Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Sa mga mahilig po sa pigeon racing share ko lang po...

Dalalacam

Recruit
Basic Member
Messages
15
Reaction score
0
Points
16
Pigeon Tips and Guide For NEWBIE


TOP SECRET HAPPY WINGS LOFT CONDITIONING AND TRAINING METHOD

by Aaron Claudio



May dalawang (2) breeding season tayo meron sa Pilipinas

October to December and March to May



* Hanggat maari sa breeding season kayo magbreed.. kasi kapag hindi pa breeding season ito ang mga sumusunod na mangyayari or kadalasang mangyayari



1. Maaring bugok ang mga itlog or hindi pisain ng magulang ang itlog

2. Isa lang ang mapipisa sa itlog

3. Mapipisa ang itlog subalit hindi makakalabas ang inakay sa itlog

4. Hindi maglalabas ng magandang inakay ang mga K nyo

5. Kung isasali nyo sa race... maagang maglulugon ang K nyo.. which is hindi magfifit sa final lap

6. Maaring walang similya ang itlog.



Note :

* Malalaman nyo ang itlog kapag walang similya within 5 days na naglilimlim at nag-guhit-guhit or rainbow black shadow na ung itlog.

* Malalaman mo rin ito sa pamamagitan ng paggamit ng ilaw. Ilapit ang itlog sa ilaw within 5days kapag may nakita kayo sa itlog na ugat-ugat na pula, ibig sabihin fertile ang itlog. Kapag wala naman or yung dilaw lang na kapag iniikot nyo ang itlog ay sumusunod lang sa ikot, ibig sabihin walang similya ang itlog.



Start ng Pairing dapat isa alang-alang ang mga sumusunod



* Pumili ng magandang linyada na kalapati sa iyong loft

* Isa alang-alang din ang linyada na ipagpapares bago isabak sa breeding station

* I-condition munang maiigi ang hen and cock na ipagpapares mo

* I-cleasing muna sila.. painumin ng tea or painumin ng mga tabletang naglilinis ng katawan ng K..

* Purgahin ang napiling K.. Note - kung magsusubo ng pampurga dapat yung pangkalapati ang gagamitin.. example optti worm / vetmate product.. kung pang manok naman tulad ng hammer.. hatiin sa apat...

* Silatin ang pitso.. kung "pinkish" na and may dot na parang dilaw na parang palugon sa pitso ng iyong K..

* Dapat din bilugan ang K nyo... hindi sobrang taba and hindi rin sobrang payat.. bilugan.. hindi patusok na pitso na mataba..

*Kung may ma-eencouter kayo na mataba nga sya kaso hindi bilugan.. patusok na mataba ang pitso.. ibig sabihin may bulate ang K mo...

* I-condition ulit ang K pag katapos purgahin... painumin ulit ng tea or other cleasing method.



Note -

* Malalaman mo kapag condition na ang K mo.. kapag medyo matigas and dark green or dark brown ang dumi ng K mo...

* Nagpupulbos na ang paa... at balahibo nito

* Maganda na ang pangangatawan

* Maganda at malinaw na ang mata

* Maayos ang mga pakpak at kumpleto

* Maganda na ang tindig nila



Pairing Time



* Pakainin ng grits rich in minerals.. upang makatulong sa inahin na maglabas na malusog na itlog.. araw-arawin mo... pagkatapos mo pakainin ng feeds.. pakainin din sila ng rich in proteins para sa similya and multivitamins tablet pang suporta sa magpares na ibon.



Note - isa-alang-alang din ang kulungan na paglalagyan nila... dapat ung sakto lang skanila.. hindi sobrang luwag hindi sobrang sikip



* Pag sobrang sikip.. ang magiging problema dyan is mabanbansot ang inakay mo..

* Pag sobrang luwag naman.. medyo tatamarin ung magulang maglimlim.. hindi na magiging sabik sa isat ang K mo.. hehehe



May Itlog Na atlast! Naglilimlim Method



* Painuming tubig maglagay ng half butil ng bawang and 3pcs na dahon ng malugay.. sa umaga hanggat ang magulang ay naglilimlim...

- Bawang - nakakatulong sa pagbibigay ng init sa katawan na ginagamit ng mga K sa paglilim ng itlog... nakakatulong din ito sa resistensya ng K nyo.. ito ang nagsisilbing natural anti-bacterial ng K mo..

