Tagong Tinig
Isang mahinang awit
Sa isang sulok ng iyong dibdib.
Isang natatanging musika,
Nais kumawala sa hawla.
"Dining mo ba ang aking tinig?"
"Hanapin mo ako, sa pagitan ng mga pintig."
Ang katapusan at simula'y magkatalikuran
Sa gitna ng dilim na nararamdaman.
Nais kong maalala mo ang nakaraan,
Habang inihahatid ka ng aking mga nota sa kinabuksan.
"Sa ganito ba matatapos ang kanta?
O, pasakalye ba ito para sa panibagong simula."
Sumasayaw, sumasayaw
Umiindayog, pilit gumagalaw.
Ginagapos ng katahimikan,
Pilit na tinatalikuran.
"Aabutin ko ang iyong pandinig.
Pakinggan mo ang aking hiling."
Ikinukulong ng damdamin
Tinatabunan ng dilim.
Ligaya mo'y pilit ipinipikit
Binibingi ng mundong mapagkunwari.
Umaaawit, Umaawit
Sumisigaw, sinasagad ang tinig.
Ipararating ang tinatagong awit.
Hanggang ngiti sa'yong mga labi ay bumalik.
Sa tunay mong ligaya, ika'y ihahatid.
for Reading!
Isang mahinang awit
Sa isang sulok ng iyong dibdib.
Isang natatanging musika,
Nais kumawala sa hawla.
"Dining mo ba ang aking tinig?"
"Hanapin mo ako, sa pagitan ng mga pintig."
Ang katapusan at simula'y magkatalikuran
Sa gitna ng dilim na nararamdaman.
Nais kong maalala mo ang nakaraan,
Habang inihahatid ka ng aking mga nota sa kinabuksan.
"Sa ganito ba matatapos ang kanta?
O, pasakalye ba ito para sa panibagong simula."
Sumasayaw, sumasayaw
Umiindayog, pilit gumagalaw.
Ginagapos ng katahimikan,
Pilit na tinatalikuran.
"Aabutin ko ang iyong pandinig.
Pakinggan mo ang aking hiling."
Ikinukulong ng damdamin
Tinatabunan ng dilim.
Ligaya mo'y pilit ipinipikit
Binibingi ng mundong mapagkunwari.
Umaaawit, Umaawit
Sumisigaw, sinasagad ang tinig.
Ipararating ang tinatagong awit.
Hanggang ngiti sa'yong mga labi ay bumalik.
Sa tunay mong ligaya, ika'y ihahatid.
for Reading!
Last edited: