Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Save, Insure, Invest and get Rich

mestibu

Apprentice
Advanced Member
Messages
81
Reaction score
0
Points
26
Hi mga kasymb,

I'm an accountant, also a business enthusiast owning a silkscreen printing business, and at the same time an agent to an insurance company.

The love of money is the root of all evil. Malinaw ho mga kasymb na ang pagmamahal sa pera o kayamanan ay pinanggalingan ng kasamaan.

Ngunit hindi ho sinabi na ang kayamanan o pera ay masama. Kundi depende ho sa inung persepsyon tungkol sa pera.

Kung tau po ay magttrabaho para sa pera habangbuhay hindi ba't lagi tau dedepende sa ating trabaho para sa pera.

Sana maisipan mo rin kung paano pagtrabahuhin ang pera para sa sau.

"Don't work for the money but learn how to let the money work for you"


Nais mo bang magretire sa trabaho kapag 65 kana? Kaibigan napalaking oras ang inaaagaw ng trabaho sa oras na para sana ay sa ating mahal sa buhay. Bakit di ka magretire kung ikaw ay 45 pa lang? Ang retirement ay hindi ibig sabihin na hindi ka na magttrabaho, ang ibig sabihin ko lamang po ay ung edad na kahit magtrabaho ka man o hindi ay mapagkukunan ka ng sapat o higit pa na income upang suportahan ang iyon pamilya.

Ngunit isang malaking dilema na kung wala taung trabaho paano natin masusuportahan ang ating mga mahal sa buhay kasama na ang ating mga sarili. Ang tanong trabaho nga lang ba ang pwedeng panggalingan ng pera?

Bilang lamang ang pinahiram sa atin ng oras ng Panginoon sa mundong ito kaya hindi ba't dapat nating isipin kung paano tau magkakaroon ng maraming oras para sa ating mga minamahal.

Para tau magkaroon ng maraming oras sa ating pamilya ay kailangan din natin ng mapagkukunan ng pera habang inienjoy natin ang mga oras para sa ating mga sarili at sa ating mga mahal sa buhay..

Posible kaya un? Posible po mga kaibigan!

Bakit hindi tau magtayo ng KAYAMANAN? Pero paano nga ba magiimpok ng kayamanan at ang panatilihin ang kayamanan.

Dalawa ang ating kelangan matutunan, ang pagimpok at ang pagpapanatili ng kayamanan. Hindi lang para sa iyo kundi para na rin sa mga susunod pang henerasyon ng iyong pamilya.

Para ho matutunan ang mga ito ay kailangan ho natin matutunan ang mga kahalagahan ng ilang mga salita:

Save
Insure
Financial Security
Invest
Financial Freedom


.Financial Security
Magsimula sa pagiging financially secured. Ang pagigin financially secured ay ung tipong di mo na kailangan pa magworry sa pera. Sapagkat alam mo na may sapat kang trabaho upang tumustos sa pangaraw araw ng gastusin, sapat na ipon para sa mga emergency needs ng pamilya, at sapat na seguridad para sa malalaking problema ng pamilya gaya na lamang ng pagkawala ng isang mahal sa buhay na siyang pangunahing nagtutustos ng pangangailangan.

Stable job
Savings
Emergency funds
Insurance


Yan po ang mga salitang kailangan natin maisaisip upang maging financially secured.

Stable job upang tuloy tuloy ang pagtutustos ng pangangailangan.

Savings at Emergency funds para sa mga malaki pangangailangan ng pamily gaya ng pagaaral ng mga anak, at para sa mga emergencies tulad ng pagkakasakit ng myembro ng pamilya.

Insurance upang maseguro ang ating pamilya sa kanilang pangangailangan sa oras na kunin na ang ating buhay ng ating Panginoon. Gustohin man natin ito o hindi ay talagang mangyayari ito at hindi ho natin ito alam kung kailan. Kaya naman hindi ho ba't dapat na maseguro na natin ang kapakanan ng ating pamily bago pa man magngyari ito?

Financial Freedom

Financial freedom ho ang dapat nating asikasuhin pagkatapos nating maattain ang financial security na kung saan pinagttrabaho mo ang iyong pera para magtrabaho ng husto para sa iyo.

Ibig sabihin ay di mo na kelangan pang magtrabaho dahil ang pera na ang nagttrabaho para sa iyo. Napakasarap maging malaya mula sa pera. At dahil dyan ay maiiibigay mo na ang mas maraming oras mo para sa iyong sarili at para sa iyong mga mahal sa buhay.

Paano? :)

1.Stable job
Mula sa iyong kita sa trabaho, magpartime business ka para magkaroon ng mas malaking oportunidad na kumita. Pag empleyado ka fixed po ang income mo. Ngunit kung makukuha mo ang skill ng negosyo ay tiyak unlimited ang opportunities mo para kumita.

