Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

"Sticky Note"

armz71

The Martyr
Advanced Member
Messages
712
Reaction score
207
Points
228
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
"Sticky Note"

ILLUSTRATION:


Mayroon pong mag asawa na kung saan ang lalaki ay mitikoloso at dominante sa loob ng tahanan at parang bang ang lahat ay gusto nya na nasa maayos ang lahat at ang kanyang asawang babae ay masunurin naman subalit minsan ay di maiwasan na mag kamali, kaya ang ginawa ng lalaki ay bawat kanyang nais o gusto ay sinulat nya sa maliit na papel (sticky note) halmbawa pag dumarating ang ang lalaki kailangan yun tsinelas na pambahay ay kaagad nya ibibigay pag nakaupo na sa sopa kayat sa pagbukas pa lamang ng pinto ay may maliit na papel, maging sa pinto ng ref may papel kung ano dapat kakainin nya, maging sa loob ng kwarto ay mayroon din.halos na ata ng bahay ay may sticky note sa banyo etc., (para bang ang lahat ay siya na lang ang dapat masunod sa paraan na ayon sa gusto nya. Sa tingin parang wala namang masama kaya lang para sa babae ay nakaka stress ang ganun sitwasyon at parang walang halaga o silbi ang pagiging asawa niyang babae at di nya magawa na maipakita o maibigay na mahalin ang kanyang asawang lalaki ayon sa kanyang idea o gusto na kung saan ay para sa kanya ay de numero ang lahat ng kilos nya).

Subalit sa di inaasahan pagkakataon ang lalaki ay namatay, at paglipas ng ilang panahon ang babae ay muling tumibok ang puso sa madaling sabi ay nakapag asawa muli. Ang kanyang napangasawa ay kaiba sa nauna, ang lalaking ito ay mahal na mahal siya pag day off ay makikita mo na ang lalaki ang nag aasikaso sa tahanan pinag luluto ang babae inaasikaso pinagsisislbihan parang bang buhay reyna siya sa paninging ng lalaki. At sa paglipas ng panahon masaya silang magkatuwang sa buhay upang bumuo ng pamilya. Minsan po ay naiisipan ng babae na maglinis sa bodega nila sa loob ng attic, at nakita nya ang isang maliit na kahon at nakita nya yun mga sinulat ng kanyang naunang asawa na yumao na. At siya ay napangiti na lamang sapagkat kanyang naman itong gingawa subalit may pagkakaiba walang stress at may galak siyang gawin ang mga bagay na ito. Sapagkat ang pangalawang asawa ay nagpapakita ng mga magagandang halimbawa at di lamang sa salita o sa sticky note.

NOTE:

Ganun din naman po tayo bilang isang kristyano (2cor. 5:17),kaya po natin nagagawa ang mga bagay na naaayon sa Saita ng ng Diyos sapagkat nauna Niyang minahal tayo:

9 Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. 10 Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan. (1John 4:9-10)
 
Top Bottom