Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (32)

Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (32)


Secret Valentine
"Ang love story ng Candy at Yosi"







Ito po ang kauna-unahang pagtatangka ko na sumula ng isang kwento.
20.gif


Naisip ko lang po na itry ang ibang medium ng pagsulat.

Madami ng mga magagandang storya ang naipost dito at isa yun sa mga naghikayat sa akin na sumubok ding gumawa ng isang kwento.

First time ko po kaya be gentle
33.gif



39.gif

By parts ko din po iuupdate ang kwento na ito and your comments and feedbacks would certainly help.



Index:

Part 1

Part 2

Part 3

Part 4

Part 5

Part 6

Part 7

Part 8

Part 9

Part 10

Part 11

Part 12

Part 13

Part 14

Part 15

Part 16

Part 17

Part 18

Part 19

Part 20

Part 21

Part 22

Part 23

Part 24

Part 25

Part 26

Part 27

Part 28

Part 29

Part 30

Part 31

Part 32

Part 33















 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20)

abangan ko TS update nio po. tpusin nio n kaya,,hihihi
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (20)

2011 pa ito ah... Until now, di parin tapos? Sana di mo nalang inumpisahan, kung wala ka ring balak tapusin???:slap::slap::slap:
Dami ng nagbago, natapos na yung legal wife, humaba na yung buhok ni Dora, di parin tapos toh?
Mr. Author, tapusin mo na toh.. marami ng reader ang nabitin sa ere....:pray::pray::pray:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (21)

hindi ko muna ito babasahin hanggat hindi pa tapos ni ts maghihintay ako kahit taon bilangin hihi:p
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (21)

edi wow!!! haha

bitin nanaman ts...
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (21)

Tsaka ko na lang sya basahin kapag complete na. Bitin pa daw eh. Hehe
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (21)

Pa update ako nito bago matapos ang taon:lol: may maidagdag man lang ako bago mag newyear:slap:. Patawad sa mga nabjbitin sa kwento na ito. :pray:




part 22


Matatapos ang semister at tila mas nasanay na si Jc at Misha na wala ang isa't isa sa kanilang tabi.

"Ma, punta na po ako ng school para kumuha ng grade slip." paalam ni Jc sa ina.

Sa school, dumeretso sa kuhaan ng grade slip si Jc. Ngunit hindi maitatanggi na tila may hinahanap sya sa crowd mga studyante.

"Nakuha na kaya nya yung grades nya? Pasado kaya lahat? Kumusta na kaya sya." bulong mg binata sa sarili.

"Oi! ang lalim ng iniisip mo ah. mahal kita este mahal ka nun!"gulat ni Chester kay Jc

" Oh, ikaw pala yan. Ano ulit sabi mo? di ko narinig? tugon ng binata.

" Hirap sa'yo sa malayo ka nakafocus. Meron namang nasa tabi mo. Sabi ko, nakuha mo na ba grade slip mo?" si Chester

"Ah, eto pipila pa lang. Nakuha mo na ba yung sa'yo? Kung di pa sabay na tayo." si JC

Masaya si Chester na makita nya na ok na si Jc. Habang nakapila sila umeffort sya na huwag magkaroon ng dull moment. Hindi kasi nya kaya na makita ang binata na tila wala sa sarili. Bagama't alam nya ang dahilan. Gusto nya maipakita kay Jc na hindi lang ang nakasanayan nitong pang araw-araw na eksena ang maganda at dapat hanapin.

" Alam ko na nagiging makasarili ako sa gusto kong mangyari. Pero hindi lang naman ang iba ang may karapatan. Meron din naman akong chance na makuha ang makakapagpasaya sa akin." bulong ni Chester sa sarili. " Matagal ko na ding sinarili ang nararamdaman ko. Minsan sinasadya ko na lang na kunwari hindi ako marunong para makuha ang atensyon ni Jc at ngayon hindi ko pa ba i-grab ang pagkakataon."

"Ahm, Jc, may schedule ka na ba this summer? Meron kasi akong tita na gusto magtayo ng resort sa Cebu. Eh gusto nya ako ang magdesign." tanung ni Chester sa binata.

" Wala pa naman. Except sa kumain at matulog. Bakit mo naitanung?" si Jc

" Baka kasi pwede mo ako samahan. Tulungan na din kasi di ako masyadong magaling sa mga design." tugon ng dalaga.

" Ches, electronics ang major ko hahaha. Gagawa ka ba ng automated na resort?"

" Ungas! Nakakainis to. I mean magaling ka magdrawing. Saka pag hindi ko magawa natutulungan mo ako. Besides baka di ka pa nakapunta ng Cebu. All expense paid naman 'to. Pagkakataon mo na din." si Chester. "Malay mo makita mo pa ako naka swim suit. haha."

" Iyon ang opportunity!" si Jc
" Ang manyak mo talaga. Sabi ko na ng ba may pagnanasa sa akin."
" Ang bait ko kaya at inosente pa." tugod ng binata sabay kindat. " Pero kidding aside, pag-iisipan ko. Saka kailngan ko din mag paalam sa mama ko. Alam mo naman strict ang parent ko."

" Strict ang mukha mo! Let me know kung pwede ka." sabi ni chester habang niyuyugyug ang balikat ni Jc.

Iyon ang tagpo na nakita ni Misha na pipila na din sana sa pagkuha ng grade slip.

" I was hoping to see him and talk to him. kaso preoccupied na sya at the moment. May pahawak-hawak pa sa braso. Feeling gf." ismid ng dalaga.

Tatawagin sana ni Misha si Jc para makapag-usap ngunit nakita nyang paalis na ang dalawa at mukhang masayang masya.

" Buti maganda ang grades ko this sem. At pasado rin lahat ng subjects mo. Dahil dyan ililibre mo ako ng lunch!" wika ni Jc kay Chester.

