero hindi mo ba naisip nagsisimula pa lang sila,


Note: dahil sa pagsesearch ko pang 2nd ang PILIPINAS sa pinakadaming LIGA/Palaro ng Basketball sa buong mundo sumunod tayo sa USA..:rofl::lmao::thumbsup::excited::beat:
 
may ganyan na dati, iyung metropolitan basketball association.
 
Dying na pba dahil sa nawalan ng balance ang teams, feels like there is game fixing since many teams are under one management, rivalry is lost compared back in the days wherein there is passion in every game. MPBL is getting the feels of the old PBA days.
 
Nawalan ako ng gana sa PBA mula nang hindi sila committed 100% full support sa national team. Labas sa ilong ang mga pangako nila. Di naman mahugot yung kelangang players. Tas bibigyan lang ng ilang araw lang na preparation yung national team. Kaya tuloy wala ng marunong magshoot pag international level na ang laro. Daig pa tayo ng Chinese national team, sasali sa NBA Summer League. Kaya sa totoo lang wala na akong pakialam kahit mamatay na yang liga na yan.

Ewan ko kung may written rule tungkol sa pagbawal sa pagsali ng mga competing brands ng bawat kumpanya. Parang meron eh. Ex. Di makasali ang Phoenix dati dahil naglalaro ang San Miguel using Petron as its brand.

Isa pa wala namang sense yung championship nila. Kakapanalo pa lang ng isang team, after one week meron na namang laro. Kumbaga walang bragging rights. Bullsh*t yang three-conference setup nila. May off-season pa ba sila? Kaya hindi mag-coincide sa FIBA, Asian Games, Jones Cup etc.

Yari na naman sa Nobyembre. First Window for 2021 FIBA Asia Cup tsaka SEA Games sa atin gaganapin. Sino na naman ang pwedeng mahugot?
 
Last edited:
huli ginanahan ako manuod ng PBA nung panahon pa nila abarrientos, lastimosa etc..after nung maraming phil-am na pumasok at naglaro di na ako nanuod ng PBA dahil wla na kwenta.
 
For me Hindi. Kasi may interest tayo sa basketball.

maganda ang MPBL yung set up nila, pero in long run kaya pa ba ng LGU ang expenses? Time will tell.
Quality of the game PBA, commercial viability PBA parin look mas madami ang Advertisers nila kahit sa in-venue.

MPBL kasi like MBA before nakuha yung gusto natin na NBA like home and away, pero hindi kasi katulad sa US hindi kaya ng mga cities
ang mag support ng malalaking Salaries ng players kaya nga "Amateur" parin ang classification ng MPBL, dahil sa salary/allowance ng players.

Sa venue naman, malalaki kasi yung mga venue ng PBA sana nga gawin nila ulit yung idea ni ex-com Noli eala, yung school tour ng PBA games pag weekdays... Maganda sya kasi talagang malalapit sa tao kasi quality ng games maganda. magagaling ang mga players. Mahal kasi ang ticket ng PBA. Imagine, 400 php para maganda ang pwesto mo. Sana magawan ng paraan ng PBA yun. kasi pag out of town diba halos puno balita ko marami rin kasing pinapamigay ng free tickets.

Saka mataas rating ng PBA sa social media. Kaya for me hindi sya dying kasi mahilig tayo sa basketball. MPBL is not a threat but a supplementary sa PBA.

Siguro, pangarap din ng mga players sa MPBL na makarating sa PBA sometime.
 
Pareho tayo ng palagay sa PBA, niresearch ko na rin yang List ng Professional Basketball League sa buong mundo at Pilipinas lang ang walang "Home and Away" format na liga masyadong commercialized ang PBA. Six years akong nagtrabaho sa PBA under VIntage Sports at naalala ko pa naguusap sa dugout hallway ng Cuneta sabi nung isa "My team is Coney Island Ice Cream" and they both sarcastically laughed. Presently ang mga team natin "Gin, Beer, Express Way, Sim Card, atbpa. masyadong corny. "One Roof League" ang PBA! PBA should reformat its league
 
Back
Top Bottom