Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

THE 3 BASIC ROLES OF THE FATHER IN THE FAMILY (3P)

armz71

 
 
The Eternal Symbianizer
Advanced Member
Messages
5,832
Reaction score
512
Points
228
Space Stone
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
THE 3 BASIC ROLES OF THE FATHER IN THE FAMILY (3P)
(By: Armz71)

1. PASTOR
4 Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at aral ng Panginoon. (ephesians 6:4)
6 Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso. 7 Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga. 8 Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, 9 isulat sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at mga tarangkahan (Deteuronomy 6:6-9)

Qualities of a Good Pastor
Nalalaman po natin bilang isang kristiyano na ang Diyos ang mabuting Pastor, pag aralan po natin ang isinulat ni haring david at gawin panuntunan o pamantayan bilang isang amang mabuting pastor

23 The Lord is my shepherd; I shall not want.
2 He maketh me to lie down in green pastures: he leadeth me beside the still waters.
3 He restoreth my soul: he leadeth me in the paths of righteousness for his name's sake.
4 Yea, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil: for thou art with me; thy rod and thy staff they comfort me.
5 Thou preparest a table before me in the presence of mine enemies: thou anointest my head with oil; my cup runneth over.
6 Surely goodness and mercy shall follow me all the days of my life: and I will dwell in the house of the Lord forever. (Psalm 23:1-6)

CONCLUSION
V1-v2 : Bilang isang mabuting ama o pastor ang iyong pamilya ay pinagsusumikapan mo na akayin sa mabuti at maayos na pamumuhay.
Nakakalungkot na isispin na ang ibang pamilya na ang kanilang ama ay iresponsable at inaasa na na lang sa asawang babae o kanyang mga anak ang dapat sa sa ama ang responsibilidad, gayundin nakalulungkot na makita ang ilang mga kabataan na namamalimos sa lansagan, o ang ilang mga kabataan na nagugumo sa mga pinagbabawal na gamot, o di kaya napapariwara ang kanilang mga buhay dahil sa pagsama sa mga maling kaibigan na kung minsan ay hinahanap ang kaligayahan di Makita sa loob ng tahanan.
V3: Bilang isang mabuting pastor o ama ikaw ang nangunguna na ibalik ang relasyon ng iyong pamilya sa ating Diyos.
Sa ating panahon ngaun o tinatawag millennial age ay nakakalulungkot na unti unti nang nawawala ang moral values sa ating bansa kamakailan lamang ay naging issue pa ang soggie bill (tsugi) na gustong isulong sa ating bansa na payagan ng gobyerno natin na makasal ang kapwa pareho ang kasarian ito ay nakakalulungkot at nakakatakot sapagkat galit ang Diyos sa ganitong uri ng Sistema. Na kung saan mapapasin din natin na ang ilang mga kabataan ay parang wala nang pag galang sa mga nakakatanda at gayundin naman ang ilang matatanda na kung minsan maririnig natin ang kasabihan na parang walang pinagkatandaan. Ito po ay larawan ng walang tamang pag kaunawa sa Salita ng Diyos o malalim na relasyon sa Diyos.
V4-v5 : Bilang isang mabuting pastor o ama ang iyong pamilya ay pinagsusumikapan mo na pangalagaan at protektahan at tinutuwid.
Minsan ng ako ay nanoood ng tv napanood ko sa balita na mismong magulang pa ang nag aalok ng kanilang mga anak through cyber sex sa mga parokyano. O di kaya mismong magulang pa ang nag uutos na mag dala o mag benta ng bawal na gamot, gayundin madalas rin ako nakakapanood sa balita ng hiwalayan ng mag asawa sa kadahilanan na sinasaktan ng lalaki ang kanyang asawa o di naman ay may third party involve.
V6: Bilang isang mabuting pastor o ama ang iyong pamilya ay pinagsusumikapan mo na tularan ka nila na palagi mag puri at sumamba sa Diyos.
Nuong ako po ay nasa Saudi bin ladin na company, ako po ay leave out status ibig sabihin di po ako nakatira sa company accommodation at sa apartment na akin tinitirhan ay may mga kasama akong mga Pilipino, mayroon po duon ilang Pilipino na muslim na masugid na inaalok ang katuruang islam at ako po ay humanga sa sinabi ng isa ko pong kasama ang sabi nya “ ang aking ama ay napakabuti sa aming magkakapatid maayos nya kami pinalaki at pinag aral at labis nyang mahal aking ina at wala akong makitang dahilan para iwanan ang nakamulatan ko nang paniniwala ng aking ama”.
Sabi nga po sa isang commercial sa tv “ the family that prays together stay forever” di po nangangahulugan na magsasama-sama kayo physically pero mawala o malayo man tayo sa ating pamilya bilang mga magulang ay naroon o legacy o alala na iiwan mo na maganda na masasabi nila “surely goodness & goodness will follow me dahil sa aking mga magulang ang palagi ako magpapatiuloy sa Gawain sa Panginoon Diyos dahil sa ipinakita ng aking mga magulang sa akin.

