Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Taken na pala si "First Love" ko. Go parin ba ako ? (NOTE: Mahabang Kwento)

kristiancua

Amateur
Advanced Member
Messages
147
Reaction score
1
Points
28
Taken na pala si "First Love" ko. Go parin ba ako ? (NOTE: Mahabang Kwento)

first, gusto ko po sana ikwento ang past namin ni "First Love" at ang kwento ng "Love Story" namin. dont get the wrong idea, hindi po ito kwentong LANDI ng childhood days ko or nya, kundi kwento ng "Puppy Love" ko na uncontrollably nagmatured as time passes by. itago ko nalang po si "First Love" sa letrang J. pero pwede naman pong i-skip nyo nalang. nilagay ko po sa QUOTE yung buong kwento, and the rest ay conclusion ko nalang. sana po ay irespeto ako at ang post ko ng lahat ng makababasa nito. maraming salamat po :)

it's been seven years, since nagkaroon ako ng "First Love". looking back in time, i was around 10 years old nung una ko syang nakilala. we were both in 5th Grade, even though na pareho yung ina-attend-an namin na Grade School e transferee sya.

during those days, di ko pa sya kilala. i just gazed at her from a far side with her not knowing. kahit bata pa kami nun, alam ko na nabighani nako sa unang tingin. i think it was something you can call "love at first sight". pasok na pasok sya sa standards ko even back in those old days. Simple, Tahimik, Mabait, at Maganda. Bonus na yung pagiging chinita ng mga mata nya ( kasi chinito po ako, FilChi if i may :) ). of course, bata pa ako nung mga panahong yun, kaya wala pako nung GUTS para ligawan sya, kaya sabi ko sa sarili ko, hanggang pangarap ko nalang siguro sya.

but then this happened, tinanong ako ng kaklase kong babae, "Ui gusto mo ba ng Girlfriend ?. May kakilala ako na magugustuhan mo.". panget man pakinggan pero i was intrigued, hinila nya ako at isinama sa sinet nyang "location". doon nagulat ako, kaharap ko yung babaeng sabi ko ay hanggang pangarap nalang. straight to the point pinakilala ako ng classmate ko sa kanya. "J, eto nga pala si kristian. gusto ka daw nya makilala at maging Girlfriend". Of course, since wala po akong idea on what is happening during those time, nag react yung katawan ko, namula ako, napressure at kase bata ako, tumakbo ako palayo not knowing na may sinayang akong pagkakataon. Ever since then, di nako makatingin sa kanya na parang isang "stranger" lang. parang nagsimula na ang pagiging awkward ko sa kanya.

after several days, may lumapit sakin na lalaki. tinanong ako, "ikaw ba si kristian ?". sumagot nalang ako ng "Oo". realizing, sya pala ang manliligaw ni "First Love" during those time, i don't know how or why pero feeling ko nalungkot ako at nanlambot. kase yun pala may nanliligaw na kay "First Love", "Heart Broken" ika nga. Time has passed and maybe dahil ni Lord, naka usap ko ng paunti unti si "First Love", alam na din nya na nakausap ko yung manliligaw nya. by the way, Grade 6 si manliligaw nya. jumping to the conclusion, i tried my luck na ligawan sya, but after the end of the day and syempre natural lang, ang sinagot nya e yung nauna saken. i was heartbroken, pero sabi ng nanay at tatay ko, "Ganun talaga anak, kung hindi kayo para ngayon. darating at darating ang panahon."

Grade 6 na kami, i managed to cut all my ties with her. although some feelings are still left, i managed to suppress it. eto namang si classmate ko, umepal na naman nung biglang nakasalubong ko si "First Love". sabi sakin ni classmate, kinausap daw nya si "First Love" at tinanong, "bakit naman hindi pa si kristian ang sinagot mo ?", sumagot daw si "First Love", sabi nya "kaya nga". nung malaman ko yun, may tuminta sa mukha ko, napangiti ako. ewan ko pero parang nabuhayan ako ng loob. something inside me tells me na, "go out there and win it". but it was too late, kase feeling ko langit na sya, lupa parin ako. and so sinupress ko nalang ulit yung feeling ko.