"Ang daya! Bakit ako ang manlilibre?" si Chester.
" Kasi, may mga subjects kang ipinasa sa tulong ko hahahaha. At madami ka ng utang sa akin." si Jc.
"Bahala ka dyan!" sagot ng dalaga sabay takbo. Hinabol naman sya ng binata.

" At may pa-love team effect pang naghahabulan sa campus! Nananadya ba talaga 'tong lalaking to?" bulong ni Misha sa sarili. May halong inis at syempre lungkot. Dati kasi kasali sya sa eksena ngayon para na lang syang fan.

Biglang napatigil sa habol si Jc ng mapansin nito si Misha. Medyo naging slow mo ang paligid para bigyan ng time yung monolouge nya sa sarili.

" Kakausapin ko ba sya? Pagkakataon ko na para kumustahin sya. Pero umalis sya nung kinakantahan ko sya." magulo ang isip ng binata.
Sabay naman may tumapik kay Misha. Si Ryan. Natigilan si Jc at parang biglang naglaho yung moment niya. Tinuloy na lang ang pagtakbo na kunwari hindi nakita si Misha.
Hinatid na ni Ryan si Misha pauwi pagtapos nilang kumuha ng grades at mamasyal. Pero pansin nya na parang may lungkot na itinatago ang dalaga.

"Ingat ka pag-uwi." paalam ni Misha kay Ryan.
"Salamat, Pasabi kay tita uwi na ako. Text na lang kita pag dating sa bahay." paalam ng binata.

Pagkatapos mag hapunan, lumabas si Misha upang magpahangin. Naalala nya yung time na halos lagi silang magkasama ni Jc. Pero ang nasa isip nya ay tila yata may iba ng kinagigiliwan ang binata. Sa kanyang pagmumuni-muni nakita nyang may envelope na nakalabas sa mailbox ng gate nila. Kaagad nya itong kinuha at nakitang kaparehas ito ng papel na ginagamit nung nagpapadala sa kanya ng tula.

"Matagal na din akong hindi nakatanggap ng tula galing sa kanya. Akala ko nga tumigil na sya." bulong ni Misha sa sarili sabay basa ng tula.

Ang extrang hero

Ako ang extrang hero
Hindi sikat sa iyong mundo
Hindi tinitilian sa entablado
Ng iyong puso
Nanghihiram lang ng konting minuto.

Sa mga sandaling busy ang bida
Hayaan mo nawa
Na ako ang umextra
Magbigay ng saya at ligaya
Sana nga lang di ako makaabala
Pabanat lang ng konting linya.

Alam kong di ako ang bida
Ang mga linya ko ay di gaanung mahalaga.
Hindi akin ang kislap ng mga kamera
At ang ningning ng iyong mga mata.

Di man ako ang napiling star,
Sa teleserye ng iyong buhay
Asahan mong tuwing commercial
Ang extrang hero
Ay magpapabibo.

Bagama't naguguluhan ang isip. Nakatulog ang dalaga ng may ngiti sa labi.

" Tita, good morning po! nariyan po ba si Jc?"

" Ikaw pala yan Chester, nasa loob si Jc. Halika, pasok ka muna at mag almusal. Titignan ko kung gising na sya." tugon ng ina ni Jc.

Ginising nga ni Rose (pangalan ng ina ni JC) ang anak at pinaalam dito na may bisita sya. Matapos ay binalikan ang dalagang bisita.

" Pababa na iyon nag aayos lang. Ano nga pala't naparito ka iha?" Usisa ni Rose.
" Coconfirm ko lang po kasi sana kay Jc Yung tungkol sa napag-usapan namin." tugon mg dalaga.
At ibinigay nito amg detalye tungkol sa kamag-anakan nitong nais magtayo ng resort.

"Mukhang magandang endevour yan ha. Tiyak may matututunan kayo and at the same time mag eenjoy pa." si Rose.
"Iyon nga po ang nasabi ko kay Jc. Eh kayo naman ho ang idinahilan sa akin." si Chester.
"Aba eh, lokong bata talaga 'yon. Pag lulusot ako ang idadahilan. Malamang tinamad lang iyon. Wala naman yang gagawin kundi ang magmumukmok." sagot ni Rose. Hindi naman kasi lingid sa kanya na may nag iba sa kanyang anak. Naisip nyan marahil magandang change of phase ito para sa anak.

"Oi Ches ikaw pala yan! May lahi ka bang intsik?" sabat ng binata.
"Ha? Anong instik?" si Chester.
"Ang aga mo kasing umakyat ng ligaw. Natutulog pa nga ako bumibisita ka na." si Jc
"Ungas, masyadong kang assuming!" ismid ng dalaga. "Any way hindi naman pala problema kay tita Rose kung sasama ka sa akin eh."
"Ha? Sino may sabi?" si Jc
"Ako anak. Lintik ka talaga ako na naman ang idinahilan mo para sa katamaran ha." singit ni Rose.
"Well ma, I was under the impression na hindi mo gustong mawalay sa pinakamamahal mong anak." si Jc sabay lambing sa ina.
"Son, this will do you good. Kesa magmukmok ka lang sa kwarto mo sulking on what ifs." si Rose
"So it's settled then? I'll text you the detail once finalize ha." si Chester.
"May magagawa pa ba ako eh mukhang nakapagplano na kayo?" tugon ni Jc.

"This is going to be life changing. I'm going to let you see that there is more life than what you have been used to." bulong ni Chester sa sarili at nag paalam na ito.

"Alam mo Jc, Chester seems to be a nice girl. You have known her for quiet sometime na din naman di ba? And if I know you correctly, she has qualities that you like kasi ikaw yung tao na hindi makikihalubilo sa hindi mo gusto." baling ni Rose sa anak pag alis ng bisita.
"Ma, are you hinting on something? As of now ayaw ko munang icomplicate ang mga bagay." si Jc sabay balik sa kanyang kwarto.

