Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥




577448_2721454054727_1808361163_1564982_1391145073_n.jpg


Banner by 16MinutesLate

Good day!

As part of the Symbianize Literati project we present to you the Freewriting Thread. :D here in this thread you're free to write anything :-) Syempre as long as it does not violate the Symbianize forum rules and regulations. It's one way to help you writers overcome writer's block--without worrying about editing, revising and all... basta sulat lang ng sulat. From the word itself free and write. :D


If you're not familiar with what freewriting is, here's a few tips and info:


What is freewriting:

Free writing is a prewriting technique in which a person writes continuously for a set period of time without regard to spelling, grammar, or topic. It produces raw, often unusable material, but helps writers overcome blocks of apathy and self-criticism. It is used mainly by prose writers and writing teachers.[1][2] Some writers use the technique to collect initial thoughts and ideas on a topic, often as a preliminary to formal writing.

[ Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Free_writing ]

Free writing is a simple process that is the basis for other discovery techniques. Basic free writing follows these guidelines:

1. Write nonstop for a set period of time (10–20 minutes).
2. Do not make corrections as you write.
3. Keep writing, even if you have to write something like, "I don't know what to write."
4. Write whatever comes into your mind.
5. Do not judge or censor what you are writing.

[ Source: http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing.html ]



Then freewriting results in a mess?

Yes, it certainly can. In fact, if your free writing is neat and coherent, you probably haven't loosened up enough. However, remember that you can't fail in free writing. The point of doing free writing is the process, not the end result. If you follow the guidelines, your free writing is successful.


The benefits of freewriting

It makes you more comfortable with the act of writing.
It helps you bypass the "inner critic" who tells you you can't write.
It can be a valve to release inner tensions.
It can help you discover things to write about.
It can indirectly improve your formal writing.
It can be fun.


Here's a sample freewriting exercise by our very own Padrepio (as posted in our Literati FB Hideout)

ok. im staring at my monitor reading cecille's post and ohmygulay i dont know what to say but it doesn't mean that i dont like her suggestion matter of fact i extremely like it however i think i know the reason why my togue is tied in a manner of speaking and it's because right now at this very moment i am thinking of something else soemething very very important a matter of life and death and that is why i can't even be bothered to put any commas and periods on my sentences grammar be dammned and yes spilleng be damned too what was i saying oh yes about something important and the gist of the matter is i csnt think of any response to cecille's post because right now the urge to sit on a white throne with a pool of water below it is very strong oh god what a relief


Another one from http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing-example.html


well I'm sitting here at the key board and I really don't know what to write about it is too chilly in this building today age after we complained all summe about it being too hot - remind myself not to correct errors it's second nature to go back and change mistales mabee i should have written this example in long hand but then i 'd have to translate my hadnwriting I don't know how to wirt ehte link for the Shiki list renga I want ot constribute a link if I can I saw a bumblebee in sweet pea blossoms this morning and i think that would work bery well as an image but i havent got it worked out well i don't know how the bee relates to the blossoms is he hiding in them? is he . . . is he . . . is he . . . making a home there, no of course not bees don't live in blossoms and he's not hiding either I cont' thins bees hide what do yu thing? (i'm aware I, m going to post hthis and aware someone may read it which causes some inihinbition I couldn't rfind another aexample earier my typing isn't always this bads excuses excuses but freedom too mabeb my bee link can can can canc can canc what ? include refenerce to alley where we were aw=walking the dof? i mean dog of course he was buried stuck his head in nettles or something some kinf of weed groins gwo growing in the chain link fense below the sweet peas so may be I can put the fo dog in the link but it can't be more than 14 syllables which isn't very much to wirte I guess but thats renga for you I like the hokku that Dhugal posted "sparrows/erip aw I can't remember they erupt from trees but I think Paul Mena says what kind of trees and there's the third line :"a sudden burst of thunder" and did I remember that write i mean rite and anyway the bee going INTO the blossoms I think links nicely with the sparrows coming out of the rte trees and the thunder with the bee's presumed buzzing although I ididnt hear anything and maybe that would be something to include in the link do you think? henh henh henh I rhymed I did and the bees and the blosssom, ah the birds and the bees and the blossoms and the supposed old fashioned man to man talk a father had with a son but I was a farmboy and it's kinda hard to miss what a bull does to a cow and that's probably enough of that guess I won't spell chect this file hee ehee hee and what next what comes nesct I stiull have a minut or ssp these tehrt there awas and idea aobyut the bee and blossom link there but it's past o yeh the silence the of the bee, ie "the silence of the bee / in the sweetpea blossoms? yeh I think that;s it finish this mess and sebd send it to Dhugal and see how he lings likes it see there, free writing fdoses pay off I didn't not intend that reslult and it wasn't planned iethter so that's about it

