Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Tanda mo pa ba tong mga anime song lyrics in tagalog version?

11minuteslate

Apprentice
Advanced Member
Messages
96
Reaction score
1
Points
28
MAY NATATANDAAN KA PA BA SA MGA LYRICS NA TO?NUNG BATA KA PA? :giggle:


141rgp.jpg


Bt’X
==========================
B`T X Opening Song
Maglalakbay ako patungo sa kawalan
Upang habulin ko pangarap sa buhay
At lilipulin ko itong kadiliman
Makita ko lang ang liwanag
Ng katarungan

B’T X Closing Song
Alab ng Katarungan
ang pagmamahal sa ating kapwa
ang pag-ibig sa ating bayan
Handang ibuwis ang aking buhay


Magic Knight RayEarth
==============================
Kami’y narito asahan nyong magtatanggol
Makikipaglaban…para sa kapayapaan…..
Ang lahat ng nilalang dito ay may karapatan
(sa magandang bukas!)
Kung merong gumugulo ay wag mag-alala….
Kami ang dakilang tagapagtangol nyo,
sa lahat ng oras
Handa kaming tumulong…
Ang aming mga kapangyarihan,alay sa karapatan….
Kami’y narito asahan nyong magtatanggol,
Makikipaglaban para kapayapaan at kaayusan,
Kami’y asahan nyo
Hanggang sa dulo ng mundo

Munting Pangarap ni Romeo
==============================
Awit ng Itim na Magkakapatid
(Theme from Mga Munting Pangarap ni Romeo.)
Kami ang Itim na Magkakapatid
Magkakasama laging masaya
Kahit mahihirap lang mararangal naman
Tayo’y lumakad sa mundo ng taas-noo
Kapwa at kapaligiran ating alagaan
Tayo’y laging magkasama
Sa hirap at sa ginhawa
ha ha(3x)
Kami ang Itim na Magkakapatid
Magkakasama, Nagkakaisa!
===================================
Ending Song at the last episode
(Theme from Mga Munting Pangarap ni Romeo.)
Ang lambak kung ating pagmamasdan
Ang paligid at kaparangan
Mula dito sa kabundukan
Maaabot mo ang kalangitan
Makikita mo ang ilaw ng bayan
Pangarap marating ninuman
Nais kong marating ang kabihasnan
Upang maiba ang buhay
Ang bughaw na langit ng pangarap
Pagsikapan na makamtan
Ang bughaw na langit ng pangarap
Ay dapat lamang makamtan

The Musketeers
===============================================
Opening Theme
Marami kang pangarap
Kasing taas ng langit
Kaya’t laking tuwa ko
nang ibulong mo na kasama ako
Hawak kamay kapit-bisig
Tayo nang habulin ang mga tala
Kasama kita kaya hindi ako mangangamba
Mapalad ang maging kaibigan mo
Nakaukit ang pagmamahal sa iyong puso
Kaya’t taimtim pangako gagawin kong lahat
para sa’yo

SailorMoon
===============================================
Opening Theme
Ikaw ang lagi kong Hinahanap
Kasama kang lagi sa pangarap
Nais ko’y lagi kang nakikita
Marahil nga ay mahal kita
Liwanag ng buwan sa kalawakan
Hinahatid ka sa ‘king isipan
Pano ba kita makakausap
Ikaw sa akin ng lahat
Sana, bawat saglit laging kapiling ka
pag-ibig ko sana’y madama
Basta’t kasama kita sa pangarap
Nadarama’y wala ngang katulad
Ligayang ulot nito sa ‘king puso
Sana ay di na mag wakas
Sana ay di na mag wakas


Remi, Nobody’s Girl
==============
Opening Theme
Aking ina, mahal kong ina
Pagmamahal mo akin ina
Yakap mo sa akin
Hinahanap ko
Init ng pag-ibig
Kumot ng bunso
Sa gitna ng pagkakahimbing
Yakap mo ang gigising


Akazukin ChaCha
=============================
Tibay ng loob, tiwala sa sarili
Mga katangiang taglay
Katatagan,—
Para sa payapang sandaigdigan
Ang busilak na kalooban
Lahat ng bagay makakamtan
Pagkat ito’y para sa kabutihan
(Pagibig)
Busilak na kalooban
Lahat ng bagay makakamtan
Pagka’t ito’y para sa kabutihan

