Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

What was the last movie you saw at maganda ba?

-=Rip in Time=-

Kala ko Sci-Fi / Adventure.. yun pala Love Story .. hahaha anyways.. maganda yung movie kahit simple setting lang sya..
 
Midway - mahilig ako sa war documentary kaya pinanood ko sya, swabe bakbakan
 
Fantastic Beasts - The Secrets of Dumbledore

Sakto lang... Tbh di ako masyadong invested dito sa Fantastic Beasts (HP pa rin dabest lol) pero di hamak na mas nagandahan ako sa una kesa dito sa finale. Overall, siya din yung tipo ng movie na passable, yung okay lang na di mo mapanood pero if ever mapanood mo siya, kuntento ka nang mapanood siya once.
 
The Medium (2021) 5/10.

Mabagal ang story. May medyo may pagka-realistic din. Creepy. Kung nagustuhan nyo ung The Wailing ng Korean baka magustuhan nyo din ito.

Hustle (2022) 6/10

Magaling umakting ung mga NBA players. Para siyang NBA2k The Movie.
 
Doctor Strange in the Multiverse of Madness (2022) - 6/10

Di ko na enjoy. Super hyped pa naman ng movie na to.
 
Doctor Strange in the Multiverse of Madness

Okay na MCU film. Hindi naman pangit, but definitely not on my top list. Kumbaga sa pro-wrestling, siguro nasa upper midcard division lang siya para sakin kasi nagmukha siyang WandaVision 2.0 since it felt na parang continuation lang din siya ng arc ni Wanda sa WandaVision, kumbaga nandito kasi yung climax ng character development niya eh.

Sa visuals, astig as usual which is expected na lagi sa mga MCU films. Although may mga piling moments na pansin ko, halata masyado yung fact na napapalibutan lang sila ng green screen tapos yung ibang running scenes nila Stephen & America, halata na tumatakbo lang sila sa threadmill. Overall, kitang-kita din yung directing style ni Raimi sa buong film lalo na kung nakapanood ka na ng past films niya. Masasabi mo talaga na Sam Raimi style eh.

Cameos, meh. Siguro dahil na-spoil na ko beforehand haha. Pero still, wala kasing bigat yung cameo appearances nila eh since hindi naman napaka-integral sa main story yung paglitaw ng mga characters na yun. I mean, kayang-kaya mag-progress ng kwento kahit di sila lumitaw lahat. Pero naawa lang talaga ako kay Blackagar. Never knew the inhuman Midnight King could be easily handled like that. Ang genius lang pati na rin nung kay Reed haha. Buti na lang din never akong na-sold dun sa fan theories about Tom Cruise. Kasi in the first place, malabo naman talagang i-cast siya as Superior Iron Man lol.

Overall, ayos lang. Saktong levels lang. Although aaminin ko, di hamak na mas enjoyed ko yung No Way Home kesa dito. So para sakin lang, okay na kong mapanood ang MoM kahit once lang, yung tipong basta maging updated lang ako sa happenings sa MCU.
 
Spiderhead

Ayos lang naman. Interesting yung premise kahit na may mga nagsasabing pangit daw yung movie na 'to. Solid naman yung performance ni Chris Hemsworth while okay lang naman si Miles Teller.

Overall, okay film. Walang rewatch value for me kaya ayos nang mapanood ko siya once.
 
Hustle!

10/10!!

Pinakita talaga gano kahirap maging agent/player sa mundo ng NBA. Yung buhay na akala ng iba eh napaka dali lang, dito pinakita na talagang dadaan ka sa butas ng karayom at hardwork and perseverance talaga ang kailangan. Ika nga nila never give up. Sobrang inspiring nito. Maiinspired ka na magpursigi lalo sa buhay.
 
Thor: Love and Thunder
8.5 /10

Dahil sa hindi ako nakapasok sa anime con last sunday, nanood na lang ako ng sine.
Maganda naman ang movie. Medyo iba sya sa previous Thor movies siguro kasi sa absence ni Loki...
Complete package. romance, humor, action. Worth watching :approve:
 
Everything Everywhere All At Once

May idea na ko sa multiversal premise niya through word of mouth pero after seeing it, sobrang weird yet ang galing ng execution nung idea to the point na parang ang fresh tuloy ng story niya. Technically speaking, hindi naman bago yung concept na about nga sa multiverse & multiversal existence ng isang tao lalo pa't na-release 'to months before na-release ang Multiverse of Madness pero tbh di hamak na mas magandang multiverse movie 'to compared sa MoM kung execution ng idea alone ang pag-uusapan. At di hamak na mas maraming multiverses dito kumpara sa DS2:MoM despite its' title lol.

Ang daming weird yet nakakatawang ideas dito sa movie na nakakadagdag ng ganda pero pagdating sa third/final part ng pelikula, dun na papasok yung emotional parts na para sakin highlight din ng movie na 'to. Maganda yung kung pano nila napakita yung resolution ng conflicts ng bida at ng kalaban. Kaya para sakin solid yung story tsaka overall execution nitong EEAAO.

Overall, sobrang solid & fun. Hindi siya kasingganda ng MoM pagdating sa visuals at grandiosity ng scale pero pagdating sa mismong execution ng story & idea tsaka sa emotional impact, di hamak na mas lamang 'to.
 
Incantation 2022 5/10. Creepy, pero na bored ako, haha. Kung mahilig kayo sa found footage na palabas baka mag enjoy kayo.
 
Ang Larawan
Seamless portrayal of old manila. 5/10
 
Last edited:
The Roundup 2022 6/10 Good action, may mga comedy moments. Ma Dong Seok yan eh :lol:
 
Back
Top Bottom