First Year High School. Bagong School, bagong buhay. "magmamature ako ng konti dito, alam ko". i convinced myself na, wala na siguro akong makikilala dito kase naghiwa hiwalay na kaming batchmates, and since transferee lang si "First Love", imposibleng dito sya pumasok. several months later, may nagtetext sakin. medyo madrama, medyo cheesy, pero napapatawa nalang din ako. after non, naalaman ko, si "First Love" pala yung nagtetext, di ko na alam kung pano at kanino nya nakuha number ko, pero by god's will na din siguro, uma-attend na naman kami sa parehong High School. time passes by and naging kami din (Thank You LORD). Sa lahat ng naging GF ko, sya talaga yung masasabi kong pinaka sa lahat. Tumagal kami ng halos 1 and 1/2 Year, after that, bigla nalang kami nawalan ng communication. di ko na sya nakikita sa school after summer break. after that, napaisip ako, baka wala na talaga. God's fate left me blank spaced.

Fourth Year High School. Graduation Day, biglang may lumapit saken na group of girls, "sama ka samen, may gustong magpapicture sayo bilis !". di ko sila kilala, pero parang kilalang kilala nila ako. grabe, ako naman, go with the flow lang. nung makarating ako sa gusto nilang puntahan, andun sya. andun si "First Love", after all this years, nasa same school parin pala kami, di ko alam. nakangiti sya sakin, speechless kami pareho, pero yun na yata yung last picture namin. Medyo blurry yung memories ko, pero sabi nya, nagkatext daw ulit kami after graduation, then bigla nalang ako nawala. after graduation, wala na ulit, ang gulo. nawala na naman, di ko alam kung bakit nawala ang communications namin.

Second Year College, may nag add sakin sa Facebook, si "First Love". This time, magkaiba na talaga kami ng School na ina-attend-an. tinry ko i bridge ang sarili ko "muli" sa kanya. pero parang busy. yung feelings ko unti unti nang naglalaho. nagkaroon na kasi ako ng 3 girlfriends after namin mawalan ng communication. you can say na wala kaming proper-brakeups. just communications lost.

Last Year nag Chat sya, New Year's Eve. "Happy New Year po ! :)", ngumiti nalang ulit ako bigla, "Happy New Year din po, kamusta kana ?". then putol na ulit. i don't know pero bakit parang di na nya ako pinapakitaan ng interes ?. Love Hurt na naman siguro ako. and so i did, nawala na ulit. this time alam ko wala na, walang wala na talaga yung feelings. since marami nang babaeng nainvolve saken, pero wala pa ulit akong nagiging GF after 5 Years.

Fourth Year College, last month, nag approach ako sa kanya, feeling ko may gusto ako i clarrify. gusto ko malaman kung may something pako sa kanya. chinat ko sya, this time nagrereply na sya, ineentertain na nya mga chat ko, until nakuha ko na ulit yung number nya. wooooh~ !. ang saya ko, grabe. to think, meron na ulit ako number ni "First Love". tinext ko sya, gaya ng dati. Caring, Thoughtful, ganun parin kami kung magtext, hanggang sa tinanong nya ako. "Ano ba talaga yung reason kung bakit mo kinuha yung number ko ?". then nagreply ako, "alam mo naman na wala tayong naging proper break-ups diba ?. gusto ko makumbinsi yung sarili ko kung may feelings parin ba talga ako para sayo. gusto ko malaman kung may feelings ka pa rin sakin, kase deep inside, kahit parang isang patak nalang sya ng tubig, may feelings parin ako para sayo, nasisiguro ko yun.". a moment of silence and nagreply sya. There i irealized, may BF na pala sya. 2 Years and Counting. Staying Strong sila. again, after long years, HEART BROKEN na naman ako. sabi nya saken, "Siguro hindi pa talaga to yung time natin, sana walang magbago satin, sana walang magbago sa nasimulan natin. Ayoko kasing dumating pa sa puntong umasa ka pa, pero in a relationship ako ngayon eh."

