Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Tinatamad na ko sa trabaho ko

imba_kan

Symbianize Elder
Advanced Member
Messages
1,034
Reaction score
8
Points
28
Parang wala nang thrill. Hindi na masaya. Yung tipong pagpasok mo maghihintay ka nalang ng uwian. Mataas naman sweldo gusto ko naman ginagawa ko (software engineering). Kasama ko naman mga tropa ko. Bakit kaya ko tinatamad. Kung magreresign naman ako san ako pupulutin hahaha naloko na
baka kelangan mo ng motivation sa work. hahaha. kung babae boss mo ligawan mo para mamotivate ka hahaha
 

0106

Symbianize Elder
 
 
Advanced Member
Messages
1,078
Reaction score
98
Points
128
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Space Stone
Profile Music
Parang wala nang thrill. Hindi na masaya. Yung tipong pagpasok mo maghihintay ka nalang ng uwian. Mataas naman sweldo gusto ko naman ginagawa ko (software engineering). Kasama ko naman mga tropa ko. Bakit kaya ko tinatamad. Kung magreresign naman ako san ako pupulutin hahaha naloko na


EDIT:
2017 ko pa to pinost. SKL ko lang total andito narin naman ako. hahahaha
5 years ago, tamad na tamad ako sa buhay. Katamad pumasok, sobrang traffic daming oras nasasayang sa byahe.
Yung sweldo ko non above average naman para sa taong may 3 years experience,... pero hindi ko talaga alam gusto ko gawin non sa buhay.

Taaaaaapos nabuntis ko pa gf ko hahahahaha! tignan mo nga naman ang pagkakataon.
Ayun na nga, bumukod na kame ng bahay, nagsarili na kame, malalaki na kame. Yung sweldo ko sakto nalang sa gastusin, kinakapos pa minsan.
Suma-sideline na ko para may extra income. Naging sobrang busy ko nawala na sa isip ko yung tinatamad ako, hahahahaha yun lang pala kailangan.
Kailangan kumayod para sa pamilya, kaya kapag may pwede gawin sideline ginagawa ko.
Hanggang sa nagapply na ko sa ibang company, shempre papataas sweldo, di na ko naincreasan e hahaha.

2019 may nakuha akong US based freelance client, first time ko maofferan ng malaki, work frome home, walang tax.
Bilang ako yung tipo ng tao na kapag may pagkakataon kinukuha ko talaga, nagresign ako hahahahaha kasi sobrang laki ng difference sa take home pay ko.
Akalain mo nga naman nag counter offer yung pinagwoworkan ko, tinaasan nila yung sweldo ko (masmataas ng konti sa offer saken), pero sa isip isip ko "walangya kayo, kaya nyo naman pala ibigay kailangan ko pa magresign". Kaya nagresign na ko ng tuluyan hahahahaha bahala sila sa buhay nila, "f**k this sh*t I'm out".

Dun na nagbago buhay ko, nagkapamilya, nagregister na rin ako ng business para sa taxes, nagdagdag ng clients (kasi andaming oras kapag wfh), nagkaron ng passive income, bumili ng dalawang bahay, bumili ng kotse, lagi ko kasama asawa't anak ko, hindi ko na kailangan bumyahe para magwork, at marami pang iba!

Tingin ko ang sagot lang sa problema ko, maging busy sa bagong bagay tulad ng pagpapamilya hahahahahaha

Ayun lang naman, hahahahahaha
Sobrang daming blessings na dumadating saken, samin! Hindi ko alam kung anong nagawa ko para pagpalain ng ganito, thank you lord sobra!! wag ka magsasawa sa pagbibigay ng blessings sakin! hahaha

Shempre sa dami ng natatanggap ko shine-share ko din sa iba, di naman ako madamot na tao. Pag meron naman bigay agad! hahahahaha


Salamat sa pagbabasa! sana nainspire ka.
Ang moral lesson ng story ay "wag patanga tanga" hahahahahaha
Wow TS. Many things have happened since pinost mo ito. Yun na pala start ng pagbabago ng buhay mo! Tama ka, kadalasan, pamilya at pagiging productive busy ang kailangan para makapag patuloy sa buhay. I won't say bills, because bills will always be there. But family is first!
 
Top Bottom