Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem TALA (my daughter)

Mapanglaw na gabi ay lumalalim
Malamig na hangin ay imiihip.
Kalawaka'y puno ng mga bituwin,
Inaasam na kinang pilit aabutin.

Hinintay na panahon huwag bibiguin
Malalim na sugat iyong paghilumin
Bumubulong na tinig sa gabing malalim
Ang sinasabi'y huwag alalahanin.

Iyak na matinis musika sa pandinig
Pagod ay pinapawi ng ngiting abot langit
Matang nangungusap na nakatitig
Isang munting anghel, sa bisig nahimbing.

Kamay na maliit nakahawak sa daliri
Mahimbing na gabi ay nanggigising
Ayaw mapag-isa sa pagtulog ay kasama
Parating katabi ang inang dakila.

Unang hakbang kaligayahan ang dala
Unang bigkas sa puso tumala
Walang pagsidlan ang nadaramang saya
Isang munting tala inialay ni bathala...
 
Back
Top Bottom