Simple rules-- write to EXPRESS not to impress. No structures required. Just let the words flow... :D

Keep writing!


 
Last edited:
May 8 pala ngayon:panic: bakit ba pag may ocho nagpapanic ako?:unsure: it reminds me of something... Something na nakakapagsaya saken... nakakapag pa...ah basta... waaah:panic: if only i could turn back time... Pero ang hirap din isipin kung ipapagpapatuloy ko pa yun kasi parang anlabo pa kasi:panic: sana maging ok na ulet kami... Ok naman kami pero kasi parang may something na pumipigil na samen na gawin yung dati, kung anong meron kami nuon at kung ano ang meron kami ngayon..hahayz... Parang may mali... May mali nga... Parang may hindi ok na nangyari kanina... May hindi magandang nangyari nga...siguro.. Kasi napansin ko na parang may nag-iba sa kanya. Ang dami ko gusto itanong pero di ko masabi kasi natatakot ako. Baka mabalewala lang o baka ayaw niya malaman o baka ayaw niya lang talaga?:unsure:
Bakit ba ako nagkakaganito?:panic: baliw na ata ako.. Yes! Baliw na ako dati pa.. Sa kanya... Oo, sa kanya.. Teka, bakit nagsusulat ako dito? At bakit gising pa ako? Gusto ko na matulog.. Matutulog na ba ako? Teka:panic:
 
Last edited:
pagkatapos mapanood yung its kind of a funny story na movie for the second time mas lalo ko siyang naintindihan, bakit ko nasabi?
simple lang nung una ko siyang napanood last year sa bahay ng close friend ko which is kalaro ko rin sa skateboarding eh medyo nakwento niya yung plot pero mas minabuti kong panoorin nalang
para mas maintindihan ko lalo.simple lang ang dahilan kung bakit pinanood sakin yun ng kaibigan ko dati, para maintindihan ko kung ano ba talaga silbi ko sa mundo at huwag manghinayang sa isang bagay na nawala sa pagkatao mo.
kaya nung matapos ko siyang mapanood sa unang beses after a week humingi ako sa kanya ng copy pero sa kasamaang palad minalas ako dahil nabura niya yung copy niya,nung una hindi ko talaga alam yung title nung pinanood namin dati na akala ko simpleng teen movie lang na parang
american pie pero nagkamali ako, inabot ng ilang buwan bago niya ko nabigyan ng copy nung movie, nagulat nalang ako nung magpost siya sa wall ko ng kung ano na hindi ko maintidihan sa una pero nung nagkita kami eh ang ibig pala niyang sabihin sa post niya sa fb eh may copy na pala siya nung movie weird no?
kaya ang ginawa ko nung tumambay kami ayun binigay ko agad sa kanya yung usb para magkaron ng copy nung movie pero inabot ng ilang linggo bago ko nakuha sa kanya yung usb ko kasi sobrang busy niya kaya't nung nakuha ko na eh ayun hindi ko napanood agad tsk...tsk...tsk...kasi nawawala lagi sa isip ko na panoorin agad pero nung time na nabagot ako sa bahay at hindi makatulog ayun pinanood ko narin siya
atlast, bawat eksena hindi ko pinalampas dahil gusto ko talaga siyang maintindihan at hindi naman ako nabigo ayun natapos ko yung movie. naging malinaw na sakin ang lahat kung bakit ganon ang plot ng movie na napanood ko naisip ko bigla what if kung binalak kong magpatiwakal kagaya nung ginawa ng bida sa palabas? hmmmmmmmmm....napaisip ako bigla huminga ng malalim at nagdesisyon sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko gagawin yun dahil isa lang ang buhay ng bawat tao at hindi siyam tsk.
pusa lang ang madaming buhay hehehe....pero maganda talaga yung palabas promise.
 