- Malungay leaves - nakakatulong ito upang ang mga K mo ay makapagproduce ng sariling gatas upang pagnapisa na ang itlog... magandang kalidad na gatas ang maisusubo nila sa mga inakay nila

* Hanggat maari huwag hawakan ng hawakan ang mga breeder... dahil nasstress sila kapg hinahawakan sila ng hinahawakan...

* Plain water naman sa pagdating ng hapon...



Note - Normal lang sa breeder ang dumumi ng malalaki.. kapag mabaho ang tae nila at nagtutubig... maaring hindi pa condition ang breeder na pinagsama mo...or may iniindang karamdaman... laging tignan ang dumi ng K mo... kailangan matigas na dark green or dark brown ang dumi nila...



* Isa-alang alang ang kalinisan sa kulungan ng breeder mo,.. kasi expose sila sa mga sakit kapag naglilimlim.. hanggat maari linisin ang kulungan ng breeder mo 2x a day...

* Kapag mabaho ang dumi ng K mo - bigyan ng pro-biotics or anti bacterial...



Note - Huwag magpapakain ng pigeon pellet / purina habang naglilimlim ang K mo...

breeder mix pwede... more on protein such as green peas, mapple peas and mani etc



Napisa na ang itlog.. Ohh May Inakay Na!



* Bigyan ng baby stug ng thunder bird ang bredeer.. dahil ang thunder bird ay may gatas.. so makakatulong ito sa pagsupplement gatas sa breeder..



Note - Itigil ang baby stug - pag 5 days na ang inakay



* 3 days old - lagyan ng "tiki-tiki" ang painuming tubig sa umaga.. 1 drop lng or half spoon..

Makakatulong ito upang hindi maging bansot ang inakay mo..



Note - tiki-tiki hanggang 20 days ng inakay



* 4-5 days old - lagyan na ng singsing upang mailaro na.. hehehehe



* 7 days old - painumin ng calcium lactate and V22 vitamins ang inakay.. pakainin din sila ng Platinum ng Thunderbird... para tumigas ang pangangatawan ng young bird mo...



Note - Makakatulong din ito sa pag enhance ng buto and dugo ng inakay mo


15-19 days - turuan na silang kumain or isama na sa magulang sila habang kumakain..



20 to 25 days - ihiwalay na ang inakay upang matuto silang magsarili.. at maging madiskarte sa buhay... kung baga maging independent na agad.. ilagay muna sila sa isang hawla para madevelop pa ang homing stink nila.. dito mo rin sisimulan ang pagtuturo na pumasok sa welcome door or trap door ng inyong kulungan.. pwede mo silang patandain na at lumipad-lipad sa inyong loft...



25 to 30 days - yan naglilipad lipad na.. ang pakawala ng inakay is sa hapon around 5PM.. upang hindi na sila makalayo at daretso agad pasok sa kulungan mo...



Note - huwag mong bubugawin hayaan silang matutong lumipad...



Note - Never ever mong silang isasabay sa mga FLyers mo na lumilipad... kasi mahahawa sila at mataas ang tendency na mawala sila...



Note - Hanggat maari kung magbrebreed ka dapat sabay-sabay.. dapat din na minimum of 4 na inakay.. para hindi sila mawala.. matataas din kasi ang tendency na mawala ang inakay mo kapag 1 or 2 lng ang tuturuan mo..



31 to 35 days - ang pakawala na nyan is Tanghaling Tapat.. para kung lilipad sila ay hingal agad.. dapat din na tirik ang araw.. para ito ang time na manananda na sila...



Kapag rumoronda na sila.. yeheyy!



* Kapag matatag na silang lumipad ang oras na ng pakawala nyan is 630AM to 7AM.. ito ang time nila para ipractice ang sarili nila sa training,. ito rin ang time na nagdadayo sila...



Note - Huwag mo munang isasabay sila sa mga flyers mo... baka kasi iligaw at tuluyan ng mawala ang mga K mo.. pabayaan lng silang lumipad in thier own way...



Matagtag na rumonda! Yahoo!



* 2 Months Old Pwede na silang isabay sa mga flyer mo... Kapag Ok na silang lumipad.. at nakikita mo na nagsasarili na ung mga inakay mo ng lipad...



Time for Training! Kaba-kaba moment hehehe



* 1st Toss ung malapit lng sa bahay nyo 500meters from your loft.. sabay-sabay ang pakawala ng inakay... kasama ng 1 guide mo...