Sa kanyang silid, napaisip ang binata tungkol sa kanyang present na sitwasyon with Misha, kung paano napupunan ni Chester ang void na nararamdaman nya. Bukod pa don ang katotohanan sa sinabi ng kanyang ina.

" Kung sabagay, after Misha si Chester naman na ang closest sa akin. At malamang kung hindi kami laging magkasama ni Misha there's a big chance na naging kami kasi she has that clear distinction between friendship ang relationship unlike sa amin ni Misha." naisip ni Jc.

Samantala, nag mumuni-muni din si Chester habang nasa byahe pauwi. Medyo trapik kasi tapos may back ground musoc pa sa jeep so feeling nya nasa mtv sya.

"Malinaw sa akin ang gusto ko. Mahal ko si Jc. Pero hindi ko lang magawang isingit ang sarili ko dahil sa kung ano mang meron sila ni Misha. I see that he was happy. Was, pero ngayon I think it is unfair na si Misha lang ang nag eenjoy sa pag explore ng mga options nya. Besides, may right din naman siguro akong habulin ang kaligayahan ko. I know I can make him happy too. Madami din naman nanligaw sa akin but I wanted to stay available. I had my fair share of sacrifices din naman."

Totoo ang mga sinabi ni Chester. Ang pag kakaibigan nila ni Jc ay halos sing tagal din ng pagkakakilala ni Jc at Misha. Yun nga lang di nyo alam 'yon kasi ngayon lang nasabi. Medyo dumistansya din kasi si Chester. Ayaw naman kasi nya na para silang laging may competetion kung isisingit nya ang sarili nya.
Pag dating sa bahay, agad tinext ng dalaga si Jc.

Ches: ei dude, thanks sa pag payag ha. although napagtulungan ka namin ni tita Rose. lol
Jc: hehe, sabi ko na eh kaya ka pumunta sa bahay.
Ches: ways ways hahaha.. oi pero kung di mo talaga gusto pwede ka pa naman mag back out. Ayaw ko naman na baka napilitan ka lang.
Jc: hindi naman ako papayag kung napilitan lang ako no. besides kailan ba kita natanggihan?
Ches: hehe alam ko namang hindi mo ako hihindian eh.
Jc: kaya inaabuso mo? lol
Ches: hindi kaya no. hindi ko na kailangan abusuhin kasi alam ko naman na lagi kang nan dyan.
Jc: Haba ng hair mo girl hahaha!
Ches: Mahaba talaga kasi hindi mo type yung maiksing buhok.:p
Jc: Bumabanat ka na nyan? hahaha
Ches: Kailngan pa bang banatin kung dati ng banat? haba na nga ng hair ko oh.
Jc: haha di talaga papatalo eh.
Ches: Syempre. Ipag lalaban kita este ipaglalaban kasi may katwiran. by the way 2nd week ng april ang alis natin.
Jc: Anong ipag lalaban?
Ches: Wala yun. basta mag prep ka 2nd week alis natin bobook ko na yung tickets.



 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (23)



Part 23


Isang gabi, narito naman si Misha at nag momoment. Hindi n’ya maintindihan ang nangyari sa kanila ni Jc. Hindi nya na pansin kung kailan nag simula at kuna paano lumaki ang void sa pagitan nila ng kaibigan.

“Nung nag sabi ako sa kanya about sa panliligaw ni Ryan, wala naman syang pagtutol. Hindi ko naman maalala na nag karoon ng pagkakataong ipinagpalit kong makasama sya kesa kay Ryan. Siya naman itong biglang lumayo. O baka naman nagseselos lang sya? Pero Malabo naming mang yari iyon kasi nung wala pa sa eksensa si Ryan at nasa kanya lahat ng pagkakataon wala naman syang ginawa. Alangan namang ngayon sya mag-uumepal? Maari din namang binibigyan nya lang kami ni Ryan ng space. Shit! Hindi ko kailngan ng space. Hindi ko pinangarap maging astronaut. Tapos, mayroon pa itong nagbibigay ng poem na hindi man lang magpakikilala. Obvious namang paghihinalaan ko na either si Jc ‘yon or si Ryan. Ang kaso, hindi ko naman nakitang nahilig si Jc sa mga tula at hindi naman nya style ‘yon. Si Ryan pa pwede, kaya lang maari din namang ibang tao. Sakit sa ulo!!!”

"Bakit parang ang lalim yata ng iniisip mo? Baka kung mapano ka nyan? Hindi ka pa naman sanay mag-isip." gulat ni Jayson sa kapatid.
"Nakakinis ka talaga kuya. Panira ka ng moment. Sanay ako mag-isip no. Pasado nga lahat ng subjects ko." si Misha.
"Natural namang dapat ipasa mo 'yon. Ang tinutukoy ko about sa buhay. Hindi kasi kita nakikitang madalas mag-isip tungkol don." si Jayson.
"Naguguluhan lang ako sa maraming bagay." tugon ng dalaga.
"Maraming bagay ba o dalawang tao? Haha, ang haba ng hair mo eh ang pangit mo naman."
"Ang intrigero mo kuya, hindi bagay sayo. Kung yan pala ang career mo dapat nag mass com ka na lang."
"Kidding aside, bata ka pa Misha. Marami pang experiences ang dadaan sa buhay mo. Enjoy life. Pangit ka na nga lalo ka pang pumapangit sa ginagawa mo hahaha."
"Alam mo kuya totoo sa buhay mo yung kasabihan there's a thin line between a genious and a fool. Minsan kasi yung mga salita mo may laman kaso pag tingin ko sa mukha mo parang ang tanga ko pag pinakinggan ko. Alis ka na nga dito." sabay bato ng unan.
"Hahaha, basta tandaan mo use your head to guide your heart not the other way around!" pahabol ni Jayson.
Napa-isip ang dalaga sa mga salitang binitiwan ng salita ng kanyang kapatid. Sa pag-iisip nya ang pinakamaganda talagang gawin ay makausap nya si Jc kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanila. Isang malaking bagay lamang ang nagpapahirap sa kanya. Iyong bakit parang sya lang ang apektado. Pakiramdam nya sya lang ang umeeport.
" Itext ko kaya sya or tawagan? hmmm, dapat siguro personal ito. Alam ko na dapat hindi lang ako ang umeffort kaya lang para masolusyunan 'to kailngan ko mag take ng initiave."