Nandito parin ako... Di ako makatulog. Siguro kasi madaming hindi maganda na nangyari kanina. Madami ba?:think: Madami nga.. Una yung ginawa kong design para sa t-shirt para sa darating na family reunion namin.. Sobrang saya ko pa naman dahil sa mga designs yun ang naaaprove na gagamitin.. Kaso in an instant nagbago ang lahat dahil sa... Waaa:rant: *insert bad words here* ayoko na nga ipagpatuloy sasakit lang ulo ko:kainis: asan na ba ako? Anong oras na ba? Nakahiga parin ako at nakaharap sa cp habang nagtytype at d ko alam ang isusulat ko.. Ang ganda ng tugtog puro urbandub pinapakinggan ko ngayon:music:

Gusto ko gumawa ng tula pero wala akong maisip..hahaiz sana dalawin na ako ng antok.. Asan na ba ang antok ko? Ang weird.. Ang weird ko ngayon.. Parang nasa what are you thinking lang ako na thread pero dito mas pinahaba na version lang ng random thoughts..hehe

May nabasa pala ako kanina... Parang it kills me a little inside ng mabasa ko yun..pero parang natatanggap ko na... Teka bakit nga ba?.:panic:

Ano kaya magiging headline mamaya? Sino na naman kaya ang magsasapakan? Sino na naman kaya ang mabubugbog?:panic:

Gusto ko na matulog pero d ako makatulog:slap: wala na ako maisip.. Parang tanga lang ako na nagsusulat ng katangahan dahil sa katangahan na naiisip ko.. Hoy antok! Dalawin mo na ako.. Napapagod na ang fingers ko sa kakapindot.. Wala na ako ma4sulat.. Maglilibot muna ako para antukin..
 
sabog kase ko ngaun kaya naisipan ko gawan ng tula ang laging nagpapasaya saken... :happy:

‎"sulat para kay Maria Juana"
by Tutch

ilang taon na tayong magkakilala
hindi na mabilang na beses mo kong napatawa. kapag nandyan ka walang lungkot at sakit
abot kamay ko ang langit.

ikaw ang pakpak ko
sa tuwing gusto kong takasan ang magulong mundo.
payapa ang paligid, puno ng rosas
hindi kailangan magmadali mabagal ang oras..

kahit gaano kabigat ang problema
handa mo kong pangitiin.
nandyan ka palagi
kapag ang mundo gusto kong gipitin..

kaya hindi ko hahayaan mawala ka pa
kapag hawak kita sa kamay ko di na kita bibitawan pa..
 
3:39 am

kakatapos lang ng session namin sa paglalaro ng monster hunter,,balik na naman ako sa pagiging introvert..surf sa web,hanap ng makikitang kapakipakinabang..nood sa youtube..ubos oras ba...sa ngayon walang ibang pumapasok sa utak ko...basta kung anu nangayayri sa bawat oras un na un..di ko iniisip ang future at baka mataranta lang ako..anu ba talaga?may hinahanap ba ko o wala?nag lalakbay ang kaluluwa ko sa kawalan.tila naliligaw ng landas..hinahanap ang liwanag..masyado pang makapal ang ulap na bumabalot sa aking diwa..kelan ba matatapos ang paghahanap ng hindi malaman bagay..tatakas na lang ba ako palagi??namimiss ko din ung perslab ko..kamusta na kaya sya ngayon...may anak na kaya sya..naging doktor na kaya sya?siya lang nag iisang babaeng minahal ko..mula't sa pul..at aminado naman ako dun..limang taon ko siyang hindi nakalimutan..tumatak sya sa puso ko na parang isang tinta na hindi nabubura..haay...ang pag ibig nga naman...buti na lang at may psp..kahit magkanda pudpod ang kamay ko kakapindot eh atleast nakakawala naman ng boredom..masaya at may thrill ang laro..habang petiks pa ko sa buhay ko ngayon..eh dito ko nahahanap ung kaunting ligaya na nag papasabik sa aking batang isipan..o sabihin na nating "parteng bata". mag aalaskwatro na pala..mamaya lang ay mag haahanda na rin ako ng almusal para sa aking mahal na ina..mag titimpla ako ng kape,,ung creamy..mag sasangag ng kaning lamig...mag luluto ng ulam pang agahan..anu nga ba luluto ko?hotdog o ham..ahh..mag aadobo na lang ako..tamang tama sa sangag un..buti na lang at maaga din ako namulat sa pag luluto..kakanuod sa tatay at nanay ko nuon natuto ako magluto..ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita mong sarap na sarap uung kumakain ng luto mong ulam,..kaya lang sa sobrang sarap di na ko natitirhan..haha..anu nga ba talaga kaya ang paboritong ulam ng pinoy..sinigang o adobo..hhhmmm:think:
 
