Help po urgent lang... malapit na
deadline ng
proposal sa Artificial Intelligence pero wala pa rin kaming ibang maisip
Condition:
Not Existing! Else if existing, Enhance / Upgrade!
Proposed A.I.
1. Biometric + Patient info
Summary: Yung patient magiinput ng fingerprint niya sa biometric pag kukunin yung informations niya at ilalagay sa database para next time na may karamdaman ulit siya or any problems, Iinput niya na lang ulit yung fingerprint niya. This way bibilis ang process at mababawasan yung pag iintay ng ibang pasyente
Rejected due to this reason: Paano kung putol ang kamay ng patient? How would you input his/her info?
2. Biometric + OJT Attendance
Summary: Uso kasi sa OJT namin yung pagsusulat sa attendance ng mga kasama / kaklase na hindi naman talaga pumapasok. Nagkakaroon ng dayaan which is unfair sa iba. Bukod pa dito magiging hindi pala absent na yung mga nag OOJT.
Rejected due to this reason: Hindi naman priorities ng mga company talaga ang mga nag OOJT. Kung tutuusin yung mga nag OOJT ang nangangailangan sa kanila so hindi sila gagastos ng biometric para lang matiyak ang attendance ng mga nag OOJT. At bukod pa dun, iba iba ang ginagamit ng attendance nila sa OJT bukod sa logbook.
3. 3D Games
Summary: Balak sana namin gumawa ng games na bago sa paningin ng mga teenagers kaso....
Rejected due to this reason: Masyado ng maraming groups na nagpopropose ng games. So isa lang talaga yung pinayagan at napropose na nila hence, hindi na pwede to.
Urgent lang po guys help nyo naman po kaming mag isip ng proposed AI... Ako kasi leader malaki inaasahan ng group kahit di naman talaga ako ganun kagaling. Anyway balak namin tumingin sa raon kung may biometric kaming magagamit na bago sa pandinig ng prof namin. Binanggit naman ng prof namin na ok yung biometric fingerprint kaso kailangan daw namin itong "ihanay" sa tamang lugar like military aspect...