tumatak talaga yun sa utak ko. eto yung feelings ko during those times, *INTERNAL SCREEMING*. sabi ko nalang sa kanya, "please, hindi ko alam pero pipilitin kong limitahan ang sarili ko. bilang isang lalake, alam ko din naman ang pusisyon ko. ayaw kong maging sagabal sa dalawang taong subok na ang pagmamahalan. pangako mo sakin, na kahit anong mangyari, kahit anong katangahan ang masabi ko, maipakita ko, o maipagpilitan ko sayo, wag na wag na wag kang magpapadala sakin. kung ako lang ang magiging dahilan kung magugulo yung relasyon nyo. lalayo nalang talaga ako. bilang parte ng kahapon mo, ang kaya ko nalang sigurong gawin ngayon eh bantayan ka mula sa malayong lugar, by my own will, poprotektahan kita kung hindi man nya kaya. hindi ako aasa, pero mag iintay ako. alam kong may plano ang diyos, at yung nalang ang gagabayan ko."

masakit, sobrang sakit. realizing na dati, sya yung naghahabol sakin, ngayon ako naman. wrong timing pa.

pasensya na po mga kaibigan, kapatid, ka-symb. sa mahabang kwento ng buhay pag-ibig ko. pero i am a man of my deeds. "baklain" man sa inyong pandinig ang kwento ko, nakakainsulto man, o OA. totoo po lahat yan. akala ko talaga wala na akong feelings para sa kanya, pero ever since nagkachat ulit kami. lumaki ulit, nagmature ulit, nag form ulit yung attachment ko sa kanya. akala ko talaga wala na. pero ngayon, para akong isang asong ulol na naghihintay sa amo nya na baka hindi na bumalik pa. kung may masisisi naman, ako yun eh. kase sa hinaba haba ng panahon, ngangayon ko lang naisip na balikan sya.

kaya po eto lang po yung tanong ko, is it wise na maghintay parin na bumalik sya. i mean, hindi ko naman pinagpe-pray na mag break sila or the likes. pero, nagdadasal talaga ako na may another chapter pa para sa love story naming dalawa. gusto ko patunayan na may forever, gusto ko patunayan na may Happily Ever After, gusto ko patunayan muli yung sarili ko sa kanya. gusto ko ulit syang mahalin, at sa pagkakataong ito, di ko na sya talaga pakakawalan. pero tama po ba kung magdedesisyon ako ng ganito ?. kung sa paghihintay ay may forever, gagawin ko. handa kong idedicate ang oras ko sa paghihintay para sa kanya :(
 
Last edited:
Re: Taken na pala si "First Love" ko. Go parin ba ako ? (NOTE: Mahabang Kwe

nakarelate ako sayo TS.. ganyan din kasi naranasan ko noon.. since elementary days din un nung nakilala ko ung girl na na love at first sight din ako.. lagi kami magkasama at magkatabi nun kaya mas nadevelop ako sakanya at ganun din sya.. pero dahila nga bata pa ako nun di ko masyado sineryoso at nung tinutukso tukso na kami ng mga classmate namin ehh bigla ko na lang sya iniwasan ng di ko sinasabi sakanya dahilan.. pero narealize ko na mali ako kaya kinausap ko sya nun pero huli na kasi sobra galit sya at ayaw ako makita at makausap.. pagkagraduate nun eh naghiwahiwalay kami ng mga school may mga niligawan din ako nun pero di ko sineryoso.. hanggang pagdating ng college nakita ko ulit sya pero may BF na sya nun.. narealize ko na sobra akong nanghinayang pero kailangan ko ng sumuko sa kanya.. nung nakilala ko ung GF ko ganun na ganun din ung naramdaman ko noon ehh nalove at first sight din ako ang kinaibahan lang ngayon ehh alam ko na gagawin ko di na gaya ng dati.. Siguro blessing in disguise na rin kasi may natutunan ako dun sa past para di ko na maulit ngayon at sa future.. tingin ko need mo na din mag give up at malay mo may makilala ka na katulad or baka higit pa sakanya.. gamitin mo ung past na naexperience mo sakanya para di na maulit..
 
Re: Taken na pala si "First Love" ko. Go parin ba ako ? (NOTE: Mahabang Kwe

If she's taken then let her be, you can still experience forever and you can still have your happily ever after but not with her, pwedeng sa ibang babae.

She's the one that got away lahat naman tayo meron nyan, di mo makikita ang taong talagang para sayo kung naghihingptay ka sa babaeng pagmemayari na ng iba.