Samantala, abala si Jc sa pag aayos ng kanya mga gamit. Nalalapit na kasi yung pag alis nila ni Chester. Habang nag preprepare, nag-iisip din si Jc kung magpapaalam ba sya kay Misha. Hindi rin kasi sya sanay na umalis ng hindi alam ng dalaga.

" Kaso sa kalagayan ba namin, paano ako magpapaalam? Hindi ko alam paano ko sya lalapitan. Paano kung iwasan nya ako?" muni nito. " Hindi ko din kasi alam kung tama bang magpaalam ako or kung tama ba na hindi ako magpaalam or kung tama bang umalis ako ng ganito yung sitwasyon."
Naputol ang pag mumuni-muni ng binata ng tumunog ang kanyang callphone. Nakita nya ang text message mula kay Chester.
Chester: Jc, tuloy tayo ha. The day after tomorrow. Baka makalimutan mo.
Jc: Ha? saan tayo pupunta? May lakad ba tayo?
Chester: totoo ba?
Jc: hehe joke lang. Pick you up by 10am. 1pm naman yung flight so enought time na yun.
Chester: hmp! ewan ko sa'yo. papaka gentle man ka pa tapos mo ko pagtripan.
Jc: sungit nito. smile na jan. ayaw mo naman sigurong may wrinkles ka pag kita natin?
Chester: sige na dahil nag papaka gentle man ka hindi na ako maiinis.
Jc: hindi naman ako nag papakagentle man. Nagiging praktikal lang. Mas mahirap kasi sumakay ng taxi dito sa ami. at pihado papatulong ka magbuhat ng bag mo. Kaya mas safe na pumunta ako dyan
Chester: hmp! ewan sayo!
Jc: Sige na preprepare pa ako ng mga dadalhin. dapat maganda yung kasama ko sa bakasyon ha.
Chester: dati na!

Sa pag tatapos ng pag-aayos ng gamit nya. Napagdisisyonan ni Jc na puntahan si Misha upang kausapin ito at mag paalam na din. Nagtungo nga sya sa bahay nila Misha. Magakahalong saya at kaba ang nararamdaman niya. Kaba dahil sa hindi nya alam kung ano ang sasabihin niya o kung anong magiging resulta ng pag-uusap nila. Saya dahil makakausap na nya muli ang dalaga higit sa lahat makikita at makakasama nya na ito muli.

Nang malapit na sa bahay nila Misha, nakita ito ni Jc. Napatakbo syang bigla bunga ng bugso ng damdamin. Gusto nyang makausap agad ito. Ngunit bigla syang natigalan dahil may kausunod ito, Si Ryan at mukhang may lakad sila. Biglang nagbalik sa katotohanan ang binta. Sa katotohanang hindi na sya nag-iisa sa buhay ng dalaga at hindi na sya basta-basta pwedeng pumunta ng may kasiguraduhang mabibigyan sya ng attensyon ng dalaga. Bigla na lang syang napatalikod at lumakad pauwi. Hindi nya na nakita na napalingon pala sa gawi nya si Misha.

" Parang si Jc ata yun ah." nasabi ng dalaga sa sarili. Ngunit nung susundan nya na sana may humawak sa kamay nya.
"Misha, saan ka pupunta? Dito ang way natin sa kabila." si Ryan.
Ibig man sanang siguruhin ng dalaga kung si Jc nga ang nakita hindi naman nya makuhang masabi ito kay Ryan.
“Ayaw kong umalis ng hindi ko sa kanya nasasabi. Gusto ko maiayos ang lahat at maibalik sa dati yung relasyon namin. Nakapag lakad ako mula sa amin hanggang dito, pero bakit parang nawalan ako ng determinasyon nung nakita ko na sila. Naalala ko noon, nung nagsabi si Misha ng tungkol sa panlilgaw ni Ryan. Tama, wala akong naging pagtutol pero bakit masakit sa dibdib? Bakit ayaw kong makita na magkasama sila? Bakit di ako makalapit?” si Jc.



 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (23)



Part 24


Matapos ang ang isang land, air, sea, and land travel narrating nila ang kanilang destinasyon. Isang magandang dagat, puting buhangin, at sand bar ang sumalubong sa dalawa.

“Ito na ang pagkakataon ko. My resolve is to go all out and to let him know what I feel about him. This is it!” sabay hinga ng malalim si Chester.

“ Mukhang maganda ang location na napili ng tito mo parang bigla akong ginanahan. Nagkaroon ako ng mga ideas nung makita ko na yung place. Mukhang magiging productive and stay ko dito.” Si Jc

Nag punta na nga sila sa kani-kanilang kwarto nag ayos ng gamit at nag pahing. Si Jc naman kahit paano ay nakalimutan ang iniisip tungkol sa sitwasyon nila ni Misha. Pag dating pa lamang kasi nila sa lugar nabighani na sya at madami ng idea ang pumasok sa isipan nya.

Nafocus nga ang binata sa kanyang ginagawa kaya sa mga unang araw nila puro trabaho ang inatupag nito.

“Oi Jc, baka naman gusto mo rin i-enjoy ‘yung stay natin dito. It will help kung gagawin mo ‘yon. Para makita mo yung customer perspective.” Si Chester.

“Wow ha! Maka-customer perspective. Nabobored ka na no?” si Jc.

“Well medyo. Buti nahalata mo!” Paismid nyang tugon. “Mula ng dumating tayo ditto hindi ko pa naenjoy yung magandang dagat.”

“Nasa baba lang naman yun. Bakit kasi hindi maligo. Wala naman gaanong tao pag ganitong season.”

