Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem [POEM] ♥►BULALAKAW◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Re: [9/05]♥►Palitan Mo Ako Sa Puso Mo◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..





♥ ♫ Nais Kitang Awitin ♪ ♥


Sa himig mong dalisay
Nais kong palagiang humimlay.
Sa musika mong malamig
Kaluluwa'y natatahimik.

Sa marahang pagpatak
Nang mga nota
Habang ang mga bituin ay nagkukubli
Solohin natin ang mga sandali.

Ang maalab na pag-ibig
Nakalapat sa bawat himig
Inilakip sa bawat titik
Dalangin ko'y muling madinig.

Nais kitang awitin
Sa pandinig ko'y palagiang damhin.
Ang pagsintang ikinubli
Mamutawi sa sa aking mga labi
Tila isang matamis na oyayi.

Nais kitang awitin
Ikaw ang musika ng damdamin
Ngunit sayo'y may iba ng umangkin
Kailan may di na maaaring kantahin.












:thanks:
►for reading◄





126.gif

♣mind^^FREAK♣

:wow: ang ganda :pacute:

pahiram pwede :pacute:
 
Re: [9/08]♥►Nais Kitang Awitin◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

mangingibig talaga, :lol:

matamis, magaling,:salute:
 
Re: [9/05]♥►Palitan Mo Ako Sa Puso Mo◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..





♥ ♫ Nais Kitang Awitin ♪ ♥


Sa himig mong dalisay
Nais kong palagiang humimlay.
Sa musika mong malamig
Kaluluwa'y natatahimik.

Sa marahang pagpatak
Nang mga nota
Habang ang mga bituin ay nagkukubli
Solohin natin ang mga sandali.

Ang maalab na pag-ibig
Nakalapat sa bawat himig
Inilakip sa bawat titik
Dalangin ko'y muling madinig.

Nais kitang awitin
Sa pandinig ko'y palagiang damhin.
Ang pagsintang ikinubli
Mamutawi sa sa aking mga labi
Tila isang matamis na oyayi.

Nais kitang awitin
Ikaw ang musika ng damdamin
Ngunit sayo'y may iba ng umangkin
Kailan may di na maaaring kantahin.












:thanks:
►for reading◄





126.gif

♣mind^^FREAK♣

you know what it means :D
 
Re: [9/08]♥►Nais Kitang Awitin◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

ma'm jefi

:thanks: kung nagandahan ka..sige lang hiramin mo basta isoli mo lang:lol:

nga pala hindi nagwork sa akin yung ibingay mo pero nakahingi naman ako ng patch from a friend.:thanks: pa din.


teacherM
:thanks: din sa palagiang pagsubaybay sa thread na ito.

laki talaga impluwensya ni shakespear at neruda sa akin:lol:



sir psyk
may projecto ka nanaman:lol:
natatambakan ka na.

:thanks: sa paglalapat ng himig sa aking mga titik.
 
Re: [9/08]♥►Nais Kitang Awitin◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

bilang pagdiriwang ng panahon ng mga pagdalaw at paglilinis ng puntod eto ang isang tula..





† DALAW †


Huwag mo ng dalawin
Ang puntod ng nasawi kong damdamin.
Upang hindi na muling lumuha
Ang mga kandila ng ala-ala.

Hayaan mong matabunan
Ng mga damo ng paglimot
Ang palibot ng puntod
Upang tuluyan ng di mapansin.
Hindi ba 'yun naman talaga
Ang nais mong gawin.

Ang kupas na pintura
Ay huwag mong sasapawan
'di ko na nais manariwa
Ang sakit na nadama.
Bawat bitak at lumot
Bawat bahid ng natuyung luha
Lahat yan sa'ki'y mahalaga.

Huwag mo ng dalawin
Ang puntod ng nasawi kong damdamin.
Pagkat ang dinadalaw lamang
Ay yaong mga nais pa sanang makapiling.


