the fact that i am staring blankliy at my monitor isntead of doing my job here at the office is the reason why iam writing this mattery factly ramdom thimng oh que horror my mind bugling issue what am i going to do if i cant write any single poem nor prose nor short story for this week i'm in gell maybe this might help but what idea will i get with this kind of thougghts i am having please bear with me for i am in brink of insanity dont mind my business just mind your and before i forgot i warched a movie last night hoping to gather some ideas and boila i di get some and i am hoping i can write story todau i onley have tewnty two days left before may eneded. que horror jefiner what are yout takling about is this really whats on your mind just shuyt up heart i ndeed to put this in writing before anything else goes wrong oh my gosh thanks for my sister melala for bringing up this kind of thread err ideas.
 
Kanina ko pa tinitignan tong thread na to. Na blangko na utak ko sa kakaisip kuna panu umpisahan ang freewriting ko. Lingon sa kabilang monitor at maganda yung eksena sa Bones na pinapanood ko ngayon, ayan na blangko na naman utak ko . Ha?? nakaumpisa na pala ako HAHAHAHAHA!!! Taas ko na tong dalawang paa ko!! Ready na ako magsimula ng topic! Feeling comfortable na para maumpisahan na... HETO NAAA!!!

Anu nga ba?? Uy nahuli na nila sa tv yung salarin. Ngek hindi pa pala. Lingon lingon muna sa daan. Tingin tingin sa mga puno at halaman para makakuha ng inspirasyon sa gagawin kong... teka anu nga ba ang gagawin ko?? Waaahhh!! Nag good morning na ang mahal ko rereplyan ko muna. OOOPS! Nahuli na ata talaga nila sa tv ang salarin, pfffft hindi na naman. Matignan nga kung sino online sa shoutbox... Hmmm.. busy ata lahat. Naku me txt na naman ang mahal ko nakalimutan kong replyan kanina.. Waaah!! replyan ko na agad para hindi magalit gaya kahapon. *txt* *txt* *txt* *txt*

Yan tapos na.. Balik keyboard na naman ang mga kamay ko. Oo nga pala gawa ako ng freewriting. Heto na uumpisahan ko naaaaaaaa!!!!

*BOOOOOOMMMM*
 
napapaisip ako, ano nga ba ang gusto kong isulat ngayon? wala ata. haist. wala lang. gusto ko lang may mailagay dito. hahahaha.. yun lang e. gusto ko magsulat pero di ko magawa. gusto kong magisip pero wala ako maisip. awwww, bat may kama at period parin ako? haist nasanay lang ata yung kamay ko na automatic mag kama at period. kulang nalang e unan at kumot at pwede na ako matulog. antok ako, di naman ako masyadong napuyat kagabi. wala lang, gusto lang mag close ng aking mga eyes at gustong matulog ng utak ko. parang pagod na pagod ako. para bang galing ako sa mabatak na trabaho kahit hindi naman. hayan, di ko talaga maiwasan maglagay ng kama at period. hehehehe. wala lang. paulit ulit lang sinasabi ko, unli, sabi nga ni vice ganda. nga pala, bat kaya wala yung mga ibang cast ng showtime? tanong ko yan na hanggang ngayon wlaa pang sagot. haist. wala lang ulit.