“And try to have fun by myself? Para naman akong kawawa non.” Pikon na tugon ng dalaga. “Bahala ka nga dyan!”

Nakaramdam naman ng pagka-guilty si Jc. Sa pagkakakilala nya kay Chester, ito yung taong mahilig paghaluin ang work at play. Kapag puro work siguradong mabobore ito at walang maayos na magagawa. Subalit, ayaw nyang ialis ang focus sa work dahil maaalala lang nya ang sitwasyon nila ni Misha. Pero naiisip din naman nya si Chester. Alam nya na isa sa mga dahilan nito kaya sya isinama dahil pansin ng dalaga na malungkot sya.

“Parang napaka-selfish ko naman ata. Hindi ko man lang pinagbigyan ‘yong maliit na bagay na hinihiling nya samantalang sya may ginagawa para sa akin. At mukha yatang nagtampo talaga gabi na hindi pa nangungulit. Talaga naman oh!!”

Lumabas nga ang binata ng resort at hinanap si Chester. Wala kasi ito sa resort kaya naisipan nyang lumakad sa dalampasigan. Baka sakaling makita nya ang hinahanap. At di naman sya nabigo ng matagpuan nya ang dalaga sa isang batuhan sa may dalampasigan.

“Oi , hindi bagay sa’yo ang nageemo-emohan. Bakit ka nag momoment dyan?” si Jc

“Ewan ko sa’yo. Gawin mo na lang ‘yong ginagawa mo.” Tugon ng dalaga

“Ang sungit naman nito. Nandito na nga ako oh.” Si Jc
“Tapusin mo na lang ginagawa mo. ‘Di ba ‘yon naman ang pinunta mo dito.” Si Chester.

“Sorry na kasi. Ito na nga ako oh, syempre hindi lang naman trabaho ang ipinunta ko dito. Gusto ko din naman mag bakasyon at maenjoy ang place.”

“Ok, then enjoy!”

“Is there something wrong? Bakit parang galit ka?”

“Ako? Galit? Hindi ‘no. Wal naman akong dapat ikagalit at wala kang dapat ihingi ng sorry.”

“Well, I doesn’t seem that way, Chester.” Tugon ni Jc, “You drag me all the way here to help do a favor for you and when I do what you ask me to magagalit ka.” Si Jc.

“Hindi nga ako galit.”

“Eh bakit…”

Sasagot pa sana si Jc ngunit tinakpan ni Chester ang bibig nya.

“Alam mo hindi kita sinama dito para gumawa lang ng trabaho. Gusto ko mag enjoy ka. Alam naman nating dalawa na kailngan mo ito. Pero nandito ka nga kaso hindi mo maharap yung magandang dagat, yung buhangin, yung maganang tanawin. Hanggang dito binaon mo yung problema mon a parang hindi mo mabitawan. Eh, wala ka namang pinanghahawakan nakakapit ka pa din? Ako, ilang araw mo na ako kasama, naisip mo ba ‘yon? Napansin mo ba ako? O natatakot ka na pag inalis mo ang focus mo sa ginagawa mo maisip mo nanaman sya? Sana minsan pansisnin mo din yung mga nasa paligid mo na hindi yung sa isang bagay ka lang nakatuon.” Sabay lakad palayo ang dalaga.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Jc ang luhang pumatak sa mga mata ni Chester. At hindi nya mabura ang tagpung iyon sa kanyang isip.Bukod kasi sa may punto ang mga sinabi ng dalaga may kung anung kurot sa puso din itong hatid.

Naisip nyang huwag munang sumunod sa dalaga at hayaan muna ito. Kumuha na lamang sya mg maiinum at nag moment sa beach.

“Parang nagmukha naman akong insensitive nun, baka kaya din lumayao si Misha sa akin,” bulong nya sa sariling sabaw lagok ng hawak na beer. “Hindi ko maintindihan ano bang nagagawa ko. Sinundan ko na nga sya para samahan pero galit pa din. Parang si Misha nung malapit sya nababalewala ko tapos ngayon ako ang parang nagpipilit na lumapit.”

Dito nya naalala ang mga salita ni Chester. “Sana minsan pansisnin mo din yung mga nasa paligid mo na hindi yung sa isang bagay ka lang nakatuon.”

Nakatuon pa din ang atensyon nya kay Misha kahit malayo ito, kahit nagkakalayo na ang loob nila sa isa’t isa. Hindi na nya napapansin ang mga bagay na maari naman nyang ienjoy.

Nang medyo may tama na dahil sa dami ng nainum, naisipan nan yang pumasok sa loob at itulog na lamang ang sitwasyon sa ngayon. Hindi rin kasi sya confident sa matatanggal nya ang tampo ni Chester sa kanya. Papasok n asana sya sa loob ng kanyang silid ng biglaang may yumakap sa likod nya. Dahil sa biglang pagyakap at sa kawalan ng balanse natumba silang paupo. Nguni’t dama nyang hindi pa din bumibitaw and nakayakap sa kanya. Wala itong imik, ngunit dama nya ang katawan na nakayakap sa kanya. Dama nya ang malambot na dibdib na nakadiin sa kanyang likod. Nang akmang lilingun sya likod, pinigilan sya nito.

“Can we just stay like this for now. Ayaw kong makita mo ako na ganito ako. I have been selfish and unfair na jinudge kita. I know for a fact yung sitwasyon mo. Naiinis lang ako kasi wala akong magawa. I know, I’m the least of your concerns right now and I felt frustrated. Hindi naman na lingid sayo that I consider you as someone special kahit noo pa. Mas nakatuon lang kasi ang atensyon mo kay Misha and even now na tayo ang magkasama at malayo sya hindi ko pa din magawang manalo. Kaya right now, I want you to feel what I feel. “

“Ana ba kasing sinasabi mo Chester, matagal na tayong magkaibigan at wala naman akong naging special na pagtrato kahit kanino.” Si Jc

“Akala mo lang ‘yon.” Sagot ni Chester sabay siksik ng mukha sya sa likod ng binata.

