Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥




577448_2721454054727_1808361163_1564982_1391145073_n.jpg


Banner by 16MinutesLate

Good day!

As part of the Symbianize Literati project we present to you the Freewriting Thread. :D here in this thread you're free to write anything :-) Syempre as long as it does not violate the Symbianize forum rules and regulations. It's one way to help you writers overcome writer's block--without worrying about editing, revising and all... basta sulat lang ng sulat. From the word itself free and write. :D


If you're not familiar with what freewriting is, here's a few tips and info:


What is freewriting:

Free writing is a prewriting technique in which a person writes continuously for a set period of time without regard to spelling, grammar, or topic. It produces raw, often unusable material, but helps writers overcome blocks of apathy and self-criticism. It is used mainly by prose writers and writing teachers.[1][2] Some writers use the technique to collect initial thoughts and ideas on a topic, often as a preliminary to formal writing.

[ Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Free_writing ]

Free writing is a simple process that is the basis for other discovery techniques. Basic free writing follows these guidelines:

1. Write nonstop for a set period of time (10–20 minutes).
2. Do not make corrections as you write.
3. Keep writing, even if you have to write something like, "I don't know what to write."
4. Write whatever comes into your mind.
5. Do not judge or censor what you are writing.

[ Source: http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing.html ]



Then freewriting results in a mess?

Yes, it certainly can. In fact, if your free writing is neat and coherent, you probably haven't loosened up enough. However, remember that you can't fail in free writing. The point of doing free writing is the process, not the end result. If you follow the guidelines, your free writing is successful.


The benefits of freewriting

It makes you more comfortable with the act of writing.
It helps you bypass the "inner critic" who tells you you can't write.
It can be a valve to release inner tensions.
It can help you discover things to write about.
It can indirectly improve your formal writing.
It can be fun.


Here's a sample freewriting exercise by our very own Padrepio (as posted in our Literati FB Hideout)

ok. im staring at my monitor reading cecille's post and ohmygulay i dont know what to say but it doesn't mean that i dont like her suggestion matter of fact i extremely like it however i think i know the reason why my togue is tied in a manner of speaking and it's because right now at this very moment i am thinking of something else soemething very very important a matter of life and death and that is why i can't even be bothered to put any commas and periods on my sentences grammar be dammned and yes spilleng be damned too what was i saying oh yes about something important and the gist of the matter is i csnt think of any response to cecille's post because right now the urge to sit on a white throne with a pool of water below it is very strong oh god what a relief


Another one from http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing-example.html


well I'm sitting here at the key board and I really don't know what to write about it is too chilly in this building today age after we complained all summe about it being too hot - remind myself not to correct errors it's second nature to go back and change mistales mabee i should have written this example in long hand but then i 'd have to translate my hadnwriting I don't know how to wirt ehte link for the Shiki list renga I want ot constribute a link if I can I saw a bumblebee in sweet pea blossoms this morning and i think that would work bery well as an image but i havent got it worked out well i don't know how the bee relates to the blossoms is he hiding in them? is he . . . is he . . . is he . . . making a home there, no of course not bees don't live in blossoms and he's not hiding either I cont' thins bees hide what do yu thing? (i'm aware I, m going to post hthis and aware someone may read it which causes some inihinbition I couldn't rfind another aexample earier my typing isn't always this bads excuses excuses but freedom too mabeb my bee link can can can canc can canc what ? include refenerce to alley where we were aw=walking the dof? i mean dog of course he was buried stuck his head in nettles or something some kinf of weed groins gwo growing in the chain link fense below the sweet peas so may be I can put the fo dog in the link but it can't be more than 14 syllables which isn't very much to wirte I guess but thats renga for you I like the hokku that Dhugal posted "sparrows/erip aw I can't remember they erupt from trees but I think Paul Mena says what kind of trees and there's the third line :"a sudden burst of thunder" and did I remember that write i mean rite and anyway the bee going INTO the blossoms I think links nicely with the sparrows coming out of the rte trees and the thunder with the bee's presumed buzzing although I ididnt hear anything and maybe that would be something to include in the link do you think? henh henh henh I rhymed I did and the bees and the blosssom, ah the birds and the bees and the blossoms and the supposed old fashioned man to man talk a father had with a son but I was a farmboy and it's kinda hard to miss what a bull does to a cow and that's probably enough of that guess I won't spell chect this file hee ehee hee and what next what comes nesct I stiull have a minut or ssp these tehrt there awas and idea aobyut the bee and blossom link there but it's past o yeh the silence the of the bee, ie "the silence of the bee / in the sweetpea blossoms? yeh I think that;s it finish this mess and sebd send it to Dhugal and see how he lings likes it see there, free writing fdoses pay off I didn't not intend that reslult and it wasn't planned iethter so that's about it