* 2nd toss 1KM and so on... ganun din... kasama ng inakay mo



* 3rd toss 1KM wala ng guide



* 4th toss 1KM single tossing... and so on... pa layo ng palayo...



Note - huwag mng araw arawin ang hagis huh... baka naman ma-istress ang ibon..



* Pag 50KM up! suportahan mo na ung mga K.. ng multi vitamins and b complex vitamins...

Note - mas preferred kung pang tao.. pero ok din ung pangkalapati and pang manok



Note again!



* Always titignan ang kundisyon ng mga K mo... sa pamamagitan ng patingin sa dumi nila...

* Always din tignan ang dila.. kailangan pinkish hindi maitim.. kapag maitim.. stress ang ibon mo... kapag na encounter mo ang scenariong ito.. 3 days walang pakawala.. bigyan ng optti dox or anti bacterial na or vetracin gold pang respiratory bigyan sila in 5 days consecutive.. kasi may problem ung K mo sa respiratory.. ganun din sa breeder... tapos bigyan sila ng electrolyte... pwede din dextrose powder..

* Kapag tumayo ang balahibo naman at tumiklop ang itsura or katawan ng K mo.. bigyan din sila ng electrolyte...or dextrose powder.. STRESS yan...

* Sa pagkain nila - More on carbohydrates - such as Mani and Buong Mais...

* 2X a day ang patuka.. 8AM pagtapos ng raging sa hapon and 3PM pagtapos ng raging sa hapon..



Ranging / Training



* Pagdating ng ibon galing training... huwag muna silang paiinumin ng tubig.. dahil lalaki ang puso.. pakainin muna sila.. atfer 30MINS.. bigyan mo ng electrolye or dextrose powder ang tubig... upang bumalik agad ang lakas nila...



Note - Dextrose powder or electrolye - sa umaga lang ang bigay nito.. pagsapit ng tanghali.. fresh water...



* Kapag walang training naman sa umaga maglagay ng butil ng bawang sa painuman nila sa umaga.. kailangan iinumin nila...dikdikin mo at haluan mo ng honey serve as electrolye.. dahil makakatulong upang lumakas ang respiratory nila.. na maging matatag sa rondahan



Note : Kung 3X a week ang training nyo 500m up to 150KM..

Eto lang ipainum nyo sa

* Umaga – (Rhea Brand) Brewer yeast & Multi vitamins na pangmanok

* Gabi.. bago mo iload ang ibon mo sa truck.. V22 + 2 Tablet ng Multi Vitamins na pangmanok



4 WEEKS Loft Training & Conditioning Method for

Young Birds 1 Month before road trainings

1st Week

* Monday - Apple cider (Braggs) ung brand para medyo mura lng.. nabibili ito sa SM supermarket and other groceries stores.. 3/4 Table spoon sa 1.5 liters ng tubig.. organic way to prevent salmonella and other deceases.. para ma-immune din ang K mo from other bad bacteria..

* Tuesday & Wednesday - Plain water & Feeds is more proteins...

* Thursday - Purga (Optti Worm) mas maigi po na gumamit ng pangkalapati.. dahil ito ang tamang dosage para magpurga ng K nyo..

* Friday to Sunday - Multivitamins & Electrolytes.. pwede gumamit ng Selectrogen / Electrogen etc..



2nd Week

* Monday - Gumawa ka ng tea for life.. heheh... Magalaga ka ng Malungay/Bawang/Luya/Asin.. pakuluin within 10-15mins.. pagkakulo at lumamig na... lagyan mo ng honey or brown sugar... at ipainom mo sa K mo...

* Tuesday - Plain water..

* Wednesday to Friday - gamutin mo na ang mga YB mo ng para sa Cancker... gumamit ng Optti Cancure - every morning 1 hour before ka mag patuka.. then plain water lang...

*Saturday to Sunday - Plain water..



3rd Week

* Monday - Gumawa ka ng tea for life ulit.. heheh... Magalaga ka ng Malungay/Bawang/Luya/Asin.. pakuluin within 10-15mins.. pagkakulo at lumamig na... lagyan mo ng honey or brown sugar... at ipainom mo sa K mo...

* Tuesday to Wednesday - Plain Water

* Thursday to Sunday - Vetracin Gold - titirahin mo na sya para sa upper respiratory nya... 5 consecutive days... included na rin ito ng vitamins.. pagsapit ng hapon plain water na...