Go out there and meet other girls. Wag ka magsayang ng oras sa taong may katelasyon na more than 2 yrs tapos going strong pa sila. It's time to move on na.
 
Re: Taken na pala si "First Love" ko. Go parin ba ako ? (NOTE: Mahabang Kwe

I didn't read the long story anymore since you have summarized it nicely in your title. I think you already know the answer to your question. If not, then repeat after me, she's taken already so need to respect her relationship. I'm sure if you have a gf you wouldn't want someone pestering her right?
 
Re: Taken na pala si "First Love" ko. Go parin ba ako ? (NOTE: Mahabang Kwe

pwede kang maghintay,wala namang masama kung maghintay ka sa taong mahal mo talaga diba... di pa nmn sila kasal ..
kung magiging kayo sa isat isa at the end....
swerte mo,di ka nagkamali s desisyon mo...
kung kayo talaga sa isat isa,nakatadhana na yan,...
 
Re: Taken na pala si "First Love" ko. Go parin ba ako ? (NOTE: Mahabang Kwe

TS nasa sa iyo pa din yan kung ano gagawin mo next,hirap naman kasi na umasa ka nga at maghintay di ba?same tau ng situation Sir TS. Sakin eh high skul "puppy love" ika mu nga,15 yrs ko dinala then reconnect thru FB pero after several signs na mukhang walang mangyayaring maganda, pinili ko na lang maghanap ng iba. Sana makatulong ;)
 
ang gulo kase sir eh. alam ko namang may feelings pako sa kanya at may feelings din sya para saken. pero dahil nga sa circumstances ganun ang nangyayari. syempre, bilang isang tunay na lalaki na din. ayoko din nman na mag cheat sya sa bf nya. siguro nga sir tama ka. Blessing in Disguise na din. I don't know what to do and how to react as of now. pero mukhang nababawasan na ulit yung impression ko sa kanya since nga alam kong hinding hindi ako mananalo laban sa bf nya. salamat sir :hat:

If she's taken then let her be, you can still experience forever and you can still have your happily ever after but not with her, pwedeng sa ibang babae.

She's the one that got away lahat naman tayo meron nyan, di mo makikita ang taong talagang para sayo kung naghihingptay ka sa babaeng pagmemayari na ng iba.

Go out there and meet other girls. Wag ka magsayang ng oras sa taong may katelasyon na more than 2 yrs tapos going strong pa sila. It's time to move on na.

easier said than done sir, di po kase ako yung tipo ng tao na socialite. more like soloer po ako. and not quite appealing for the girls. pero tama kayo, this past few days narealize ko din yan. I was wasting my time, my effort, and my life for something I know na di dapat. thanks din po :hat:

I didn't read the long story anymore since you have summarized it nicely in your title. I think you already know the answer to your question. If not, then repeat after me, she's taken already so need to respect her relationship. I'm sure if you have a gf you wouldn't want someone pestering her right?

straight through my heart sir. hehe. tama naman po kayo, ayoko din nman na gagawin saken yan kung magkaka GF pa ulit ako. hehe. besides, tiwala parin talaga sa nakatataas :) thanks sir :hat:

pwede kang maghintay,wala namang masama kung maghintay ka sa taong mahal mo talaga diba... di pa nmn sila kasal ..
kung magiging kayo sa isat isa at the end....
swerte mo,di ka nagkamali s desisyon mo...
kung kayo talaga sa isat isa,nakatadhana na yan,...

sana nga po. ewan ko. feeling ko pinaglalaruan talaga kami ni tropang tadhana. ewan ko lang kung lumalaban sya or steady lang. hehe. salamat sa payo sir :hat:

TS nasa sa iyo pa din yan kung ano gagawin mo next,hirap naman kasi na umasa ka nga at maghintay di ba?same tau ng situation Sir TS. Sakin eh high skul "puppy love" ika mu nga,15 yrs ko dinala then reconnect thru FB pero after several signs na mukhang walang mangyayaring maganda, pinili ko na lang maghanap ng iba. Sana makatulong ;)

maghintay ng maghintay ng maghintay. di na po bago sakin yun. pero parang masakit din nman maghintay para sa isang bagay na alam mo na Malabo na ding dumating pa. salamat po idol :hat:

pasensya na po sa late kong replies. medyo nabaon sa limot tong thread ko. andaming gawain eh. hehe
 