:thanks:
►for reading◄





126.gif

♣mind^^FREAK♣







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: 10/28]♥►Dalaw◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Ang tindi talaga ng pundasyon mo bro. Ang galing. :clap:
 
Re: 10/28]♥►Dalaw◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

haha:lol: salamat kapanalig..sa bawat akda na nasusulat mas tumatalim ang mga linya, mas lumalalim ang mga talinhaga..kaya mas mainam ang sumulat ng sumulat..at ang pagbibigay halaga sa mga kaalamang ipinagkakaloob, ibinabahagi at ipinapayo..

mas mabangis panga ang naging paraan ng mentor ko (dakilang buwitre ng mga tula, salamat) :lol:
 
Re: 10/28]♥►Dalaw◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

pwede ipost sa ibabaw ng puntod :lol: double meaning ang tula as usual :lol: lalim ng pinaghuhugutan ng tulang ito tagos :lol:
 
Re: 10/28]♥►Dalaw◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

freak, ikaw na:clap:
 
Re: 10/28]♥►Dalaw◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

ang cucute ng tula mu ate,.,.,
 
Re: 10/28]♥►Dalaw◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

ma'm jefi
nakakita kasi ako ng hindi nalinis na nitso sa sementeryo malapit sa'min ayun nakaisip ako ng magandang metaphor para ipares sa damdamin:lol:

:thanks: sa pagbasa

Recci
lahat naman sa sandocena masasabihan mo ng ikaw na:lol:
nagkukumento ako dun sa tula mo para sa tuta mo nakarelate kasi ako kaso nagloloko yung om that time ayaw maipaskil ang litanya ko:weep:

:thanks: din sa pagbasa

lourima
di po ako ate:lol:

:thanks: po sa pagbibigay ng panahon basahin ang mga naisulat ko...
 
Re: 10/28]♥►Dalaw◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Yan ang ikinahanga ko sa istilo ng pagsulat mo may angas kung baga sa alak may sipa. Haha :lol:

Buhay paba mentor mo? Mag masteral ako ng filipino. Wahaha. Imba talaga. :lol:
 
Re: 10/28]♥►Dalaw◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

buhay pa sya..:lol: nandoon sya sa ateneo naghahasik ng lagim..:lol: si sir mike, lahat ng alam ko utang ko sa tao na yan..kaya nga sa maliit kong paraan isinusulong ko din ang layunin nya na marami ang muling mainlove sa panitikang Filipino.. At ang pangkaraniwang tao na gaya ko ay magkaroon ng kakayahan na makaambag sa yaman ng ating panitikan..

filipino poets:rock:,
 
Re: 10/28]♥►Dalaw◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..



Masterr!!!!! Astig ng Dalaw :-))
Speechless ako lagi sa mga tula mo...
Idol forever :))

 
Re: [9/08]♥►Nais Kitang Awitin◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

I chose the darker side :lol:



† DALAW †

words: Mind^^freak
music: syk-p


I
Huwag mo ng dalawin
Puntod ng nasawi kong damdamin.
At di na muling lumuha

Adlib
I

Hayaan matabunan
Damo ng paglimot
Tuluyan ng di mapansin.
Ayan ang nais mong gawin.

Lead
II

Stream/Download:
http://soundclick.com/share.cfm?id=11181111
http://www.mediafire.com/?r546y6dfa9j58me

DDL:
View attachment 55327
View attachment 55328

ad_Halloween_Night.jpg


nagkulang na ako sa oras kaya 2 stanzas lang :lol:
 

Attachments

  • Dalaw.part1.rar
    1.9 MB · Views: 9
  • Dalaw.part2.rar
    483.5 KB · Views: 2
Last edited:
Re: 10/28]♥►Dalaw◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Ang cute ng mga lines :thumbsup:
 
Re: 10/28]♥►Dalaw◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

astig, tatapusin ko to kahit hindi na ako matulog. ang gandan ng mga storya. :rock:
 
Re: 10/28]♥►Dalaw◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

ma'm ella
:thanks: sa pagbasa at pagbisita muli dito sa thread..

boss psyk
di ko pa ma dl nagloloko connection ko pero tiyak mahusay nanaman ang kinalabasan nyan.:thanks:

narzhana
:thanks: po sa pagbasa..enjoy reading po.

war
maiigsi lang naman mga poem ko tiyak may time kapa magslip.:lol:
:thanks: sa pagbasa ng aking mga akda..
 
Re: 10/28]♥►Dalaw◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

ty po d2 ts keep on sharing :yipee:
 
Re: 10/28]♥►Dalaw◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

:thanks: gaara sa pagpapaunlak na basahin ang aking mga akda..
 
Back
Top Bottom