Charlotte
=============================
Opening Song
Ika’y sinag ng araw, Charlotte
Labi mong singpula ng rosas
Kahit niyebe sa gubat ay natutunaw
Ika’y tanglaw ng pag-asa, Charlotte
Bituing kumikinang ang kulay
Inaawit ang himig ng tag-sibol
Oh…Oh…Oh…Charlotte
Tanod kang bituin
Oh…Oh…Oh…Charlotte
Tanglaw kang maningning
Ngayon at bukas man
Sa agos ng panahon
Pinag-aalab mo aming panaginip
Closing Song
La La La Beautiful May May Flower
Ang buwan ng Mayo ay kay gandang tunay
Dahil may bungang umuusbong
At sa buhok ko ito’y ipinutong
Ako’y nagiging diyosa ng tag-sibol
Kaya’t sa gubat ating ipunin
Mga pipit at maya
Ang mga burol ating balutin
Ng luntiang damo at dahon
La La La Beautiful May May Flower
La La La Beautiful May May Flower

Crayon Shin Chan
=============================

Chorus:
Si Crayon Shin Chan, Si Crayon Shin Chan, Kilala ng
kabataan
Si Crayon Shin Chan, Si Crayon Shin Chan, Mahilig
maglaro oooh
Si Crayon Shin Chan, Si Crayon Shin Chan, Kilala ng
kabataan
Si Crayon Shin Chan, Si Crayon Shin Chan, Walang
tatalo sa kakulitan
Si Shin Chan ang ating bida
At talagang nakakatawa
Kahit na medyo makulet
Pero siya’y mabaet
C’mon baby, C’mon baby, halina tayo’y magsaya
Crayon Shin Chan, Astig na bida
Lagot ka, Lagot ka
Andyan na ang mommy mo!
Repeat Chorus

Fortune Quest
==========================
Bukas na kay ganda
Sa kwentong ubod ng saya
Paglalakbay namin sa mundong
aming narating
Bukas na kayganda
Mga mata’y imulat na
Upang makamtan ang ligaya


Georgie
=========================
Nang makita ko ang larawan mo
At muling nagbalik sa akin ang lahat
Ang malambing na bulong na aako
Ang nagbibigay musika sa mundo
Sinabi mong ako ang himig ng iyong biyulin
Mga labi mo’y rosas na ginto
At ikaw ang pinto ng aking daigdig
Kulayan natin ang mundo
Parang bahaghari
At ang kagandahan nito’y maging
Makislap pa sa araw
Isang lubos na marikit
Mula sa iyo maahal
At magsasama tayong dalawa


Little Women 2
================================

Bakit kay ganda’t kay siglang mundo
Kung ikaw ay bata pa
Magtampisaw ka sa tubig
Maglaro ka sa kalsada
Libutin mo ang ikot ng mundo
Kung ikaw ay bata pa

Polyanna
===============================================
Opening theme
Ang pagluha ay kalungkutan
Wag hahayaang magkaganyan
Magsaya sumayaw sige na sige hataw!
Tayo na magsama-sama
Lumipad sa kalawakan
Doon walang kalungkutan
Wala wala wala wala wala wala
(Singlamlam) ng mga bitiun na nagniningning
Naghihintay o kay saya tayo na
Maging ang pangamba’t pag-iisa
Hindi magiging hadlang
Tayo’y magtawanan magkulitan
Magkwentuhan Magdaldalan
O walang kalungkutan at tayo’y magsayawan
liwanag ay parang mga bitiun
nagniningning naglalambing
Magsaya Sumayaw masayang Karnabal!
End Theme
Aking iipunin ang mga bitiun sa langit
At aking gagawing pangalan mo
Wag mong hahayaan talunin ka ng kalungkutan
Iguguhit kita at aking ipipinta
Ang awit kong ito’y para sa’yo
Hanggang sa pagtulog at panaginip
at iyong maririnig
Kung hehele at kakapit ng buong lambing
sa magdamag madarama mo ang aking pagmamahal
Aking mahal

Thunder Jet
===============================================
Opening Song
Tahakin ang landas ng kalawakan
Iwagayway ang bandila ng pangarap
Hanapin ang alab ng digmaan
Dito sa gitna ng kalawakan
Ending Song
Sugod mga kababayan
Para sa ating kalayaan
Bangon sa pagkakaalipin
Hanggang sa ating kalayaan

Tomoyo’s Song
CARD CAPTOR SAKURA
(Tomoyo’s Song)