Re: Taken na pala si "First Love" ko. Go parin ba ako ? (NOTE: Mahabang Kwe

move on ka nlng. di ka sure sa gurl kung tatagal ba un relationship niya sa current bf niya.

kaw lang wawa dyan. si First love aKa "J" masaya sa current bf niya.
at
KAW nagaantay sa wala o sa meron magyayari!

pero kung kayo talaga. tadhana nalang ang gagawin ng way para magin kayo ulit. :)
 
Re: Taken na pala si "First Love" ko. Go parin ba ako ? (NOTE: Mahabang Kwe

Hanggat wala pang Asawa't anak yun 1st love mo TS, Pwede ka pa din umasa, Pero kung meron na sad to say forget it. Alam mo almost the same tayo ng kwento pinag kaiba lang may Anak na sya pero not sure kung nag pakasal sila nun lalaki. Tulad ng matinong lalaki ako na yun umiwas ka kanya para maiwasan yun bagay na ako yun naka sira ng relasyon nila, Masakit sa una pero pag tagal tagal hihilom din ang sakit na nararamdaman mo. Walang shortcut para sa pag limot tanging mahabang panahon ang solusyon. Tulad mo TS heart broken din ako gusto ko din sana dito i share kaso hindi naman ako magaling mag kwento, Kaya sa mga kaibigan ko nalang dito yun mga pinag sabihan ko nun. Anyway good luck sa love life mo :salute:
 
Re: Taken na pala si "First Love" ko. Go parin ba ako ? (NOTE: Mahabang Kwe

move on ka na lng. mastress ka lng nyan kasb. focus ka sa ibaang bagay para makalimot. Like work.
 
Re: Taken na pala si "First Love" ko. Go parin ba ako ? (NOTE: Mahabang Kwe

ang pinakamagandang gagawin mo dyan ay just be friends with her. kumbaga close.

respect mo ung lalake dahil kung ikaw siguro ang nasa posisyon nya at nalaman mong may umaaligid aligid na lalake na humahanap ng tiyempo malamang mabasag mo rin bungo nun. or in other words ikaw un.

wag kang umasa na magiging kau pero dapat maging mabuting kaibigan ka. un bang shoulder to cry on.

un bang mangangamusta ka lang or magkwkwento. patawanin mo pag may problema sya. hindi ung kakamustahin mo sila kung ano sitwasyon nila, pag ganyan kasi needy ka na masyado at halata na naghahanap ka lang ng tyempo ng break up nila.

or the other way around. LEAVE. possible kasi balakid ka sa relasyon nila at baka madagdagan lang hearbreak mo sa relasyon nila
 
Re: Taken na pala si "First Love" ko. Go parin ba ako ? (NOTE: Mahabang Kwe

nag enjoy ako sa kwento mo ts, weird pero sa tingin ko may ikkwento ka ulit samin after ilang years :D

nweis: live a life happy and no REGRETS, i wont tell you to forget your past but i think its time for a second chapter of your life without your first love.
 
yun nga po eh, ang nakakaloko lang. pinaglalaruan talaga ako ng tadhana :upset:

Hanggat wala pang Asawa't anak yun 1st love mo TS, Pwede ka pa din umasa, Pero kung meron na sad to say forget it. Alam mo almost the same tayo ng kwento pinag kaiba lang may Anak na sya pero not sure kung nag pakasal sila nun lalaki. Tulad ng matinong lalaki ako na yun umiwas ka kanya para maiwasan yun bagay na ako yun naka sira ng relasyon nila, Masakit sa una pero pag tagal tagal hihilom din ang sakit na nararamdaman mo. Walang shortcut para sa pag limot tanging mahabang panahon ang solusyon. Tulad mo TS heart broken din ako gusto ko din sana dito i share kaso hindi naman ako magaling mag kwento, Kaya sa mga kaibigan ko nalang dito yun mga pinag sabihan ko nun. Anyway good luck sa love life mo :salute:

so far naman descent syang babae. and since 19-20 palang age namin. i don't think na karapat dapat na syang magka anak. well if nagkaroon man, i would not mess with her na. di din naman po kasi ako yung type ng lalake that would go for a girl who's already blessed by another man :rofl:

move on ka na lng. mastress ka lng nyan kasb. focus ka sa ibaang bagay para makalimot. Like work.

