Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Symbianize is back!

Tuloy po tayo sa bagong tambahay natin. Parang ang dami nating gustong itanong ano po? So simulan natin sa mga basic questions. Pakibasa na lang po muna yung FAQ sa baba.


Q: Kailangan bang mag-register ulit sa Symb?
A: Hindi na po kailangan kung hindi naman banned or unverified yung account natin sa Mobi. Nag-import po tayo ng member database from Mobi to Symb except yung mga banned at unverified accounts.

Q: Anong login ang gagagamitin ko, yung account ko sa lumang Symb or account ko ba sa Mobi, magkaiba kase password?
A: Yung login details natin noong nag-shutdown ang Mobi last October 2020 ang dapat po nating gamitin.

Q: Bakit kapag nag-login ako may error na 'The requested user could not be found'?
A: Hindi po registered yung username o email na ginamit natin sa pag-login. Posibleng deleted na po kase banned or unverified account or nag-rename tayo at yung lumang username natin na hindi na nag-eexist ang sinusubukan nating i-login.

Q: Bakit kapag nag-login ako may error na 'Incorrect password. Please try again.'?
A: Tama po ang username or email na ginamit natin pang-login pero mali yung password. Click lang po natin itong 'Forgot your password' link at sundin ang instructions kung paano i-reset ang password.

Q: Pwede bang i-recover yung account kung nakalimutan o di na ma-open yung email na ginamit ko sa account ko?
A: Hindi na po. Email or password po ang way para mapatunayan natin na tayo nga mismo yung may-ari ng account at kung makalimutan natin pareho di na natin kayang i-prove na sa atin nga yung account. Gawa na lang po tayo ng new account.

Q: Nakaka-login ako sa Mobi kasi naka-auto login ako pero nakalimutan ko na password at email ko kaya sa Symb di na ko maka-login pwede pa kayang ma-recover password ko pag ganon?
A: Pwede po. Sa case po na ganyan di pa talaga totally lost ang password, pwede pa natin malaman yung password punta lang tayo doon sa browser settings may option doon para makita yung mga passwords natin na naka-save.

Q: Nag-register ako ng bagong account sa Symb at nakaka-login ako pero bakit pagpunta ko sa Old Forums naka-logout ako?
A: Magkaiba po ang database ng Symb at Old Forums (mobilarian.com), yung activity po natin sa Symb di makakaapekto sa old forums at lahat ng account na ni-register natin sa Symb di gagana sa Old Forums.

Q: Bakit hindi na lang ilipat sa Symb yung mga post sa Mobi?
A: Karamihan po kasi ng mga post ay luma na so madami na ang broken links, outdated info, inaccurate guides, spam, violations, etc. Kaya minabuti na lang po natin na iwan na lang don yung mga lumang posts at dito magsimula ng bagong posts para sure tayo na updated lahat ng post dito sa Symb.

Q: Paano naman yung gumagana pa yung links, ok pa yung mga tutorial at iba pang threads na pwede pa naman?
A: Kung may useful threads o posts pa sa old forums pwede naman nating gawan ng kopya dito sa Symb. Kahit sino pwede pong magstart ng thread at kopyahin yung useful thread o post dun sa old forums.

Q: Paano kung hindi ako ang original poster (OP) doon sa old forums pwede ko rin bang gawan ng parehong thread o post dito sa Symb?
A: Opo, pwede naman kahit hindi tayo ang OP. Posible kasing hindi na active yung OP so mas mabuting tayo na mismo maglipat ng thread o post nya dito sa Symb. Lagyan na lang natin ng credit yung OP sa gagawin nating post dito sa Symb.

Q: Kung active pa yung OP pero mukang wala naman syang balak ilipat yung posts nya dito sa Symb pwede po bang ako na lang maglipat?
A: Pwede naman po pero magpaalam muna tayo. Kung nagpaalam po tayo at hindi pumayag at sya talaga ang original source, wag na nating ilipat dito sa Symb iwan na lang natin doon sa old forums. Pero kung copy-paste lang naman po o galing sa ibang sources yung laman ng post nya pwede nating kopyahin dito kahit di na tayo magpaalam.

Q: Ano po mangyayari sa old forums at mga posts don forever bang nandyan lang at maa-access natin anytime?
A: Temporary lang po sana ang balak natin, enough time lang para malipat natin yung mga useful threads. Kumokonsumo din po kasi ng server resources yung old forums.

Q: Yung AZ talaga ang isa sa mga na-miss ko sa dating Symbianize may chance kaya magkaroon ulit?
A: Actually meron na po ulit, punta lang tayo sa Symbianize Bulletin at may thread don kung paano ma-access.

Q: Pwede bang magpalit ng username sawa na kasi ako sa gamit ko.
A: Opo, punta lang tayo sa Symbianize Bulletin at may thread don kung paano magpalit ng username.



UPDATE 10/22/2022:

Nailipat na po natin yung mga posts at files ng Old Forums (Mobi) dito sa Symb. Paki-click lang po yung link sa baba para sa iba pang detalye...
https://www.symbianize.com/threads/posts-imported-from-the-old-forum.169920/
 
Last edited by a moderator:
Back
Top Bottom