4th Week

* Monday to Tuesday - Plain water

* Wednesday to Friday - Amoxtin & T2S powder paghaluin.. at ipainom tuwing umaga... so mag aanti-bacterial ka na.. preparation mo sa loading on the next week..then pagdating sa hapon plain water na... umaga lang poh ang lagay

* Saturday & Sunday - Electrolytes & Multivitamins sa tubig



Note - Ang pagamit ng Vetracin Gold / Amoxtin & T2s powder.. huwag masyadong matapang ang paglagay.. huwag din matikad ang kulay sa pagtitimpla... basahin mabuti ang indication sa likod ng sachet upang maiwasan ang pagkakaroon ng overdose or masamang epekto ng antibacterial... sanayin ang sarili na magtimpla ng TAMA lang... importante din na kapag gumamit ka ng Antibacterial is sa Umaga (AM) lang... pag sapit ng hapon (PM) plain water na.. para maabsorb mabuti ng katawan ng K mo ung mga dapat nila makuha dun sa mga napinom mo na... ulit-ulitin lng ito hanggang matapos ang trainings... and feeds BREEDER MIX pa... para madevelop pa ng husto ang mga muscles ng young bird mo... pagdating ng fun race nyo na... dun ka lng magdadagdag ng mais sa patuka mo... para sa pang matagalan na liparan...



1 WEEK Conditioning Method... 100KMs up!



Monday

Drinking water

AM - bawang & honey sa tubig

PM - plain water

Feeds more on fatty foods such as bird seeds.. saff flower.. sun flower.. + Grits such as oyster shell.. calcium grits.. pink minerals.. pecutrin



Tuesday

Drinking water

AM - Tea / Malugay Tea

PM - Plain water / V22 Tablet

Feeds more on protein such as mani.. green peas.. mapple peas etc

Note : Kung 1 week preparation or derby race na... ito ang araw na dapat mag FORCE FLY ka.. or mag single tossing ng inyong mga ibon.. upang meron silang breaking point at di madala ng grupo at lugpas ng inyong loft..



Wednesday

Drinking water

AM - Multivitamins na pantubig such as selectrogen / multi vits..

PM - Plain water / V22 Tablet

Feeds more on carbohaydrates such as Whole corn.. and protein mani...

Night - 1 drop of Red Cel vitamins



Thursday

Drinking water

AM - Multivitamins na pantubig such as selectrogen / multi vits..

PM - Plain water / V22 Tablet

Feeds more on carbohaydrates such as Whole corn.. and protein mani...

Night - Bee Pollen half tablet



Friday

Drinking water

AM - Brewer Yeast and V22 tablet

PM - Plain water

Feeds more on carbohaydrates such as Whole corn.. and protein mani...

Night - Ideal pills or vitamin B Complex



Note - pwede din u magbigay ng B COmplex and brewer yeast and Ideal Pills kapag iloload mo na ang ibon mo sa training / night poh ang subo bago ikarga sa truck



Saturday

Drinking water

AM - Plain water

Feeds more on carbohaydrates such as Whole corn.. and protein mani...

Night - loading time - vitaboli or ideal pills /



Sunday

* datingan ng ibon from training -

AM - electrolyte

PM - antibacterial such as dovtron & t2s poweder / baxidil powder

Note : basta kumulay lng ung tubig... wag masyado matapang.. or matinkad ung kulay.. basta light color lng ung tubig..

Feeds more on fatty foods such as bird seeds.. saff flower.. sun flower.. + Grits such as oyster shell.. calcium grits.. pink minerals.. pecutrin



Mainam din na makapagpahinga sila ng mabuti at makarecover ng husto pagdating mula sa training or races..



Pwede din kayo mag darkening system kung saan tatakpan nyo ung kulungan nyo ng itim na tela or kahit ano na magpapadilim ng kulungan nyo.. i-observe ang proper ventilation parin ng kulungan nyo..



Regular raging is required for exercise.. hanggat maari 3x a day kayo magparaging... or open loft..

Note : obserbahan mabuti ang mga atleta nyo.. wag pwersahin kung sa tingin nyo di kaya ng ibon nyo... bagkus pagpahinghin muna sila..



Note - Never ever po maglalagay ng tubig or magpapa inum ng tubig pag baba ng ibon sa kulungan... wait hanggng 30MINS pagtapos magpahinga..



