Nabanggit mo na bakit kahit sa programmer trainee ay nire-require nila na graduate din ng IT-related course. On an employer's standpoint, ang goal mo sa pagpili ng applicants mo ay ma-acquire mo sila, ma-adapt nila agad ang operations nyo, makapag-adjust agad sa mga kailangan aralin, at maging productive agad in the shortest time possible. Based on several studies, a new employee usually becomes really productive 6-12months in to his tenure. Now, balik tayo dun sa nabanggit mo, Bakit kaya nire-require nila na kahit na yung lowest IT-related position nila ay dapat graduate din ng IT-related course. Business-wise, siyempre gusto nila na ang iha-hire nila ay magkaroon ng immediate impact, kahit sobrang baba pa ng position niyan, sa operations nila. Given na sobrang galing ng candidate mo sa kanyang current field, he still needs time to adapt, learn, implement new skills habang nasa bagong company. Would it be profitable for the company to hire new people coming from entirely different field / course? Yes and no. No, dahil may possibility na mas matagal sya makapag-adapt as commpared dun sa nag-spend na ng 2/4 years sa course nya. And YES, may possibility na maging magaling agad sya even in a relatively short time, but what are the possibilities? Rockstar performers, even as new employees, are "figuratively" one-in-a-million. Ang tanong, yung candidate mo ba ay one-in-a-million? Most probably not. Paano mo naman mapapatunayan ang skills mo kung galing ka sa ibang industry.
Now, for the tips. Usually, ang companies ay tumitingin sa school, sa course, at sa grades KUNG ikaw ay nag-aapply for an entry-level position, LALO kung fresh graduate ka. Kung hindi, maghahanap yan ng relative skills and accomplishments depende sa kung gaano katagal ka na graduate. Kung matagal ka na graduate ng non-IT course, wala ka pinakitang skills na non-IT related, at wala ka din napasukan na short courses na IT-related, ano ang probability na i-hire ka for an IT post. None. So, I'd say, take short courses. Crash courses na in-depth agad ang lessons. Madami ako kilala na non-IT ang course, pero nasa industry natin. Sila yung mga nakapasok sa isang company, for a non-IT position, evolved within the company, then unti-unti nag-adapt at nag-aral para makatuloy sa IT responsibilities. Paglipat nya, may IT experience na sya.