Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Share plasma tv

kenwood09

Apprentice
Advanced Member
Messages
69
Reaction score
0
Points
26
may home service ako kanina. TH-P42X50S Plasma. Kahit bawal pa ko at rest day pako ay napasubo ako.
ang ganda kasi ni Tumer kaya napa Oo na lang ako at hindi naka tanggi.
kahit walang piyesang dala at salat sa gamit (tools) na meron lang
1 philips screw driver, 1 soldering iron, 1 side cutter plier at multitester
sige pa rin ng sige.
Status pala niyan ay Deadset/no Power.
tinanong ko muna si tumer kung ano ang history bago namahinga ng tuluyan ang unit niya para magka ideya man lang, kong meron man
nakakatakot magkamali nakamasid palagi si ms.angel (tumer) kaya conversation style muna. para hindi kami pareho mainip at mabaling sa iba ang paningin ko.. hindi lang dapat sa legs niya
Kaya lang So sad wala akong nakuha sa sagot niya dahil bigla na lang daw namatay ang unit. nag turn off while watching hanggang hindi na talaga mag on
kaya nag decide nakong buksan ang unit. After mabuksan ang back cover ay visual check agad muna for burnt parts, burnt mark & other lamats.. pero no luck.
So.. needed ko na mag voltage check gamit si voltmeter
voltage check sa test point.. Aba ayon walang 5V standby..
check sa line path nya at ayon huli kang kutong rectifier diode ka.. shorted ang mokong
tinanggal yan at napatanong kay Ms. angel kung may mga sira ba siyang Cellphone charger na hindi na ginagamit para may mapagkuhanan kami ng piyesa/parts.
So lucky. umaayon sa akin ang panahon at meron siyang isa na naitabi. kaya agad agad binuksan yun at kumuha ng isang rectifier diode sa bridge - 1N4007. then kabit at saksak para magpausok
Sa awa ni Lord walang sumabog o umusok
test ulit sa test point at Ayon may 5V na at may improvement na.. may blinking red light sa led na. means naka standby na.. hmmmppfff
bakit kaya rapid blinking ito...? check ulit sa 5V line... Aba fluctuating pala ang mokong
mukhang may probs sa Bias/Feedback circui. sa kasamaang palad ay sira yung bias ckt ng charger ni tumer. wala tuloy TL431 na spare goods o kahit na lang sana TL431 o opto PC123/812. para makapag modi ako o makapag opera.
hahaizz napabuntong hininga tuloy ako. napansin siguro ni na tumitig na naman ako sa Legs niya.. kaya nagpaalam na maliligo nalang muna siya.
sa isip ko mapapahiya pa yata ako nito pag hindi ko man lang ito mapaandar. At wala siyang magamit na TV sa dadaang araw.
hhhmmmpppfff habang nasa banyo siya at ako naman ay litong lito anong gagawin dahil salat ako sa gamit...
Pasukin ko nalang kaya si Angel sa loob ng banyo
heheheheheh Jokes kayo talaga mga iniisip nyo..
balik sa topic: tumunog ang cp ko.. babasahin ko na sana ang text pero biglang namatay ang CP.. lowbatt pala ako...
kinuha ko ang charger ko sa bag para magcharge. at napaisip. Aha pwede ko itong magamit... tamang tama 5V kailangan ko hehehehehe
i will sacrifice my Charger. pang external 5V at pang feed sa PN board (power supply).
then testing ulit... Ayon steady na siya.. pero another problem occured.. blinking green light & go back to red blinking. indiciation na nag poprotect ang unit...
may heavy load or shorted na load..
so check agad lahat ng mosfet driver na most common bumibigay sa ganitong status
lalong lalo na sa VDA/PN board at Vsus/SN board..
ayon may dalawa nakita... 2pcs RJP30Y2 at isang DG301 sa Vda board..
shortcut para mas mabilis at hindi ako maabutan ni Ms.Angel
putolin na lang ang paa gamit si side cutter plier..
bypass ang Vsus board
para mapa display ang Panel at Boom,...
kita na ang Display... reddish image kailangan talaga paganahin ang VDA board para mag mix ng tama kaso wala akong pamalit ng Mosfet at Q tranny driver..
So burn test nlng muna for 6mins... tamang tama lumabas na ng banyo si Angel.. Ang bango niya...
ang saya niya. magagamit na daw niya kahit pangsamantala.
sukuan ko na lang kaya ito?
hehehehe jokes.. update ko na lang kayo mga sis...
e e score muna ako
next week na lang.. para maikabit ko ang Fet at maka score ulit haha joke haha kayo talaga sana magawa ko na..
 
Back
Top Bottom