Simple rules-- write to EXPRESS not to impress. No structures required. Just let the words flow... :D

Keep writing!


 
Last edited:
` Nagpost ako ng bagong litrato ..
Pakiramdam ko ako'y litong lito ..
Akala ko papansinin niya ko ..
pero Siya din pala ang lalayo ..


Hindi ako maka move on sa isang babaeng yun na pinakawalan ko, Kung pede ka lang makita araw araw .. gagawin ko yun gabi gabi .. kung alam mo lang kung ano tlaga ang king nararamdaman ,, e baka ikaw ay kiligin magdamag ..

Ninanais ko pansinin mo ko ..
mga ilang oras ni like mo ang post ko. .
ngunit biglang nawala ang name mo ..
dahil inunlike mo ang post ko ..

Rhyming nga ako ng rhyming ..
hindi mo naman pinapansin ang aking damdamin ...
pero pag siya nag post ng rhyming ..
hanggang sa dulo ng mundo .. hindi mo makikita ang katulad ko na charming xD
hahahahha ..

pretend -.-


- Mugiwara05
 
hahaha natawa naman ako dun sa taas :laugh:

---------------
hayyyy :(

ako'y naguguluhan, anu ba talaga ang gagawin ko sa knya..
ilang beses ku naman syang pinag sasabihan di naman sya nakikinig.. :no:

feeling ko nga parang di naman nya pinapakinggan mga sinasabi ko
kakainis kaya :rant:

ako ba yung may mali? :(

kung may di sya naiintindihan mag tanung sya ..
nakakailang paliwanag na din nman ako sa knya

parang balewala naman :sigh:

anu ba talaga ate!
panu tayu nyan tatagal na mag kasama kung lagi tayung
di nag kakaunawaan mag katabi lang naman tayu :think:

bahala ka nga basta ako next year!

I QUIT! :lol:
 
Seen-zoned! :lol:

...

Tinatanong nila ako tungkol sa'yo.
Napapatungo na lang ako.
Sa isip ko, sinasabi ko, "Kamusta na kaya s'ya?"
Sa puso ko, na-mi-miss ko na ang presensya n'ya.

Sumagot ako. Tanong nila, "Bakit?"
Tumahimik na lang ako.
Tinitigan ko ang relo ko, napangiti ako.
"Salamat."

...

Ang drama eh. :laugh:
 
"Ang aking mga paa"


Simula nung bata pa ako, tuwang-tuwa na akong sa mga taong tumatakbo.
Nakapikit pa ang araw ay humahayo na ako upang makita silang naguunahan sa paktabo.

Sabi ko sa sarili ko "Balang araw.. tatakbo din ako katulad nila.. "

Habang pinapanood ko silang tumakbo, nakikita ko ang mga bituin sa langit..
Akala ko noon na ang mga bituin ang hangganan ng kanilang pagtakbo..

Grade 5 ako noon nung narealize ko na dapat masimulan ko na ang aking pagtakbo..
Araw-araw ay pinag-aralan ko kung pano ang tamang pagtakbo..

Sa aking pagtakbo, lagi akong nangunguna kumpara sa mga kaedaran ko..
Tuwang-tuwa ako noon.. ang sarap pala tumakbo. Ang dami kong lugar na napuntahan dahil dito.
Ang layo ng aking narating, masaya ang lahat ng mga tao para sa akin.