alam mo yung palagi mong sinasabi sya sa sarili mo. yet gumagalaw ng kanya yung katawan mo for everytime na magpaparamdam sya sayo. like magtext or magchat. i don't know. the temptation is at its max, na para bang sarili kong katawan di ko mapigilan. ugh :noidea:

move on ka nlng. di ka sure sa gurl kung tatagal ba un relationship niya sa current bf niya.

kaw lang wawa dyan. si First love aKa "J" masaya sa current bf niya.
at
KAW nagaantay sa wala o sa meron magyayari!

pero kung kayo talaga. tadhana nalang ang gagawin ng way para magin kayo ulit. :)

well i don't know about that sir. 2 years and going strong sila. although kung mag break man sila (which is hindi naman kasali sa prayers ko syempre), i would not want it din naman na ako yung rason even for the smallest part.

Hanggat wala pang Asawa't anak yun 1st love mo TS, Pwede ka pa din umasa, Pero kung meron na sad to say forget it. Alam mo almost the same tayo ng kwento pinag kaiba lang may Anak na sya pero not sure kung nag pakasal sila nun lalaki. Tulad ng matinong lalaki ako na yun umiwas ka kanya para maiwasan yun bagay na ako yun naka sira ng relasyon nila, Masakit sa una pero pag tagal tagal hihilom din ang sakit na nararamdaman mo. Walang shortcut para sa pag limot tanging mahabang panahon ang solusyon. Tulad mo TS heart broken din ako gusto ko din sana dito i share kaso hindi naman ako magaling mag kwento, Kaya sa mga kaibigan ko nalang dito yun mga pinag sabihan ko nun. Anyway good luck sa love life mo :salute:

hehe. medyo hindi ko na kase mapigilan ang pagshashare nung time na pinost ko to sir eh. medyo sasabog na talaga kase walang mahingan ng payo :dance:

move on ka na lng. mastress ka lng nyan kasb. focus ka sa ibaang bagay para makalimot. Like work.

tama nga naman po, after all. meron pa din naman akong studies na kalangin pang tapusin. tsaka mga mas mahahalagang bagay na mas karapat dapat pagtuunan ng oras :salute:

ang pinakamagandang gagawin mo dyan ay just be friends with her. kumbaga close.

respect mo ung lalake dahil kung ikaw siguro ang nasa posisyon nya at nalaman mong may umaaligid aligid na lalake na humahanap ng tiyempo malamang mabasag mo rin bungo nun. or in other words ikaw un.

wag kang umasa na magiging kau pero dapat maging mabuting kaibigan ka. un bang shoulder to cry on.

un bang mangangamusta ka lang or magkwkwento. patawanin mo pag may problema sya. hindi ung kakamustahin mo sila kung ano sitwasyon nila, pag ganyan kasi needy ka na masyado at halata na naghahanap ka lang ng tyempo ng break up nila.

or the other way around. LEAVE. possible kasi balakid ka sa relasyon nila at baka madagdagan lang hearbreak mo sa relasyon nila

tama nga naman po. kaso pag nagiging "GOOD FRIEND" ako sa kanya di ko mapigilan ma "FALL" ulit. kase alam mo yung feeling na pa FALL din naman sya sayo. which is ayoko naman since involved pa sya sa ibang lalake. regarding the other way around. i would if i could but i couldnt talaga. one thing na pinagsisisihan ko siguro ngayon is yung nag establish pa ulit ako ng communication sa kanya

nag enjoy ako sa kwento mo ts, weird pero sa tingin ko may ikkwento ka ulit samin after ilang years :D

nweis: live a life happy and no REGRETS, i wont tell you to forget your past but i think its time for a second chapter of your life without your first love.

hehe. salamat po sa malaman at maaral mong quote sir. sana nga po may maikwento ulit ako sa inyo hehe. kala ko di nyo magugustuhan kwento ng buhay ko. sobrang haba pang MMK na talaga :rofl: pero sana kung may maikwento man ako eh sa magandang resulta po sana.

salamat po ulit sa lahat ng nag komento sa aking thread. salamat po ng marami sa inyong lahat :salute:
 
Back
Top Bottom