Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem [POEM] ♥►BULALAKAW◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Re: [7/21/11]¤~MR. DJ~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

:thanks: animoy for reading and liking the poems:giggle:
 
Re: [7/21/11]¤~MR. DJ~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

ito'y isang handog muli
para sa mga tumatangkilik ng mga tula sa thread na ito..
Nawa'y inyong maibigan..

:thanks: sa pagbibigay ng panahon sa pag basa.:giggle:

Sa kanto

Nagawi akong muli rito
Kung saan madalas tayong magtungo
Bumibili ng fishbol sa kanto.

Tila nakasanayan na ng mga paa
Na magawi sa pook ng ligaya
Masilayang muli ang ningning sa'yong mata
At ang labi mong may guhit ng saya

Kay ayang pagmasdan
Ang iyong kagalakan
Habang sabik na nagaabang
Maluto ang kikiam

Kasabay ng paghalo ng tindero
At marahang pagluluto
Ang pag-ibig sa ating puso
Ay unti-unting namuo

Di nagtagal ang oo ay nasambit
Kasabay ng pagkaubos ng laman ng stick
Pinasarap ng sawsawang matamis
Ang pag-iibigan ng mga pusong sabik

Sa tuwing pagdadapit hapon
Hawak kamay na tayong paroon
Pinagsaluhan ang pagmamahalan bawat pagkakataon
Tila 'di na maglalagom.

Nagawi akong muli rito
Bumibili ng fishbol sa kanto
Baon ang masayang ala-alang naipon
Nung kasama pa kita sa bawat pagdadapit hapon.

126.gif

¤mind^^FREAK¤

To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [7/21/11]¤~MR. DJ~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

ang ganda ng meaning ng tula, kaso ang sad ng last part :)

Re: [7/29/11]¤~SA KANTO~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

:thanks: ma'm sa pag basa ng tula:lol: at sa muling pagbisita..
 
Re: [7/29/11]¤~SA KANTO~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

May fishball rin pala rito ahehe.
Ganda ng tula kuya. :yipee:
 
Re: [7/29/11]¤~SA KANTO~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

:thanks: mcgills mamats din sa pagbisita..

masayang tulaan yung mga romance ng ordinary na tao kaya madami ka makikitang mga bagay dito nakikita mo pang araw araw:yes:
 
Re: [7/29/11]¤~SA KANTO~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Para sa mga nagtyatyagang magbasa ng mga tula ko heto muli ang isang tula para sa inyo
20.gif

Sa Bus stop

Nagmamadali ang mga paa
Tila hinahabol ang bawat apak ng oras.
Papalit-palit na ang mga tao
Dito sa bus stop, kung saan ako nakaupo.

Ilang byahe na ang pinaalpas
Anino mo'y wala pa ring bakas
Ilang bukas na din ang lumipas
Di ko na namalayan ang oras.

Lahat ay nagmamadali
Sa kanila'y kay bilis ng mga sandali

Eto pa rin ako
Naghihintay sa'yo
Darating ka pa ba?
oh tuluyan na akong magiisa.

Kay dami ng dumating
May mga bagong mukha
Ang iba'y nagtatanung bakit ika'y wala.
May mga nag-aaya
Sa kanila na lang daw makisabay
Nguni't kay bigat ng mga paa.
Kayo'y umalis na't mauna.

Dito sa bus stop ng buhay
Kung saan ako sa'yo'y magaantay.
Maalala mo nawa ang pangakong iniwan
Na sabay tayong maglalakbay.

126.gif

¤mind^^FREAK¤

:thanks:

To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [8/08/11]¤~BUS STOP~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

:weep:
 
Re: [8/08/11]¤~BUS STOP~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

sad ending no..:lol:
 
Re: [8/08/11]¤~BUS STOP~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Salamat sa mms trick:lol:

eto po ang new addition sa mga collections ng aking mga love poems...medyo kakaiba to:think:

enjoy reading...:thanks:

Sa tambayan

Napadaan kang minsan
Sa harap ng aking tambayan
Habang ako'y nagbibilang
Ng mga dumadaan na langgam.
Isang pangkaraniwang araw
Sa tambayan ng buhay.

Pamatay na ngiti
Ang iyong isinukli
Sa pasimple kong pagbati
"Miss ingat ka sa pag-uwi."

Mula noon ay akin ng nakasanayan
Abang ang sandali ng iyong pagdaan
Upang aking muling masilayan
Ang pamatay mong ngiti, paraluman.

Nag-ipon ng tapang ng hiya
Upang sa muli mong pagdaan ay makasambit
Ng konting linya
Makuha ko man lang ang pangalan
Ng aking laging inaabngan.

Hanggang sa natatanging sandali
Ginabi ka sa iyong pag-uwi
Tamang-tama wala ang mga usi
Dagling tinapon ang yosi
Na hiniraman ko pa ng pampakalma
Hayun at tumayo
Humakbang na sayo ang tungo.