Paalala lamang po na dapat ay sa maliit ka magsimula gaya na lang ng buy and sell ng hindi masyadong makapital. Bakit? Dahil wala ka pa nang tinatawag na business skill. Kailangan mo nang malaking business skill para sa malaking negosyo.

Paano magkaroon ng business skill? Simple lang kaibigan. Simulan mo ang isang maliit na negosyo at pag aralan mo mula sa operasyon gang sa accounting ng business mo.

2.Savings
Ang bangko ay para lamang sa emergency funds mo, pero hindi para sa savings, alam mo bang bababa ang purchasing power ng savings mo dahil sa tinatawag na inflation rate. Mas mataas ang inflation rate kaysa sa interest income na binibigay sau ng bangko sa pera mo alam mo ba un? At di lang yan, may withholding tax pa dahil yan ay isang realized gain. Lugi ka na ay binuwisan pa ang pera mo,

Pero san ko ilalagay? Marami! Ito ang mga option mo,

a. sa negosyo kung stable na ang clients mo, maghire ka nang mapagkakatiwalaan ng negosyo para siya ang magpatakbo ng (mga) negosyo mo. Aun ginamit mo ulit ang pera para magtrabaho para sa iyo.

b. sa pagpapatayo ng apartments para may passive income ka, at non-taxable pa yan kung residential apartments. Biruin mo kung meron kang 100k para ipatayo ng apartment at kung 5k per month ang pagparenta mo ay sa loob ng 20 months ay bawi mo na ang kapital mo at buwan buwan ka nang may kita ng 5k khit nang walang kahirap hirap. paano kung meron kang 10 units ng apartment? wow 50k buwan buwan ng walang kahirap hirap.

Tandaan na financial freedom ang goal mo na kung saan ang pera ang pagttrabahuhin mo para sa iyo. at hindi na ikaw ang magttrabaho para sa pera.


3. Insurance.

Ito po ang isa sa mga outstanding investment vehicle na pwede nung puntahan. Tanong ay bakit? Hindi ba't nakukuha lang naman ang pera dito kapag wala na ung taong naghuhulog kaya di mo rin mapapkinabangan habang buhay ka pa. Sagot ho dyan ay mali.

Meron po taung tinatawag na variable life insurance na kung saan may porsyon sa premium mo ang nkainvest. Ibig sabhin ay may oportunidad na lumaki ang pera mo ayon sa paglago ng ekonomiya.

Gayun din naman may tsansa din na lumiit ang pera mo kung babagsak ang ekonomiya.

Ngunit hindi ba't sa dami ng pagbagsak ay tumatayo pa din ang ating ekonomiya.

Paano ako makikinabang?

1.Maaari mong iwiddraw ang kinita ng pera mo, sa pamamagitan ng loan ay hindi magiging taxable ang kinita mo.
2. May pagpipilian ka kung san mo ilalagay ang investment units mo:
Fixed income fund: ito ay kadalasang mga pautang sa gobyerno na kung saan nakasisigurado taung mababayaran ng gobyerno. Ibig sabihin ho ay low risk ang investment na ito, gayundin nman low returns po ito.

Equity fund: ito naman po kadalasan ay ung investments sa stocks ng mga pampublikong kompanya. High risk po ito ngunit ito rin po ang nagbibigay ng high returns,

3. Mkikita nu na lang po na pagkatapos ng maraming taon ay darami na ang pera nu.

Kung tayong lahat ay maghahangad na maging malaya sa pera ay tiyak na tayong lahat ay magkakaroon ng mas magandang kinabukasan.

Sa ganung paraan ang pera ang hustong nagttrabaho para sa iyo.
 
Last edited:
Thanks Sir ok lang ba mag pm sa inyo para sa iba pang tutorials o katanungan para sa pag gawa ng magndang systema sa buhay?
 
Pero siyempre wala pa ring tatalo sa paggawa ng negosyo :D
 
thanks dto TS!dpat gnito tlga,Money works for u.
 
Thanks!

Happy trip sa financial freedom journey mo ^_^
 
OT: May bayad ba pag seek sa mga financial advisors? Gusto ko matuto, PM me TS.
 
Up natin to TS :D marami tayong matutulungan nito.
 
Napisip ako dun ah. Maraming Salamat TS for sharing.
Kelangan ko pa talaga mag ipon. :salute:
 
Napisip ako dun ah. Maraming Salamat TS for sharing.
Kelangan ko pa talaga mag ipon. :salute:

Hindi sapat ang magipon pre. Kelangan may financial strategy para lumalago ung perang iniipon mo.
 
OT: May bayad ba pag seek sa mga financial advisors? Gusto ko matuto, PM me TS.

Wala po mission namin na maeducate ang kapwa namin Pilipino sa larangan ng pagpapaunlad ng kabuhayan. Isa din po akong Financial Adviser. If you wish to know more you are free to communicate with us.
 
Back
Top Bottom