im thinking of the challenge the literati had posted in our fb group. haist. sakit sa ulo. an oral interpretation of a poem, either your poem or others poem. e i am literaly mute. i cant speak orally. im blind. hahaha. orally na nga speak pa. tsk tsk. haist. am thinking how will i do it if i cannot speak. challenge, aint? a challenge to make the deaf speak and the mute hear. nyahahahahha. how will i interpret a poem orally when i cannot speak. maybe i could hire sombody to do it for me. then i lip sync. hahaha, a good plan, but devulging it here gives the other literati an idea...hmmmm..w ala, naputol ang isip ko sa sasabihin ko. na blancko.
 
im hoping im not going to be dubbed spammer, flooder or w\hatsoever with my 2 consequtive posts. hahaha. spelling ko ng consequitive. so gross and so wrong. well, im poor with spelling and thus my spelling. i just want to post and post and post something but that something seemingly doesnt exist but i doubt if it doustn exist since something is always something and it must be existing tht is why it is called something. well just pulling your legs with my posts. hahaha, just want to post and write and just write whatever comes in my mind wihtout having to worry about conciseness and simpliticy and the damn rules of writing and and and and and and no more. hahaha. i sae mella's signature, the drawing and i think im grateful to melala for creating this thread. i mean, write all you can and write all you want hahaha, like eat all you can and pay the rest :D i just noticed that melala has brown eyes. well were the same. she has brown hair, dyed i guess. and wears eyeglasses that makes her look like, well, no offense meant, strick. like a superviros. hahahaha. melala fish on earth. she has a nice eye brows, a brown as well, im beginning to think that your fave color is brown or something like yellow, or maybe a combination of brown and yellow. other than the eye glasses's color, which is pink, the reast of the color is bronish yellow. hehehehe. thanks mella. for this thread. i am very thankful.
 
Mahirap pala talagang maging isang ama. Nakaatang sa balikat mo ang responsibilidad para buhayin ang pamilyang sayo ay umaasa. Dati,bumabangon lang ako pag gusto ko nang gumising. Pag gutom ako o uhaw o kaya pag naririndi na ako sa mala-alarm clock na talak ni inay. Ngayon, pag di ako bumangon, siguradong tatlong bibig ang di masasayaran ng pagkain, tatlong sikmura ang kakalam buong araw;ako,asawa ko at anak namin.
Di ako nakapag-take ng nursing licensure board exams,yung mga ka-batch ko,nurses na.samantalang ako,eto,wala sa field ko ang trabaho ko. Nagkaroon ako ng gap sa buong angkan ko,dahil nga sa di ko pag-take ng board at pag-asawa sa di namin kapanampalataya. Pero wala akong pinagsisisihan,ang makita kong masaya ang munti kong anghel ay sapat na para maibsan ang kirot,pighati,sakit at hinagpis na umuukit sa puso ko. Ang talagang nagpapadudugo sa puso ko,ay ang makitang naghihirap ang pamilya ko,ang anak ko na nadadamay sa paghihirap na dinaranas namin. Ang asawa ko na nagkakasakit na madalas dahil sa paghahanap buhay. Gusto kong guminhawa,di para sa sarili ko,kundi para sa asawa at anak ko. Sila ang buhay ko, sila ang aking ligaya.

Note: medyo naluluha ako nang matapos kong isulat ito. Salamat po sa freewriting wall na ito,kahit paano,gumaan ang pakiramdam ko
 
Sa byahe lang ako nagkakaroon ng free time para makapag-isip ng isusulay, pero nauunahan ako ng antok. Sakto sana reggae music kapag gusto ko gumawa ng lab story, kaso yung antolk talagang sumisinigt, ayaw magpatalo. Kumpleto tulog ko kagabi. 6 hrs ang normal na tulog, at zzz.
 