Inapuhap sa utak
Kung aling banat ba ang nararapat
Habang marahang palapit
Kay bilis ng kabok sa dibdib
Pag ako'y nagkamali
Malamang ay di na makaulit.

Bumitaw ng pamatay na banat
Sabay bigkas,
"Maaari bang mahingi ang iyong ngalan?"
Ako'y hinarap saka nginitian.

Anu pa't ako'y natigilan
Ng ang boses mo'y mapakinggan.
Nagitla maging ang paligid.
Sa ipit mong tinig
Ako'y di na nakaimik.

126.gif

¤mind^^FREAK¤

To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [8/13/11]¤~Sa Tambayan~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

nice idol, :lol:

nasa huli ang mga banat nung last two poem, :clap: galing :clap:
 
Re: [8/13/11]¤~Sa Tambayan~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

:thanks: teacher M..

natatawa-tawa pako habang ginagawa yan..:rofl:

napaisip kasi ako kung ordinary ending parang kagaya lang nung mga ibang tula ko nabago lang ang setting..ayan nagkaganyan tuloy..:lol:
 
Re: [8/13/11]¤~Sa Tambayan~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Just for Tonight

I love the way your shadow sways
As it dances with the candle's flame.
Slow but precise movements
Gentle and graceful
Blending with the romance of a dim lit room.

The chilling embrace of the wind
Touches every layer of our flesh
And all rationality becomes numb.
All inhibitions are as silent as the night
As the moon witnesses
The magic of romance dancing.

Nature play the sound of its soul
Giving ambiance to a time that is borrowed
Come quick every second ticks.

Take my hand

Take my mind

Take my heart

Take every breath that is mine

Let me own you for this time
Just for tonight
Do not hide from my sight
Let me hold you so tight.

:thanks:
for reading

126.gif

¤mind^^FREAK¤

To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [7/21/11]¤~MR. DJ~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

ito'y isang handog muli
para sa mga tumatangkilik ng mga tula sa thread na ito..
Nawa'y inyong maibigan..

:thanks: sa pagbibigay ng panahon sa pag basa.:giggle:

Sa kanto

Nagawi akong muli rito
Kung saan madalas tayong magtungo
Bumibili ng fishbol sa kanto.

Tila nakasanayan na ng mga paa
Na magawi sa pook ng ligaya
Masilayang muli ang ningning sa'yong mata
At ang labi mong may guhit ng saya

Kay ayang pagmasdan
Ang iyong kagalakan
Habang sabik na nagaabang
Maluto ang kikiam

Kasabay ng paghalo ng tindero
At marahang pagluluto
Ang pag-ibig sa ating puso
Ay unti-unting namuo

Di nagtagal ang oo ay nasambit
Kasabay ng pagkaubos ng laman ng stick
Pinasarap ng sawsawang matamis
Ang pag-iibigan ng mga pusong sabik

Sa tuwing pagdadapit hapon
Hawak kamay na tayong paroon
Pinagsaluhan ang pagmamahalan bawat pagkakataon
Tila 'di na maglalagom.

Nagawi akong muli rito
Bumibili ng fishbol sa kanto
Baon ang masayang ala-alang naipon
Nung kasama pa kita sa bawat pagdadapit hapon.

126.gif

¤mind^^FREAK¤

Nice ganda ng tula sir :)
Nakarelate ako ng unti,,
 
Re: [8/26/11]¤~Just for Tonight~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

:thanks: haruka..magandang malaman may mga nakakarelate sa aking mga gawa..mukha lng yan laro ng mga salita pero bawat isa ay puno ng emosyon na nakatago sa bawat letra.:lol:
 
Nice salamat po sir,hitted na kita..

Bakit ngayon ko lang nalaman may poems contest pala sa mahal nating symbianize :praise: :rofl:
 
Re: [8/26/11]¤~Just for Tonight~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

wag ka magalala haruka..matagal na din ako dito bago ko nalamang may poetry contest pala:laugh:
 
Re: [8/26/11]¤~Just for Tonight~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

wag ka magalala haruka..matagal na din ako dito bago ko nalamang may poetry contest pala:laugh:

Haha,parehas po pala tayo sir :rofl:

Masaya po ako na malaman yan sir :lol:
 
Re: [8/26/11]¤~Just for Tonight~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

kung di pa nga ako pnm na may contest di ko pa malalaman:lol:

interesado ka ba sumali haruka? Try mo magandang expirience yun for sure win or loss.. Basa ka dun sa discussion thread for more info at update.:approve:
 
Re: [8/26/11]¤~Just for Tonight~¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

just for tonight? hmmm somethings fishy, hehe biro lang idol, pang before the bed scene na linya mga yun ah, hehe
 
Back
Top Bottom