Ang mga taong dati ay tinitingala ko ay kasabayan ko ng tumakbo.
Sabi nila ay isa daw akong magaling na runner at malayo pa ang aking mararating kaya dapat daw ipagpatuloy ko ang pagtakbo.
Huwag daw akong lalapit sa mga masasarap na pagkain na nasa daan, sila ay linlang upang bumagal ang aking pagtakbo.

Tumingin ulit ako sa kalangitan, sabi ko sa sarili.. "Malapit na, malapit ko ng marating ang finish line."
Giit ko sa sarili kahit na sa aking pananaw ay parang ang layo pa ng dapat tahakin.
Para bang kay lapad ng mundo. Doon nagsimula ang aking pangarap na palawakin ang aking pagtakbo sa ibang bayan.

Sa aking pagkapadpad sa ibang bayan, hindi ko masukat ang aking tuwa sa dami ng runners na nakita ko.
Mabibilis din sila tumakbo at marami sa kanila ay mas higit pa ang galing sa akin.

Ngunit kasabay noon ay nakita ko kung gaano ako ka kulang. Ilang bese ako nadapa at tumayong muli.
Kahit masakit na ang aking mga tuhod at sugat sugat na din ang aking mga siko.
Hindi ako maaring umuwing luhaan, hindi ko maaring igive-up ang aking pangarap..

Nagpatuloy ako sa pagtakbo at malayo na din ang aking narating.
Ngunit hindi ko na alam ang landas na aking tinatahak.

Dumating ang isang araw at napalingon ako..
Naisip ko, "Nasaan na nga ba ako sa aking pinapangarap na finish line?"
Alam kong ako ay naliligaw ngunit kay hirap bumalik.
Tumingin ako sa sanga sangang daan, gusto ko maiyak, gusto ko sanang sumuko.

Ngunit hindi pwede, masyado na akong malayo para sumuko.
Tinitingala na ako ng iba at marami sa mga kasabayan ko ay mukhang malapit na sa finish line.


Pumikit ako at tumingin ulit sa mga daan. May finish line nga ba? Bakit parang ang daan ay walang hanggan?
Paano kung ang pagtakbong eto ay walang hanggan. Paano kung mas importante ay ang mga bagay na nadaanan mo habang ikaw ay tumatakbo?
Paano kung mas importante na alam mo kung saan ka tumatakbo?

Hindi ko na alam. Pinagpatuloy ko na lang ang pagtakbo, pikit-mata kung san ako dalhin ng aking paa.
Baka sa aking pagmulat ang aking paa pala ang magdadala sa aking sa finish line na hinahangad.
Sa finish line kung saan ako ay liligaya.
 
Last edited:
Nakakalungkot lang.

Kung bakit?

Di ko alam.

Kung anu?

Di ko alam.

Kung sinu?

Di ko alam.

Gulo noh! :lol:

Basta nakalungkot :(
 
Gaano na ba ako katagal nawala?
Sa sarili ko ako pa ba'y may tiwala?
Wala nang inatupag kundi ang gumala.
Minsan ay sa palabas na lang natulala.

Ibig manumbalik sa aking pagsusulat.
Taglay na talento ba ay muling mumulat?
Baka nga ako na lang ay isang alamat.
Isa lang siling walang anghang sa pagkagat.

Nasaan na ba aking mga nakasama?
Ang biglaang pagkawala ay hindi tama?
Ako na lang ba ay matutulog na lang sa kama?
Oh siya, sige na, at tama na itong drama.
 
