Doctor Strange in the Multiverse of Madness
Okay na MCU film. Hindi naman pangit, but definitely not on my top list. Kumbaga sa pro-wrestling, siguro nasa upper midcard division lang siya para sakin kasi nagmukha siyang WandaVision 2.0 since it felt na parang continuation lang din siya ng arc ni Wanda sa WandaVision, kumbaga nandito kasi yung climax ng character development niya eh.
Sa visuals, astig as usual which is expected na lagi sa mga MCU films. Although may mga piling moments na pansin ko, halata masyado yung fact na napapalibutan lang sila ng green screen tapos yung ibang running scenes nila Stephen & America, halata na tumatakbo lang sila sa threadmill. Overall, kitang-kita din yung directing style ni Raimi sa buong film lalo na kung nakapanood ka na ng past films niya. Masasabi mo talaga na Sam Raimi style eh.
Cameos, meh. Siguro dahil na-spoil na ko beforehand haha. Pero still, wala kasing bigat yung cameo appearances nila eh since hindi naman napaka-integral sa main story yung paglitaw ng mga characters na yun. I mean, kayang-kaya mag-progress ng kwento kahit di sila lumitaw lahat. Pero naawa lang talaga ako kay Blackagar. Never knew the inhuman Midnight King could be easily handled like that. Ang genius lang pati na rin nung kay Reed haha. Buti na lang din never akong na-sold dun sa fan theories about Tom Cruise. Kasi in the first place, malabo naman talagang i-cast siya as Superior Iron Man lol.
Overall, ayos lang. Saktong levels lang. Although aaminin ko, di hamak na mas enjoyed ko yung No Way Home kesa dito. So para sakin lang, okay na kong mapanood ang MoM kahit once lang, yung tipong basta maging updated lang ako sa happenings sa MCU.