2. PRESIDENT/KING
3 Ngunit nais kong maunawaan ninyo na si Cristo ang ulo ng bawat lalaki, ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa (1Corinto 11:3)
23 Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siya ang Tagapagligtas nito.24 Kung paanong nasasakop ni Cristo ang iglesya, gayundin naman, ang mga babae ay dapat pasakop nang lubusan sa kanilang sariling asawa. (Efeso 5:15-33)
NOTE:
Kung ikaw ang preisidente o hari sa inyong tahanan dapat ang inyong asawang babae ay vice president o ang turing mo ay siya ang nag iisa mong reyna sa loob ng tahanan o maari mong tawagin palasyo. nuong nanliligaw ka pa sabi mo nga ibibigay mo ang buwan at bituin o di kaya ay dadalhin kita sa aking palasyo subalit ng makasal na kayo ay nakikitira kayo sa inyong mga magulang o biyenan. kaya nagiging dalawa ang hari at reyna .Sa totoo lang po sa realidad ng mga mag asawa ito po ay isang malaking issue aminin man natin o hindi bagamat sinasabi natin na mahal natin ang isat isa subalit ito rin po minsan o madalas kaya nasissira ang pamilya o nagkakaraoon na tinatawag na family stress o deprave sa loob ng tahanan.kung minsan naman ay mayroon educational conflict mayroon po ang akong kwento;
Nang samahan ko ang aking kapatid sa isang banko sa san mateo rizal medyo matagal na upang mag open siya ng bank account may nakilala kami na manager na babae at parang ka batch ko pa siya at nag kwento tungkol sa kanyang asawa ang wika nya “ mabuti ka pa ang galling mo naman di katulad ng asawa ko driver lang sakit sa ulo.” At tanong nya pa paano kaya gagawin ko sa asawa ko, at ang sagot ko sa kanya ay “Let him be a man”, na ang ibig ko sabihin ay pag nasa bahay o tahanan dapat ang lalaki ang manager at di lamang siya driver sa kanyang paningin, nakakalungkot po na may ganung babae na pinababa ang tingin sa kanyang asawa dahil lamang sa antas ng edukasyon.
Husbands
7 In the same way, you husbands must give honor to your wives. Treat your wife with understanding as you live together. She may be weaker than you are, but she is your equal partner in God’s gift of new life. Treat her as you should so your prayers will not be hindered.(1peter3:7)
NOTE : Madalas ito po ang ginagamit ng mga kristyanong babae sa kanilang mga asawa na equal lang sila subalit nilaktawan na nila ang talatang 1peter 3:1-2, tama po na pantay lang po ang lalaki sa paningin ng Diyos subalit ang Diyos po ay Diyos ng kaayusan at ang sabi po ang lalaki ang may authority o may masculine figure sa tahanan. Sabi pa sa;
18 Mga babae, pasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang naaangkop sa mga nakipag-isa sa Panginoon.19 Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila. (Colossas 3:18-19)
22 Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. (Efeso 5:22)
NOTE: Tanong ko lang po paano ninyo magagawa na magpasakop sa Panginoon Diyos kung sa asawa pa lang ninyo ay di na kayo nagpapakita ng mabuting patotoo.

3. PROVIDER
BILANG AMA NG TAHANAN AY KAILANGAN NA ITAGUYOD MO SILA:
1. MAGING MABUTING PATOOO
5 Yamang kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya.2 Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos. (Efeso 5:1-2)

2. MAGING MAPAGKALINGA
8 Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kabilang sa kanyang pamilya, ay tumalikod na sa pananampalataya, at mas masama pa kaysa sa isang di-mananampalataya. (1Timoteo 5:8)
33 Subalit ito'y para din sa inyo: kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa. (Efeso 5:33)

PROVIDE THEM:
1. WANTS
2. NEEDS
3. BOTH SPIRITUAL AND PHYSICAL NEEDS
4. MENTAL & MORAL VALUE.

NOTE:

* Balewala po ang dalawang naunang dalawang“P” kung di ka nagpapakita ng pagsusumikat na tugunan ang pangangailan g iyong pamilya lalo na may kakayahan ka.at handa mong ialay ang iyong buhay para sa kanila tulad ni Kristo.

* Ganun din naman po tayo bilang isang kristyano (2cor. 5:17),kaya po natin nagagawa ang mga bagay na naaayon sa Saita ng ng Diyos sapagkat nauna Niyang minahal tayo:
9 Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. 10 Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan. (1John 4:9-10)



ReplyForward
 
Last edited:
Back
Top Bottom