may susundin lang ako na advice
wag ko daw kasi kimkimin lang
minsan kahit konti eh maglabas din ako ng saloobin ko
ang reason ko naman kasi eh sakin nalang to, ayaw ko na makita or mabasa pa ng iba
ang sabi naman ng nagpayo sakin
"PAKI ba nila, basta ilabas mo lang yan, para mabawasan din ang bigat na dinadala mo"

so ayun, eto na nga

hindi ko alam kung masyado na akong naging manhid or nasobrahan sa pagiging deadma sa lahat ng bagay
minsan, ay hindi pala minsan, madalas pala
oo, madalas natatawa nalang ako
nakakatawa yung tipong, salita sila ng salita
kung ano ano sinasabi against me, pero haler!!!! naisip ba nila na yung sinasabi nila eh unang una ng PATAMA sa kanila? :whistle:
bago kasi tumingin sa iba, tingnan muna ang sarili :)
ako na tong tahimik, at walang sinasabi oh reaction sa kahit ano
ang masaya pa, ako pa pinapalabas na masama :rofl:
buhay nga naman, parang life :)

sa dami ng nakita, nabasa, nalaman, at kung anek anek pa, wala akong ginawa
nanatili akong tahimik
bakit ba?
sino ba sila sa buhay ko?
sila ba nagpapakaibn sakin?
wala naman nakakakilala sakin kundi ang ako lang :)
sabihin na lahat ng gusto sabihin, sana lang ikayaman nyo yan
balato ko ha :lmao:

pero naging affected ako ng sobra nitong nakaraan lang
mabuti nalang, nagkataon na nanjan yung taong walang ginawa kundi palakasin ang loob ko
nung halos bumigay na ako eh nanjan para payuhan ako sa mga dapat kong gawin
yung taong matagal nawawala, marami man nangyari sakin at hindi nya nalaman
pero nung nasa worst situation na ako, bigla nanjan sya, sa araw na hindi ko ine expect at normally wala sya
ang bait ni Lord, kaya hindi ako nabitaw eh
yung tipong nakabitin na ang isang paa
bigla may dadating para hilahin ako :)
tama ka, hindi ko dapat patulan
ni hindi ako dapat magpaapekto, at bumaba sa level nila
super sama ng loob ko nun, galit na galit ako
nung una hindi ko matanggap mga sinasabi sakin
then i realized, tama ka
it's his lost, not mine :)
na mas gaganda ang buhay ko, at wala ako dapat panghinayangan pa
at natutuwa akong isipin yung sinabi mo, dadating yung time, sila yung luluhod at magmamakaawa sakin :)
dun gumaan ang loob ko, natanggap ko lahat ng maluwag sa dibdib :)
at nangyayari na yung sinabi mo
eto na at halos magmakaawa na sakin :)
pero tahimik parin ako, itutuloy ko lang ang pananahimik
hindi ko sya kailangan :)

ayan na share ko na
for sure mababasa mo to pag nabuhay kana :rofl:
aminado ka naman na stalker kita eh :lmao:

salamat :)
you are, and will always be
my mood setter ;)
 
OK, nakauwi na rin sa wakas. Inaantok na pero hindi pa ako pwede matulog. May mga gawain pa na dapat gawin. Ang daming oras din ang nasayang dahil sa naiwan kong phone sa trabaho kaya binalikan ko. Ano pa ba? Dapat ko na gawin ang dapat. Ewan ko na talaga. Gusto ko talaga makabawi ng pahinga. Ilang gabi na ba ako puyat? Lagi na lang. Paano ba ako makakabawi kung ganito na lang lagi? May mga bagay talagang nangyayari nang hindi inaasahan lalo na kung naging pabaya. Sa totoo lang, nakakaasar na rin
 
Bakit ba naging matamlay na dito sa LitSec ng Symb? Naghanap tuloy ako ng bagong tatambayan, pero hindi ko pa rin maiwan ang tunay na aking tambayan. Umaasa pa ring may mapapadaan at magbibigay buhay. Nagiging salawahan ako na tumatambay sa dalawang tambayan. Isang may pag-asa, at isang wala. Bakit ba kahit walang pag-asa, ang tao ay sige pa rin kakahintay?
 
