Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Pinaka-recent o huling hayop na naging pet mo? ๐Ÿ˜

r a Z e

ๅฅ” ๆ”พ ่‡ช ๅœจ
Silver Master
Heroic Star Member
Heroic Founding Member
Epic Diamond Member
Messages
29,086
Reaction score
16,663
Points
2,228
MAGbzOM.jpg

The title says it all.
Kwento niyo lang dito yung pinaka-recent o huling hayop na naging pet niyo tapos pwede niyo din i-share kung paano o bakit
kayo nahilig mag-alaga ng ganung klaseng hayop ๐Ÿ‘๐Ÿป๐Ÿ‘๐Ÿป

------------------------------------------------

Bata pa lang ako, mahilig na kasi ako sa mga pusa eh kaya yun din yung dahilan kung bakit bata pa lang ako, mahilig na 'ko magpaamo ng mga puspin na pagala-gala sa area namin nun. Hanggang sa ngayon na certified tito na tayo haha dala-dala ko pa rin hanggang ngayon yung hilig ko sa mga pusa. Kaya ayun din, pusa din yung alaga namin ngayon. Usually puro puspin lang, either mga pusang napaamo ko o kaya mga anak/apo na sila ng dating mga puspin na inampon namin. Basta di talaga kami nawawalan ng pusa lagi eh.

Pero nung bata ako, na-try ko din mag-alaga ng mga isda โ€“ goldfish, fighting fish, janitor fish, etc. pero di rin masyadong nagtagal. Pusa pa rin talaga madalas naming alaga.

Kayo mga ka-symb? Ano-ano na mga naging pet niyo?
 
80s or 90s kid TS? Nalala ko din may aquarium kami dati tapos may janitor fish din na sya lang din nag kakalat instead na mag linis. ๐Ÿ˜…. Anyway, meron ako dating alaga na mga albino na daga. Yung mga kulay pink yung mata. Gumawa pa ako ng kulungan nun gawa sa kahoy tapos may hagdanan pa sa loob. Bigas lang solve na yung mga yun dati. ๐Ÿ˜
 
Pusa ang pinaka recent kong alaga.. Bata palang cat lover na to the point mas kinakausap pa ang pusa kesa sa tao. Hahha.
 
Cats since elementary, puspin lang at ang nakasanayan na ipakaen ay tinapay at kanin until now pero dahil nagka gelpren na ako natuto rin ako magpakaen ng cat food which is more expensive haha
 
Ranchu Gold fish alaga ko ngayon. ang cute kasi. ang tataba nila at cute tignan pag lumalangoy. lagi pang gutom. matrabaho nga lang alagaan
 
90s kid paps ๐Ÿ‘๐Ÿป Cute din yung mga puting daga tsaka mga hamster na may sobrang cool na kulungan, yung parang may mga obstacles haha. Medyo nagustuhan ko nga din mag-alaga nun dati nung bata pa ko kaso yun nga may pusa kami kaya baka habulin at patayin lang pag nakita ๐Ÿ˜…

Pusa ang pinaka recent kong alaga.. Bata palang cat lover na to the point mas kinakausap pa ang pusa kesa sa tao. Hahha.
Nice naman ๐Ÿ‘๐Ÿป Masarap din talaga mag-alaga ng pusa lalo na kung makilala mo ugali nila...

Cats since elementary, puspin lang at ang nakasanayan na ipakaen ay tinapay at kanin until now pero dahil nagka gelpren na ako natuto rin ako magpakaen ng cat food which is more expensive haha
Ka-pusa din pala kita eh hehe nice one paps ๐Ÿ‘๐Ÿป

Ranchu Gold fish alaga ko ngayon. ang cute kasi. ang tataba nila at cute tignan pag lumalangoy. lagi pang gutom. matrabaho nga lang alagaan
Ay oo may nakita na nga akong ganyan... Ang unique nung katabaan nila ๐Ÿ˜…
 
Last pet ko is Himalayan Cat. Yun nga lang namatay sya last year because of Parvo. Then after non, di na ako nag alaga ulit.
 