==============================================
Song card Series
Ngumiti ka na ako’y dinggin mo
Hiling ng puso sana’y tuparin
Kaibigang nais makapiling
awitin mo aking uyayi
Wag mag-alala kaibigan
Limutin mga problema
Wag kang mag-alala kaibigan
Ako’y narito di ka iiwan
Cardcaptor Sakura
Episode # 49
Pag ako ay nalulumbay
Hanap ko’y kalinga ni Ina
Sa init ng kanyang pagmamahal
Nalilimot ko ang kalungkutan
*Aawitin ang awitin niya
Nung ako’y pinaghehele niya
Nais kong muling maramdaman
Ang init ng yakap ng nanay ko
Himig niya’y ang duyan ko
Pagmamahal niya ang tanglaw
Siya lang ang mahal
Walang iba
Repeat * (2x)
Repeat * last line
Wala na ngang iba sa aki’y mas mahalaga

Humayo ka kaibigang Tom Sawyer
=============================
Maglakbay kung saan mo man naisin
Sige Tom, Humayo ka
Humayo ka't maglakbay pa
'Wag kalilimutan kami

HEIDI
============================
Heidi, heidi
Anakpawis ka sa kabundukan
Heidi, Heidi,
Tahanan mo ang kalikasan
Luntiang parang, nasisikatan ng gintong araw
Heidi, Heidi,
tahanan mo ang kabundukan

Santa CLaus ? [nakalimutan ko] :giggle:
=========================
Sino nga ba siyang nakasuot pula,
hila ng mga usa?
Puti ang balbas nya, siya'y mataba
Lahat ng bata'y naghihintay sa kanya.
Namimigay siya ng mga regalo,
tuwing sasapit ang araw ng pasko.
Mula sa araw na ito, maghihintay kami sa'yo.
Saan ka ba nagmumula?
Sana'y roon kami sama mo.
Nais naming makita kung pano ginagawa,
mga regalong pinamimigay mo.
Nais naming....

Laruan, libro, damit na pampasko!

BLINK
========================
Habang nabubuhay, manalig ka
Lagi kang may kasama, may kaibigan ka
At kung ikaw ay nalulungkot
Kung ikaw ay natatakot
Wala kang gagawin kundi ako'y tawagin...
*
Ako si Blink
Sa bawat oras nariyan,
Tutulong sa nangangailangan
Ako'y maaasahan sa lahat ng bagay

Cinderella
=======================
Kailan, kailan ko malalaman ang itatawag sa
isang mukhang walang pangalan,
sabik na akong ikaw ay makilala ko.
*
Ngunit hanggang kailan, hanggang kailan
Ito mananatiling panaginip
Sabik na ko, sabik na ko sa iyong
Yakap at halik...

Julio at Julia (Kambal ng tadhana)
=================================
Kapag uminog na ang mundo
iikot din ang buhay ng tao
may saya at mayroong dusa
'wag lang tayo magpapatalo

Kung ikaw ay nag-iisa
sa landas na iyong tinatahak
huwag mawawalan ng pag-asa
sa mithiing pakikibaka

CHORUS:

Si Julio at Julia,
kambal ng tadhana
di susuko sa pagsubok.



MASKMAN​
=================================​
Humanda na kayo
Kampon ng kadiliman
Oras na ng pagtutuos
Kasamaan n'yo na'y matatapos
Narito na sila
Bayaning tagapagtanggol
Sa masama'y lilipol
Maskman, kayo lang ang pag-asa
Iligtas kami sa rahas ng kadiliman
Kami'y inyong ipaglaban...

Sugod, sugod, laban Maskman
Ipagsanggalang ninyo ang katarungan
Sugod, sugod, laban Maskman
Ipagtanggol ninyo ang kapayapaan
Buong mundo'y nagpupuri't nagpupugay, mabuhay!
Laser Squadron Maskman!​








MERON KA PA BANG ALAM? :giggle:


dagdag ka pa kung meron pa..ahihihi :clap:
 
Last edited:

eila_fate

Amateur
Advanced Member
Messages
144
Reaction score
0
Points
26
aling onse hindi kay judy abott yung :music: kailan, kailan ko malalaman ang itatawag sa isang mukhang walang pangalan..:music: kay cinderella yun :rofl:
 

11minuteslate

Apprentice
Advanced Member
Messages
96
Reaction score
1
Points
28
aling onse hindi kay judy abott yung :music: kailan, kailan ko malalaman ang itatawag sa isang mukhang walang pangalan..:music: kay cinderella yun :rofl:

ay oo nga pala!!!!