Nakakatuwa bisitahin ang spam thread ng TM :lol:
Wala na bumibisita pero tinitingnan ko na lang ang record. Nabansagan akong ArchBot :lol:
Spammer daw ako? Hindi naman siguro. Hindi naman dahil sa ako ang rank 1 sa bilang ng posts, ibig sabihin spammer na ako :lol:
Doon lang yata ako nangunguna

Pati din pala dito :lol:
Hindi ko inaasahan. Sa pagkakaalala ko, bihira lang ako makapagPost dito, pero iyon nga, nangunguna nga ako nang hindi ko nalalaman. Nawala na si KenDric at si BotBot na nakakasama ko dito dati. Dahil sa naghahanap ako ng magagawa at matatambayan, naging target ko na siguro manguna sa ilang threads na maibigan ko. 2 pa lang naman counted. Sa iba naman syempre gawa kong thread so not counted :lol:
 
May naaya ako bumisita sa spam thread. Panandalian lang malamang. Wala na ba talagang pag-asa? Maayos naman ang araw ko. Nakapagpahinga naman ng maayos nitong weekend. Dito naman, ako na lang rin kaya ang matitira? Kailangan kong humapit sa trabaho. Madali lang naman kumita ng pera kung may trabaho. Ang mahirap ay ang kumita ng malaking halaga. Itinutuon ko na nga ang halos lahat ng libreng oras ko sa trabaho. Sa totoo lang, wala rin kasi ako magawa kaya mainam na na kumikita ko sa bawat oras. Sinasamantala ko na rin ang oras na ibinigay sa akin. Kung bibigyan ako ng mahabang oras, sayang naman kung hindi ko mabubuo. Inaabangan ko rin ang susunod na patimpalak ng Literati. Sana maging daan ito upang magising muli ang talento sa pagsusulat. Wala pa rin ako balita sa iba. Saan na ba si Kendric at ma'am 'mela?
 
Sakit sa ulo.

Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya
Masakit
Masaya

Ilang beses ko p ba uulitin?
Ano ba talaga?
Ano ang Masnakakalamang?
Sakit ba o saya?
 
'Di ako nakareply sa mensahe mo, na sinabi mong "Sorry sa abala".

Ewan ko ba sa nararamdaman ko :sigh:

...

Pero sa totoo lang, miss na miss na kita. 'Di ko lang masabi sa'yo.

Nga pala, iniistalk ko mga pic mo sa FB, yung mga naka public lang :lol:
 
Bakit ba parang ang mga nakakasalamuha ko sa mga tambayan o kahit sa kung saang thread, nakikitaan ko ng parehong ribbon?

Anyway, ang tagal ko na hindi nararanasan ang inumang tambay. Wala na kasi mga tambay dito. Pasosyal na ang inom nila dito. Kagabi ko lang naranasan uli, o kanina lang, considering the time zone. Ang hirap na makipagsabayan sa inuman kung ilang taon ka na hindi nakaranas ng inom. Samahan pa ng lamig. Sakit na sa ulo tapos samahan ng katal ng katawan. Hindi ko na nga magawang humithit ng sigarilyo. Sana naman makabawi ako agad
 
Makakabawi pa ba ako? Buhay na lang kaya ang bawiin para bawing bawi na lahat? Ang dami gastusin. Ang dami na utang. Hirap pa makabayad. Naghahapit na nga sa trabaho, napunta pa ospital. Bawas sweldo, dagdag pa gastusin. Kaunti na lang, susuko na ako
 
I once had taken an exceedingly dose of Valiums around a few over half a decade ago. I was so depressed that time. Well, that was over half a decade as I said. Past is past. Now is already a new chapter. What do I have now? Over stress, anxiety, depression, what else? Seeing a psychiatric, I was given tranquilizers and sleeping pills. I now have two vials of each. More than 5 times the amount I have taken before. Will this be enough, or is there still a small amount of chance to be saved and the curse I bear be lifted? All I can say, is the word, help
 
Hindi nila alam ang pinagdadaanan ko ngayon thread.
Akala nila wala lang sa akin.
Na wala akong nararamdamang di tama.
Ang hindi nila alam, nagpapakatatag lang ako.
Hindi ako manhid.
Apektadong-apektado ako.

Ngayon ko napatunayan na kailangan ko ngang i-set ang priorities ko.
Kailangang isantabi ang mga bagay na hindi naman masyadong mahalaga.
Kailangan nila ako ngayon.
Kailangan ko namang tatagan ang sarili ko di lang para sa kanila kundi maging nang sa akin.

