Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem [POEM] ♥►BULALAKAW◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..


COMMERCIAL..











Ang sabi mo

Ang pag-ibig mo sa'kin ay coke

Pagka't sabi mo im your only one

Nguni't magpakatotoo ka sister

Ako'y di angat sa iba

Di rin natin tiyak

Kung It's the real thing

Ang nadarama natin.



Although masarap kang kasama

At iba ang tamis

Anghang ng iyong mga halik

Di ako masyadong At home

Sa'yong pag-ibig.



Let us not go nuts

With the crunch of love

Na parang dynamite ang tamis

Kailangang gmitn ang utak

Na sing tigas ng hardiflex

At di ang pusong

Sing lambot ng cupcake



Wag mong ikulong

Ang pag -ibig mo sa'kin

Upang maiduyan ka

Sa sarap ng ibang pagmamahal

Pero kung tlgang makulit ka

" i promise you..

I won't let you down.."









To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..












Minsan Sa Dalampasigan















Banayad na humahaplos

Ang kilig

Ng hanging malamig

Habang patuloy

Ang ritwal

Ng paghalik ng agos

Sa dalampasigan

Ng sandaling paglimot.



Patuloy kong minamasdan

Ang lamlam ng iyong titig

Na gumigising

Sa ulilang pintig

Sa aking dibdib

Tila ba bituin sa langit

Na sa paningi'y

Umaakit

Kaaya-ayang masdan

Ngunit kailan may

Di mahahawakan.

Hiwagang nagdudulot

Ng payapang saglit

Sa pagod na isip

At naninikip na dibdib

Titig,

di man lubusang makamit

alam mong iyo't- iyo parin.







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Thanks po sa mga nagbibigay ng time magbsa ng mga sinulat ko ^^,
 
Last edited:
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..






Pangungulila






Nangungulila ang gabi
Sa pagsilay ng buwang
Pilit ikinukubli
Ng mga ulap ng agam-agam
Habang marang pumapatak
Ang luha ng kalangitan
Tila ba malungkot na musika
Nang aakit ng pandinig
Ang ritwal ng pag halik nito
Sa tigang na lupa

Marahang gumagapang
Ang lamig ng kalungkutan
Sa bawat himaymay
Ng aking laman
At malayang nanunuot
Ang pangungulila
Sa aking harayang
Pilit tumatakas sa iyong gunita.

Pilit dumudungaw
Ang mga alaala
Sa mga bintana
Ng sandaling paglimot
Tumatakas
Ang mga pigil na luha
Lumalakas
Ang mga pigil na hikbi
At ang tanging saksi
Ay ang aking sarili.







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..












Pagaantay









May kiliting hatid

Sa pusong may ulilang pintig

Ang malamig na ihip

Ng panggabing hangin

Habang buong tyagang nagmamasid

Ang kabilugan ng buwan

Sa mga nagaganap na lihim

Sa ilalim ng kalangitan.





Unti- unting bumabalot

Ang pangangambang balabal

Ng gabi

Sa mga matang

Buong pananabik

Na nag-aabang

Sa muli mong pagdalaw

Sa aking daigdig

Na minsan mo lamang pinansin

Ay lubusan mo ng naangkin.





Di na napansin

Ang mapang-akit na sayaw

Ng mga bituin

O, kahit ang malambing na himig

Ng na sosonatang kuliglig.





Hanggang sa humimlay

Sa mga bisig ng antok at

Sa yakap ng lungkot

Ang puyat kong malay

Ako sa'yo'y maghihintay

Kahit na akin ng natatanaw

Ang malinaw na anyo

Ng kabiguan.







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Pahit nman ng thanks kng ngustuhab nyo..:thanks:
 
Last edited:
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

salamat hate^^ kaw lng ata masugid mag post dito ...eje eje..
 
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

^_^ ayos.
 
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Minsan Sa Dalampasigan

Banayad na humahaplos
Ang kilig
Ng hanging malamig
Habang patuloy
Ang ritwal
Ng paghalik ng agos
Sa dalampasigan
Ng sandaling paglimot.