Sinusubukan ko alalahanin ang lahat kaninang umaga. Halos wala naman akong iniisip maging sa pagtulog ko. Masakit sa ulo, parang high blood ata ako. Kailangan ko magpalamig sa cr. Nak ng teteng, ang laki ng eyebug ko. Maaga naman ako natulog kagabi, wala din akong iniisip... Ano na ba nangyayari sa akin. Pati mga bayarin pinoproblema ko.

Nun lunes, kahapon yun. Magkasabay kami ng ex gf sa pagpasok. Gulat ako ng nasa labas siya ng bahay samantalang palabas pa lang ako. Ang usapan ay kukunin ko lang ang pera sa kanya para sa pambayad ng netbook. Nakakagulat lang talaga. Yun tipong gusto ko siyang yakapin at halikan pero di pede, gumanda siya lalo at naging blooming. Habang naglalakad kami palabas, kwentuhan lang sa mga nangyari sa buhay. Salamat at kahit papano nakasama ko siya ng oras na yun. Pero kailangan na namin tumahak ng ibang landas, landas papuntang crossing at landas patungong boni. Sa huling sandali lumingon ako sa kanya patalikod habang naglalakad siya palayo.
 
Nakaktuwang isipin na madami ang taong bihasa sa pagsusulat sa salitang ingles. Napapangiti din ako dahil madami pang malalalim na salita ang alam nila kaysa sa salitang tagalog. Sinadya bang patayin ang salitang ingles ang mga salitang tagalog na may malalalim na kahullugan?

Dami nagsasabi sa akin di ako marunong sumunod sa patakaran sa pagsusulat? Totoo ba yun? Nakakasawang "same pattern" ang ginagamit sa pagsusulat. Walang thrill. Nakakwalang gana. Masasabi ko ang pag-uugali na meron ako ay isang "aktibista" sa larangan ng pagsusulat. Ayokong sumabay sa agos ng ilog na walang pagkakakilanlan sa akin. At higit sa lahat sa lahat ng ayoko ay ang hindi ko gusto.
 
10 mins before 1pm...:waiting:

heto ako ngayon may sasabihin kahit bago man lang kumain sampung minuto ang gugugulin hindi naman siguro ako gugutumin pero ano ba ang aking sasabihin at aking iisipin na nais kong banggitin na babasahin ng mga mahinhin na dalaginding at maaalahaning gwaping, ayun at may nasagi na sa aking isip na sabihin kung bakit at kung anong dahilan ng hindi ko pagpansin ng aking babasahin dahil sa mga gawaing bahay na ayoko namang gawin dahil sa aking pag gising ako raw ay tamarin pero ang aking babasahin ay sa darating na pagsusulit ngunit hindi ko pinapansin! sana sa mga araw na darating ay maidlip ang tamad kong damdamin at magsipag sa pagbusog ng ideya at kaalaman ang ngayo'y gising ko ng utak. nabanggit ko ba ang salitang busog kahit ako dito'y nagugutom dahil sa ihip ng hanging may dalang tray ng amoy ng pagkain kulang na lang ay kanin at nang makakain! pero hindi pa tapos ang sampung minuto ang natitira pa'y tatlong minuto ibig sabihin sa pitong minutong lumipas ay nawaldas ang oras ko sa pagpaspas na pagsusulat ng wagas kahit walang saysay ay aking nahayag ang laman ng isipan at damdamin. sana sa darating na mga araw ay pagpalain marahil dahil may kulang pa sa akin sa bakasyong ito, hindi ko alam kung ano pero malamang babae ito. binasa ko ulit mula umpisa ng saglit, aking napansin na maaari itong i-rap at sa huling minuto akin ng tatapusin ang katiting kong naihayag, mabagal akong mag-type pero habang ito'y aking tina-type ako'y nakasmile dahil sa sampung minutong pag-iisip, aking isip sana'y nagising. salamat sa symbianize at sa literati.

1pm..
:salute:
 
Umuulan sa labas.

Balak ko pa naman lumabas ngayon para ipaayos yung cp ko. :D bakit kung kelan lalabas nako dun pa bumagsak ang ulan? Sadya ba talagang wrong timing ako? O ineencourage ako ng sarili kong thread na magpost muna dito? Bakit kaya ganon umuulan na nga pero ang init parin? Bakit nga ba andami kong tanong?