Magulo. Magulo. Magulo!
Ganyan ang buhay ko ngayon.
Magulo... MAGULO!
 
Sa wakas at nakita ko uli si KenDric dito :)
Magulo talaga ang buhay. Gaya kay KenDric, hindi ko masasabi na pareho, pero magulo din ang buhay ko. Sa tingin ko, ito ang talagang life motto ko.

"Prioritize; not compromise."

Alam ko ang priorities ko. Minsan, o madalas, may mga bagay na sasabihing, bigyan ng consideration. Dahil sa mga ito, napagbibigyan ko, and compromising is done. Malalaman ko na lang, masyado na ako malayo sa landas na dapat kong tinatahak. Mahirap na makabawi.

Madaling halimbawa ang pera. May pinag-iipunan ka, bayarin, gastusin. Iyon dapat ang priority. Marami dadating. Charity, donation, occasions, sales, and more. Minsan lang naman dumating ang occasions. Gawin nating halimbawa ang Pasko. Malamang isang beses lang sa isang taon. Tama ba na magbibigay ka ng pamasko, and uunahin pa o itataas sa level ng sinasabing priorities? Ang sagot ko, hindi. So what kung once a year lang? Ilang taon ba meron ang buhay ng tao? Magbigay lang kung meron maibibigay instead na isisingit ang ibang bagay sa priorities. It is not a priority kung may ibang bagay pa ang makakahigit dito. Dahil sa usapang pera, nagbigay ka ng pamasko kasi isang beses lang sa isang taon, pero taon-taon mnagbibigay. Mapapansin na lang, malayo na ang pinag-iipunan kasi naubos sa pamasko. Wala akong pakkialam kung sabhin ng iba na madamot o walang puso. Kailangang unahin ang priorities and not compromise.

Pasensya na. Ang init ng ulo ko ngayon dahil din sa usapang priorities, compromising, needs, and wants. Gusto ko may mapaghingahin ng saloobin. May mga taong gustong manakit dahil sa stress. Salamat na lang at wala ako inaabutan ng sama ng loob. I was also given tranquilizers to relax my mood, pero minsa hindi na ito sumasapat. Hindi naman ako pwedeng magTake kung hindi naging sapat ang recommended dosage kasi katawan ko ang masisira.

Magpakatatag tayo :sigh:

Ginagawa ko na lang, magpanggap, lokohin ang sarili. Iniisip ko na lang may pamilya ako. Kung magiging mahina ako, anong klaseng tatay ba ako para sa asawa at anak ko? Sino ang bubuhay sa kanila kung mahina ako at maisipang tapusin na lang ang lahat. Oo, niloloko ko ang sarili ko kasi wala naman akong asawa o kasintahan. Wala akog anak. Iyon ang nagtutulak sa akin magpakatatag kaya wala na ako pakialam kung ano pa ang sasabihin ng iba. Lolokohin ko ang sarili ko basta magkaroon lang ako ng motivation para mabuhay.
 
I have decided, committed, devoted my life to the path I have chosen to take. I started to see hope, inspiration, motivation. I started to step forward and my life just started to take shape. I am steal living this world and this reality. I just started and I should know how to stand for my decision. There are still things that a man can never control. It is just a matter of standing by my priorities and shaping my life. Yes, it is stressful, and I have to deal with it. I have to endure :pray:
 
Am I really ready for this?

Handa na nga ba akong iwan ang bagay na nagpapasaya sa akin?

Naguguluhan pa din ako hanggang ngayon.

Ipapaubaya ko na lang sa pinuno ng grupo ang desisyon.

Gusto ko na ayaw ko na e.

Gusto ko pang manatili dahil pangarap kong mapasama sa grupo.

Ayaw ko kasi nahihiya na ako e. Wala naman na akong maiambag sa grupo.

Bahala na nga.

Setting up priorities.

Setting up priorities.

Setting up priorities.

Oh well.

Adios Thread! 'Til next time!
 
Back
Top Bottom