Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Sabihin ko lang po nararamdaman ko ngayon after that happened.

shame08102488

Professional
Advanced Member
Messages
180
Reaction score
0
Points
26
This is all about our story

Hi Jocelyn,

Sana mabasa mo tong sasabihin ko. Noong una ang saya ko pag nkikita lang kita, maamo mong mukha na hindi nakakasawang pagmasdan, masayang masaya puso ko sat wing natatanaw kita mula sa 3rd floor ng school at nasa 2nd floor ka naman nag iisa habang nag iintay ng next class mo, nahihiya ka pa palagi sa twing magkasama tayo at ganun din naman ako, yung kailangan pa ng middle person na wari'y magkaiba ang ating language pero pareho naman tayong pilipino at nagtatagalog, kakatuwa noh? para tayong tanga pero madalas nagkukulitan tayo sa text message kasi wala pang facebook that time. ang saya natin nun. lumilipas ang panahon magkasama nating hinaharap ang problema ng isat isa at lagi akong nakasupport sayo at ganun ka din naman sakin kahit hindi mo pinahahalata. Sa twing sumasayaw ako sasabihin mu hindi ka manunuod pero andun ka at palihim na proud sakin. Nararamdaman ko yun. Haizt sarap balikan ng alala na yon.
Nakagraduate na tayo ng college at pareho tayong masaya kahit my pagkabitterness ka p din pero excited sa pagkuha ng exam, suddenly hindi ka nakapasa pero hindi kita diniscourage, instead tinulungan kita makahanap ng job na pede sayo at nagtanong tanong tayo hanggang sa nakapasok kna ng ML at yun katagalan nagging regular kana. Ako naman nag wowork sa isang planta hanggang sa nawalan ako ng work at nag apply ako sa ibang bansa at meron naming opportunity na dumating. While waiting masaya akong naging taga hatid at sundo mu kahit alam mong pinagagalitan ako sa bahay go pa rin ako kasi gusto kong masulit ang pagkakataong mapagsilbihan ang prinsesa ko. Masaya akong pagsilbihan ka alam mu yan.
Hanggang sa nakaalis na nga ako dala ang pangakong mag iintay ka sakin at akin ka lang at ganun din ako sayo, chat chat na tayo that time with texting pa din. Time goes by biglang unti unti kang nanlamig sakin at nawala ung sweet na conversation. Then 1 day nagpaayos ka sakin ng facebook mo and suddenly nagbasa ako ng mga message at my message dun with your bestfriend na my topic kayong guy at niask mu bestfriend mu if ipagpapalit muna ba ko dun. Nasahock ako nun at biglang nanlamig ang aking buong katawan na hindi ko maipaliwanag na parang my tumusok sa puso ko. Pinag usapan natin ang bagay nay un at nging ok din naman in a few days. Sweetness back but time goes by ulit. Tuloy tuloy na ang panlalamig mo hanggang sa namamalimos n ko ng time sayo. And 1 day sa dami ng tawag ko at text hindi ka nagrereply at nag desiyon akong sumuko that time. Pag suko ko tsaka ka nagreply ng ok. Haizt hirap n hirap ako nun. Hindi ko alam gagawin ko. Nagmakaawa ako sayo na tayo nalang ulit pero ayaw muna at sabi mu bigyan kita ng time. Tapos nging vice versa ang pangyayari kalaunan. Nakamove on ako at ikaw naman ung nagmamakaawa skin na bumalik. Hindi tayo naging maayos nun for a months. No communication hanggang sa dumating ung araw na muling pagbalik ko sa pinas. Masaya akong malungkot dala ang takot na umalis akong andyan ka ngunit bumalik akong wala ka. 6 days bago birthday mo ay bigla akong nagparamdam sayo para isurprice ka. Dala ang cake na binili ko from mall for travel time of 1 our pauwi sa bahay ay magbihis para ideliver sa branch nyo afternoon. Sad to say n antay ako ng antay sayo lumabas ka un pala hindi ka pinapasok kc nga birthday mo. Nag punta ko sa bahay nyo kahit gabi na kasi sabi ka work mate mo eh baka nasa bahay kana. Dala ko p din yung cake at pasubong ko sayo. Kaso pag dating ko wala ka din dun. Instead na ikaw ung masurprice ako yung nasurprice. Hanggang 8pm ako nag antay at ng nagreply k sa kapatid mo sabi mu kinabukasan kna uuwi, dun n ko nagdecide magtext sayo na andito ko sa bahay nyo. Iniwan ko yung cake pero inuwi ko pasalubong ko sayo at umaasang maibigay ko sayo ng personal. 