Nadama nya ang pag iyak ng dalaga at paghigpit ng yakap nito. Nadala ng sitwasyon, iniyakap din nya ang kanyang mga kamay sa mga kamay nito. Nanatili sila sa ganitong kalagayan ng mga ilang sandal.

“Alam mo Jc, matagal na kitang gusto. Nagpapagawa ako at nag papatulong sa mga project ko kadalasan para makakuha ng koting panahon mo. Nung nakita kong may madalas nang kasamang iba si Misha may parte ng pagkatao ko na natuwa dahil may pagkakataon na ako, pero hindi ko naman magawang maging masaya kung makikita naman kitang ganyan. Mahal kita kaya kahit mahirap sasamahan kita sa sitwasyon mo ngayon hanggang marealize mo na hindi lang si Misha ang mahalaga sa buhay mo.” Sabay halik sa may batok ng binate.

Akma nang ihaharap ni Chester sa kanya ang binata nang maramdaman niyang nakatulog na pala ito.






 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (25)



Part 25




Kinaumagahan nagising si JC na nakayakap pa sa kanya ang dalaga. Marahan s’yang kumalas sa pagkakayakap nito at maingat itong binuhat patungo sa silid nito. Nang maihiga na nya ito, muli siyang napasulyap sa dalaga at naalala ang nangyari nung gabi. Alam nya ang lahat at narinig nya ang mga sinabi nito. Subalit, pumikit sya at nagkunwaring tulog dahil hindi nya alam kung anong response ang ibibigay sa dalaga.

Naupo siya sa tabi ng higaan at pinagmasdan ang dalaga. Matagal na nga naman silang magkaibigan nito ngunit hindi nya talaga napansin ang ganda nito. Tama ang mama nya kahit ‘di nya aminin, na kay Chester ang mga katangian na gusto nya.

“Pasensya kana kung hindi ako nagkalakas ng loob kagabi. Kung lagi ko naipaparamdam sa’yo na parang wala ka lang. Kung hindi ko naapriciate ang mga bagay na ginagawa mo para sa akin.” bulong nito sa dalaga sabay halik sa pisngi nito at lumabas na ng silid.

Nagising si Chester ng umagang iyon na parang wala lang. Nguni’t bigla nyan naalala ang mga kaganapan kagabi bigla syang nakaramdam ng hiya.

“Sheettttt!!! Ano ba nangyari kagabi,” sabay takip ng unan sa mukha. “Narinig kaya nya ‘yon o tulog na sya? Hindi! Sure ako tulog na sya non. Pero pano kung narinig nya? Hindi! Hindi! Nakita ko na tulog sya. Kaso pano kung gising pa sya nung nag sasalita ako? Paano kung narinig nya lahat?? Teka bakit ba ako nag-aalala? Eh, di ba gusto ko naman talaga ipaalam sa kanya? AAAAhhhh!!!! Pero di sana sa ganung paraan.”

Oras ng almusal, hirap na hirap si Chester na ihakbang ang kanyang mga paa at ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib. Hindi kasi nya alam kung paano haharap kay JC. Palinga-linga pa ito at tila inaalam kung nasaan ang binata. Nang may biglang may magsalita galing sa likod nya.

“Mayroon kabang tinataguan or nag babalak ka bang magnakaw ng pagkain? Para kang kriminal dyan. Hahah.” Si Jc na may dalang pagkain na ihahain sa hapag. “Padaan na! kung di ka nag mamadali, ako nagmamadali. Mainit ‘tong dala ko.”

“Ay, sorry! “ gulat na sagot ng dalaga. “Hindi ko naman alam na nandyan ka pala sa likod.”

“Bilisan mo maupo ka na dito. Nagluto ako ng breakfast.” Aya ni Jc

Parang biglang lumuwag ang dibdib ng dalaga. Wala naman pala syang dapat ipag-alala. Naging normal ang pagbati sa kanya ni Jc.

“Ano tatatyo ka na lang ba dyan? Ito nilagyan ko na ng pagkain yung plate mo. Kain na bago pa lumamig.” Si JC.

Wala ngang kakaibang reaksyon si Jc, ngunit di naman nya mapigilan mapangiti dahil sa ginawa ng binata.

“Ano ba ‘to? Hindi ako sanay. Hindi ko mapigilan mapangiti.” Bulong nya sa sarili.

“Baka masanay ako nito ha. Lagi na kitang paglutuin ng breakfast.” Baling nya kay Jc.

“Wala naman problema kung mapapagtyagaan mo bang kainin ang luto ko. Kaso baka ‘di lang ang luto ko ang magustuhan mo ha.” Si Jc. Isang kiming ngiti lang ang naisagot ni Chester.

Naging mas maasikaso si Jc sa dalaga. Nag karoon din sila ng mga pagkakataon na maglibot sa isla. Mag Island hopping at iba’t ibang activity. Naging mas masaya ang mga nalalabing araw ng kanilang bakasyon. Parehas nilang naramdaman na they have grown closer than ever.

Sa huling araw ng kanilang bakasayon niyaya ni Chester si Jc sa tabing dagat.

“Mauna kana, ioorganize ko lang itong mga design para maibigay ko na sa Uncle mo. Kailngan na nya makita mga ito para naman hindi nya sabihing lugi sya sa gastos nya sa atin. Hahaha!” si Jc.

“Sige! I’ll wait for you outside sa may dalampasigan.”

Nauna na nga si Chester sa dalamapsigan. Pinagmamasdan nya ang tagpuan ng langit at ng dagat. At ang ganda ng kulay ng langit dahil sa sunset. Parang yung tipikal na scene sa mga pelikula pag nagmumuni-muni ang bida. Naupo siya sa may batuhan at naalala niya ang naging pag-uusap nila ni Jc sa batuhang ito. Naisip nyang linawin sa binata ang lahat ngunit naisip nyang nasabi nya na ang kailngan nyang sabihin. May part pa din sa kanya na umaasa na nalaman nga ito ng binata at magrespond ito positively sa feelings nya.