Ang sarap nitong kinakain ko. Sana ganito nalang lagi sa relationship palaging matamis. :D Natetempt akong gamitin ang back / erase buttom pero ayoko nang balikan ang nakaraan. Ang naisulat ay naisulat na kaya sa susunod inngat sa pagsusulat. And I'm not talking about this freewrting sample i'm doing, yung poem na naisulat ko recently sana di ko nalang pinublish. Hehehe.

Ang tagal mawala ng ulan. Ipapaayos ko na cp ko eh. Oo nga pala may payong naman pala. Takot lang talaga ko minsan mabasa. :D
 
Nakakatuwa namang isipin na nung ipinost tong thread na eto eh eksaktong online ako at paulit ulit ko itong binasa. Nagdadalawang isip sumulat kagabi kaya saydang hindi na ko tumuloy... (sadyang pala)... Free Writing... Nakakatuwa na tila naglalabsa ka lamang ng sama ng loob mo ngunit sa totoo'y nakakahanap ka na ng mga bagay o istoryang nais mong isulat. Kaya lang hindi pa pwede... Pagkatapos ng mga gawain.. tsaka palamang ako makakagawang muli.. Oh sadyang puro isip at pangarap nalang? MAgulo sa utak.. Hindi ko rin maiwasang hindi gumamit ng back space kaya maayos/medyo maayos pa itong aking free writing.. NAwa'y may humampas muling ideya saking utak.. Kasama ng mainit na daloy ng hangin pagkalipas ng isang bugso ng ulan...

:salute:
 
5/7/12

masyado pang maaga para matulog ako kaya naisip kong magkape at manigarilyo muna. gusto ko rin sanang tumapos ng isang movie pero mukhang kakapusin sa oras kapag ginawa ko 'yon. Mabuti sana kung may cable ngayon na pwedeng makanuod ng pelikula kahit patapos na, peke naman ang mga dvd na napili ko sa alabang noong sahod kaya pinatay ko nalang kesa mainis pa dahil nahuhuli ang sounds sa pagsasalita ng bida. sinubukan ko rin buksan ang opera mini at pindutin ang ipinapakitang thread ng stories & essays kung saan naka subscribed ako. pero nangangalahati palang nagblack out at nag reset ang cellphone ko. hindi ko tuloy nalaman ang ending ng bote at pangarap ni papa p. inabot ko ang tasa at humigop sa aking itinimplang kape pero lumamig na pala naghanap pa ako ng lugar kung saan yon pwedeng ibuga. lumabas pa ako para bumili ng isang stick na kape dahil na ubos na pala ang nasa garapon, may tindahan kami pero hindi nauso ang kape sa menu dahil kami lang rin daw ang uubos. nakauwi na ako sa bahay. may kape na pero naunahan na pala ako ni ate sa huling tasang napuno ng mainit na tubig. magpapainit pa ako ng tubig at ng makita ko ang orasan ay nainis na ako. 11:00 na hindi pa ako natutulog, mabuti sanang hindi nalang muna ako umuwi, at pinili ang alok ni sir na hindi pagpasok bukas kung mag iistraight ngayon.
 
hindi ko alam kung ilang minuto ako makakapagsulat o makakapaghayag dahil ako'y tumakas lamang sa pagluluto para makapagpost dito. naaalala ko lagi ang gabing aming sinaluhan doon sa concert ng parokya ni edgar at ni gloc9, at nais kong ikalat ang kanilang mga sulatin at mga kanta lalo na si gloc9. napakagaling na manunulat sana'y kasing galing niya rin ako. teka lang at tinatawag na ako. :bye:
 
Nakailang yosi na ako sa banyo. Nangangati na ang kamay ko, may dalawang kwentong gustong isulat, pero ayoko namang mag sulat ng naka cp. Hindi din ako makapagsulat ng walang sigarilyo, part kasi yun para umiwas sa mental block pero di ko pwedeng i-suggest sa iba. Masama sa kalusugan pero nagkakasundo kami sa iilang bagay, kung chiks siguro ang sigarilyo sa sarap ako namatay. Hay.
 
Back
Top Bottom