Patuloy kong minamasdan
Ang lamlam ng iyong titig
Na gumigising
Sa ulilang pintig
Sa aking dibdib
Tila ba bituin sa langit
Na sa paningi'y
Umaakit
Kaaya-ayang masdan
Ngunit kailan may
Di mahahawakan.
Hiwagang nagdudulot
Ng payapang saglit
Sa pagod na isip
At naninikip na dibdib
Titig,
di man lubusang makamit
alam mong iyo't- iyo parin.

natatawa ako sa dulo nan tula. alam mo ba ang ibig sabihin non?
 
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Sir..Its the reader's part to interpret the poem ^^, ano bang dting sau?
 
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..






Paalam






Nabali ang bagwis
ng aking pangarap
sa'yong mga palad.
Pilit mang ikampay
walang pwersang
makapagpaangat sa lugmok at unti unting
namamatay na hangad. Hinanap ko sa kalangitan
ang guhit ng iyong ngiti
subalit tanging mga ulap ng paglimot
ang aking natatanaw.

Pilit kong dinadama
ang hangin ng iyong paglingap
ngunit tanging nadarama'y
ang lamig ng pamamaalam
na unti unting nanunuot
sa bawat baitang ng aking laman.

Paalam
paalam
kalawakan
ng iyong pagmamahal.

Paalam
paalam
di na muli pang makapailanglang.







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..












Thankful











Since you came into my life

How you fill this emptyness inside

You brighten up my world

Fill my heart with love and joy And i cant imagine

How hope will still shine

In this dark and empty life

You bring hope and peace

In this restless heart



You've touched my heart

In a way that only you can do

You lighten up my path

And showed me everlasting

happiness

I'll never be the same

Since you came and change me from within

This love in my heart will grow

deeper everyday



And im thankful to you

For coming in to my life

And im thankful to you

You're in my heart,in my soul

the very meaning of my life..







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..












BATID KONG BATID MO NGA









Sa bawat pagsilay

Ng mga silahis ng araw

Ligaya sa'yong labi

Ang nagbubukas

Sa aking malay



'Di man inihahayag

Ng salita ko't galaw

Ang lihim na pasasalamat

Sa pagibig mong tapat

Ito'y puhunan kong sapat

Na nagbibigay lakas

Sa bawat oras



'Di man maihayag

Sa wika

Ang lalim nitong pagsinta

Batid kong batid mo

Na saki'y walang maghahatid

Ng tunay na saya

Kundi ang alaala

Ng ating nakalipas

Ang larawan ng ating kasalukuyan

At pangarap ng ating

Hinaharap



'Di man maihayag

Ng daliri't dila

Ang pangako

Ng pagsintang di masisira

Batid kong ito'y batid mo na nga.







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

.galing mo talaga sir mindfreak^ ang sarap basahin¤
 
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

salamat sir tikong_guapo at nagustuhan mo.malulupet na makata talga ang mga taga symbianize..^^,
 
Last edited:
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..






Nais Kitang Tulaan





Nais kitang tulaan
Sa isang mahikal na paraan
Ngunit ang ningning
Ng mga bituwin
Ay kay tamlay pagmasdan
At ang anyo ng buwan
di nais maghugis suklay.

Nais kitang tulaan
Sa isang mahikal na paraan
Ngunit walang lambing
Ang himig ng mga kuliglig
At walang landi
Ang haplos ng hangin.

Nais kitang tulaan
Sa isang mahikal na paraan
Ngunit tila abala
Ang mga musa ng tula
Sa paglibot
Sa ibang haraya

Nais kitang tulaan
Sa isang mahikal na paraan
Ngayong gabi
Na kayakap ka sa aking tabi
Ngunit sadyang natakpan
Ng balabal ng kaba
Ang panulat ko't mata
At binhag ng inyong ganda
Ang mga metapora
Kaya't sa ngayo'y
Halik na lamang
Ang sayo'y iaalay
At bukas na lamang kita
tutulaan.







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

dumugo ilong ko. Ang galing :clap:
 
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

sir nasanay kasi ako sa mga ganyang salita minsan kasi ang hirap humanap ng salita na magtutugma eh..gustong gusto ko kasi yung dating ng mga internal rhymes lalo na pag binabasa.
 
Back
Top Bottom