“Well, that’s that. Tingin ko naman ay anagawa ko na ang parte ko. I have stepped forward. Nasa kanya na lang kung hahakbang din sya palapit sa akin or hahakbang sya pabalik.” Muni-muni ng dalaga habang pinagmamasdan ang bakas ng kanyang mga paa sa buhangin. “Huwag nga lang sana daan ng dagat at mabura yung mga hakbang na inilakad ko palapit sa puso nya.”

“Ang lalim ng iniisip mo ah. Inaabangan mo ba kung maabot ng alon yung mga footprints mo? Hehe, tamang emote lang?” si Jc. Ikinagulat ng dalaga dahil ‘di nya namalayan na dumating na pala ito.

“Hindi naman. Naiisip ko lang na pag nadaanan na ng alon ang mga bakas ng yapak ko sa buhangin mabubura na sya at wala nang magiging tanda na dumaan ako dito.” Si Chester

“Kailngan ba lagi mayroon bakas na visible? Mabura man yan o hindi, the fact na nanggaling ka dito ay hindi magbabago. Parang pag dumaan ka sa buhay ng isang tao, pilitin mang burahin o ideny o kalimutan hindi mo pa din talaga mabubura ang alaala na maiiwan. Siguro darating ka sa point na hindi na mahalaga sa’yo ang alaala but it will still remain somewhere in your memory. Just like our vacation here. Thank you for adding a wonderful memory that I will cherish for the rest of my life.” Si Jc

“So mawawala na lang sya or malilimutan if you decide na hindi na ako mahalagang maalala?”si Chester

“Saan naman galing ‘yan?”nagtatakang tanung ni Jc.

“Well, naisip ko lang naman. Madami kasing mas mahalagang memory dyan sa ulo mo. Baka wala nang mapagsiksikan yung memory na tayong dalawa naman ang may gawa.” Si Chester.

“Wala akong maipapangako sa ngayon. Pero para sa aking lahat naman ng alaala ay mahalaga. Lalong mahalaga pag mahalagang tao ang kasama mo sa alaala na ‘yon. I don’t think you should judge na hindi mahalaga ang pinagsamahan natin sa vacation na ‘to. Kasi mahalaga ka.” Si Jc
“Talaga lang ha? Well, not as important as your special someone.” –Chester.

“Bahala ka dyan. Hindi naman kita mapipilit kung hindi ka maniniwala. This place will be a very important place for me. Madami akong realization, lalo na dito sa batuhang ito.” Sagot ng binata sabay hawak sa kamay ng dalaga. “Thank you sa mga bagay na pinarealize mo sa akin. Hindi ko alam kung paano ko tutugunan yung feelings mo para sa akin o kung paano ko masusuklian yung kabutihan mo sa akin. Wala akong maipangako maliban sa pagpapalawak ng horizon ko. Ayaw ko naman kasi maging unfair sa’yo.”

“Sapat na sa akin na alam kong alam mo. Thank you, hindi mo binalewala yung mga salitang binitiwan ko at hindi mo idineny yung nararamdaman ko.”


 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (25)

ganda nito ts..update pa..hehehe
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (25)

Ouch kala ko tapos, sLamat dito nakak inlove at nakka hurt na story
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (25)

ayos tong story mo ts....salamat sa pag share....
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (25)

bukod sa kape.. may bagong nagpapakilig sa akin..



sana matapos ko to hanggang mamaya..

hindi lang ako makapagsalita kasi 'di ko mabuka labi ko abot kasi dito yung kapal mg mukha mo. Hahaha!

ambigat ng joke na toh.. di ako makamove on :lmao:


museett ka idol.. kaya pala tinanong mo kung anong part na ako..


habang papalapit yung last page nito, kinakabahan ako dahil baka mabitin ako...


waaa at yun na nga po..


nasa climax na ako tapos bitin waaa,,, ayheyt yu.. :lmao:
 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (25)

ts update pleaaseee :pray::pray::pray: ganda ng story eh
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (25)

ganda nito ts..update pa..hehehe

:thanks: sa pagbasa.

Ouch kala ko tapos, sLamat dito nakak inlove at nakka hurt na story

:welcome: relate ba?

ayos tong story mo ts....salamat sa pag share....

:welcome: :thanks: sa pagbasa. :hat:

bukod sa kape.. may bagong nagpapakilig sa akin..



sana matapos ko to hanggang mamaya..



ambigat ng joke na toh.. di ako makamove on :lmao:


museett ka idol.. kaya pala tinanong mo kung anong part na ako..


habang papalapit yung last page nito, kinakabahan ako dahil baka mabitin ako...


waaa at yun na nga po..


nasa climax na ako tapos bitin waaa,,, ayheyt yu.. :lmao:

:lol: minsan -minsan mabitin din..:thanks: sa pagbasa:hat:

ts update pleaaseee :pray::pray::pray: ganda ng story eh

:thanks: sa pagbasa. will be posting the update.
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (25)




Part 26




“Baka malunod ka dyan sa iniisip mo ha?” tawag pansin ni Ryan kay Misha. Habang kasi kumakain sila napansin nyang may mga moments ng tulala and dalaga na tila ba may malalim na iniisip. Kanina lamang kasi parang nakita nya si Jc at ninais nyang kausapin ito at tila nagkukusa yung kanyang katawan kung hindi lamang sya nahawakan ni Ryan.