10pm bigla ka tumawag at hanggang madaling araw masaya tayong nag uusap. Day by day mag katext tayo hanggang sa napag usapan natin yung guy na pinagselosan ko na binlock ako s fb, ung guy na ipagpapalit mo ko, tapos umamin ka na mgkasama pala kayo nung birthday mo at nag mall kayo. Lumipas pa ang ilang araw sa masayang araw araw nting pag uusap umamin ka na kayo na pala at cnagot mu sya nung mismong birthday mo. Valentines day kayo ang mag on pero ako ang kasama mo, masaya ako kahit ako na original ang nging kabit that time. I give you until umalis ulit ako sa pinas na mamili samin at masaya naman akong ako yung pinili mo ulit. Ung nsirang tiwala ko sayo ibinalik ko sa ngalan ng pagmamahal ko sayo. Then same like nung unang alis ko, sweet message tayo palagi nung mga unang araw weeks months na andito ulit ako sa ibang bansa. Then namatay ang tatay ko at suddenly nakapag emergency leave agad agad ako. Lungkot na may halong saya pa din nararamdaman ko that time, sobrang lungkot kasi uuwi akong mkikita ang tatay na nakahiga sa casket nya. Masaya kasi my konting chance para mkita at makasama ka ulit. Sa sandaling panahon n yun kailangan ko ulit bumalik at malungkot na naman tayo. After that unti unti kana naman nanlamig hanggang sa namamalimos n nmn ako ng time sayo. I ask you if meron bang nanliligaw sayo sabi mo ay wala. Then naniwala naman ako, pinipilit ko gumawa ng conversation pero tamad n tamad ka magreply. Hanggang sa naospital ang nanay naconfine at nagsabi ko sayo. Binasa mu lang. masakit skin mkita yun na akala ko susuportahan mo ko at palalakasin mo loob ko pero nagkamali ako. The next day nag chat ulit ako sayo at sabi mo lang ayaw mo na. grabe pkiramdam. Sobrang sakit and pinilit kitang pinaamin inakala ko pang buntis ka dahil sa mga wordings mo na paninindigan mu lang ung nangyari at hindi mu cnasadya. Yun pala my bago ka ng gusto. Ganun p man tandaan mo mahal na mahal pa din kita at masasabi kong kung babalik ka baka tanggapin p din kita dahil sa pagmamahal ko sayo.
Thankful pa din ako sayo kasi nasabi mong bihira lang makakita ng isang lalaking kagaya ko na dadaan sa buhay mo na in 8 years wala kng pinagselosang babae kasi alam mong ikaw lang mahal ko.
Pero alam ko may pagkakamali ako sayo. Un yung hindi ko naiparamdam sayo ang halaga mo sakin na priority kita kc malayo ako.
Madaming details na hindi ko na nasabi sa 8 years of our story. Kung mabasa mo man to. Pacnxa kana if nipost ko dito. I want you to know na kahit malayo ka skin tinitiis ko ung hirap at makakita ng mga couples na magkasama at masaya habang ako ikaw ang iniisip at nag aantay ang araw n ikasal tayo pag uwi ko. Ngunit hindi na mangyayari kasi pinanindigan munang my gusto k ng iba.
Sa mga lalaki dyan. Guys pag alam nyong my Boyfriend or Husband yung girl wag nyo na sulutin. Hindi man s inyo mangyari pwedeng sa kapatid nyong babae, anu kaya mararamdaman nyo? Masakit yun lalo na kung mahal na mahal nung boyfriend or husband nya ung babaeng sinulot nyo. Tapos pati yung mga matitinong kagaya nung seryoso eh nadadamay sa mga kagaya nyo.
Ganun pa man wala na kong magagawa, mahirap pero need ko magmove on. Ewan ko kung hanggang kalian o baka hindi na ko mag asawa at mag focus nalang sa pangarap n binuo nating magkasama ngunit itutuloy kong mag isa.

THANK YOU PO SA MAGBABASA. I KNOW MY MGA NEGATIVE COMMENTS KAYO. AT IGAGALANG KO YUN.

BUT PLEASE JUST RESPECT DIN ALSO.

REAL LOVE HURTS

Gusto ko pa sana pahabain ang istorya kaso alam kong lalo lang masasayang ang time nyo. Binalikan ko lng po ang lahat

Nagyari po ang breakup n toh June 28, 2017 sariwang sariwang kinarne ang aking puso.
Sana po ay mging masaya kana.

God will not leave me alone, I know He has a very good plan for my life and a better partner in future.
Salamat po ulit sa nagtyaga.

Sa mga mag papayo po skin paano makamove on comment lang po. salamat


RIP 07.08.09
RTC
 
Last edited:
Back
Top Bottom