SALAMAT!!!!!

buti sinabi mo :giggle:
 

yunik

Symbianize Shadow
Veteran Member
Messages
1,743
Reaction score
2
Points
128
la na ako maisip....
 

THE_new_CANCER

Novice
Advanced Member
Messages
30
Reaction score
1
Points
28
waaa atleast highskul paku ng umuso tong mga cartoons nato!! di pa pala ako masyadong outdated whahahaha mabuhay si serabe sa akasukin cha cha AT i galang si Carmen na mommy ni shin chan!! :praise:
 

11minuteslate

Apprentice
Advanced Member
Messages
96
Reaction score
1
Points
28
wahaaha! dagdag pa kayo..alam ko my kulang p jan e malamang madami pa..:think:
 

THE_new_CANCER

Novice
Advanced Member
Messages
30
Reaction score
1
Points
28
julio at julia!!!
kapag umikot na ang mundo iikot na rin ang buhay ng tao!! lalalalala

ninja robot!
go go go ninja rooboot! pow!! ninja robot!

ahahhaahaha xenxa na poh!
 

Pantera

Apprentice
Advanced Member
Messages
83
Reaction score
0
Points
26
Ahahahaha. Bka gsto mong idagdag ung tagalog song ng voltes 5 ska ung mga knta ng bioman, fiveman,maskman. At kung anu2 pa.. Ahahahah post mo yan ha?:dance:
 

THE_new_CANCER

Novice
Advanced Member
Messages
30
Reaction score
1
Points
28
oi oi na a lala ko may MASKMAN pa pala ang unang gumamit ng hand signs na giniya ni naruto at sasuke!!! ahahahaha!!!!
 

boyangaZ

The Loyalist
Veteran Member
Messages
523
Reaction score
0
Points
126
e2 alm nyo po b ito...palabas sya noon s channel 7, evry morining :rofl:

A6517-3.jpg







:)
 

11minuteslate

Apprentice
Advanced Member
Messages
96
Reaction score
1
Points
28
how about BLUE BLINK aling onse? :music: ako si blink, sa oras nariyan..tutulong sa nangangailngan..:music: :rofl: medyo limot ko na :lmao: :D

meron na ako blink...di mo nabasa?:giggle:

Ahahahaha. Bka gsto mong idagdag ung tagalog song ng voltes 5 ska ung mga knta ng bioman, fiveman,maskman. At kung anu2 pa.. Ahahahah post mo yan ha?:dance:

meron akong mp3 non bioman,doraemon,malaki e diko ma post ahihihi..
 

eila_fate

Amateur
Advanced Member
Messages
144
Reaction score
0
Points
26
:slap: meron na pala blink, di ko nabasa agad :rofl: hanu pa kaya maidagadag dito :lmao:
 
Last edited:

pot2

Amateur
Advanced Member
Messages
117
Reaction score
0
Points
26
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Eto yung sa Maskman :lol:

Hikari Sentai Maskman

Humanda na kayo
Kampon ng kadiliman
Oras na ng pagtotoos
Kasamaaan niyo’y dapat matapos
Narito na sila
Bayaning tagapangtanggol
Sa masama’y lilipol
Maskman
Kayo lang ang pagasa
Iligtas kami sa marahas na kadiliman
Kami’y inyong ipaglaban
Sigi sigi laban Maskman
Ipagtangggol ang kapayapaan
Sugod sugod laban Maskman ipagsanggalang ninyo ang katarungan
Buong mundo’y magpupuri’t magpupugay mabuhay
Laser Squadron Mas…ku…man

ENDING

Ito ang mga bayaning magiting
Walang takot
Sa bangis ng kalaba’y
Di umuurong
Matatag, tagapagtanggol
Ng inaapi
Mga huwaran
Sa tungkuling tapat
Nakahandang mag-alay ng buhay
Ang Maskman
Tanod ng kapayapaan
Ang Maskman
Laging maaasahan
Dapat nating tularan
Ang kagitingan
Laser Squadron Maskuman Maskuman
 

doing bussiness

Recruit
Basic Member
Messages
12
Reaction score
0
Points
16
Yup!! Hehe. My friends and cousins used to sing-along when he anime program is airing. We really had a great time Also along with those song, they also have hand gestures and dance moves. :dance:
 

PINOY_RADICAL

The Loyalist
Advanced Member
Messages
538
Reaction score
0
Points
26
ayuz 'tong thread mo 11 ha! haha naalala ko yung opening theme ng The Musketeers. nasa elementary pa ako nun haha
 
Back
Top Bottom