RACE Mga Pang San Fernando La Union (North)

or Sipocot Camarines Sur(South)



* Night Loading - vitaboli or ideal pills

* sa training pa lng - supportahan mo na sila ng amino acids... like laktamino sa tubig



Hanggang dito na lng muna... cycle na toh ng top secret method ng happy wings loft

Note : Accident can happen anytime & anywhere.. this article will serve as a reference only... pwede kaung mag experiment ng mga gamot or conditioning system in your own...



GREAT TIPS for Beginners...

1. Good health is 75% of the secret to successful pigeon racing.

2. Sending pigeons to training tosses will not cause them to be in good health.

3. There is no substitute for the basket test. It never shows favorites.

4. A few good pigeons are better than a large number of inferior ones.

5. Give your youngsters a chance to mature. Do not overwork and burn them out with long, hard training flights.

6. A large flying team is never necessary to win or compete successfully.

7. A loft stands or falls according to the value of its HENS!

8. Most of the sickness which plagues fanciers starts from overcrowded conditions in the loft or the club's race

9. Go slow and be patient. Start with 3 to 5 pairs of breeders and build a nucleus from them.

10. Train consistently and have an effective trapping system with plenty of short tosses (10-20 miles).

11. Breed performance birds to performance birds or performance bloodlines to performance bloodlines.

12. Avoid birds that have been breed year after year for pedigree lines: The cost is HIGH and the results are POOR!

13. The downfall of many successful lofts has been their attempts to make changes by trying to seek new blood and not

14. Keep only a few pigeons, but keep the best you can get.

15. Intelligent pigeons have no trouble finding home and are able to adjust to different types of conditions.

16. Frequently top lofts use a select bird from the other champion lofts around the country as a performance cross.

17. Successful flying requires a 365 day per year commitment. Smile


ito po ang link http://happywingsloft.webs.com/hwltopsecret.htm

at ito pa po....https://www.facebook.com/rockdove
https://www.facebook.com/trimhobb.options?fref=ts

sana po makatulong....
 
sir salamat po dito. parang ako lang mahilig sa ib0n dito ah? hehe. tagasan ka po? maraming salamat ulet boss.
 
Salamat po sa TIP sir marami po akong natutunan .. Mas lalo po akong na enganyong mag alaga ng kalapatia thanks
 
Nagkalapiti na ako noong single pa at bata, ayus na ayus naman, dami lang dumi sa bubong hehehe
 
magkanu bentahan ng PHA ngaun..my nahuli yung kakilala ko...di ko na babanggitin ung ring number..bawal
 
Salamat sa tip mo kalapatid,..1yr na ko sa pigeon racing palaging gulong hehe..sundan ko etong tips mo bka nxt season..mag champ ako hehehe
 
Ang galing TS, sakto kakaalaga ko lang mga 2mos pa lang akong nagaalaga, laking tulong nito.. Thanks
 
thanks ts sa mga tips mo. subukan ko ito yung training regimen sa mga bago kong alaga.
 
dami ko natutunan sa thread mo sir.....salamat!
 
bos pano malalaman kong ang kalapati lalaki o babae? kc may pina paris ako pero d pa na ngingitlog
 
bos pano malalaman kong ang kalapati lalaki o babae? kc may pina paris ako pero d pa na ngingitlog

mas malaki ang ulo ng cock at malaki katawan....ang hen kabaliktaran ng cock..mas maliit ang ulo at pangangatawan.....search mo sa youtube ito "Alagang Magaling S6 ep8 PIGEON RACING 101 BREEDING JAIMI LIM PART 1"..
 
mas malaki ang ulo ng cock at malaki katawan....ang hen kabaliktaran ng cock..mas maliit ang ulo at pangangatawan.....search mo sa youtube ito "Alagang Magaling S6 ep8 PIGEON RACING 101 BREEDING JAIMI LIM PART 1"..

salamat ts, newbie lang ako sa pag kakalapati. my breeding ako kaso palaging nag aaway pag komakain, baka kc poro babae

bos ma pipisa ba ang itlog kong isa lang? kc n ngitlog kalapati ko isa lang..
thank you TS
 
Last edited by a moderator:
kumusta na mga ka fancier jan ? mukang hindi na active itong thread na to.

UP

UP

UP

UP
 
Back
Top Bottom