Oh, sorry for your loss paps. As a person na ang dami nang naalagang pusa, yan din kasi yung mahirap dyan na hindi masyadong napapag-usapan. Something na mahirap din makalimutan, yung pag nawala na sila.
 
True. Good thing nag iwan naman sya ng mga chikiting.
 
20220502_182736.jpg

Siya si Lyvi. Bali 7 months old na siya. Apaka sweet niyang pusa ko na yan. Tumatabi sa pagtulog ko. Gusto lagi ng pine-pet siya at laging may nakikitang tao

Kaya siya may mahabang straw na tali ay dahil napakalikot din niyang mokong na yan haha. Maikli kasi yung leash niya. Kaya para makagalaw parin siya e ayan nilagyan ko ng mahabang straw

Sa normal days wala siyang tali haha. Ngayon lang ๐Ÿ˜‚
 
View attachment 3884

Buti di siya naninibago? Yung parang gusto niyang alisin yung tali sa leeg niya...
 
eto recent pet ko sobrang mahal na mahal ko ,lage nasa tabe ko paguwe ko o nakaen ako parang tao na din, lage nasa tabe ko kahit san ako magpunta at mahilig din mag gala alam niya kapag aalis ako, naabng na sa kotse kapag aalis akoIMG20220329212521.jpg
IMG20220403105945.jpg

Covi name niya dahil 2020 siya napunta samin, female ambull ๐Ÿ™‚
 
Attachments

  • IMG20220403232606.jpg
    IMG20220403232606.jpg
    2.5 MB · Views: 2
Recent is fishes..
 
Attachments

  • IMG_20211031_232203.jpg
    IMG_20211031_232203.jpg
    9 MB · Views: 2
Ranchu Gold fish alaga ko ngayon. ang cute kasi. ang tataba nila at cute tignan pag lumalangoy. lagi pang gutom. matrabaho nga lang alagaan
MAGbzOM.jpg

The title says it all.
Kwento niyo lang dito yung pinaka-recent o huling hayop na naging pet niyo tapos pwede niyo din i-share kung paano o bakit
kayo nahilig mag-alaga ng ganung klaseng hayop ๐Ÿ‘๐Ÿป๐Ÿ‘๐Ÿป

------------------------------------------------

Bata pa lang ako, mahilig na kasi ako sa mga pusa eh kaya yun din yung dahilan kung bakit bata pa lang ako, mahilig na 'ko magpaamo ng mga puspin na pagala-gala sa area namin nun. Hanggang sa ngayon na certified tito na tayo haha dala-dala ko pa rin hanggang ngayon yung hilig ko sa mga pusa. Kaya ayun din, pusa din yung alaga namin ngayon. Usually puro puspin lang, either mga pusang napaamo ko o kaya mga anak/apo na sila ng dating mga puspin na inampon namin. Basta di talaga kami nawawalan ng pusa lagi eh.

Pero nung bata ako, na-try ko din mag-alaga ng mga isda โ€“ goldfish, fighting fish, janitor fish, etc. pero di rin masyadong nagtagal. Pusa pa rin talaga madalas naming alaga.

Kayo mga ka-symb? Ano-ano na mga naging pet niyo?
Hedgehog ang pinag huling alaga ko. Kasi ang cute ang madaling alagaan..
 
Uy ayos... First time ko makakita ng [dating] nag-alaga ng hedgehog ๐Ÿ˜…
Pano alagaan tsaka yung maintenance niya? May parang kulungan din ba siya?
 
Aso. Kaso nareklamo sa flat kasi naiiwan magisa tapos ang ingay. Ayun pinamigay nalang..
 
Simula 40's pusa na alaga dito sa bahay e yong aso di nag tatagal samin e pero malimit pusa alaga namin dito
 
Back
Top Bottom