“Misha?” imik ulit ni Ryan sabay tapik sa kamay ng dalaga.
“Ha? Ba-bakit? Ano yon?” gulat na tugon ng dalaga.
“Sabi ko baka malunod ka dyan sa sabaw na inorder mo. Ang hilig mo kasi sa mga pagkaing may sabaw.” Si Ryan.
“Hindi naman ako lalangoy dyan. Ano ba kasi ‘yon?” ulit ng dalaga.
“Kanina ka pa kasi tulala dyan. Parang ang dami mong iniisip eh nandito naman ako.” Si Ryan.
“Wala naman. Wala naman akong iniisip.” Tugon ni Misha at ipinag patuloy na ang pagkain.

Matapos kumainay nagpaalam si Misha kay Ryan. Idinahilan ng dalaga na biglang sumama ang pakiramdam nito sa kung anong hindi maipaliwanag na dahilan. Nag ooffer pa ang binata na samahan siya mag pa-check-up ngunit tumanggi ang dalaga.

“Kailngan ko lang siguro ito ipahinga. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi.” Pag dadahilan ng dalaga.
“Kung ano pa man ang dahilan nyan, hindi ba mas maganda na ang doktor ang magsabi para mayron ding kasamang sulusyon.” Si Ryan.
“Ipapahinga ko na muna lamang ngayon. Kung hindi magiging ok hanggang bukas mag papacheck-up ako promise.” Si Misha.
“ Sige, make sure na magpacheck-up kung maramdaman mo na hindi gumagaan pakiramdam mo.”

Habang pauwi nadaanan ni Misha ang bahay nila JC. Naisip nya na mas mainam para sa kanilang dalawa ang makapag-usap at mailiwanagan ang lahat sa kanila. Naapektuhan na din kasi sya. Nagdecide ang dalaga na bumaba sa bahay nila JC. Ngunit ang naabutan nya lamang doon ay si Rose.

“Oh Misha, napadalaw ka? Tagal mo ding hindi nagawi dito ah. May ini-utos ba ang mommy mo? Tuloy ka muna at maupo kuha lang kita ng mamimiryenda.”

“Salamat po. Wala naman po tita, pupuntahan ko lamang po si Jc. Nandyan po ba sya?” si Misha.

Mula sa kusina tumugon si Rose, “Naku! Hindi ba sya nagsabi sa’yo? Kasama nya si Chester nag punta sila sa Cebu. Hehe, nagbakasyon ata o may project ba yun na gagawin.”

“May project? Eh bakasyon ngayon? Bakit hindi na lang inamin ang tunay na rason.” Bulong ni Misha sa sarili, “ Anong meron sa kanila ni Chester at talagang sumama pa sya don sa babaeng ‘yon. Pwest wala ako pake sa kanila!”

“Ganun po ba tita, sige po tutuloy na po ako. Akala ko kasi nandito sya.” Sabay tayo at paalam kay Rose.

“Bat bigla-bigla naman nagbago ang mood non? Mga kabataan ngayon hindi mo maintindihan.” Pagtataka naman ni Rose.



Inis na umuwi si Misha sa bahay nila. Inis sya na hindi nakapagpaalam si JC sa kanya. Inis sya na hindi nya mapaniwalaan ang dahilan ng pag-alis ng dalawa. Inis sya na sa lahat si Chester ang kasama ni Jc at higit sa lahat naiinis sya dahil alam nya sa sarili nya na wala naman syang karapatang makaramdam ng ganun dahil malaya naman si Jc at madalas din naman na iba ang kasama nya. Pero hindi nya mapigilan ang sarili nyang makaramdam ng ayaw nyang aminin na selos at wala syang magawa kung hindi tanggapin ang sitwasyon.

Nahiga sya sa kanyang kama at hawak-hawak ang kanyang cellphone. Nakabukas ang thread nilang dalawa ni Jc na parang kailan lang laging nabibigay ng ngiti sa kanyang labi. Sinubukan nyang magtype ng mensahe.

“Hoy Yosi boy! Cno may sabi sau na pde ka umalis?
Di ka nman pinyagan kc di ka nagpaalam. At project habang bakasyon?
Taray ng reson ha??” sabay pikit mata nyang isinend.

Inilapag nya ang cp nya sa may ulunan at nag-antay ng reply. Habang nag aantay nag tatalo ang kanyang isip kung tama ba ao mali ang kanyang ginawa.

“Bakit ako pa din naman ang bestfriend nya. Hindi naman masamang magtanung ako kung nasaan sya or magtampo ako kung nawala sya bigla ng hindi ko alam. Saka, my goodness! Project eh bakasyon ngayon. Kaso pano kung sabihin nyan karapatan naman nya ‘yon at hindi nman nya kailngan magpaalam sa bawat bagay na gusto nyang gawin? Saka sino ba ako?”

Muli nyang tinignan yung ilaw ng cp nya na nag bibigay ng notification kunbg may message sya, ngunit wala syang nakikitang ilaw galing dito.

“Pano kung nainis sya sa message ko? Paano kung hindi sya nagrereply kasi wala naman syang obligasyong magpaliwanag sa akin.”

Naputol ang pagmumuni-muni nya nag makakita ng munting kulay blue na liwang muna sa cp nya. Agad nya itong binuksan. Sabay tingin sa notification.

“Failed sending message. Please tap here to resend.” Ang mensahe sa notification na gumulat sa kanya.





 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (25)

ayiieee may update na :excited: ..


haha.. basa mode na.. excited lungs magcomment :lmao:

nakakamiss kasi to waa.. :wub:
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (25)

21st Aug 2011, 19:59 till present

Grabe TS kinilig aq haha, ilang taon dn tumatakbo ang series na itu.. Parang inaantay q ang next episode :D

Natapos q ung Episode 1 to 26 just in 1 day..

PS: nakakabitin mukang buwan nnman ang aantayin sa susunod na episode :((((
 
Last edited:
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (25)

ma goodness TS, kahit dito paasa din huhuhu, sana po tapusin nyo ung kwento please :)
 
Re: Secret Valentine "Ang love story ng candy♀ at yosi♂" (26)

Up TS :pray:
 
Back
Top Bottom