Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

What was the last movie you saw at maganda ba?

Missing (2023) 7/10.

Wala pa ako masyado napapanood na movies this year, pero mukhang eto na the best agad sa akin, haha. Daming twist.

Sequel ata siya sa Searching (2018), pero hindi ko natapos na bored ako eh baka panoorin ko siguro.
 
Nobody

Yung kinalimutan mo na ang dark past mo and tried to do something away from it, pero sadyang mapaglaro ang tadhana.
And ayun na nga, . . . welcome back self! Iba din talaga pag pamilya na ang isasave mo from violence.
And I love na may mga light na part sa movie.
 
movie: sniper vengeance and high heat:
Sniper vengeance : 8 out of 10 sa action
high heat : 5 out of 10.. bitin sa kwento and action

series : lord of the rings (latest) --- 9 out of 10 ganda story
 
The Whale

Sobrang bigat nitong movie na 'to (no pun intended) kaya gets ko na yung hype. Galing ng performance ni Brendan Fraser, panalong comeback film para sa kanya. Sila Sadie Sink din & Hong Chau (na napanood ko din sa The Menu), panalo yung performance. Solid yung cast. As for the story, panalo din. Sabi ko nga, sobrang bigat niya emotionally. Kung ikaw yung tipo na may problema sa magulang/pamilya, o may kakilalang nagsa-struggle sa buhay dahil sa past traumas at sobrang hirap maka-move on, panigurado tatamaan ka dito once maka-relate ka sa mga characters. Sumakit nga yung ulo ko pagkatapos kasi pinipigilan ko sarili kong maluha eh lalo dun sa ending. 😅

Kung ikaw yung tipong madaling ma-bore sa mga drama films na puro daldalan lang, di 'to para sayo. Pero kung ikaw yung tipong mahilig manood ng magandang pelikula regardless ng genre & interesadong makakita ng engaging na story, then worth it na panoorin 'to. Deserve ni Brendan manalo ng Oscar Best Actor dahil dito eh.
 
Cocaine Bear

Enjoyable movie. Kung wala kang alam sa movie na 'to, iisipin mo sa una na horror/suspense movie 'to, pero hindi eh :lol: Para sakin mas angat yung comedy, di dahil sa sablay yung movie, pero ganun talaga kasi yung overall tone ng buong pelikula kaya enjoyable panoorin. Ito yung klase ng pelikula na di mo kelangan paganahin yung logic & common sense mo habang pinapanood, you just have to take it for what it is. Interestingly, binase din pala 'to sa real-life events. Overall, okay naman siyang movie na ayos pampalipas-oras.
 
ang taong paniki
black and white na pinoy movie noong 50s
okay naman. curious lang ako sa vintage na movies haha
 
1679958528969.png

Heart wrenching movie :weep:

At first akala ko boring siya yet tinapos ko and hindi talaga ako binigo.
Dami ko nabasang good reviews 'bout this movie.
Eto ata dahilan kaya di ako nakatulog, nakakadurog lang ng puso.
Nadamay sa holocaust yung dalawang bata :sigh:

Highly recommended 10/10
 
Sky High -Movie

- need ko panoorin dahil pinapanood ko ung bagong series na Sky High, hindi ko alam na may sequel na pala ung series.

Okay naman, namimiss ko ung si Rio at Nairobi sa Money Heist ;)
 
Creed III

Di ko alam kung last entry na 'to sa Creed franchise pero para sakin ayos siyang 3rd film to keep the story going. Obviously wala si Rocky sa movie & conflicted ako dito, kasi parang tama lang din na wala siya since umiikot sa kwento & relationship nila Adonis & Dame yung movie, pero at the same time parang di pa rin tama na absent siya maski sa libing ni Mary-Anne na basically eh asawa ng bestfriend niyang namatay sa laban (Apollo). Pero yung fact na past his prime na si Don, retired na, tapos bumalik ulit para harapin yung isang malaking challenge na kelangan niyang i-overcome just shows kung gano pa rin kalaki yung influence ng mga later Rocky movies dito sa Creed III.

Nakakatuwa din yung boxing fight nila Don & Dame sa huli, kasi para akong nanood ng live action na Hajime No Ippo fight :lol: Sa cuts, sa close up shots, etc. anime na anime yung style. May isang moment rin dun na akala ko magde-Dempsey roll si Dame eh lol kaya kung fan din kayo ng Knock Out/Hajime No Ippo tulad ko, matutuwa kayo sa laki ng influence ng anime na yon sa mga fight sequences dito sa movie. Dun pa nga lang sa training na sumusuntok sa puno si Don, naisip ko na agad si Ippo eh.

Overall, ayos siyang boxing movie na pangdagdag sa Creed franchise. Pero para sakin iba pa rin talaga pag may presensya ni Rocky eh, parang kumpleto kasi pag nandun siya eh.
 
Last Holiday (2006) lagi kasi namin nakikita ng partner ko sa Tiktok kaya pinanood na namin HAHAHAHA
Post automatically merged:


maganda baa yung movie?
Yes, goods ung Sisu. Simple lang setup nya pero ung gore 10/10 if you're into that kind of stuff.

Last movie - The Swimmers
 
Last edited:
Attack of the Doc

Docu movie about sa Attack of the Show! na tech tv show ng G4 nung late 2000s. Katuwa lang kasi napapanood ko rin siya dati sa cable tv (Jack TV ch. 51 sa SkyCable dati) so sobrang nostalgic. Yung show is all about technology, tech trends, gaming, comics, movies, etc. (in short overall geekiness) way before maging cool ang pagiging geek about something lol & di pa malakas ang social media back then kaya sila talaga yung parang central hub pagdating sa mga ganung topics. Dyan rin yung birthplace ng stardom ni Olivia Munn kaya unforgettable din talaga 😅
 
Back
Top Bottom