Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Pomada

Kulang na lamang ay hukayin pabalik sa ibabaw ng lupa ang nais ipabatid ng hagulgol ni Lish. Iyak. Hikbi. Sinok.

Limang taon na rin pala.

Hindi gaya ng karaniwang dumadalaw sa puntod, bato at dabog ang bitbit ni Lish. Sa tuwing nalulungkot siya ay binabato niya ang pangalan ng asawa. Sinusumbatan.

"Bakit ba kasi ginawa mo lang biro ang lahat? Ang sakit mo? Ang pag-inom ng gamot mo! Ang huling oras na kasama mo ako. Sabi mo bubuo tao ng pamilya, magiging masaya at sabay tatanda... Pero bakit?" Iyak. Hikbi. Sinok.

Tinadyakan niya ang damong pilit tumatakip sa pangalan ni Kib. "Talagang nagtago ka pa?! Alam mo bang nagmamaneho ako? Paikot-ikot. Paikot-ikot. Tuliro. And I ended-up here! Wala sa plano 'to tapos magtatago ka lang! Hindi patas e. Alam mo 'yon? Gusto kong magsaya. Tumawa. I think of good thoughts about us. Those happy memories. Pero iba iyong tama dito. Ang ngiti mo kasi nakakaiyak. Nakakapangit." Iyak. Hikbi. Sinok.

Hindi ko rin naman mahusgahan si Lish. Alam ko ang pinagdaanan niya. Akala ko kanina kabado siya kaya tuliro sa business meeting. Hindi kasi siya ang ganung klase ng taong iiwan ang kliyente without valid reason. Hindi siya ganun. Bigla niya akong hinila kanina. Nag-aya umalis.

Inumpog ni Lish ang ulo niya sa manibela. Sinubukan ko siyang pakalmahin. Hindi ko alam kung paano.

"Umiiyak ka ba?" Late ko na-realize na kaya pala pamilyar ang amoy ng kliyente namin. Parang pomadang inabot ng pagkatuyo sa lalagyan. Paborito 'yon ni Kib. Kahit amoy matanda. "His scent?"

"Pawis 'yan." Nagkunot ako ng noo. "Onga. Galing sa kilay. Ayaw maniwala."

Ang dila ay kayang magsinungaling ngunit hindi ang kanyang mata. Ang utak ang kanyang magdikta ng tapang subalit ang puso ay pawang karuwagan. Kilala ko siya.

"Samahan kita."


Kulang na lamang ay hukayin pabalik sa ibabaw ng lupa ang nais ipabatid ng hagulgol ni Lish. Iyak. Hikbi. Sinok.

Limang taon na rin pala. Panalo ka talaga pare.

"Sabi mo noon, hindi mo siya paiiyakin. Palalayain mo kahit sa isang luha. Pero mukhang ayaw naman niya lumaya pre. Ikaw ang mundo niya."

Binato ko na rin ang puntod niya. "Ako na ang kasama pero ikaw pa rin ang mahal niya."

Iyak. Hikbi. Sinok.

- wakas
 
awww.. kawawa naman si boylet.. akala ko after 5 years puntod na ni lish yung binabato niya hehe. lynntek na pomada kasi yarn :lmao:
 
Back
Top Bottom